Back to top

The Reformation Herald Online Edition

ANG MENSAHE PARA SA MGA HULING ARAW

BIYERNES, DISYEMBRE 6, 2024
ANG NATATANGING BANAL NA MENSAHE
PINAGSAMA-SAMA MULA SA MGA SULAT NI
ELLEN G. WHITE
PAGHAHANDA PARA SA PAGDATING NI CRISTO

Mahal na mga Kapatid na lalaki at babae,

Naniniwala ba tayo ng buong puso na si Kristo ay malapit nang dumating at kaya mayroon tayong huling mensahe ng awa na patuloy na ibibigay sa nagkasalang sanlibutan? Ang atin bang halimbawa ay kung ano ang nararapat? Tayo ba, sa pamamagitan ng ating buhay at banal na pamumuhay, ay naipapakita sa mga nakapaligid sa atin na tayo ay naghihintay sa maluwalhating pagpapakita ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si JesuCristo, na babago ng masasamang katawan at gagawin itong tulad ng Kanyang maluwalhating katawan? Ako ay natatakot na hindi natin pinaniniwalaan at napagtatanto ang mga bagay na ito ayon sa nararapat. Yaong mga naniniwala sa mahahalagang katotohanan na ating ipinahahayag, ay dapat kumilos ayon sa kanilang pananampalataya. Napakaraming naghahanap ng mga pansamantalang kasiyahan at mga bagay na umaagaw ng pansin sa sanlibutang ito; ang isipan ay tumatakbo nang labis tungkol sa pananamit, at ang dila ay masyadong madalas na nauugnay sa mababaw at walang kabuluhang usapan, na nagbibigay ng maling paglalarawan sa ating pag-aangkin, sapagkat ang ating pagkamamamayan ay hindi sa langit, dahil dito ay hinihintay natin ang Tagapagligtas.

Ang mga anghel ay nakatingin at nagbabantay sa atin; madalas nating pinagdadalamhati ang mga anghel na ito sa pamamagitan ng pagpapakabuyo sa walang kabuluhang usapan, kapilyuhan, at pakikipagbiruan, at sa pamamagitan din ng pagkalugmok sa isang walang ingat, walang silbing kalagayan. Kahit na tayo ngayon at sa susunod ay maaaring gumawa ng pagsisikap para sa tagumpay at makuha ito, ngunit kung hindi natin ito iingatan, kundi malulugmok sa gayon ding walang ingat, pabayang kalagayan, hindi makayang makapagtiis sa mga tukso at labanan ang kaaway, hindi natin mapagtitiisan ang pagsubok sa ating pananampalataya na lalong mahalaga kaysa ginto. Tayo ay hindi nagtitiis alang-alang kay Kristo, at nagagalak sa kapighatian.

May napakalaking kakulangan ng Kristiyanong katatagan ng loob at paglilingkod sa Diyos na mula sa prinsipyo. Hindi natin dapat sikaping paluguran at bigyang-kasiyahan ang sarili, kundi parangalan at luwalhatiin ang Diyos, at sa lahat ng ating ginagawa at sinasabi ay magkaroon ng matang nakatutok sa Kanyang kaluwalhatian. Kung hahayaan nating makintal sa ating mga puso ang mga sumusunod na mahahalagang salita, at lagi itong isasaisip, tayo ay hindi madaling mahuhulog sa tukso at ang ating mga salita ay dapat konti lamang at napipiling mabuti: “Siya ay nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya ay nabugbog dahil sa ating mga kasamaan: ang kaparusahan ng ating kapayapaan ay nasa Kanya; at sa Kanyang mga latay tayo ay gumaling.” “Bawat walang kabuluhang salita na binibigkas ng mga tao, ay pananagutan sa araw ng paghuhukom.” "Ikaw ay Diyos na nakakakita."

Hindi natin maiisip ang mga mahahalagang salitang ito, at maaalaala ang mga paghihirap ni Hesus upang tayong mga abang mga makasalanan ay maaaring makatanggap ng kapatawaran at matubos sa Diyos sa pamamamagitan ng Kanyang napakahalagang dugo, kung walang pagka-dama ng isang banal na pagpipigil sa atin at isang marubdob na pagnanais na magtiis para sa Kanya na nagtiis at nagbata ng labis para sa atin. Kung tayo ay mananatili sa mga bagay na ito, ang iniibig na sarili, kasama ang dignidad nito, ay magpapakumbaba, at sa lugar nito ay sasakupin ng pagiging simple ng isang tulad ng bata na magagawang tiisin ang saway ng iba at hindi magiging madaling magalit. Ang isang espiritu na may matigas na kalooban ay hindi makakapasok upang pangunahan ang kaluluwa.1

PAGPAPAHALAGA SA ATING PAGKAKATAON

Nang aking maunawaan kung gaano kahalaga ang nagawa para sa atin upang mapanatili tayong matuwid, ako ay napapabulalas, Oh, anong pag-ibig, anong kahanga-hangang pag-ibig, mayroon ang Anak ng Diyos para sa ating abang makasalanan! Dapat pa ba tayong maging hangal at walang ingat habang ang lahat na maaaring magawa ay ginagawa para sa ating kaligtasan? Ang buong kalangitan ay may pagmamalasakit para sa atin. Tayo ay dapat maging masigla at gising para parangalan, luwalhatiin, at sambahin ang mataas at matayog na Isa. Ang ating mga puso ay dapat mag-umapaw sa pag-ibig at pasasalamat sa Kanya na puspos ng pag-ibig at habag sa atin. Sa ating buhay ay dapat nating parangalan Siya, at sa dalisay at banal na pamumuhay ay ipakita na tayo ay ipinanganak mula sa itaas, na ang mundong ito ay hindi ang ating tahanan, kundi tayo ay mga manlalakbay at mga dayuhan dito, naglalakbay tungo sa isang lalong mabuting lupain.

Marami sa mga nagpapahayag ng pangalan ng Kristo at nag-aangkin na pinakananasa Ang kanyang mabilis na pagdating, ay hindi nalalaman kung ano ang magtiis alang-alang kay Kristo. Ang kanilang ang mga puso ay hindi nasupil ng biyaya, at sila ay hindi patay sa sarili, na madalas na ipinapakita sa iba't ibang paraan. Sa parehong panahon sila ay nagsasalita ng tungkol sa pagkakaroon ng mga pagsubok. Ngunit ang pangunahing dahilan ng kanilang mga pagsubok ay ang hindi nasusupil na puso, na gumagawa sa sarili na napaka-sensitibo kapag ito ay madalas na nasasalungat. Kung ang gayon ay nauunawaan kung ano ang maging isang abang tagasunod ni Kristo, isang tunay na Kristiyano, sila ay magsisimulang gumawa nang may mabuting sigasig at magsisimula sa tama. Sila ay dapat munang mamatay sa sarili, pagkatapos ay maging masikap sa panalangin, at suriin ang bawat naisin ng puso. Isuko ang inyong tiwala sa sarili at pagiging-sapat sa sarili, mga kapatid, at sundin ang maamong Huwaran. Patuloy na panatilihin sa isipan si Jesus na Siya ang inyong halimbawa at dapat nating lakaran ang Kanyang mga bakas. Na masdan natin si Hesus, na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan. Siya ay nagtiis ng pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa Kanyang sarili. Siya para sa ating mga kasalanan ay ang maamo, na minsang pinatay na tupa, nasugatan, nabugbog, sinaktan, at napighati.2

PAMUMUHAY NG MAS MABABA SA ATING MGA PRIBILEHIYO

Tayo ay malayo pa sa pagiging bayan na nais ng Dios na maging tayo, dahil hindi natin pinararangal ang kaluluwa at dinadalisay ang pag-uugali na naaayon sa kahanga-hangang paglalahad ng katotohanan ng Dios at ng Kanyang mga layunin. “Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan” (Kawikaan14:34). Ang kasalanan ay taga-panggulo. Saan man ito itinatangi—sa puso ng bawat isa, sa tahanan, sa iglesia—ay may kaguluhan, pagtatalo, alitan, awayan, inggit, paninibugho, dahil ang kaaway ng tao at ng Diyos ay may kapangyarihang magkontrol ng isipan. Ngunit hayaan ang katotohanan ay ibigin at dalhin sa pamumuhay, at pagtibayin, at upang ang mga lalaki o babae ay mamuhi sa kasalanan at maging buhay na kinatawan ni Hesu-Kristo sa sanlibutan.

Ang mga taong nagsasabing sumasampalataya sa katotohanan ay hindi hahatulan dahil sa sila ay wala ng liwanag, kundi dahil sila ay mayroong dakilang liwanag at hindi dinadala sa kanilang mga puso sa pagsusuri sa dakilang moral na pamantayan ng Diyos sa katuwiran. Ang mga taong nag-aangking sumasampalataya sa katotohanan ay dapat na maging marangal sa pamamagitan ng pagsasabuhay nito. Ang tunay na relihiyon ng Biblia ay dapat lumago ang buhay, dalisayin at parangalin ang pag-uugali, na ginagawa nitong lalong mas katulad ng banal na huwaran. Pagkatapos ang tahanan ay magiging masiglang magpahayag ng panalangin, sa pasasalamat at papuri sa Diyos. Ang mga anghel ay naglilingkod sa tahanan at pinapatnubayan ang sumasamba sa bahay dalanginan.

Hayaan ang mga iglesia na nag-aangkin na sumasampalataya sa katotohanan, na nagtataguyod ng kautusan ng Diyos, na sundin ang kautusang iyon at humiwalay sa lahat ng kasamaan. Hayaang ang bawat kaanib ng iglesia ay labanan ang mga tukso ng pagsasanay sa paggawa ng kasamaan at pagpapakabuyo sa kasalanan. Hayaang ang iglesia ay simulan ang gawain ng paglilinis sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisisi, pagpapakumbaba, malalim na pagsasaliksik sa puso, dahil tayo ay nasa katuparan ng araw ng pagbabayad-sala (antitypical day of atonement)—ang solemneng oras ay punong-puno ng walang hanggang mga bunga.

Hayaang ang mga nagtuturo ng katotohanan ay ipahayag ito ayon kay Hesus. Sa ilalim ng nagpapasuko, nagpapabanal, nagdadalisay na kapangyarihan ng katotohanan ng Diyos sila ay tulad ng malinis na sisidlan. Hayaang sila ay mapuno ng lebadura ng relihiyon ng Bibliya, O, anong impluwensya ang lalabas mula sa kanila tungo sa sanlibutan! Hayaang ang bawat kaanib ng iglesia ay maging malinis, matatag, hindi matitinag, laging sagana sa pag-ibig ni Hesus, at sila ay magiging isang liwanag sa sanlibutan. Hayaang ang mga taong nakatayo bilang mga bantay at bilang mga pastor ng kawan ay ipahayag ang solemneng katotohanan, patunugin ang himig ng babala sa lahat ng mga tao, mga bansa, at mga wika. Hayaan silang maging buhay na mga kinatawan ng katotohanang kanilang itinataguyod, at igalang ang kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng mahigpit at banal na pagsunod sa mga hinihiling nito, lumalakad sa harapan ng Panginoon sa kadalisayan, sa kabanalan, at isang kapangyarihan ang tutulong sa pagpapahayag ng katotohanan na magpapakalat ng liwanag sa lahat ng dako.

PINAMIMIGHATI ANG ESPIRITU NG DIYOS

Ang Diyos ay hindi pinababayaan ang mga tao o ang bawat isa hanggang talikuran nila Siya. Ang panlabas na pagsalungat ay hindi magiging sanhi sa pananampalataya ng bayan ng Diyos, na sumusunod sa Kanyang mga ipinag-uutos, upang manghina. Ang pagpapabaya na dalhin ang kadalisayan at katotohanan sa pagsasagawa ay pinipighati ang Espiritu ng Diyos at nagpapahina sa kanila dahil wala ang Diyos sa gitna nila para pagpalain. Ang panloob na kasamaan ang magdadala ng mga pagpaparusa ng Diyos sa bayang ito tulad ng ginawa nito sa Jerusalem. Oh, hayaang ang nagsusumamong mga tinig, ang taimtim na panalangin ay marinig, na ang mga nangangaral sa iba ay hindi mangyari na sila rin ay itakwil. Aking mga kapatid, hindi natin nalalaman kung ano ang nasa unahan natin, at ang tanging kaligtasan natin ay nasa pagsunod sa Liwanag ng sanlibutan. Ang Diyos ay gagawa sa atin at para sa atin kung ang mga kasalanang nagdulot ng Kanyang poot sa sinaunang mundo, sa Sodoma at Gomorra at sa sinaunang Jerusalem, ay hindi magiging ating pagkakasala.

Ang pinakamaliit na pagsuway sa kautusan ng Diyos ay nagdudulot ng kasalanan sa lumalabag, at kung walang taimtim na pagsisisi at pag-iwan sa kasalanan ay tiyak na magiging isang ganap na tumalikod . . . . Tayo bilang isang bayan, hangga't maaari, ay linisin ang kampo sa moral na karumihan at nagpapalubhang mga kasalanan. Kapag ang kasalanan ay gumagawa ng paghakbang nito sa mga taong nagsasabing itinataas ang moral na pamantayan ng katuwiran, paano natin maaasahan ang Diyos na ibigay ang Kanyang kapangyarihan para sa ating kapakanan at iligtas tayo bilang isang bayan na gumagawa ng katuwiran? . . . Kung bilang bayan ay hindi natin pinanatili ang ating sarili sa pananampalataya at dahil hindi lamang tagapagtaguyod gamit ang panulat at tinig ng kautusan ng Diyos, kundi sinusunod din bawat isa, hindi lumalabag kahit isang tuntunin ng nalalaman, pagkatapos ang kahinaan at kapahamakan ay darating sa atin. Ito ay isang gawain na dapat nating asikasuhin sa bawat isa sa ating mga iglesia. Ang bawat tao ay dapat na maging isang Kristiyano.

PAG-ALIS NG KASALANAN

Ang kasalanan ng pagmamataas ay dapat maalis, at ang lahat ng kalabisan sa pananamit ay mapagtagumpayan, at ang pagsisisi sa Diyos ay maisagawa para sa mga marahas na pagnanakaw sa Kanya ng pagkakait ng salapi na dapat dumaloy sa kabang-yaman upang matustusan ang gawain ng Diyos sa mga larangan ng mission nito. Hayaan ang gawain ng repormasyon, ng totoong pagkahikayat, ay itakda sa harapan at ipakiusap sa bayan. Hayaan ang ating mga gawa, ang ating pamamaraan, ay tumutugma sa gawain para sa panahong ito, upang masabi nating, "Sumunod ka sa akin gaya ng pagsunod ko kay Kristo."Ipagpakumbaba natin ang ating mga kaluluwa sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakababa, pag-aayuno at pananalangin, pagsisisi ng kasalanan at pag-alis nito.

Ang tinig ng tunay na bantay ay kinakailangan na ngayong marinig ng lahat ng nasa hanay, “Dumarating ang umaga, at gayundin ang gabi” (Isaias 21:12). Ang trumpeta ay dapat magbigay ng tiyak tunog dahil tayo ay nasa dakilang araw ng paghahanda ng Panginoon. . . . May napakaraming mga doktrina sa kasalukuyan sa ating mundo. May napakaraming relihiyon sa kasalukuyan na bumibilang ng libu-libo at sampu-sampung libo nito, ngunit may isa lamang na nagtataglay ng tatak at ng tanda ng Diyos. May relihiyon ng tao at isang relihiyon ng Diyos. Ang ating kaluluwa ay dapat na maipako sa walang hanggang Bato. Lahat ng bagay sa mundo ng Dios, kapwa mga tao at mga doktrina at ang kalikasan mismo, ay tinutupad ang tiyak na salita ng hula ng Dios at ginaganap ang Kanyang dakila at nagtatapos na gawain sa kasaysayan ng mundong ito.

Dapat tayong maging handa at maghintay para sa mga ipag-uutos ng Diyos. Ang mga bansa ay magugulo hanggang sa kanilang pinakasentro. Ang tulong ay aalisin sa mga iyon na nagpapahayag ng tanging pamantayan ng katuwiran ng Dios, ang tanging tiyak na pagsubok sa pag-uugali. At lahat ng hindi yuyukod sa kautusan ng pambansang konseho at susunod sa mga pambansang batas upang dakilain ang sabbath na itinatag ng taong makasalanan, hanggang sa pagbalewala ng banal na araw ng Diyos, ay mararamdaman, hindi ang mapang-aping kapangyarihan ng papa lamang, kundi pati rin ng mundo ng mga Protestante, ang larawan ng hayop.

Si Satanas ay gagawa ng kanyang mga himala upang manlinlang; itatakda niya ang kanyang kapangyarihan bilang pinakamataas. Ang iglesia ay makikita na parang babagsak, ngunit ito ay hindi babagsak. Ito ay mananatili, habang ang mga makasalanan ng Sion ay sasalain—ang ipa ay inihiwalay sa napakahalagang trigo. Ito ay isang nakakakilabot na pagsubok, ngunit gayunpaman dapat itong mangyari. Walang iba kundi ang mga nagtatagumpay sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng salita ng kanilang patotoo ang matatagpuang kasama ng matapat at totoo, walang bahid o mantsa ng kasalanan, walang kasinungalingan sa kanilang mga bibig. Kinakailangang mahubad ang ating sariling katuwiran at madamitan ng katuwiran ni Kristo.3

Ipinakita sa akin na kung ang bayan ng Diyos ay hindi gumagawa ng pagsisikap sa kanilang bahagi, ngunit naghihintay para sa kaginhawahan na dumating sa kanila at saka aalisin ang kanilang mga kasalanan at itatama ang kanilang mga pagkakamali; Kung sila ay umaasa doon para linisin sila mula sa karumihan ng laman at espiritu, at iaangkop sila upang makasama sa malakas na sigaw (loud cry) ng ikatlong anghel, sila ay matagpuang kulang. Ang kagihawahan o ang kapangyarihan ng Diyos ay darating lamang sa mga inihanda ang kanilang sarili para dito sa pamamagitan ng paggawa ng gawaing iniuutos ng Diyos sa kanila, na ibig sabihin ay, nililinis ang kanilang sarili mula sa lahat ng karumihan ng laman at espiritu, na nagpapasakdal sa kabanalan sa pagkatakot sa Diyos.4

NABIHISAN NG KATUWIRAN NI KRISTO

Ang mga nalabi na nagpapadalisay ng kanilang kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan ay nagtitipon ng lakas mula sa mahigpit na pamamaraan, na nagpapakita ng kagandahan ng kabanalan sa gitna ng nakapaligid na pag-apostasya. Sa lahat ng mga ito, sinasabi Niya, “Aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay" (Isaias 49:16). Sila ay nahahawakan sa walang hanggan na hindi nasisirang alaala. Tayo ay nangangailangan ng pananampalataya ngayon, buhay na pananampalataya. Tayo ay nangangailangang magkaroon ng buhay na patotoo na tatagos sa puso ng makasalanan. Masyadong napakarami na ang pangangaral at masyadong napaka-konti ang paglilingkod. Tayo ay nangangailangan ng banal na pangpahid. Kinakailangan natin ng espiritu at nag-aalab na sigasig sa katotohanan. Marami sa mga ministro ay paralisado ang kalahati ng kanilang sariling mga depekto ng pag-uugali. Kinakailangan nila ng nakapagpapabagong kapangyarihan ng Diyos.

Kung ano ang hinihiling ng Diyos kay Adan bago ang kanyang pagkahulog ay ang lubusang pagsunod sa Kanyang kautusan. Ang Diyos ay hinihiling ngayon kung ano ang hiniling Niya kay Adan, ang lubusang pagsunod, katuwirang walang kapintasan, walang pagkukulang sa Kanyang paningin. Tulungan nawa tayo ng Diyos na maibigay sa Kanya ang lahat ng hinihingi ng Kanyang kautusan. Hindi natin ito magagawa kung wala ang pananampalatayang iyon na nagdadala ng katuwiran ni Kristo sa pang-araw-araw na pagsasanay.

Mahal na mga kapatid, ang Panginoon ay darating na. Itaas ang inyong mga iniisip at mga ulo at magalak. O, nais naming isipin na ang mga nakakarinig ng masayang mga balita, na nagsasabing iniibig nila si Hesus, ay mapuspos ng kagalakang hindi masayod at puspos ng kaluwalhatian. Ito ang mabuti, ang masayang balita na dapat pumukaw sa bawat kaluluwa, na dapat muling banggitin sa ating mga tahanan at masabi sa mga makakasalubong natin sa daan. Ano pa kayang masayang balita ang maaaring ipagbigay-alam! Ang paghahanap ng kamalian at pakikipagtalo sa mga mananampalataya o hindi mananampalataya ay hindi ang gawain ng Diyos na ibinigay sa atin na dapat gawin.

Kung si Kristo ang aking Tagapagligtas, ang aking hain, ang aking pagbabayad-sala, kung gayon ay hinding hindi ako mamamatay. Sa pananampalataya sa Kanya, ako ay magkakaroon ng buhay magpakailanman. O, lahat nawa ng nananampalataya sa katotohanan ay manampalataya kay Hesus bilang kanilang sariling Tagapagligtas. Hindi ko ibig sabihin ang karaniwang uri ng pananampalataya na hindi sinusuportahan ng mga gawa, kundi iyong taimtim, buhay, patuloy, masunuring pananampalataya, na kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng Anak ng Diyos. Ang nais ko ay hindi lamang upang mapatawad sa pagsalangsang sa banal na kautusan ng Diyos, kundi nais kong iangat sa sinag ng mukha ng Dios. Hindi ganoon kasimple ang tanggapin sa langit, kundi magkaroon ng isang maluwahating pagpasok.

ANG KALIGTASAN AY PAKIKIPAGKAISA KAY KRISTO

Tayo ba ay talagang wala ng kamalayan bilang isang natatanging bayan, isang banal na bansa, sa hindi mailarawang pag-ibig na ipinahayag ng Diyos para sa atin? Ang kaligtasan ay hindi lamang dapat mabinyagan, hindi lang dapat ang ating mga pangalan ay nasa mga talaan ng iglesia, hindi lang dapat maipangaral ang katotohanan. Kundi ito ay isang buhay na pakikipagkaisa kay Jesu-Kristo, na mabago ang puso, ginagawa ang mga gawa ni Kristo sa pananampalataya at paggawa ng pag-ibig, sa pagtitiis, kaamuan, at pag-asa. Ang bawat kaluluwa na kaisa kay Kristo ay isang buhay na misyonero sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Siya ay gagawa para sa mga malapit at para sa mga nasa malayo. Siya ay walang hati-hating damdamin, walang interes na bumuo lang ng isang sangay ng gawain kung saan siya ang namumuno at ang kanyang kasigasigan ay hanggang doon lang matatapos. Ang lahat ay gagawa nang may pagnanais para maging matatag ang bawat sangay. Hindi magkakaroon ng pag-ibig sa sarili, walang makasariling interes. Ang layunin ay iisa, ang katotohanan ang napakadakilang kabuuan.

Maaaring maitanong ng may taimtim, nababalisang puso, “Ang inggit ba ay itinatangi, ang paninibugho ba ay pinahihintulutan upang makahanap ng lugar sa aking puso?" Kung gayon, si Kristo ay wala doon. “Iniibig ko ba ang kautusan ng Diyos, ang pag-ibig ba ni Hesu-Kristo ay nasa aking puso?" Kung iniibig natin ang isa’t isa tulad ng pag-ibig ni Kristo sa atin kung gayon tayo ay naghahanda para sa mapalad na langit ng kapayapaan at kapahingahan. Wala ng pagsusumikap doon na maging una, na magkakaroon ng pangingibabaw; ang lahat ay iibigin ang kanilang kapwa gaya ng kanilang mga sarili. O nawa buksan ng Diyos ang pang-unawa at magpahayag sa mga puso ng ating mga iglesia sa pamamagitan ng pagpukaw sa bawat kaanib. . . .

Yaong mga matiwasay sa Sion ay kinakailangang mapukaw. Napakalaki ng kanilang pananagutan ng mga nagdadala ng katotohanan ngunit hindi nararamdaman ang bigat o pasanin para sa mga kaluluwa. O, para sa mga lalaki at babaeng nagpapahayag ng katotohanan na gumising, upang pasanin ang pamatok ni Kristo, upang dalhin Kanyang mga pasanin. Kinakailangan ang mga hindi magkakaroon ng interes sa pangalan lamang kundi isang tulad kay Kristo na pagnanais, hindi makasarili—isang matinding sigasig na hindi maghihina sa ilalim ng mga kahirapan o manlalamig dahil ang katampalasanan ay sagana. . . .

Tayo ay nakatayo sa pinakadulo na ng mga hangganan ng walang hanggang mundo. Ang mga Kristiyano sa maayos na panahon ay hindi kinakailangan para sa gawaing ito. Ang maramdamin at maselang relihiyon ay hindi kinakailangan para sa panahong ito. Kinakailangang may kasigasigan sa ating pananampalataya at sa pagpapahayag ng katotohanan. Aking sinasabi sa inyo, isang bagong buhay ang nagpapatuloy mula sa mga ahensya ni satanas upang gumawa ng may kapangyarihan na hanggang ngayon ay hindi natin nauunawaan. At hindi ba dapat isang bagong kapangyarihan mula sa itaas ang sasakop sa bayan ng Diyos? Ang katotohanan, sa nagpapabanal kapangyarihan nito, ay dapat ipilit sa bayan. Dapat mayroong taimtim na pagsusumamo na inihahandog sa Diyos, nakikipagbunong pananalangin sa Kanya, upang ang ating pag-asa bilang isang bayan ay hindi maitatag sa mga pagpapalagay, kundi sa walang hanggang katotohanan. Dapat nating malaman para sa ating mga sarili, sa pamamagitan ng katibayan ng Salita Diyos, kung tayo ay nasa pananampalataya, patungo sa langit o hindi. Ang moral na pamantayan ng pag-uugali ay ang kautusan ng Diyos. Natutugunan ba natin ang mga hinihiling nito? Ang bayan ba ng Panginoon ay nagdadala ng kanilang ari-arian, kanilang panahon, kanilang mga kaloob, at lahat ng kanilang kakayahan sa gawain para sa panahong ito? Tayo ay gumising. “Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios” (Colosas 3:1).3

Mga Reperensya:
1 Early Writings, pp. 111, 112.
2 Ibid., pp. 113, 114.
3 Selected Messages, bk. 2, pp. 377-380.
4 Testimonies for the Church, vol. 1, p. 619.
5 Selected Messages, bk. 2, pp. 380-382.