ANG MENSAHE PARA SA MGA HULING ARAW

Ang unang tanong na kailangan lutasin ay, kung ano ang totoong pagsisisi? Pangalawa ay, ano ang maaaring posibleng pagsisishan ng isang bayang tumutupad na ng kautusan ng Diyos, kabilang na ang Sabbath at namumuhay na ng walang kapintasan hanggang ang moral na pag-uugali ay may kinalaman?
Ang pananampalataya sa Diyos at ang bunga nitong pagsisisi sa kasalanan ay ang kusang resulta ng pakikipagkaisa sa Diyos. Ang paghahayag ng kabutihan at katuwiran ng Diyos, na natamo sa pamamagitan ng isang masigasig na pakikipag-ugnayan sa Kanya ay kung ano ang umaakay sa mga tao na magsisi (Roma 2:4). Kung hiwalay sa pakikipagkaisang ito, walang tunay na pagsisisi. Mas nakikipag-usap ang kaluluwa Diyos, mas lalo nitong nakikilala Siya, mas nagiging malakas ang pag-uanawa sa kasalanan at mas malalim at mas dibdiban ang pagsisisi.
“Habang lumalapit tayo kay Hesus, at mas malinaw nating nauunawaan ang kadalisayan ng Kanyang katangian, mas malinaw nating makikita ang lubhang kasamaan ng kasalanan, at mas hindi natin mararamdaman na parang gusto nating itaas ang ating mga sarili. Magkakaroon ng patuloy na pag-abot ng kaluluwa sa Diyos, isang patuloy, taimtim, nakakadurog ng pusong pag-amin ng kasalanan at pagpapakumbaba ng puso sa harapan Niya. Sa bawat pasulong na hakbang sa ating karanasang Kristiyano ang ating pagsisisi ay magiging malalim.”1
Tungkol kay Enoc ay sinabi, na “ang mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Diyos, ay mas magiging malalim ang pagkadama ng kanyang sariling kahinaan at kasalanan.”2
Ang pagsisisi ay hindi maaaring gawin gamit ang mga makinarya. Ito ay hindi maaaring mabuo tulad ng ibang simbuyo ng damdamin ng tao. Ito talaga ay ang Banal na Espiritu na nakakaapeto sa ritmo ng puso ng tao, tinutunaw at sinusupil ito sa ilalim ng malakas Nitong kapangyarihang magpakilala ng kasalanan. Pagkatapos ang tunay na pagsisisi ay nangyayari. Ang kalungkutan para sa pagkakasala at pagsisisi ay natural at kusang pagtugon ng tao sa gawain ng Espiritu ng patuloy na pagkintal sa isipan ng kagandahan ng katangian ng Diyos kay Kristo Hesus. Kapag ang mananampalataya ay patuloy na tumitingin kay Hesus at binubuksan ang kanyang puso sa Kanya bilang isang kaibigan sa banal na pakikisama, lahat ng sariling katuwiran at ianaakalang kabutihan ay hinuhubad at ang kahubaran ng kaluluwa ay nahahayag. Pagkatapos ang kanyang kaluluwa ay kusang yumuyuko sa pagdadalamhati, nagpapakumbaba at nagsisisi.
“Ang isang sinag ng kaluwalhatian ng Diyos, isang sinag ng kadalisayan ni Kristo, na tumatagos sa kaluluwa, ay gumagawa sa bawat dungis ng kasamaan na napakasakit na nililinaw, at inihahayag ang kasamaan at mga depekto ng pag-uugali ng tao. Ginagawa nitong madaling mapansin ang hindi banal na mga pagnanasa, ang pagtataksil ng puso, ang karumihan ng mga labi. Ang mga gawa ng makasalanan ng kawalan ng katapatan na ginagawang walang bisa ang kautusan ng Diyos, ay inihahayag sa kanyang paningin, at ang kaniyang espiritu ay nababagabag at nagdadalamhati sa ilalim ng nagsisiyasat na impluwensya ng Espiritu ng Diyos. Siya ay nasusuklam sa kanyang sarili habang tinitingnan niya ang dalisay, walang dungis na katangian ni Kristo.”3
Habang minamasdan ni propeta Isaias ang kaluwalhatian ng Diyos sa templo, siya ay naapektohan at kinilabutan sa pagkadama ng kanyang sariling moral na kahinaan at kasamaan ng pag-uugali. Ang nahahapis na sigaw ng propeta ay, “Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y taong may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo” (Isaias 6:5). Bago siya nagkaroon ng ganitong nagpapabago ng buhay na personal na pakikipagtagpo sa Diyos sa santuwario, siya ay nakilos upang sawayin ang mga kasalanan ng iba. Gamit ang mga sumusunod na mabagsik na mga salita, pinupuntirya niya ang mga kasalanan ng iba: “Sa aba ng masama! ikasasama niya: sapagka't ang kagantihan sa kaniyang mga kamay ay mabibigay sa kaniya” (Isaias 3:11). “Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama, at ng masama ay mabuti; na inaaring dilim ang liwanag, at liwanag ang dilim; na inaaring mapait ang matamis, at matamis ang mapait! Sa aba nila na pantas sa kanilang sariling mga mata, at mabait sa kanilang sariling paningin. Sa aba nila na malakas uminom ng alak, at mga taong malakas sa paghahalo ng matapang na inumin” (Isaias 5:20-22).
Habang ang propeta ay nakikilos upang kondenahin ang umiiral na kasamaan sa paligid niya sa kanyang kasigasigan para sa Diyos, ay hindi niya kusang tinanggap ang sariling pagiging-makasalanan sa yugtong iyon ng kanyang espirituwal na paglakad. Hindi hanggang sa nakakakilabot na pakikipagtagpong iyon sa Diyos sa templo ay may naunawaan ang propeta sa kanyang sariling kasamaan ng buhay na lubos na salungat sa kaluwalhatian ng Diyos, ay napakalinaw na tumatak sa kanyang isipan at puso. Bilang resulta ng hindi malilimutang pakikipagtagpong iyon, Ang “Sa aba mo" naging “Sa aba ko . . .”
“Pinupuna ni Isaias ang kasalanan ng iba; subalit ngayon ay nakikita na niya ang sarili niya nalalantad sa parehong kahatulan na ipinapahayag niya sa kanila. Siya ay nasiyahan na sa malamig, walang buhay na seremonya sa kanyang pagsamba sa Diyos. Hindi niya ito nalaman hanggang sa ang pangitain ay ibinigay sa kanya ng Panginoon. Gaano kaunti ngayon nahayag ang kanyang karunungan at mga talento habang tinitingnan niya ang kabanalan at kamahalan ng santuwario. Gaano siya hindi karapat-dapat! Gaano siya ay hindi naaangkop para sa sagradong paglilingkod! Ang kanyang pananaw sa kanyang sarili ay maaaring ipahayag sa wika ng apostol Pablo, ‘Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?’ ”4
Ang nalalabing iglesia ng Diyos ngayon, habang ang layon ng kataas-taasang pagpapahalaga ng Diyos, ay kasing bulag sa kanyang totoong espirituwal na kalagayan, gaya ng propetang si Isaias, bago ang kanyang personal na pakikipagtagpo sa Diyos sa templo. Ang marangal niyang katayuan bilang imbakan ng Sagradong mga katotohanan at ang kanyang walang kapintasang pag-uugali ay, nakakalungkot na, gumawa sa sa kanya ng hindi kanais-nais na epekto ng pag-iisip na siya ay nasa isang mas mahusay na katayuan kaysa sa kung ano siya talaga. Ang kanyang pagpapalagay sa kanyang sariling espirituwal na kalagayan ay lubhang naiiba mula sa mga Tapat at Tunay na Saksi, Na nagsasabing, “Hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad” (Pahayag 3:17) Talagang hindi nalalaman ang kanyang tunay na kalagayan, siya ay may pagtitiwalang sumisigaw, “Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman;” (Pahayag 3:17). Hangga't ang bayan na Dios ay nalulugod sa matagumpay, na gawi ng pagpuri sa sarili, nalilinlang ng kadakilaan ng kanilang inaakalang kabutihan, ang Banal na Espiritu ay hindi maaaring makapagpaunawa ng kasalanan. Hindi magkakaroon ng tunay na nakakadurog ng pusong pagsisisi at pagtatapat ng kasalanan, at walang tunay na pakikipagka-isa sa Diyos maliban kung ang nakapipinsalang kalagayan ng kaisipan ay determinadong alisin at iiwan.
Ang mga Eskriba at ang mga Pariseo noong panahon ni Hesus ay ipinagmamalaki ang kanilang sariling gawang sariling katuwiran. Ang panawagan ni Juan Bautista na “Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.” (Mateo 3:2), ay walang epekto sa kanila. Ang panawagan sa pagsisisi sa kanila ay nakakayamot. Nabulag ng mga pagkadama ng pinataas na espirituwal na kalamangan sa bisa ng kanilang pagkakaugnay kay Abraham at ang kanilang napakaraming mga nakatuon sa gawang pagbabago, ng kanilang mahigpit na seremonya, hindi na nila naramdaman ang kanilang pangangailan ng isang Tagapagligtas, hindi na nangangailangang ipagpakumbaba ang kanilang sarili at ipahayag ang kanilang mga kasalanan, at tiyak na hindi na nangangailangan ng pagsisisi. Si Jesus ay inilarawan ang mga ito na nadaya ng sarili na mga nag-aangkin ng relihiyon sa Kanyang panahon bilang “. . . mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal.” (Mateo 23:27). Ang mga ito ay nalilito sa panlabas na pagsang-ayon sa mga tuntunin at regulasyon sa katuwiran na natural na nagmumula sa kalooban ng puso. Wala silang nalalaman sa kaamuan at kababaang loob na natatamo lamang sa paaralan ni Kristo, natutunan lamang sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagka-isa sa Kaniya.
Ang panawagan na natagpuan sa mensahe sa iglesia ng Laodicea, “Ikaw nga'y magsikap, at magsisi” (Pahayag 3:19), hindi man ito popular, gayunpaman ito ay para sa bawat kaanib ng iglesia ngayon na dapat tanggapin ng napaka-seryoso.Tayo ay nabubuhay sa panahon ng Laodicea. Ang panawagang ito na magsisi samakatuwid ay pangkasalukuyang tungkulin. Ang pagkabigong unawain ang panawagang ito ay magreresulta ng may katiyakang isusuka ng bibig ni Kristo, ang gawa ng lubusang pagtakwil. Pagpapakababa sa sarili, pagtanggi sa sarili, at pagsuko ng sarili tulad ng naranasan ni propeta Isaias sa templo habang pinagmamasdan ang kaluwalhatian ng Diyos, ay makikita sa buhay ng mga taong nakikinig sa panawagang magsisi. Walang iba kundi ang mga, sa pamamagitan ng pananampalataya, ay nakikipagtagpo sa Diyos sa santuwario gaya ng ginawa ni Isaias, ang magkakaroon ng pribilehiyong malaman ang mahalagang bagay sa kabutihan ng Diyos na aakay sa kanila tungo sa pagsisisi (Roma 2:4).
“Ang pangitain na ibinigay kay Isaias ay kumakatawan sa kalagayan ng bayan ng Diyos sa mga huling araw. Sila ay may pribilehiyong makita sa pamamagitan ng pananampalataya ang gawain na nangyayari sa makalangit na santuwario. ‘At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo ang kaban ng kaniyang tipan.’ Habang nakatingin sila sa pamamagitan ng pananampalataya sa kabanal-banalan, at nakikita ang gawain ni Kristo sa makalangit na santuwario, mauunawaan nila na sila ay isang bayang may maruruming mga labi,—isang bayan na ang mga labi ay madalas na nagsasalita ng walang kabuluhan, at ang mga talento ay hindi napababanal at nagagamit para sa ikaluluwalhati ng Diyos. Maaaring mawalan sila ng pag-asa habang inihahambing nila ang kanilang sariling kahinaan at pagiging hindi karapat-dapat sa kadalisayan at kagandahan ng kaluwalhatian ng katangian ni Kristo. Ngunit kung sila, ay tulad ni Isaias, ay tatanggapin ang babala na nais ng Panginoon na gagawin sa mga puso, kung ipagpapakumbaba nila ang kanilang mga kaluluwa sa harapan ng Diyos, ay may pag-asa para sa kanila. Ang bahaghari ng pangako ay nasa itaas ng trono, at ang gawaing ginawa para kay Isaias ay isasagawa sa kanila. Ang Diyos ay tutugon sa mga dalanging nagmumula sa nagsisising puso.”5
Ang pangitain ni Isaias tungkol sa Diyos sa templo ay isang uri ng karanasan ng bayan ng Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pananampalataya, sila ay magkakaroon ng pribilehiyong sumunod kay Hesus sa kabanal-banalan. Habang sila ay nakikipag-usap sa Kanya at nagninilay-nilay sa nagtatapos na gawain sa santuwario, sila ay aakayin na maunawaan ang mahahalagang bagay sa Kanyang dakilang pag-ibig sa pagpapawi ng kanilang mga kasalanan magpakailanman mula sa alaala at mula sa mga aklat ng mga alaala ng mga gawa; mauunawaan nila ng mas malinaw ang nasasaklaw ng karumihan ng kanilang mga puso at depekto ng kanilang mga pag-uugali na kapansin-pansing salungat sa kadalisayan ni Kristo. Bilang resulta, ang kanilang pagsisisi ay magiging malalim nang husto. Sila ay magbubuntong-hininga at dadaing at tatangis sa pagitan ng portiko at ng altar; pagdadalamhatiin nila ang kanilang mga kaluluwa at taimtim na magsusumamo para sa kadalisayan ng puso.
“Ang lahat ay kinakailangang maging mas matalino patungkol sa gawain ng pagtubos, na nangyayari sa santuwaryo sa itaas. Kapag ang dakilang katotohanan ay nakikita na at nauunawaan, ang mga nanghahawakan dito ay gagawa nang naaayon kay Kristo upang mahanda ang isang bayan na makakatayo sa dakilang araw ng Diyos, at ang kanilang pagsisikap ay magiging matagumpay. Sa pamamagitan ng pag-aaral, pagmumuni-muni, at pananalangin ang bayan ng Diyos ay mapaparangal ng higit sa karaniwan, ang makalupang kaisipan at damdamin, ay dadalhin sa pakikipagkaisa kay Kristo at sa Kanyang dakilang gawain ng paglilinis ng santuwario sa itaas mula sa mga kasalanan ng bayan. Ang kanilang pananampalataya ay sasama sa Kanya sa santuwario, at ang mga sumasamba sa lupa ay maingat na susuriin ang kanilang buhay at ihahambing ang kanilang mga pag-uugali sa dakilang pamantayan ng katuwiran. Makikita nila kanilang sariling mga depekto.”6
Ang nagsisising mananampalataya ay talagang walang ideya sa naaabot ng kasamaan ng kanyang buhay. Hindi niya nakikita ng kaniyang isipan ang kasamaan ng pagkakasala ng kanyang mga pagsalangsang at mga kasalanan. Kaya, sa anumang ibinigay na panahon, ang kanyang pagsisisi ay hindi lubos na malalim. Hindi niya nalalaman kung ano ang dapat pagsisihan! Hindi niya nauunawaan na mas napakarami siyang pagkakautang sa kautusan ng Diyos kaysa sa kanyang pinagsisihan at ipinagtatapat pang-araw-araw.
"Ang gawain ng bawat tao ay dumadaan sa pagsusuri sa harapan ng Diyos at itinatala para sa katapatan o hindi katapatan. Sa tapat ng bawat pangalan sa mga aklat ng langit ay isinusulat ng may nakakakilabot na kawastuhan bawat maling salita, bawat makasariling gawa, bawat hindi nagampanang tungkulin, at bawat lihim na kasalanan, kasama ang bawat mapanlinlang na pagkukunwari. Ang mga ipinadala ng langit na mga babala o mga pagsaway na pinabayaan, nasayang na mga sandali, mga pagkakataong hindi napabuti, ang impluwensyang naidulot para sa kabutihan o para sa kasamaan, kasama ang napakalawak na naaabot ng mga resulta, lahat ay isinusulat ng nagtatalang anghel.”7
Kahit na ang mga kasalanan na hindi pa talaga nagagawa ay nakatala sa mga aklat ng langit, na nagpapatotoo laban sa mga tao sa paghuhukom.
“Ang kautusan ng Diyos ay saklaw ang damdamin at motibo, gayundin ang panlabas na pagkilos. Inihahayag nito ang mga lihim ng puso, sinisinagan ng liwanag ang mga bagay bago maibaon sa kadiliman. Nalalaman ng Diyos bawat iniisip, bawat layunin, bawat pinaplano, bawat motibo. Sa mga aklat ng langit ay nakatala ang mga kasalanang nagawa sana kung nagkaroon ng pagkakataon. Ang Diyos ay dadalhin ang bawat gawa sa paghuhukom, kasama ang bawat lihim na bagay.”8
Sa prinsipyo, ang isa na mas marami ang pagkakasalang nahahayag at nadadala sa liwanag, mas magiging malalim ang gawa ng pagsisisi. Nakakalungkot, na ang pag-unawa ng isa sa kanyang pagiging makasalanan ng buhay ay maaaring maging lubhang magulo at madilim dahil sa mga pagpapabuting iminumungkahi sa pagbabago sa buhay sa pagkahikayat. Ang pagpapasimula ng positibong pagbabago sa pagkain, sa pananamit, ang disposisyon at ang ugali na madalas humahantong sa marami na mag-isip ng (mali) na sila ay nagiging mas lalong nagiging matuwid at kaya, paunti ng paunti ang pagkadama sa kasalanan. Ito ay panlilinlang sa sarili sa pinaka-punto; ito ang pinakabuod ng kalagayan ng taga-Laodicea (Laodicean gridlock) na nagsasabing, “Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman.” Hindi na kinakailangang sabihin na mas napakadaling mahulog sa bitag na ito kaysa sa nauunawaan ng mas maraming tao. Ito sa katunayan, ang kalagayan ng maraming mga tao sa iglesia, bagaman maaaring hindi nauunawaan at tinatanggap. Ito ang nagpapaliwanag kung bakit sa Laodicea, si Jesus ay sumigaw, “Hindi mo nalalaman. . . .” Ang lahat ng bagay na nasabi, ang ugaling ito ay napakasama at lubhang nakakaapekto sa antas ng nadaramang pagsisisi.
Ang Diyos ay magkakaroon ng isang bayan sa huling mga araw na magiging malapit na nakaugnay sa Kanyang Anak sa paksa ng Kanyang huling ministeryo sa kabanal-banalan. Ang mga ito ay hahantong sa ganap na pagkaunawa sa naaabot ng kasamaan ng kanilang mga buhay, hanggang sa punto ng kawalan ng pag-asa. Malinaw nilang mauunawaan ito na salungat sa walang katulad na karilagan ni Kristo. Pagkatapos sila ay pangungunahan ng Banal na Espiritu upang iwaksi ang kaisipan ng taga-Laodicea na napakalaganap sa mga iglesia sa mga araw na ito at dumaan sa isang espirituwal na pagpupurga na nailalarawan sa pamamagitan ng malalim na pagsusuri ng kaluluwa at malalim na pagsisisi. Ang karanasang ito ay magiging katulad ng kung ano ang pinagdaanan ni Isaiah, malibang ito ay magiging mas matindi at mas napapanindigan. Ang karanasang ito, ay tinatawag na "pagdadalamhati ng kaluluwa" ( Levitico 16:29; 23:27-32 ) ay kung ano ang naghahanda sa nalabing iglesia para sa panghuling pagbabayad-sala at paglilinis.
“Ang pangitain ni Zacarias tungkol kay Joshua at ng Anghel ay naaangkop na may kakaibang puwersa sa karanasan ng bayan ng Diyos sa nagtatapos na kaganapan ng dakilang araw ng pagbabayad-sala. . . .”
“Habang si Joshua ay nagsusumamo sa harap ng Angel, ay ganon din ang nalabing iglesia, na may pagkawasak ng puso at hindi pinanghihinaan ng pananampalataya, ay magsusumamo ng kapatawaran at pagliligtas sa pamamagitan ni Hesus, ang kanilang Tagapamagitan. Nalalaman nila ng lubos ang kasamaan ng kanilang buhay, nakikita nila kanilang kahinaan at pagiging hindi karapat-dapat; at sila ay handang mawalan ng pag-asa.”9
Ang gawain ng malalim na pagsusuri sa sarili at pagsisisi ay kinakailangang magawa sa panahong ito. (Joel 2:13.) Ang karaniwang pagsunod na malamig, walang sigla, ang ayon sa tradisyon na mga pagsamba at seremonya sa iglesia ay hindi sapat upang ito mangyari. Hindi rin ang nakaugalian pangangaral na walang buhay, teoretikal na mga sermon o ang paghahandog ng walang buhay, walang diwang mga panalangin sa iglesia at sa tahanan ang magdadala ng karanasang ito. Tanging ang praktikal na pananampalataya lamang na nailalarawan ng patuloy na paghahanap sa Diyos sa araw-araw, oras-oras na pakikipag-kaisa at pagkaka-ugnay sa Kanya, ang makakatulong.
Dahil tayo ay nabubuhay na ngayon sa panahon ng katuparan ng pagbabayad-sala (antitypical day of atonement), hindi ito ang gawaing gaya ng karaniwan sa iglesia. Ang pagdadalamhati ng kaluluwa ay ang utos ni Kristo sa pagsulong ng nalalabing iglesia. Si Jesus ay malapit nang gawin ang Kanyang huling pagtubos; Malapit na Niyang ibigay ang utos, “Hubarin ninyo ang mga maruming kasuotan at. . . Aking susuutan ka ng mainam na kasuutan” (Zacarias 3:1–5). Sa lalong madaling panahon, alinsunod sa Kanyang nagtatapos na ministeryo sa makalangit na santuwario bilang Dakilang Saserdote, si Jesus ay lilinisin ang Kanyang bayan mula sa lahat ng kasamaan at kasalanan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng Kanyang sakdal na katuwiran. Yaong mga naging ugali ang magdalamhati sa kanilang espirituwal na panghihina at pagtangis sa paghihirap ng kaluluwa, ay tatanggap nito, habang ang mga naging pabaya at ang walang malasakit ay mahihiwalay sa Kanyang bayan.
Nais mo bang maging isa sa mga mapalad na makakatanggap ng biyaya ng Kanyang huling pagtubos at maging bahagi ng 144,000? Ang inyong pangalan ba ay nananatili sa aklat ng buhay ng Kordero? Nais mo bang linisin ng lubusan at tuluyan ang lahat ng kasamaan at maging angkop na Manahan sa sambayanan ng walang kasalanang mga anghel? Nawa ang Panginoon, ay ibilang tayong lahat na karapatdapat. Ikaw nga’y magsikap at magsisi.
“Habang ang bayan ng Diyos ay pinagdadalamhati ang kanilang mga kaluluwa sa Kanyang harapan, na nagsusumamo para sa kadalisayan ng puso, ang utos ay ibibigay, ‘Hubarin ninyo ang mga maruruming kasuotan,’ at ang mga salitang nagbibigay ng pag-asa ay binibigkas, ‘Narito, aking pinaram ang iyong kasamaan, at aking susuutan ka ng mainam na kasuotan' (Zacarias 3:4). Ang walang bahid na balabal ng katuwiran ni Kristo ay inilalagay sa mga sinubok, tinukso, matapat na mga anak ng Diyos. Ang hinamak na nalabi ay binihisan ng maluwalhating kasuotan, hindi na kailanman muling madudungisan ng mga kasamaan ng sanlibutan. Ang kanilang mga pangalan ay mananatili sa aklat ng buhay ng Cordero, nakatala kasama ng mga matapat sa lahat ng kapanahunan. Nilabanan nila ang mga lalang ng magdaraya; sila ay hindi tumalikod mula sa kanilang katapatan sa pag-ungal ng dragon. Ngayon sila ay panatag na walang hanggan mula sa mga lalang ng manunukso. Ang kanilang mga kasalanan ay inililipat sa nagpasimula ng kasalanan. Isang 'magandang mitra’ ang isusuot sa kanilang mga ulo.”10