Back to top

The Reformation Herald Online Edition

ANG MENSAHE PARA SA MGA HULING ARAW

MIYERKULES, Disyembre 11, 2024
ANG PAGPAWI NG MGA KASALANAN
[Ang pagdidiin ay idinagdag sa kabuuan.]
JETHRO M. SITHOLE — SOUTH AFRICA

“Ako, ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga pagsalangsang alang-alang sa akin; at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.” (Isaias 43:25). Ang pagpawi ibig sabihin ay ganap na alisin nang wala ni isang bahid, burahin o pawiin sa pananatili o sa alaala.

Ang katiyakan ng Diyos na ipinarating sa atin sa pamamagitan ni propeta Isaias ay nangangahulugan na “Ang lahat na tunay na nagsisi ng kasalanan, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay inaangkin ang dugo ni Kristo bilang kanilang hain, ay isinusulat ang pinatawad sa tapat ng kanilang mga pangalan sa mga aklat ng langit; bilang sila ay naging kabahagi ng katuwiran ni Kristo, at ang kanilang mga pag-uugali ay natagpuang sa naaayon sa kautusan ng Diyos, ang kanilang ang mga kasalanan ay mapapawi, at ang kanilang mga sarili ay ibibilang na karapat-dapat sa buhay na walang hanggan.”1 Kaya ating isaalang-alang ng taimtim kung bakit ang pagpapawi ng mga kasalanan ay kinakailangan.

ANG PAGSUWAY AT ANG BAHID NG KASALANAN

Matapos sumuway ang tao sa kautusan ng Diyos sa Eden, “ang sinag sa ulo ng kaluwalhatian, na ibinigay ng Diyos sa banal na si Adan, na nagtatakip sa kanya bilang kasuotan, ay naalis sa kanya pagkatapos ng kanyang pagsuway. Ang Liwanag ng kaluwalhatian ng Diyos ay hindi maaaring pagtakpan ang pagsalangsang at kasalanan. Kapalit ng kalusugan at kasaganaan ng mga pagpapala, kahirapan, karamdaman, at pagdurusa sa bawat uri ang naging bahagi ng mga anak ni Adan.”2 Nakalulungkot, na ang tao ay nawalan ng mga dakilang pribilehiyo kapalit ng mga mantsa ng kasalanan.

“Si Satanas ay nagtagumpay sa pagkahulog ng tao, at mula ng panahong iyon ang kanyang gawain ay ang maalis sa tao ang wangis ng Diyos, at itatak sa puso ng tao ang kanyang sarilng anyo.”3

“Bago ang pagpasok ng kasalanan, si Adan ay nalulugod sa lantarang pakikipag-usap sa kanyang Maylalang; ngunit mula noong ang tao ay inihiwalay ang sarili sa Diyos sa pamamagitan ng paglabag, ang sangkatauhan ay nahiwalay sa mataas na pribilehiyong ito. Sa pamamagitan ng plano ng pagtubos, gayunpaman, ang isang paraan ay nabuksan kung saan ang mga naninirahan sa lupa ay maaari pa ring magkaroon ng kaugnayan sa langit.”4

ANG KAHANGA-HANGANG PAG-IBIG NG DIYOS PARA SA SANGKATAUHAN

Ang kamatayan nina Adan at Eva dahil sa pagsuway ay tiyak. Kung hindi dahil sa plano ng kaligtasan sila ay namatay sana kaagad sa pagkain ng ipinagbabawal na bunga.

“Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin" (Roma 5:8). Ang lalim ng pag-ibig ng Dios na ipinahayag sa mga salitang, “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan” (Juan 3:16), ay maaaring mas maunawaan sa pamamagitan ng kamangha-manghang paghahayag na ang Kordero ng Ang Diyos ay “pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.” (Pahayag 13:8).

Pinakilos ng pag-ibig na umiiral na bago pa man tayo nilikha, ang Diyos ay gumawa ng pangako laban sa isang napakasama (tingnan ang Genesis 3:15). “Habang [ang pangakong ito] ay nagbadya ng laban sa pagitan tao at kay Satanas, ipinahayag nito na ang kapangyarihan ng matinding kaaaway sa huli ay dudurugin.”5

“Walang sinuman kundi si Kristo ang maaaring tumubos sa nahulog na tao mula sa sumpa ng kautusan at ibalik siya sa pagkakaayon sa Langit.”6 Ang kahanga-hangang pag-ibig ng Dios ay ipinamalas sa pamamagitan ng plano ng kaligtasan na ibalik ang Kanyang sakdal na plano para sa sangkatauhan. Itinatag ng Panginoon ang mga serbisyo ng paghahain upang maliwanag na ihayag ang Kanyang plano ng kaligtasan.

MGA SIMBOLO AT SAGISAG NG PAGBABAYAD-SALA NI CRISTO

Ang pagbabayad-sala ay ang pagkikipagkasundo ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng sakripisyong kamatayan ni Kristo. Pagkatapos ipahayag ang plano ng kaligtasan kay Adan at Eba, ang Diyos ay pinalitan ang naalis na kasuotan ng liwanag at ang tapis na dahon ng igos na may balabal na mga balat, na sumasagisag sa balabal ng katuwiran ni Kristo at ng kasuotan ng kaligtasan. Upang magawa ang mga kasuotang iyon, isang hain ang kinakailangang gawin, dahil “maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran” (Hebreo 9:22), na naglalarawan ng sakripisyo ni Kristo sa krus.

Mula sa altar na ginawa ni Abraham sa lupain ng Moria upang ihandog si Isaac bilang hain, hanggang sa templong itinayo ni Solomon sa Bundok Moriah para sa presensya ng Diyos at ang mga hain ng dugo ng hayop sa buong kapanahunan, mga simbolo at mga sagisag na nagpapahayag ng bisa ng dugo ni Kristo upang mapawi ang mga kasalanan ng tao ay nauunawaan ( Genesis 22:2; 2 Cronica 3:1 ). “Ang wastong pag-unawa sa ministeryo sa makalangit na santuwario ay ang pundasyon ng ating pananampalataya.”7

ANG SANCTUARIO

“Ang salitang ‘santuwario,’ gaya ng pagkakagamit sa Bibliya, ay tumutukoy, una, sa tabernakulong itinayo ni Moises, bilang isang huwaran ng mga bagay sa langit; at, pangalawa, sa ‘tunay na tabernakulo’ sa langit, kung saan ang makalupang santuwario ay naglalarawan.”8

Habang nasa kanilang paglalakbay patungong Canaan, Ang Diyos ay nag-utos sa Israel sa pamamagitan ni Moises na igawa Siya ng isang santuario; upang Siya’y makatahan sa gitna nila (Exodo 25:8). “Ang Diyos ay ipinakita sa harapan ni Moises sa bundok ang hitsura ng makalangit na santuwario, at nag-utos sa kanya na gawin ang lahat ng bagay ayon sa huwarang ipinakita sa kanya.”9

Ang makalupang santuwaryo o tabernakulo ay binubuo ng looban, ang dakong banal, at ang kabanal-banalang dako na kumakatawan sa inihulang gawain ni Kristo mula sa Kanyang kapanganakan hanggang sa Kanyang pagpapawi ng kasalanan

1. Ang looban (Exodo 27:9–18), ang dako na nakapalibot sa tabernakulo at kung saan ang lahat ng mga hain ay pinapatay, ay isang uri ng sa lupa kung saan si Hesus, ang dakilang katuparang hain, ay nakatakdang mamatay para sa ating mga kasalanan (Juan 12:32, 33).10 Ang nag-iisang pintuan patungo sa looban kung saan dadalhin ng makasalanan ang kanilang pinakahandog dahil sa kasalanan, ay nagpapaalala sa atin ng pananampalataya kay Kristo bilang ang tanging daan sa ating pakikipagtipang relasyon sa Diyos (Juan 10:7, 9). Ang dambana ng handog na susunugin (Exodo 27:1–8) bukod sa kung saan ang dugo ng handog ibinubuhos at ang mga abo ng handog na susunugin ay inilalagay (Levitico 6:10; Deuteronomio12:27), ay naglalarawan ng pagbubuhos ng mahalagang dugo ni Hesus, na mag-aalis ng sumpa ng kasalanan mula sa lupang ito, at maghahanda ng daan para sa pagdadalissay nito sa pamamagitan ng apoy (Malakias 4:1,3).11 Ang dugo ng hain din ay nagtuturo na ito ay sa pamamagitan ng dugo ni Jesus lamang tayo ay may malayang pagpasok sa presensya ng Diyos sa loob ng santuwario (Hebreo 10:19, 20 (ESV, ISV)).

Ang hugasan ng tubig (Exodo 30:17–21) sa pagitan ng pasukan ng looban at ng tabernakulo at kung saan ang mga pari ay dapat maghugas ng dalawang kamay at mga paa bago pumasok sa tabernakulo, ay isang angkop na paglalarawan ng katotohanang itinuro kay Nicodemo tungkol sa espirituwal na paglilinis na kinakailangan upang makapasok sa presensya ng Diyos, kung saan ang bautismo ay isa ring simbolo (Juan 3:5).1

2. Ang tabernakulo ay hinatisa dakong banal at sa kabanal-banalang dako (Hebreo 9:1, 2).

A. Ang dakong banal ay may mga sumusunod na sumisimbolong kasangkapan: Ang dulang (Exodo 25:23–30) na natugunan ang katuparan nito kay Hesus, ang tinapay ng buhay (Juan 6:48, 33, 51).13 Ang kandelero (Exodo 25:31–40) na kinakatawanan ng iglesia (Pahayag 1:12, 20) upang panghawakan ang ilawan ng salita (Awit 119:105) habang ang langis sa loob ng bawat ilawan ay sinisimbolohan ng gawain ng Banal na Espiritu sa lupa (Zacarias 4:1-6,10 c.f. Pahayag 5:6). Ang dambanang sunugan ng kamangyan (Exodo 30:1–7) ay kumakatawan sa patuloy na mabangong pamamagitan ni Jesus kalakip ng ating mga panalangin (Mga Hebreo 7:25; Pahayag 8:3, 4).

B. Ang kabanalbanalang dako (Mga Hebreo 9:3–5) ay may sumusunod na sinisimbolohang kasangkapan at mga bagay: Ang arka ng tipan (Exodo 25:10–22), ang simbolo ng banal na presensya ng Diyos.14 Sa loob ng arka naroon ang dalawang tapyas bato na doon ang Sampung Utos ay isinulat ng daliri ng Diyos (Deuteronomio 10:4, 5). Ang mga ito ay ang nananatiling pagpapahayag ng hindi nagbabagong katangian ng Dios.15 Ang luklukan ng awa (Exodo 25:17–21) na nagtatakip sa nilabag na kautusan, ay kung saan ang maliwanag na presensya ng Diyos ay ipinakita (Exodo 25:32; 30:6). Inilalarawan nito ang pagkakaisa ng awa at katarungan sa plano ng pagtubos at ito ay isang naaangkop na simbolo ng trono ng dakilang Diyos, na nagpapahayag ng Kanyang pangalan bilang “puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan;,” (Exodo 34:5-7).16 Ang gintong palayok ng manna (Mga Hebreo 9:4) ay nagpapaalala ng mapagkalingang pangangalaga ng Diyos nang magpaulan Siya ng tinapay sa Kaniyang bayan sa ilang upang tustusan ang kanilang pamumuhay (Exodo 16:32, 33). Kaya, ngayon, sa Kanyang pangangalaga sa atin, ang Diyos nagpapaulan sa atin ng mahahalagang sinag ng liwanag sa punto ng pagkain na magpapatunay ng pagpapala sa lahat ng nagtitipon sa kanila.17 Habang ibinabahagi natin ang liwanag na ito, ang mga pinto ay magbubukas para sa pangangaral ng ebanghelyo. Kaya, ang mensahe ng kalusugan ay ang magiging kanang kamay ng mensahe ng ikatlong anghel.18 Ang tungkod na namumulaklak (Hebreo 9:4) ay isang paalala na dapat igalang ang sistema ng kaayusan at pamumuno na itinatag ng Diyos para sa Kanyang iglesia.19

Ang makalupang santuwario at ang simbolo ng mga serbisyo ay pansamantalang itinatag ng Diyos upang turuan ang Israel at tayo tungkol sa sistema ng paghahain, ang matuwid at ganap na plano ng kaligtasan at ang ministeryo ni Kristo sa makalangit na santuwario. Ang kamatayan ni Kristo sa krus ang nagpawi ng ordinansa sa paghahain sa makalupang santuwario at sa gayon ay hindi na magdadala ng karagdagang kahalagahan sa ngayon (Colosas 2:14: Hebreo 9:8–14).

ANG PAGKASASERDOTE

May mga napakahalagang pagkakaiba sa pagitan pagkasaserdote ni Jesus kung ihahambing sa makalupang pagkasaserdote.

Ang Diyos ay pinili ang tribo ni Levi upang maglingkod sa pagkasaserdote ng makalupang tabernakulo (Bilang 1:50; Exodo 28:1; Levitico 21:17–23). Subalit si Hesus ay hindi maaaring maging isang pangulong saserdote sa lupa, “sapagkat maliwanag na ang ating Panginoon ay nagmula kay Juda; kung saang tribo si Moises ay walang binanggit tungkol sa pagkasaserdote” (Hebreo 7:14). Isang pangulong saserdote ang pinili mula sa kanyang bayan (Hebreo 5:1). Upang si Hesus ay maging pangulong saserdote ng sangkatauhan sa langit, "Hindi Niya kinuha ang likas ng mga anghel; kundi kinuha Niya ang binhi ng Abraham” (Hebreo 2:16). Hindi katulad ng pagkasaserdote ng Levita, ang pagkasaserdote ni Jesus na ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec ay walang pasimula o katapusan (Hebreo 7:3).

Dalawang kaganapan ang tumatak sa paglilipat mula sa makalupa patungo sa makalangit pagkasaserdote. Nang si Kristo ay ipinako sa krus, “ang pagkapunit ng tabing ng templo ang nagpakita na ang mga paghahain at ordenansa ng mga Hudyo ay hindi na tatanggapin.”20 “Sa pamamagitan ng paghapak ng kaniyang kasuotan, [ni Caifas] ay naalis ang kaniyang sarili mula sa pagiging isang kinatawan. Hindi na siya tinanggap ng Diyos bilang nangangasiwang pangulong saserdote.”21

ANG PANG-ARAW-ARAW NA HANDOG NA SUSUNUGIN

Ang pang-araw-araw na haing paglilingkod ay isinasagawa sa looban at sa banal na dako upang ituro sa sakripisyo ng Mesiyas sa krus. Ang nagkasala ay kinakailangang magdala ng isang bata walang kapintasang hayop (kordero) bilang handog dahil sa kasalanan. Ang kordero (Exodo 12:21) ay kumakatawan kay Hesus na Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan (Juan 1:29; 1 Corinto 5:7). Ang nagkasala ay ipinapatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng hayop habang ipinapahayag ang kanyang mga kasalanan habang personal niyang papatayin ang hayop.

Ang pari ay kinukuha ang dugo nito, at iwiniwisik ito sa mga anyong sungay ng dambana at ibinubuhos ang natitira sa ibaba ng dambana o iwiniwisik ito sa harapan ng tabing sa ibabaw ng dambana ng insenso sa banal na dako o kinakain ang bahagi ng handog bago pumasok sa banal na dako. Ang buong serbisyo ay nagpahiwatig ng paglilipat ng mga kasalanan mula sa nagkasala hanggang sa santuwario (Hebreo 9:6; Levitico 4:3, 7, 22, 23; 6:10; 10:17, 18).

“Habang ang mga saserdote sa umaga at gabi ay pumapasok sa banal na dako sa panahon ng insenso, ang pang-araw-araw na paghahain ay inihahanda upang ihandog sa dambana sa looban na wala . . . [ang mananamba] na nagkakaisa sa tahimik na pananalangin, na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa banal dako. Kaya ang kanilang mga pagsusumamo ay umaakyat kasama ng usok ng insenso, habang ang pananampalataya ay nanghahawakan sa mga merito ng ipinangakong Tagapagligtas na inilalarawan ng nagbabayad-salang hain.”22

“Ang mga kasalanan ng Israel na inilipat sa santuwario, ang mga banal na dako ay nadudumihan, at isang natatanging gawain ang kinakailangan para sa pag-aalis ng mga kasalanan. Ang Diyos ay nag-utos na ang isang pagbabayad-sala ay dapat magawa sa bawat sagradong mga silid, para sa dambana, upang ‘linisin ito, at pabanalin ito mula sa karumihan ng mga anak ni Israel.’ ”23

ANG ARAW NG PAGBABAYAD-SALA (The day of Atonement)

Ang Araw ng Pagbabayad-sala (Yom Kippur) ay ang ika-10 araw ng ika-7 buwan ng Tishrei (sa pagitan ng Setyembre at Oktubre) at nananatiling pinakabanal na araw sa kalendaryong Judio (Levitico 23:27).

Minsan sa isang taon, sa dakilang Araw ng Pagbabayad-sala, ang saserdote ay pumapasok sa kabanalbanalang dako upang linisin ang santuwario. Ang gawain na isinasagawa doon ang bumubuo ng taunang ministeryo (Hebreo 9:7).”24

“Ang bawat tao ay dapat papagdalamhatiin ang kanyang kaluluwa habang ang gawain ng pagbabayad-sala ay nagpapatuloy sa langit. Lahat ng pangkaraniwang gawain ay isinasantabi, at ang buong kongregasyon ng Israel ay ginugugol ang araw sa solemneng pagdadalamhati sa Diyos, na may panalangin, pag-aayuno, at malalim na pagsasaliksik ng puso. . . . Gayon ang ginagawang paglilingkod ‘sa halimbawa at anyo ng mga makalangit na bagay sa langit’ (Hebreo 8:5).”25

ANG MINISTERYO NI CRISTO SA BANAL NA DAKO

Pagkatapos ng pag-akyat ni Kristo sa langit, Siya ay nagsimula na sa Kanyang gawain bilang ating Pangulong Saserdote. “Sa loob ng labingwalong siglo ang gawaing ito ng paglilingkod ay nagpatuloy sa unang silid ng santuwario. Ang dugo ni Kristo, ay nagsumamo para sa mga nagsisising mananampalataya, upang tiyakin ang kanilang kapatawaran at pagtanggap ng Ama, gayunpaman nanatili pa rin ang kanilang mga kasalanan sa mga aklat ng talaan.”26

ANG NAGSISIYASAT NA PAGHUHUKOM (The Investigative Judgement)

“Habang ang simbolo ng paglilinis ng makalupa ay naisakatuparan ng pag-aalis ng mga kasalanan na nagparumi dito, gayon ang totoong paglilinis ng makalangit ay dapat maisakatuparan sa pamamagitan ng pagtanggal, o pagpapawi ng mga kasalanan na doon naitala. Ngunit bago ito maisakatuparan, ay dapat may pagsusuri sa mga aklat ng talaan upang matukoy kung sino, sa pamamagitan ng pagsisisi ng kasalanan at pananampalataya kay Kristo, ang may karapatan sa mga benepisyo ng Kanyang pagbabayad-sala. Ang paglilinis ng santuwaryo kung gayon ay kinakailangan ang gawain ng pagsisiyasat sa gawain ng paghuhukom. Ang gawaing ito ay dapat maisagawa bago ang pagdating ni Kristo upang matubos ang Kanyang bayan.”27

“Sa dakilang araw ng huling pagbabayad-sala at nagsisiyasat na paghuhukom tanging ang mga kaso na isinasaalang-alang ay ang sa mga nag-aangking bayan ng Diyos [1 Pedro 4:17]. Ang pahuhukom sa masasama ay isang natatangi at hiwalay na gawain, at magaganap sa huling pang panahon.”28

Sa panahong itinakda para sa paghuhukom—ang pagtatapos ng 2300 na araw, noong 1844—ay nagsimula ang gawain ng pagsisiyasat at pagpapawi ng mga kasalanan. Ang lahat na kinuha para sa kanilang sarili ang pangalan ni Kristo ay dapat dumaan sa masusing pagsisiyasat nito. Pareho ang mga buhay at ang mga patay ay huhukuman 'mula sa mga bagay na iyon na nakasulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.’ ”29

“Ang mga aklat ng talaan sa langit, kung saan ang mga pangalan at mga gawa ng mga tao ay nakatala, ay dapat matiyak ang mga desisyon ng paghatol. . . .

“Ang aklat ng buhay ay naglalaman ng pangalan ng lahat na nakapasok sa paglilingkod sa Diyos. . . . [Lucas 10:20, Filipos 4:3; Daniel 12:1; Pahayag 21:27.]

Ang aklat ng alaala ‘ay nasulat sa harap niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang pangalan.’ (Malakias 3:16; Nehemias 13:14). . . . Bawat matuwid na gawa ay pananatilihing buhay.

“May talaan din ng kasalanan ng mga tao.”30 Bawat masamang gawa, bawat walang kabuluhang salita na binigkas ay hahatulan (Eclesiastes 12:14; Mateo 12:36,) 37; 1 Corinto 4:5; Isaias 65:6, 7).

Ang mga kasalanang hindi napagsisisihan at hindi iniwan ay hindi mapapatawad at mapapawi sa mga aklat ng talaan, kundi tatayo laban sa nagkasala sa araw ng Diyos. . . . Ang kasalanan ay maaaring itago, tanggihan, pagtakpan mula sa ama, ina, asawa, mga anak, at mga kasama; walang iba kundi ang mga nagkasalang tao ang maaaring magtangi ng pinakamaliit na hinala ng pagkakamali; ngunit ito ay nailalahad sa harapan ng mga kinatawan ng langit. . . . Ang Diyos ay may eksaktong talaan ng bawat hindi matuwid na talaan at bawat hindi patas na pakikitungo.”31

"Ang bawat gawa ng tao ay dumadaan sa pagsusuri sa harapan ng Diyos at nakatala para sa katapatan o hindi katapatan. Sa tapat ng bawat pangalan sa mga aklat ng langit ay isinusulat na may nakakakilabot na kawastuhan bawat maling salita, bawat makasariling kilos, bawat hindi natupad na tungkulin, at bawat lihim na kasalanan, kasama ang bawat tusong panlilinlang.”32 “Gaano kahalaga ang kaisipan! Bawat araw, ay lumilipas tungo sa walang hanggan, dinadala ang pasanin ng mga nakatala sa mga aklat ng langit. . . . Ang ating mga kilos, ang ating mga salita, maging ang ating pinaka-lihim na mga motibo. . . kahit na maaaring nakalimutan na natin sila, ay magdadala ng kanilang patotoo upang mag-aring ganap o maghatol.”33

SI KRISTO ANG ATING TAGAPAMAGITAN SA KABANALBANALANG DAKO

“At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid” (1 Juan 2:1). Tingnan din Hebreo 9:24.

“Habang ang mga aklat ng talaan ay nakabukas sa paghuhukom, ang mga buhay ng lahat ng sumasampalataya kay Hesus ay dumadaan sa pagsusuri sa harapan ng Diyos. Simula sa mga unang nabuhay sa lupa, ang ating Tagapamagitan ay iminumungkahi ang mga kaso ng bawat susunod na henerasyon, at magtatapos sa mga buhay. Ang bawat pangalan ay tatawagin, ang bawat kaso ay mahigpit na susuriin. Ang mga pangalan ay tatanggapin, ang mga pangalan ay tatanggihan. Kapag may natitira pang mga kasalanan sa mga aklat ng talaan, na hindi pinagsisihan at hindi napatawad, ang kanilang mga pangalan ay mapapawi sa aklat ng buhay, at ang talaan ng kanilang mga mabubuting gawa ay mabubura sa aklat ng alaala ng Diyos. . . .

Lahat ng tunay na nagsisisi ng kasalanan, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay inaangkin ang dugo ni Kristo bilang kanilang nagbabayad-salang hain, ay isinusulat ang pinatawad sa harapan ng kanilang mga pangalan sa mga aklat ng langit; bilang sila ay naging kabahagi ng katuwiran ni Kristo, at ang kanilang mga ugali ay natagpuang naaayon sa kautusan ng Diyos, ang kanilang mga kasalanan ay mapapawi, at ang kanilang sarili ay ibibilang na karapat-dapat sa buhay na walang hanggan.” [Isaias 43:25; Pahayag 3:5; Mateo 10:32, 33.]34

ANG ATING SOLEMNENG TUNGKULIN

Ang ating wastong pag-unawa sa gawain ng nagsisiyasat na paghuhukom (investigative judgment) ay nangangailangan ng ating determinadong pagkilos tungkol sa ating kaligtasan.

Lahat na nagnanais na ang kanilang pangalan ay manatili sa aklat ng buhay ay dapat ngayon, sa ilang natitirang panahon ng kanilang palugit, ay papagdalamhatiin ang kanilang mga kaluluwa sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pagkalungkot para sa kasalanan at tunay na pagsisisi. Kinakailangang may malalim, matapat na pagsisiyasat sa puso. Ang walang halaga, walang kabuluhang espiritu na pinagkakabuyuhan ng napakaraming nag-aangking mga Kristiyano ay dapat maaalis.”35

Kinakailangan nating lubos na gawin ang ating sariling pagkaligtas na may takot at panginginig (Filipos 2:12.) “Kapag ang gawain ng nagsisiyasat na paghuhukom ay natapos na (investigative judgment), ang kahahantungan ng lahat ay napagpasyahan na para sa buhay o kamatayan. Ang panahon ng awa ay natapos na sa maikling panahon bago ang pagpapakita ng Panginoon sa mga ulap ng langit. Si Kristo . . . .ay nagpahayag: ‘Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa. Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa..’ Pahayag 22:11, 12.”36

KONGKLUSYON

“Ang matuwid at ang masama ay mabubuhay pa rin sa lupa sa kanilang may kamatayang kalagayan—ang mga tao ay magtatanim at magtatayo, kumakain at umiinom, lahat ay walang malay na ang pangwakas, hindi na mababawing desisyon ay ipinahayag na sa santuwario sa itaas.

. . . Tahimik, hindi namamalayan tulad sa magnanakaw sa hatinggabi, ay darating ang tiyak na oras na magtatakda ng pag-aayos ng bawat kahahantungan ng tao, ang huling pag-aalis ng inihahandog na awa sa nagkasalang mga tao.

“ ‘Mangagpuyat nga kayo: . . . Baka kung biglang pumarito ay kayo'y mangaratnang nangatutulog' (Marcos 13:35, 36). Mapanganib ang kalagayan ng mga taong, napapagod sa kanilang pagbabantay, bumabaling sa pang-aakit ng sablibutan. Habang ang taong nangangalakal ay abala sa pagsisikap ng pakinabang, habang ang mahilig sa kasiyahan ay nagsisikap magpakabuyo, habang ang anak ng mahilig sa uso ay nag-aayos ng kanyang mga palamuti—ito ay maaaring sa oras na iyon ang Hukom ng buong lupa ay ipapahayag ang hatol: ‘ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang.’ Daniel 5:27.”37

Hanggang hindi ng Diyos winawasak ang may-akda ng kasalanan, ang bayan ng Diyos ay dapat isaalang-alang ang kanilang sarili na malaya mula sa pasanin ng kasalanan. Ngayon na ang panahon upang papagdalamhatiin ang ating mga sarili, malalim na suriin ang ating mga puso at taimtim na manalangin para sa pagpapawi ng ating mga kasalanan sa halip ng pagpawi ng ating mga pangalan mula sa aklat ng buhay, Amen.

Mga Reperensya:
1 Maranatha, p. 93.
2 Selected Messages, bk. 1, p. 270.
3 God’s Amazing Grace, p. 161.
4 The Great Controversy, p. c. 2. [1888 na edisyon.]
5 The Faith I Live By, p. 75.
6 Patriarch and Prophets, p. 63.
7 Evangelism, p. 221.
8 The Faith I Live By, p. 202.
9 Patriarch and Prophets, p. 343.
10 Haskell, S.N., The Cross and Its Shadow, pp.
11 176, 178.
12 Ibid., pp. 129, 130.
13 Ibid., p.179.
14 Ibid., p. 56.
15 Testimonies for the Church, vol. 4, p. 157.
16 Reflecting Christ, p. 46.
17 God’s Amazing Grace, p. 69.
18 Counsels on Diet and Foods, p. 269.
19 Counsels on Health, p. 219.
20 Patriarchs and Prophets, pp. 397, 403.
21 Early Writings pp. 259, 260.
22 The Desire of Ages, p. 709.
23 Patriarch and Prophets, p. 353.
24 Ibid., p. 355.
25 Ibid.
26 Ibid.
27 The Great Controversy, p. 421.
28 Ibid.
29 Ibid., p. 480.
30 Ibid., p. 486.
31 Ibid., pp. 480, 481.
32 Ibid., p. 486.
33 Ibid., p. 482.
34 Ibid., pp. 486, 487.
35 Ibid., p. 483.
36 Ibid., p. 490.
37 Ibid.
38 Ibid., p. 491.