ANG MENSAHE PARA SA MGA HULING ARAW

Ang Banal na Kasulatan ay malinaw ituro sa atin na “Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit” (Eclesiastes 3:1). Kaya gayon din ang "kaginhawahan" ay may panahon kung kailan ito dapat matupad.
Ang salitang "kaginhawahan" ay ginamit sa Silangan na may kaugnayan sa ulan na pumapatak sa lupa bago ang huling pag-aani ng trigo. Ito ay din ay kilala bilang "ang huling ulan."
“Sa Silangan ang unang ulan ay bumubuhos sa panahon ng paghahasik. Ito ay kinakailangan upang ang binhi ay tumubo. Sa ilalim ng epekto ng nakakapatabang ulan, ang batang supling ay sumisibol. Ang huling ulan, na bumubuhos malapit sa pagtatapos ng kapanahunan, ay pinahihinog ang trigo at inihahanda ito para sa karit. Ang Panginoon ay ginagamit ang mga gawaing ito ng kalikasan upang kumatawan sa gawain ng Banal na Espiritu.”1
Ang propetang si Zacarias sa Lumang Tipan ay gumawa ng batayan hindi lamang hanggang sa pagbuhos ng huling ulan, kundi tungkol din sa pangangailangan ng bayan ng Diyos na manalangin at hilingin ang pagbuhos nito sa naaangkop na panahon.
“Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan, at ang bawa't isa'y ng damo sa parang” (Zacarias 10:1).
Sa Bagong Tipan si apostol Pedro ay gumagawa din ng pagtukoy sa “kaginhawahan,” ng siya ay nagpahayag ng kanyang sermon sa maraming tao na nagtipon sa araw ng Pentecostes. Sa oras na iyon sila ay pinagkalooban ng dakilang kapangyarihan mula sa langit. Ang Banal na Espiritu ay ibinuhos nang sagana sa kanila. Ang gayong karanasan ay tinawag na "maagang ulan," o ang "unang ulan."
"Nang ang 'unang ulan' ay ibinigay, sa pagbuhos ng Banal na Espiritu sa pagbubukas ng ebanghelyo, upang tumubo ang mahalagang binhi, gayon ang 'huling ulan' ibibigay sa pagtatapos nito para sa pagpapahinog ng ang ani.”2
Nang magpahayag si apostol Pedro tungkol sa "mga panahon ng kaginhawahan" ginawa niyang malinaw na may ilang napakahalagang hakbang na dapat gawin bago ang katuparan ng kaganapan, gaya ng nakabalangkas sa mga pagbasa nitong Linggo ng Panalangin, tumutok sa talata sa Bibliya: “Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon;At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga sa inyo, na si Jesus:” (Gawa 3:19, 20).
Tayo ay may limang mahalagang punto dito:
a) Pagsisisi
b) Pagkahikayat (Pagbabalik-loob)
c) Pagpapawi ng mga kasalanan
d) Mga panahon ng kaginhawahan
e) Ang pagdating ni Hesus
Ang tunay na pagsisisi ay umaakay sa tao na kilalanin ang kanilang kasalanan at aminin ito. “Ang mga halimbawa ng salita ng Dios ng tunay na pagsisisi at pagpapakababa ay naghahayag ng espiritu ng pagtatapat kung saan walang pagdadahilan para sa kasalanan o pagtatangka ng pagbibigay-katwiran sa sarili. Si Pablo ay hindi ipinagtanggol ang kanyang sarili; inilarawan niya ang kanyang kasalanan sa pinakamadilim nitong kulay, hindi sinubukang bawasan ang kanyang pagkakasala.”3
Si apostol Juan ay nagsulat, “Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” (1 Juan 1:8, 9). Ito ay isang kahanga-hangang pangako: Kung ipagtatapat natin ang ating mga kasalanan, tayo ay pinatatawad at nililinis.
Pagkatapos nating magsisi at ipahayag ang ating mga kasalanan ay inaanyayahan tayong magbalik-loob. Ang pababalik-loob ay isang kumpletong 180° na pagbaling ng ating buhay, ang pagkuha ng katapat direksyon. Inaanyayahan tayo ng Panginoon talikuran ang sanlibutan patungo sa Kanya, ng kusang loob, hindi napipilitan:
“Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan: At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.” (Joel 2:12, 13).
“Ang pagbabago ay makikita sa pag-uugali, sa mga gawi, sa mga hangarin.”4
Ito ay hindi lamang isang maliit na pagpapabuti ng ating espirituwal na buhay kundi lubusang pagbabago.
“Walang katibayan ng tunay na pagsisisi maliban kung ito ay gumagawa ng pagbabago. Kung isasauli niya sa dati ang ipinangako, ibabalik ang kanyang ninakaw, aaminin ang kanyang mga kasalanan, at iibigin ang Diyos at ang kanyang kapwa tao, ang nagkasala ay maaaring maging tiyak na siya ay nakaligtas mula sa kamatayan tungo sa buhay.”5
Gaya rin ng ating nakita sa panahong ito ng Linggo ng Panalangin, tanging ang mga kasalanan lamang na ipinagtapat at tinalikuran ang maaaring mapawi, o maalis sa aklat ng buhay. Ang pag-alis ng mga kasalanan ay dapat maganap bago natin tatanggapin ang "kaginhawahan"— ang "huling ulan."
“Ang dakilang gawain ng ebanghelyo ay hindi magtatapos na may mas kakaunting pagpakita ng kapangyarihan ng Diyos kaysa sa ipinakita sa pagsimula nito. Ang mga propesiya na natupad sa pagbubuhos ng unang ulan sa pagbubukas ng ebanghelyo, ay muling matutupad sa huling ulan sa pagtatapos nito. Dito ay 'ang mga panahon ng kaginhawahan' ang inaasahan ni apostol Pedro nang sabihin niya, ‘Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan [sa Nagsisiyasat na Paghuhukom (Investigative Judgment]], upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon; at upang Kaniyang suguin si Hesus.’ ”6
Nang ang maagang ulan ay ibinuhos sa araw ng Pentecostes karamihan sa mga alagad ay natipon sa isang lugar, sa silid sa itaas. Ano ang kanilang ginagawa doon sa loob ng sampung araw? Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin:
"Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya.” (Mga Gawa 1:14).
“Ang mga araw na ito ng paghahanda ay mga panahon ng malalim na pagsisiyasat sa puso. Ang mga alagad ay nadama ang kanilang espirituwal na pangangailangan at dumaing sa Panginoon para sa banal na pangpahid upang sila ay maging angkop para sa gawain ng pagliligtas ng kaluluwa. Sila ay hindi humingi ng pagpapala para sa kanilang sarili lamang. Sila ay nabigatan sa pasanin ng kaligtasan ng mga kaluluwa.”7
Ito ay natupad sa Mga Gawa 2:1–4.
“Ang pangako ng Banal na Espiritu ay hindi limitado sa anumang edad o sa anumang lahi. Ipinahayag ni Kristo na ang banal kapangyarihan ng Kanyang Espiritu ay nasa Kanyang mga tagasunod hanggang sa wakas. Mula sa Araw ng Pentecostes hanggang sa kasalukuyang panahon, ang Mang-aaliw ay ipinadala sa lahat ng nagpapasakop ng kanilang sarili nang lubusan sa Panginoon at sa Kanyang paglilingkod.”8
Sa kabila ng katotohanan na ang Banal na Espiritu ay ibinigay sa atin ngayon sa isang saktong sukat, upang turuan tayo at gabayan sa lahat ng katotohanan, ang ipinangakong huling ulan ay kinakailangan para sa pagtatapos ng gawain ng Diyos, para sa pagtatapos ng pagpapahayag ng walang hanggang ebanghelyo. At ang pangakong ito ay matutupad:
“At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain: At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. ” (Joel 2:28, 29).
Kapag nabasa natin ang salitang "pagkatapos" sa aklat ni Joel nauunawaan natin na sa mga huling araw ay may isang gawaing kinakailangang maisakatuparan bago ang Banal na Espiritu ay ibibigay sa atin sa pinakamalaking sukat. Sa unang mga talata ng Joel 2, ang propeta ay ginawang malinaw ang gawaing dapat gawin bago ang huling ulan:
“Tipunin ninyo ang bayan, banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid. Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios? Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan.” (Joel 2:16–18).
Walang sinuman ang makakatanggap ng “kaginhawahan,” o “huling ulan,” kung ang kanyang mga kasalanan ay hindi napawi, o naalis. Gayunpaman, ito ay nakakalungkot sabihin, na marami ang umaasa upang matanggap ang dakilang pagpapalang iyon sa kanilang makasalanang kalagayan, nang walang pagsisisi at pagbabalik-loob, umaasa na sa panahon ng huling ulan ay mababago sila. Ang mga kaso ng mga gayon ay walang pag-asa, gaya ng mababasa natin sa sumusunod na pahayag:
“Aking nakita na marami ang nagpapabaya sa paghahanda na lubos na kinakailangan at umaasa sa kaginhawahan'at sa ‘huling ulan’ upang mag-angkop sa kanila upang makapanindigan sa araw ng Panginoon at makatayo sa Kanyang paningin. O, gaano karami ang nakita ko sa panahon ng kabagabagan na walang kanlungan! Sila ay nagpapabaya ng kinakailangang paghahanda; kaya sila ay hindi makakatanggap ng kaginhawahang na lahat ay dapat na magkaroon upang maangkop sila na mabuhay sa paningin ng isang banal na Diyos. . . . nakita ko na walang makakabahagi ng kaginhawahan' maliban kung matamo nila ang tagumpay sa bawat paghihirap, sa pagmamataas, pagkamakasarili, pag-ibig sa sanlibutan, at bawat maling pananalita at pagkilos.”9
“Yaaong mga nagpapaliban ng paghahanda para sa araw ng Diyos ay hindi matatamo ito sa panahon ng kabagabagan o sa anumang sususod na panahon. Ang kaso ng lahat ng gayon ay wala ng pag-asa.”10
“Araw-araw ay kinakailangang nating hahanapin ang pagbibigay-liwanag ng Espiritu ng Diyos, upang magawa nito ang gawain sa kaluluwa at pag-uugali. O, gaano karaming oras ang nasasayang sa pagbibigay pansin sa mga bagay na walang kabuluhan. Magsisi at magbalik-loob, upang ang inyong mga kasalanan ay mapawi kung dumating na ang mga panahon ng kaginhawahang magmumula sa Panginoon.”11
“Ngayon ay kinakailangan nating linisin ang sisidlan upang ito ay maging handa para sa makalangit na hamog, handa para sa pagbuhos ng huling ulan; dahil ang huling ulan ay darating, at ang pagpapala ng Diyos ay pupunuin ang bawat kaluluwa na nilinis sa bawat karumihan. Ito ay ating gawain ngayon na ipasakop ang ating mga kaluluwa kay Kristo, upang tayo ay maging karapat-dapat sa panahon ng kaginhawahang nagmumula sa Panginoon—na naaangkop para sa bautismo ng Banal na Espiritu.”12
“Bago ang huling pagdalaw ng mga paghatol ng Diyos sa lupa ay magkakaroon sa bayan ng Panginoon ng gayong muling pagpapanibagong buhay ng sinaunang kabanalan na hindi pa nasaksihan mula pa noong panahon ng apostol. Ang Espiritu at ang kapangyarihan ng Diyos ay ibubuhos sa Kanyang mga anak.”13
“Habang ang mga kaanib ng katawan ni Kristo sa panahon ng kanilang huling pakikipagtunggali, ‘ang panahon ng kabagabagan ni Jacob,’ sila ay lalago kay Kristo, at makikibahagi ng malaki sa Kanyang Espiritu. Habang ang ikatlong mensahe ng anghel ay lumalakas sa isang malakas na sigaw (loud cry), at habang ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian ay tumutulong sa pagtatapos ng gawain, ang matapat na bayan ng Diyos makibahagi sa kaluwalhatiang iyon. Ito ay ang huling ulan ang magpapasigla at magpapalakas sa kanila na makapanagumpay sa panahon ng kabagabagan. Ang kanilang mga mukha ay sisinag ng kaluwalhatian ng liwanag na iyon na umaalalay sa ikatlong anghel.”14
“Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan” (Joel 2:23).
“At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip: Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon Ibubuhos ko ang aking Espiritu; at magsisipanghula sila.” (Gawa 2:17, 18).
“Sa pagsisimula ng panahon ng kabagabagan, tayo ay mapupuspos ng Banal na Espiritu habang tayo ay humahayo at ipinahahayag ang Sabbath ng lubusan.”15
“‘Ang pagsisimula ng panahon ng kabagabagang iyon,’ na binanggit dito ay hindi tumutukoy sa panahon kung kailan ang mga salot ay magsisimulang ibuhos, kundi sa isang maikling panahon bago sila ibuhos, habang si Kristo ay nasa sa santuwario. Sa panahong iyon, habang ang gawain ng kaligtasan ay nagtatapos, darating ang kaguluhan sa lupa, at ang mga bansa ay magagalit, gayon pa man pinipigilan upang hindi mapigilan ang gawain ng ikatlong anghel. Sa panahong iyon ang 'huling ulan,' o ang kaginhawahang nagmumula sa Panginoon, ay darating, upang magbigay ng kapangyarihan sa malakas na tinig ng ikatlong anghel, at ihanda ang mga banal na makatayo sa panahon kung kailan ang huling pitong huling salot ibubuhos.”16
“Ang bayan ng Diyos ay natapos ang kanilang gawain. Sila ay tatanggap ng ‘huling ulan,’ ‘ang kaginhawahang nagmumula sa Panginoon,' at sila ay handa na para sa mahirap na panahon sa unahan nila. Ang mga anghel ay nagmamadali paroo’t parito sa langit. Isang anghel ang bumalik mula sa lupa ay nagpapahayag na ang kanyang gawain ay natapos na; ang huling pagsubok ay dadalhin sa sanlibutan, at lahat na napatunayan ang kanilang sarili na matapat sa mga banal na utos ay makakatanggap ng ‘tatak ng Dios na buhay.’ Pagkatapos si Jesus ay titigil sa Kanyang pamamagitan sa santuwario sa itaas.”17
Habang pinag-aaralan natin ang mga Kasulatan na naglalaman ng mga nakakamanghang pangako ng Diyos sa pagkakaloob sa atin ng Banal Espiritu sa kapuspusan, dapat nating maunawaan na sa panahon ng maagang ulan ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay ibinigay sa magkakasama na “silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako.” Sa panahon ng huling ulan ang karanasan ng bayan ng Diyos dapat magkakatulad. Ang talata sa Bibliya sa Zacarias ay nagsasabi:
“Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan” (Zacarias 10:1).
Maraming beses na nating nabasa ang talatang ito sa Bibliya, at naglalagay ng matinding pagdidiin sa mga salitang: “Hingin mo sa Panginoon ang ulan ang panahon ng huling ulan,” at nakakalimutan ang huling bahagi ng talata na nagsasabing ang Panginoon ay magbibigay ng ulan "at ang bawa't isa'y ng damo sa parang." Ang mga huling mga salitang ito ay nagpapahiwatig na ang bawat isa na nasa parang (ang iglesia), na sa panahong iyon ay dapat na isang dalisay na iglesia, ay tatanggap ng huling ulan. Yaong mga nagpabayang gumawa kanilang paghahanda para sa pagpapala ng huling ulan ay hindi matatagpuan kasama nila. Sila ay matatanggal mula sa nalalabing bayan ng Diyos sa pamamagitan ng isang matinding pagliliglig. Ang salita ng kinasihan ay napakalinaw:
“Ang Diyos ay binibistay ang Kanyang bayan. Siya ay magkakaroon ng malinis at banal na iglesia. Hindi natin maaaring basahin ang puso ng tao. Ngunit ang Panginoon ay naglaan ng pamamaraan upang mapanatiling malinis ang iglesia.”18
“Ang ilan ay naliliglig at naiiwan sa daan. Ang walang ingat at pabaya, na hindi sumasali kasama ang mga taong pinahahalagahan ng sapat ang tagumpay at kaligtasan sa matiyagang pagsusumamo at pakikipagbuno para dito, ay hindi makukuha ito, at sila ay maiiwan sa kadiliman, at ang kanilang mga lugar ay agad na mapapalitan ng iba na nanghahawakan sa katotohanan at pumapasok sa mga hanay.”19
“Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao, na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito; Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo” (Tito 2:11–13).
“Kapag ang katangian ng Tagapagligtas ay ganap na natularan ng Kanyang bayan, pagkatapos Siya ay darating upang angkinin ang sariling Kanya. Ito ay ang pribilehiyo ng bawat Kristiyano, hindi lamang maghintay, kundi padaliin, ang pagdating ng ating Panginoon.”20
“At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.” (Mateo 24:30, 31).
“Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian: At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing. Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan” (Mateo 25:31–34).
Habang binabasa natin ang karanasan ng mga unang alagad sa simula ng dispensasyong Kristiyano nang natanggap nila ang dating ulan, makikita natin na ang mga nasa silid sa itaas ay tumanggap ng bautismo ng Banal na Espiritu nang sama-sama. Ang ibang mga kaanib ng iglesia ay tumanggap pagkatapos, bawat-isa.
Maaari rin ba itong mangyari sa ating kapanahunan? Ang huling ulan ay pinag-uusapan, at lubos nating ipinagdadasal ito ng madalas, bilang isang kaganapan na mangyayari sa hinaharap. Kailan kaya ito magaganap? Ito ba ay kasalanan ng Panginoon ang pagkaantala sa pagtanggap ng dakilang pagpapala? Sinasabi sa atin ng Bibliya: “Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13).
Sa loob ng ilang linggo, ang mga kinatawan ng nalabing bayan ng Diyos ay magtitipon ng sama-sama. Ang Banal na Espiritu ba ay maibubuhos sa mga delegado ng General Conference session sa 2025? Maaari ba ang napakagandang pangako ng huling ulan matatanggap pagkatapos? Mahal na mga kapatid, tayo ay maghanda sa dakilang pagpapalang iyon. Ang Panginoon ay tutulungan ang lahat ng mayroon nitong pagnanais na mabautismohan ng Banal na Espiritu. Ang Espiritu ng Hula ay nagpapayo sa atin:
“Ang mga anghel ng Diyos ay nagbabantay sa pagbubuo ng ugali at tinitimbang ang moral na halaga. Ang panahon ng awa ay malapit nang matapos, at tayo ay hindi pa handa. O nawa, ang salita ng babala ay mag-alab sa inyong mga kaluluwa! Maghanda! maghanda na!”21
Bilang isa sa inyong kapwa mga lingkod, ako ay may pagnanais na gumawa ng pagsusumamo sa bawat isa kung sino ang pupunta bilang isang delegado sa General Conference Session sa 2025: Pakiusap, pumunta sa Conference na walang laman, malaya sa lahat ng hindi matuwid na ideya, gumawa ng masusing paghahanda, at makipagpayapaan sa Diyos at sa tao, magkaroon ng walang kapintasang budhi, at maging handa na mabautismuhan ng Banal na Espiritu. Sino ang nakakaalam kung ang labis na inaasahang pangako ay matutupad? At tayong lahat, mga kapatid, na hindi delegado, ay dapat suriin ang ating buhay, ipahayag ang ating mga kasalanan at pagkakamali sa Diyos at sa isa't isa, at humingi ng kapatawaran, upang ang ating ang mga kasalanan ay mapawi, at manalangin ng taimtim para sa tagumpay ng Conference, upang dalawin ng Panginoon Ang kaniyang mga lingkod na may mga ulan ng dakilang pagpapala. Ang Espiritu ng Hula ay nagpapayo sa atin:
“Hayaan ang mga Kristiyano na alisin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, at ibigay ang kanilang mga sarili sa Diyos para sa pagliligtas ng mga nawaglit. Hayaan sila na sa pananampalataya ay humihingi ng pagpapala, at ito ay darating. Ang pagbuhos ng Espiritu sa panahon ng mga apostol ay ang ‘unang ulan,’ at maluwalhati ang resulta. Ngunit ang 'huling ulan' ay magiging mas masagana.”22
"Ngayon ay ibigay mo ang iyong sarili sa Diyos, upang kayo ay mawalan ng laman sa sarili, walang laman ng inggit, selos, masasamang akala, pagtatalo, lahat ng iyon ay kalapastanganan sa Diyos. Ngayong araw dapat mong linisin ang inyong sisidlan upang ito ay maging handa para sa makalangit hamog, handa na sa pagbuhos ng huling ulan; sapagkat ang huling ulan ay darating, at ang pagpapala ng Diyos ang pupuno sa bawat kaluluwa na nilinis mula sa bawat karumihan. Ito ay ating gawain ngayon na ibigay ang ating mga kaluluwa kay Kristo, upang tayo ay maging angkop para sa panahon ng kaginhawahan na mula sa harapan ng Panginoon—angkop para sa bautismo ng Banal na Espiritu.”23
Amen!