Back to top

The Reformation Herald Online Edition

ANG MENSAHE PARA SA MGA HULING ARAW

SABBATH, DISYEMBRE 14, 2024
ANG PAGPARITO NI JESU-CRISTO
MARCELO PONCE — GERMANY

“Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo” (Tito 2:13).

“Isa sa pinaka-solemne at gayunman ang pinaka maluwalhating katotohanan na inihayag sa Bibliya ay ang ikalawang pagparito ni Kristo upang tapusin ang dakilang gawain ng pagtubos. Sa bayang manlalakbay ng Dios, na napakatagal ng naninirahan sa ‘lupain at lilim ng kamatayan,' isang napakahalagang, nagbibigay-kagalakang pag-asa ang ibinigay sa pangako ng Kanyang pagpapakita, na Siya ‘ang pagkabuhay na maguli at ang kabuhayan,’ upang 'pauwiin muli ang Kanyang pinalayas.' Ang doktrina ng ikalawang pagdating ay ang pinaka-pangunahing paksa ng Banal na Kasulatan.

Ako ay 11 taong gulang na bata noong ako dumalo sa aming mga pagpupulong sa iglesia kasama ang aking pamilya sa unang pagkakataon. Doon ako nagsimulang makarinig sa unang pagkakataon ng kahanga-hangang mensahe ng muling pagparito ni Hesu-Cristo sa lupa; at ang mga dakilang kaganapan na ipinahayag sa mga propesiya na natupad nang eksakto at sa oras na inihula nila, ay ang patunay na makikita na natin ang kaganapang iyon sa loob ng maikling panahon.

ANG KANIYANG PANGAKO

Ilang sandali bago si Jesus pumunta sa Getsemani sa huling pagkakataon upang manalangin, ipinahayag Niya sa Kanyang mga alagad na iiwan Niya sila dahil ang kanyang misyon sa lupa ay malapit ng magtapos at Siya ay babalik na sa lugar kung saan sila, sa ngayon, ay hindi maaaring sumama ka sa Kanya. Sa pagkakita sa mga alagad' sa natural na reaksyon ng kalungkutan at marahil ng pag-iwan, sinabi ni Jesus sa kanila: "Huwag magulumihanan ang inyong puso" (Juan 14:1). Ang mga salitang iyon ang nagbigay sa kanila ng pag-asa at, tulad nila, ninanais ni Hesus na ibigay sa bawat mananampalataya ang pagtitiwala ng pagkaalam na nauunawaan Niya ang lahat ng mga pangyayari sa buhay at Siya ay mayroon ng lahat ng bagay na kinakailangan ng kaluluwa upang mapayapa. Pagkatapos ay sinabi Niya sa kanila: “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan” (Juan 14:2).

Ang mga mansyon na iyon ay kumakatawan sa isang tahanan at ang isang tahanan ay ang lugar kung saan tayo lahat sa pangkalahatan ay nakakahanap ng seguridad, kapayapaan, at kaligayahan. Ang pangakong iyon ay dapat maging isang dakilang inspirasyon sa bawat isa sa atin; Makakarating tayo sa isang tahanan kung saan din “Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka” (Isaias 65:25). Ang tahanang iyon ay malayo sa lahat ng bagay na sa ngayon ay nagdudulot sa atin ng kalungkutan at kawalan ng kapanatagan, kung saan “papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man:” (Pahayag 21:4).

Ngunit ang sumunod na pangako ay dakila gaya ng nauna: “At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:3). “Ako ay darating muli” ay ang balsamo na kinakailangan ng mga alagad sa sandaling iyon. Hindi pa nila nalalaman ang pagsubok na naghihintay sa kanila, ngunit mula noon ang pangakong ito ang magiging sentro ng kanilang atensyon at sigasig na lumabas upang ipahayag ang Kanyang pagbabalik, at magsikap na ipakilala si Hesu-Kristo sa lahat bansa, tribo, wika, at mga tao.

ANG KANYANG PAG-AKYAT AT PAGBABALIK

Apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, si Jesua ay pinangunahan ang Kanyang mga disipulo sa Bundok ng mga Olibo, malapit sa Betania, sa harap ng lungsod ng Jerusalem kung saan Siya ay tinanggihan at pagkatapos ay hinatulan ng kamatayan. Ito ang sandali ng pagpaalam at pagkakataon upang ibigay ang mga huling tagubilin sa pangkat na ito ng mga lalaki at babae na kumakatawan sa nawawalang tupa na natagpuan. Ang mga salita ni Jesus ay hindi panunumbat sa kanilang mga pagkakamali o kabiguan, ang mga iyon ay mga salita ng napakataimtim na pagkahabag at pagdamay.

“Ang mga kamay na nakabukas sa pagpapala, at kahit na may katiyakan ng Kanyang nag-iingat na pangangalaga, Siya ay dahan-dahang umakyat mula sa kanila, iniaakyat sa langit sa pamamagitan ng isang mas malakas na kapangyarihan kaysa sa anumang makalupang paghatak. Habang Siya ay umaakyat paitaas, ang namamanghang mga alagad ay may humahatak na tingin para sa huling sulyap sa kanilang umaakyat na Panginoon. Isang ulap ng kaluwalhatian ang nagkubli sa Kanya mula sa kanilang paningin; at ang mga salita ay bumalik sa kanila na tulad ng maulap na karo ng mga anghel ang tumanggap sa Kanya, ‘narito, Ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.’ Kasabay nito ay may lumutang pababa sa kanila ng napakamatamis at napakasayang musika mula sa koro ng mga anghel.”2

Sa sandaling iyon, dalawang makapangyarihang mga anghel sa anyo ng mga tao, dahil sa pagdamay at pag-ibig sa mga alagad na nakatingin sa langit, ay lumapit at nagtanong sa kanila: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Gawa 1:11). Ito ang parehong mensahe ng pag-asa na sinabi sa kanila ni Jesus matagal na “Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian” (Mateo 25:31). Ito ay parehong pahayag na natanggap ni Juan sa pulo ng Patmos “Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa” (Pahayag 1:7). Ang mga anghel ay tiniyak sa kanila na ang parehong Jesus na kanilang nakitang umaakyat sa langit ay darating muli tulad ng Kanyang pag-akyat. Totoo, Siya ay darating na nasa mga alapaap, at makikita Siya ng bawat mata.

MGA TANDA NG KANYANG PAGDATING

Ang higit pang pag-unawa tungkol sa panahon ng katapusan ay isang bagay na umakit ng atensyon ng mga alagad— at ganon din tayo dapat maakit nito. Sila ay lumapit kay Jesus nang palihim upang itanong: “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3).

Sa mga lugar kung saan ang teknolohiya ay mas lumalago at ang mga paglalakbay ay ginagawa na may modernong pamamaraan ng transportasyon, tayo ay nagbibigay pansin sa mga signal ng satellite navigator o GPS device na ibinibigay sa atin, tungkol sa natitirang distansya sa patutunguhan o posibleng mga pagbabago sa napiling ruta. Ang mga palatandaan na malapit sa daan ay nakakatulong din sa atin. Ang mga hula sa Bibliya ay parang katulad ng GPS na nagsasabi sa atin kung nasaan tayo sa kasalukuyan upang tayo ay makapag-handa at gabayan nang ligtas sa patutunguhan.

ANG PANLILINLANG

“At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.” (Mateo 24:4, 5). Bakit ito ipinahayag ni Kristo bilang unang tanda bago ang katapusan? Ang sagot ay ibinigay ni apostol Pedro: “Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (1 Pedro 5:8). Mahal mga kapatid na lalaki at babae, si Satanas ay nalalaman ang mga hula sa Bibliya at nalalaman na ang pagdating ni Kristo ang magwawakas sa kanyang nakakakilabot na paghahari. Kaya naman sa tusong panlilinlang at lihim na pakana–katulad ng leon na pinagmamasdan ang biktima nito bago sunggaban ito—ipinakilala niya ang mga huwad na doktrina na nahahaluan ng ilang bahagi ng katotohanan upang ang mga mananampalataya ay mahulog sa kanyang mga bitag. Ang paglaganap ng Islam, Budismo, Agnostisismo, at iba pang pilosopiyang paglaganap sa buong mundo ay binabaluktot ang pang-unawa ng mga tao sa katangian ng nag-iisang tunay na Diyos, ang Maylalang ng langit at lupa, at naglayo sa kanila mula sa tanging tunay na pinagmumulan ng kaalaman, ang Bibliya.

Ang ating tanging katiyakan ay nakasalalay sa pag-aaral ang Banal na Kasulatan na may maraming pananalangin at pagtatalaga. Ito ang tanging bagay na maaaring mag-ingat sa atin laban pagkakamali. Kung gagawin natin ito, tayo ay tiyak na makakapanindigan “Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.” (Isaias 8:20). Sa madalas na pag-aaral sa kanila tayo ay makakapag-imbak sa ating kaisipan ng tanging kayamanan na makakapagpatibay sa atin: “Nasusulat.” Ngunit isang babala: sa pagsulong ng teknolohiya ito ay lalong lumalagong karaniwang makikita na ang mga mananampalataya ay tinatalikuran ang pagbabasa ng nakasanayang mga Bibliyang yari sa papel. Sa isang banda, ito ay ginawang mas madali para laging dala natin ang kumpletong mga aklatan, mga aralin, mga hymnal, atbp. gamit ang ating mga electronic devices. Pero sa kabilang banda, kahit sa kaunting hudyat ng mensaheng nakarating sa atin o konting sandali ng pagkagambala, iniiwan natin ang pag-aaral at ang ating kaisipan ay mabilis na nababaling sa iba pang mga bagay na madalas walang kinalaman sa sandalling iyan. Dahil napakadali na at dahil sa pamamaraang ito, si Satanas ay maraming beses na nagagawang hadlangan ang mga mananampalataya mula sa pag-aaral ng katotohanan.

DIGMAAN, SALOT, GUTOM, MGA LINDOL

Si Jesus ay nagbabala sa Kanyang mga alagad:At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako” (Mateo 24:6, 7). Sa hindi pa natatagalang mga taon nasaksihan natin ang kaguluhan kung saan ang mga bansa nabubuhay. Habang ang bawat isa ay kasalukuyang naghahanap ng kapayapaan, ang mga malalaking digmaan ay nagwawasak at pumapatay ng libu-libo sa palibot ng mundo. Ang paglilipat ng libu-libong mga taong tumatakas dulot ng mga digmaan at kawalan ng katatagan sa pulitika sa maraming bansa ay kinukuha sila sa iba't ibang panig, gumagawa ng totoong makataong mga krisis kung saan ang sakit at gutom ay nangyayari. Sa kabila ng mga nakakakilabot na pangyayaring ito, milyon-milyon ang inilalaan ng mga may malalaking kapangyarihan upang bumili ng mga armas at bala para ipagpatuloy ang mga digmaan.

Sa kabilang banda, habang sa ilang mga bansang mayroong kasaganaan ng pagkain at maraming tao ang nagkakasakit dahil sa lahat ng fast food o junk food na kanilang kinakain, at kung saan araw-araw libu-libong toneladang pagkain ang napupunta sa basurahan, ay meron ding ibang mga lugar kung saan libu-libo ang namamatay dahil sa gutom. Mahirap tanggapin na sa ika-21 na siglo, sa kabila ng lahat ng teknolohikal na pagsulong at ng pagiging madali at pagiging mabilis ng mga bagay maaaring maihatid. May mga lugar kung saan ang mga tao ay namamatay dahil sa mga sakit na dulot ng kawalan ng inuming tubig o dahil sa panghihina dahil sa wala ng kahit anong makakain. Ang mga likas na sakuna na nangyayari kamakailang mga dekada ay kabilang din sa mga tanda na tinutukoy ni Hesus. Tulad ng tagtuyot na pumupuksa ng buhay sa ilang rehiyon ng planeta, mga baha na dulot ng matindi at abnormal na pag-ulan o buhawi at ang mga bagyo ay nag-iiwan ng pagkawasak at libu-libong mga biktima sa kanilang paglipas. Sa nagdaang mga taon, marahas na mga lindol ang naganap sa iba't ibang mga dako at hindi lamang nadagdagan ang lakas, kundi ganon din ang malaking bilang ng mga biktimang iniiwan nila.

“Gaano kadalas nating naririnig ang mga lindol at mga buhawi, ang pagkawasak sa pamamagitan ng apoy at baha, na may napakalaking pagkawala ng buhay at ari-arian! Tila ang mga kalamidad na ito ay ang hindi mahulaang paglaganap ng magulo, hindi makontrol na pwersa ng kalikasan, ganap na lampas na sa pagkontrol ng tao; ngunit sa kanilang lahat, ang layunin ng Diyos ay maaaring basahin. Sila ay kasama sa mga ahensya kung saan Siya ay nagsisikap na pukawin ang mga kalalakihan at kababaihan sa pagkadama ng kanilang panganib." 3 Ang mga siyentipiko at pilosopo na naghahanap ng mga paliwanag at pamamaraan upang maiwasan ang mga kaganapang ito ay nagpalagay na ang lahat ay mula sa pagbabago ng klima (climate change) at ito ay ang sanhi ng epekto sa kalikasan sa ganitong paraan. Muli, ang mga teorya ng tao ay inililihis ang tainga ng mga tao mula sa totoong dahilan para sa mga kaganapang ito. Totoo na ang kalikasan ay naapektohan at nababago dahil sa masamang mga gawa ng sangkatauhan, subali’t hindi natin dapat ipagwalang bahala na ito rin ang mga tanda na tinutukoy ni Jesus. Hindi rin natin dapat balewalain ang mga sumisira sa kalikasan ay parurusahan. “At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa” (Pahayag 11:18). Ang dakilang gawa ng paglikha ay sinira, at ang mga may kagagawan sa pagkasira nito ay parurusahan.

Ang mga pangyayaring ito ba ay ang mga tandang ipinahayag ni Hesus sa Kanyang mga disipulo na magsisilbing gabay upang malaman paano matukoy ang panahon? Oo, sila nga. Tulad ng itinanong ng mga alagad, kailan ang magiging katapusan ng panahon? Tayo ay hindi maaaring magtakda ng petsa, tayo ay maaari lamang bigyang kahulugan ang mga tanda at maunawaan na wala nang maraming oras na natitira para sa ating mundo at sa mga naninirahan dito. “Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36).

ANG KASAYSAYAN AY NAUULIT MISMO

Si Jesus ay itinuro na ang panahon ng katapusan ay magiging katulad ng panahon bago ang baha. “At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” (Mateo 24:37–39).

Ang pagkain, ang pag-inom, o pag-aasawa ay hindi labag sa batas na mga bagay. Kung ano ang gumagawa sa kanilang kasuklam-suklam sa Diyos ay ang mga kalabisan na ginagawa ng tao sa kanila. Ang pinakakaraniwang sakit ngayon ay higit na kagagawan ng masamang gawi sa pagkain o pag-inom, ang laging nakaupong pamumuhay, at ang paggamit at pag-abuso ng mga sangkap na nakakapinsala sa kalusugan. Ang matagal na pagkakalantad sa mga nakakalasong bagay tulad ng mga nalalanghap sa malalaking lungsod o paggamit ng tabako at droga ay hindi lamang ang sanhi ng maraming sakit, kundi ganon din ang(genetic alterations) (pagsasama ng mga cell o genes sa hindi natural na pamamaraan) na naglalantad sa mga lumalalang sakit o autoimmune na sakit (sakit na nabubuo kapag ang immune system ay nasisira). Ang kuwento kung ano ng nangyari sa Sodoma at Gomorra, gayundin ang karanasang isinasabuhay ng bayan ng Israel sa Shitim sa harap ng lupang pangako, ay isang babala na naitala upang ituro sa atin na ang kahalayan at hindi makontrol na mga pagnanasa ay aakay sa mga tao na gumawa sa harapan ng Diyos ng pinaka-kasuklam-suklam at napakasamang mga kilos na maaaring maisip natin. “Sa lahat ng kapanahunan mayroong nagkalat na mga malalaking kapinsalaan ng pag-uugali na napadpad sa mga bato ng mahalay na pagpapakabuyo. Habang nalalapit tayo sa katapusan ng panahon, habang ang bayan ng Diyos ay nakatayo sa mga hangganan ng makalangit na Canaan, si Satanas ay gagawin, tulad noong unang panahon, na dodoblehin ang kanyang pagsisikap upang hadlangan sila sa pagpasok sa mabuting lupain. Inilalatag niya ang kanyang mga silo para sa bawat kaluluwa. Hindi ang mangmang at hindi sibilisado ang kinakailangan lang bantayan; siya ay naghahanda ng kanyang mga panunukso para sa mga nasa matataas na katungkulan, sa pinakabanal na katungkulan; kung maaari niyang akayin sila na dumihan ang kanilang mga kaluluwa, maaaring niyang gawin sa pamamagitan nila na mapahamak ang marami. At siya ay gumagamit ng parehong mga ahente ngayon tulad ng ginamit niya sa nagdaang tatlong libong taon. Sa pamamagitan ng makamundong pakikipag-kaibigan, sa pamamagitan ng pang-aakit ng kagandahan, sa paghahanap ng kaluguran, kasiyahan, piging, o ng saro ng alak, siya ay nanunukso ng paglabag sa ikapitong utos.”4

PINABIBILIS ANG KANYANG PAGDATING

“Ito ay pribilehiyo ng bawat Kristiyano na hindi lang hintayin kundi madaliin ang pagdating ng ating Panginoong Hesu-Kristo” (2 Pedro 3:12, margin). Kung ang lahat ng nag-aangkin ng Kanyang pangalan ay nagdadala ng bunga para sa Kanyang kaluwalhatian, gaano kabilis ang buong mundo ay mahahasikan ng binhi ng ebanghelyo. Mabilis ang huling malaking pag-aani ay mahihinog, at si Kristo ay darating upang tipunin ang mahalagang trigo.”5

Pribilehiyo nating magsalita tungkol sa mapalad na pag-asa na yun ay ang pagbabalik ni Jesu-Kristo. Pribilehiyo rin nating gawin ang parehong gawain ng pagbabago na ginawa ni Juan Bautista upang ihanda ang daan para sa unang pagdating ng Panginoon. “Ang dakilang paksa ng pagbabago ay dapat magpasigla, at ang kaisipan ng publiko ay dapat pukawin. Pagpipigil sa lahat ng bagay ay dapat na nakaugnay sa mensahe, upang ibaling ang bayan ng Diyos mula sa idolatriya, kanilang katakawan, at sa kanilang labis na paggasta sa pananamit at iba pang mga bagay.”6

Ngayon na ang oras upang gumawa ng pagbabago sa ating mga buhay, kapag ang ating pagsunod sa kautusan ng Diyos ay nagpapahayag na totoong iniibig natin Siya. Walang oras na dapat masayang. Tayo ay dapat na determinado na isara ang mga lagusan sa lahat ng bagay na hindi kumakatawan sa katangian ng bayan na naghahandang ilipat sa makalangit na tahanan. Ang ating mga gawa ay dapat nagpapahayag na “ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo” (Filipos 3:20).

ANG ATING PAGHAHANDA

“Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi” (2 Pedro 3:9). Ang nag-iisang layunin ng panahon ng awa na mayroon tayo ngayon ay para gamitin natin ito para sa ating pagtatalaga at paghahanda para sa dakilang araw ng pagdating ni Kristo. Bawat araw na lumilipas ay isang araw na bawas sa (countdown) pabawas na pagbilang sa katapusan. Kung si Jesus ay hindi pa bumabalik ito ay dahil lamang binibigyan niya tayo ng panahon upang lahat tayo ay sumailalim sa lubusang pagsisisi at makaranas ng malalim, tunay na pagkahikayat sa ating buhay.

Ang pagliligtas sa atin ay ginawa gamit ang mahalagang dugo ni Kristo, ang Korderong walang kapintasan at walang dungis ( 1 Pedro 1:18, 19 ) upang maabot ang mga tahanang iyon na kung saan “hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya” (1 Corinto 2:9). Huwag hayaan ang mga pang-aakit ng sanlibutan na iniaalok sa atin, ang mga kapistahan at tradisyon nito, mga hindi kinakailangang mga uso o palamuti, hindi masustansyang pagkain o mga inumin o ang pag-ibig sa salapi at mga makamundong ari-arian ang maghihiwalay sa atin sa mahalagang mensahe ng pagdating ng Panginoon na ngayon na ang oras upang makapaghanda!

KONGKLUSYON

Tanging ang biyaya ng Diyos ang makakatulong sa atin upang paghandaan ang Kanyang pagdating. Tanging ang gawa ng Banal na Espiritu ang maaaring magkumbinsi sa atin sa panawagan ng pagsisisi at pagbabalik-loob. Nawa ang ating pang-araw-araw na panalangin ay “dumating nawa ang kaharian mo.” Nawa ang mapalad na pag-asa ay maging tulad ng tanglaw na nagliliwanag sa ating paglalakbay sa madilim na mundong ito na punong-puno ng kasamaan at pagdurusa. Nawa ang ating layunin ay ipagpatuloy patungo sa hangganan, sa ganting-pala ng dakilang pagkatawag (Filipos 3:14) upang ipakita si Jesus sa araw-araw at sa bawat pagkilos. Nawa ang dalisay at walang dungis relihiyon (Santiago 1:27) ang maging bunga ni Kristo sa atin.

“Kapag ang katangian ni Kristo ay ganap na natularan ng Kanyang bayan, pagkatapos Siya ay darating upang angkinin sila bilang Kanya.”7 Maranatha, ang Panginoon ay darating na! Ipinahayag niya:

“Oo: ako'y madaling pumaparito. Siya nawa: pumarito ka Panginoong Jesus.” (Pahayag 22:20). Amen.

Mga Reperensya:
1 The Great Controversy, p. 299.
2 The Desire of Ages, pp. 830, 831.
3 Prophets and Kings, p. 277.
4 Patriarchs and Prophets, pp. 457, 458.
5 Christ’s Object Lessons, p. 69.
6 Testimonies for the Church, vol. 3, p. 62.
7 Christ’s Object Lessons, p. 69.