ANG MENSAHE PARA SA MGA HULING ARAW
![](https://dl.sdarm.net/contents/publications/periodicals/rmrh/image/2024/rmrh2024_4_8_header.jpg)
Habang tayo ay nagtatapos ng ngayong Linggo ng Panalangin, tayo ay parang magtatapos ng isang paglalakbay na puno ng mga lihim at mga pagtuklas. Ginagabayan tayo mula sa isang paghahayag tungo sa iba pa, ang Banal na Kasulatan ay nagsisilbi sa atin bilang compass. Naglilinang sa mga talata sa Mga Gawa 3:19 at 20, tinuklas natin ang makabuluhang mga tema tulad ng pagsisisi, pagbabalik-loob, ang pagpawi ng mga kasalanan, ang panahon ng kaginhawahan, at ang pagparito ni Hesus. Ngayon, sa huling pagtitipon na ito, tayo ay magsasaliksik sa “Kaharian ng Kaluwalhatian.”
Ang kahariang ito ay hindi ang isang pangkaraniwang, nasasaklaw ng makalupang hangganan o panahon ng tao; ito ay isang walang hanggang kaganapan, kasinglawak at kahanga-hanga gaya ng sansinukob mismo, nakaangkla sa hindi matitinag na katarungan ng ating Panginoong Hesu-Cristo. Parang isang tore ng ilaw na pansenyas (lighthouse) nakakapagtiis sa pagsubok ng panahon at mga unos, ang kahariang ito ay inilarawan sa Daniel 2:44: “At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.”
Kaya, aking inaanyayahan kayo na tuklasin magkakasama ang walang hanggang mga pangako nitong maluwalhating kaharian.
Itinatampok ng Banal na Kasulatan ang pagpapakita ng kaharian ng Diyos sa dalawang natatanging bahagi:
(1) ang kaharian ng biyaya at
(2) ang kaharian ng kaluwalhatian.
Ang kaluwalhatian ay hindi maaaring umiral kung wala ang naunang pagpapakita ng biyaya; samakatuwid, mahalagang lumahok muna sa kaharian ng biyaya upang makapasok sa kaharian ng kaluwalhatian.
Noong sinimulan ni Jesus ang Kanyang ministeryo sa Galilea, ipinahayag Niya ang pagdating ng kaharian ng Diyos na may ang mga salitang ito: “Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.” (Marcos 1:14, 15).
“Habang si Jesus ay naglalakbay sa Galilea, nagtuturo at nagpapagaling, maraming tao ang dumagsa sa Kanya mula sa mga lungsod at mga nayon. . . . Hindi kailanman nagkaroon ng panahon tulad ng ganito sa sanlibutan. Ang langit ay dinala pababa sa mga tao. Ang nagugutom at nuuhaw na kaluluwa na matagal nang naghihintay para sa pagtubos ng Israel ngayon ay nagbubunyi sa biyaya ng mahabaging Tagapagligtas.”1
Ang kaharian ng biyaya, na ipinahayag ni Hesus, ay naabot ang kasukdulan nito ang krus ng Kalbaryo, kung saan kinuha Niya ang ating kalagayan at namatay bilang ating kahalili upang tubusin tayo sa kahatulan ng kasalanan. Sa pamamagitan ng mga probisyon ng Kanyang biyaya, ang sangkatauhan ay tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan, pakikipagkasundo sa Diyos, at lubos na kaligtasan. Tulad ng nakasulat sa Efeso 2:8, “Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios.”
Si Jesus ay nagturo din ng tungkol sa nalalapit na pagdating ng kaharian ng Diyos sa Kanyang ikalawang pagdating. Kasama sa kanyang iba't ibang mga turo, itinatampok natin kung ano ang sinasabi ng Mateo 25:31–34 sa kontekstong ito:
“Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian: At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing. Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan.”
“Habang ang mensahe ng unang pagparito ni Kristo ay ibinalita ang pagdating ng kaharian ng Kanyang biyaya, gayon ang mensahe ng Kanyang ang ikalawang pagdating ay nagpapahayag ng kaharian ng Kanyang kaluwalhatian. At ang pangalawang mensahe, tulad ng una, ay batay sa mga propesiya.”2
Ang salitang "kaharian" sa talata ng Matthew, kapag tumutukoy sa kaharian ng kaluwalhatian, ay ginagamit ni Hesus bilang paglalarawan kung ano ang mangyayari sa mga huling kapanahunan habang itinatatag Niya Ang pang-buong mundong kaharian ng Diyos. Bagama't ang kaganapang ito ay sa hinaharap, ang pangako na ang Panginoon ay darating ay isang kaganapan. Tulad ng sinabi Niya Mismo:
“Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:1–3).
Batay sa mahahalagang paghahayag na ito, ang Kristiyano ay hindi lamang nabubuhay sa katiyakan ng pagtubos sa kasalukuyan kundi gayon din sa pag-asa ng sukdulang pagtubos sa kaharian ng kaluwalhatian.
Ang pagluwalhati ay ang banal na paghipo na nagpapabago sa isang tao, pinalalaya tayo mula sa mga kahatulan ng kasalanan at ginagawa silang walang kamatayan. Isaalang-alang kung ano ang ipinapahayag ng 1 Corinto 15:51, 52 :
“Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin, Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.”
Ang kasalukuyang katawan ng isang mananampalataya kay Kristo ay hindi angkop para sa makalangit na buhay, dahil ito ay mortal, masama, at marupok. Bagama't ang mananampalataya ay natatamasa ang kapuspusan ng Espiritu sa kanilang buhay, taglay pa rin ng kanilang katawan ang marka ng kamatayan. Kaya, sa tunog ng huling trumpeta, na magaganap sa ikalawang pagparito ni Kristo, si Kristo ay bibigyan sila ng bagong katawan.
Ang bagong katawang ito ay hindi masisira, maluwalhati, malaya sa kasalanan, at walang kamatayan, inihanda para sa buhay na walang hanggan. Ang natural na katawan ng Kristiyano ay mababago sa isang espirituwal na katawan na may kakayahang mapanindigan ang kaluwalhatian ng Diyos at handa na para sa paglilipat.
Ang Diyos ay ibabahagi ang banal na paghipo ng pagbabago sa bawat tinubos na indibidwal, kapwa sa muling binuhay na mga banal at sa mga matapat na hindi nakaranas ng kamatayan. Ang aklat na The Great Controversy ay ipinapapahayag ng napakaganda ang kaisipang ito:
“Babaguhin Niya ang ating napakasamang mga katawan at gawing katulad ng Kanyang maluwalhating katawan. Ang may kamatayan, nasisirang anyo, walang kagandahan, minsang nadungisan ng kasalanan, ay magiging sakdal, napakaganda, at walang kamatayan.”3
Lahat ay magiging sakdal! Ang pagbabagong ito ay makakaapekto sa kaanyuan ng katawan ng tao subali’t iniingatan ang personal na pagkakakilanlan ng bawat isa, hinahayaan ang mga tinubos na kilalanin ang bawat isa.
Ang ating personal na pagkakakilanlan ay iniingatan sa pagkabuhay na maguli . . . . Ang huling bakas ng sumpa ng kasalanan ay aalisin, at ang mga matapat kay Kristo ay lilitaw sa ‘kagandahan ng Panginoong nating Diyos,’ sa isip at kaluluwa at katawan ay ipinapakita ang sakdal na wangis ng kanilang Panginoon.”4
Kapag tinutukoy natin ang kaharian ng kaluwalhatian, ang ating naiisip ay ang Paraiso ng Diyos, ang Bagong Lupa, at ang bagong langit. Gayunpaman, napakahalagang tanggapin na hindi sapat ang ating wikang pantao upang ilarawan ang makalangit na kaluwalhatian. Lahat ng pangwikang pamamaraan ay kulang upang mailarawan ng sapat ang Paraiso ng Diyos. Ang pahina 675 sa The Great Controversy ay binibigyang-diin ang puntong ito:
“Ang wika ng tao ay hindi sapat upang ilarawan ang gantimpala ng mga matuwid. Malalaman lamang ang mga iyon ng mga makakakita nito. Walang may hangganang isipan ang makakaunawa ng kaluwalhatian ng Paraiso ng Diyos.”
Sa kabila ng limitasyon ng wika ng tao, maaari tayong kumuha ng inspirasyon mula sa mga salita ng mga propeta at hayaang gabayan tayo sa ating imahinasyon patungo sa banal na paraiso. Sa mga paghahayag sa Apocalipsis, si Apostol Juan ay mapalad na nakasulyap sa makalangit na kaluwalhatian ng walang hanggang kaharian ng Diyos. Ang kanyang pagdidiin ay nasa salaysay ng Apocalipsis 21:1–5, na nagsasabing:
“At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na. At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.
Batay sa propesiyang pangitain ni Juan, maaari nating tukuyin ang ilang mga katangian ng kaharian ng kaluwalhatian:
Ang pahayag na "Bagong Lupa" ay nagsasaad ng bagong paglikha. Ang planeta na labis na naapektuhan ng kasalanan ay mawawasak, matutupok ng mga apoy ng banal na paghatol. Si Satanas, ang kanyang mga anghel, at lahat ng masasama ay ganap na lilipulin. Sa Malakias 4:1 ay nagsasalaysay sa atin:
“Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.”
Sa pagkawasak ng pasimuno ng kasalanan (si Satanas) at sa paglilinis ng planeta, ang kaluwalhatian ng Eden ay maibabalik. Ang nilalang ay may pagkakasundo sa Maylalang, at ang Bagong Jerusalem ang magiging kabisera ng Bagong Lupa.
Wala ng ibang panahong ibinibigay sa atin upang makapahanda para sa langit. Ito ang tangi at huling pagkakataon upang bumuo ng pag-uugali na aangkop sa atin para sa hinaharap na tahanan Na inihanda ng Panginoon sa para sa lahat na masunurin sa kanyang kautusan.
Ang paglalarawan ng Bagong Jerusalem ay bumihag sa atin sa kagandahan at karilagan nito. Ito ay magniningning na may kaluwalhatian ng Diyos at kikinang na parang mahalagang bato, gaya ng batong jasper, na may mala-kristal na tingkad ng liwanag. (Tingnan ang Pahayag 21:10, 11.)
Ang Panginoon ay kasama ng Kanyang bayan. Ang Diyos ay pipiliing manirahan kasama ng Kanyang mga tinubos, na ngayon ay Kanyang walang hanggan mga anak. Sila ay magiging masaya magpakailanman sa Kanyang napakahalagang presensya at Kanyang liwanag. Si Kristo, ang Isa na tumubos sa kanila, ay tatayo sa kanilang tabi. Ang ang naligtas ay magkakaroon ng pribilehiyong sambahin ang Diyos nang harapan sa buong walang-hanggan. Ang Tabernakulo ng Diyos ay nasa kanila, nagtatatag ng isang napakalapit at magiliw na relasyon sa pagitan ni Jehova at ng mga tinubos.
“Ang bayan ng Diyos ay may pribilehiyong magdaos ng hayagang pakikipagkaisa sa Ama at ng Anak. Ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin.’ 1 Corinto 13:12. Namamasdan natin na ang wangis ng Diyos ay naipapakita, tulad sa isang salamin, sa mga gawa sa kalikasan at sa Kanyang pakikitungo sa mga tao; ngunit pagkatapos ay makikita natin Siya ng mukhaan, walang nakapagitang tabing na nagpapadilim.”5
Si Juan, ang propeta ng Patmos ay inilarawan ang isang sitwasyon ng walang hanggang kagalakan at kaligayahan sa paraiso ng Diyos:
“At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata” (Pahayag 21:4).
Sa Bagong Lupa, ang kaharian ng kaluwalhatian ang magiging walang hanggang tahanan ng mga tinubos, kung saan wala nang pagluha, tulad ng lahat ng mga dahilan na maging sanhi ng kalungkutan at pag-iyak ay magiging mga bagay ng nakalipas.
“At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam.” (Isaias 35:10).
Sa Bagong Lupa, ay wala nang sakit. Hindi na kailangan ng mga ospital, doktor, o medikal na mga paggamot. Lahat ng mga kapinsalaan ng kasalanan ay naalis na, at wala ng magsasabing, “Ako ay may sakit!”
“At ang mamamayan ay hindi magsasabi, Ako'y may sakit: ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan.” (Isaias 33:24).
“Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan. Kung magkagayo'y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal ang tubig, at magkakailog sa ilang.” (Isaias 35:5, 6).
Sa buhay sa lupa, ang kamatayan ang nagtatapos sa maraming masasayang kwento. Sa Bagong Lupa, wala ng kamatayan, prusisyon ng libing, o mga libingan.
“Sinakmal niya ang kamatayan magpakailan man; at papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon” (Isaias 25:8).
Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.” (1 Corinto 15:54).
Sa Bagong Lupa, ang mga tinubos ay tutuklasin ang mga nakakamanghang pag-ibig ng Diyos at magpapatuloy sa pag-aaral ng walang kapaguran upang mas maunawaan ang malikhaing kapangyarihan ng Diyos.
"Doon, ang mga walang kamatayang kaisipan ay pagninilayan nang may hindi natatapos na pag-apaw ng kagalakan ang mga nakakamanghang malikhaing kapangyarihan, ng mga hiwaga ng tumutubos na pag-ibig. Hindi magkakaroon ng malupit, mapanlinlang na kaaway upang matukso sa pagkalimot sa Diyos. Bawat kakayahan ay mapapabuti, ang bawat nalalaman ay lalago. Ang pagkamit ng kaalaman ay hindi na nakakapagod sa isipan o uubos ng lakas. Doon ang pinakadakilang kasigasigan ay maipagpapatuloy, ang pinakamatayog ng mga adhikain ay maaabot, ang pinakamataas na pangarap ay matutupad; at naroon pa rin ay lilitaw ang mga bagong tugatog na aakyatin, mga bagong kababalaghang hahangaan, mga bagong katotohanang uunawain, mga bagong bagay na hahamon sa kakayaran ng isipan at kaluluwa at katawan.
“Lahat ng kayamanan ng sansinukob ay magiging hayag sa pag-aaral ng tinubos ng Diyos. Hindi nahahadlangan ng kamatayan, sila ay naglalakbay sa kanilang walang sawang paglipad sa mga mundong malayo—mga mundong nanginginig sa pagmamasid sa paghihirap ng tao at aalingawngaw ng awit ng kagalakan sa pabalita ng tinubos na kaluluwa. Sa hindi masayod na kaluguran ang anak ng lupa ay papasok sa kagalakan at karunungan ng hindi nahulog na mga nilalang.
Ibinabahagi nila ang mga kayamanan ng kaalaman at pang-unawang nakuha sa bawat kapanahunan sa pagmumuni-muni sa gawa ng Diyos. Sa hindi nadidilimang paningin sila ay nagmamasid sa kaluwalhatian ng nilikha—mga araw at mga bituin at sistema, lahat sa kanilang nakatalagang pagkakaayos ay umiikot sa trono ng Diyos. Sa lahat ng bagay, mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadakila, ang pangalan ng Maylalang ay nakasulat, at sa lahat ang kasaganaan ng Kanyang kapangyarihan ay makikita.
“At ang mga taon ng walang-hanggan, habang gumugulong, ay magdadala ng mas sagana at mas maluwalhati pa ring paghahayag ng Diyos at ni Kristo. Habang ang kaalaman ay lumalago, ay gayundin ang pag-ibig, paggalang, at kaligayahan ay magpapatuloy. Habang ang mga tao ay natututo sa Diyos, mas higit ang kanilang pagpapahalaga sa Kanyang katangian. Habang inihahayag ni Jesus sa harapan nila ang mga kayamanan ng pagtubos at ang kamangha-manghang mga tagumpay sa matinding pakikipagtunggali kay Satanas, ang mga puso ng tinubos ay nanginginig na may mas taimtim na pananalangin, at may higit na nag-uumapaw na kagalakan ay kinakalabit nila ang mga gintong alpa; at ang sampung libong ulit ng sampung libo at libu-libong mga tinig ay nagkakaisa upang palakasin ang napakaraming himig ng papuri.”6
Ang pagbabalik ng kasalanan ay hindi kailanman magbabanta sa paglago sa kaharian ng kaluwalhatian, dahil hindi magkakaroon ng manunukso o anumang panganib ng kasamaan. Gayundin, wala ng punong kahoy ng kaalaman ng mabuti at masama na magbibigay ng pagkakataon para sa panunukso. Ang sansinukob ay nasaksihan paghihimagsik ni Satanas at nakita ang mga kaparusahan. Ang banal na hustisya ay itinatag, at ang lahat ng napakalawak na nasasakupan ng Diyos ay magpapahayag:
“Matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga banal” (Apocalipsis 15:3).
Totoo, magkakaroon lamang ng alaala ng pakikibaka sa pagitan mabuti at masama. Bagaman ang mga paghihirap, sakit, at panunukso sa sanlibutan ay nagwakas na, ang bayan ng Dios laging may malinaw at matalinong pag-unawa sa naging kabayaran ng halaga ng kanilang kaligtasan. Si Kristo ay tataglayin pa rin sa Kanyang katawan ang mga tanda ng pagtubos. Sa buong walang katapusan siglo ng walang-hanggan, ang mga tandang ito ay magpapatotoo sa napakadakilang pag-ibig ng Diyos at ang hindi masukat na sakripisyo ni Hesus upang matubos tayo.
“Upang patuloy na pukawin ang pagkamangha at pagsamba ng sandaidigan ang Maylalang ng lahat ng sandaigdigan at Tagapamagitan ng lahat ng kahahantungan ay kinailangang isantabi ang kaluwalhatian at ibaba ang Kanyang sarili sa pag-ibig sa tao. Habang ang mga bansa ng naligtas ay nakatingin sa kanilang Manunubos at minamasdan ang walang hanggang kaluwalhatian ng Ama na nagniningning sa Kanyang mukha; habang minamasdan nila ang Kanyang trono, na nagmula sa walang hanggan tungo sa walang hanggan, at nalalamang ang Kanyang kaharian ay walang katapusan, sila'y biglang aawit ng may labis na kagalakan: 'Karapatdapat, karapatdapat ang Kordero na pinatay, at tumubos sa atin sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang sariling napaka-halagang dugo!’”
Matapos tuklasin ang kaharian ng kaluwalhatian at ang walang katulad na mga kababalaghan nito, Ang mga malalim na katanungan ay lilitaw: Sino magkakaroon ng pribilehiyong tamasahin ang mga pag-apaw ng kagalakan ng kahariang ito? Sino ang magiging mga tagapagmana nito?
Sa liwanag ng banal na mga paghahayag, matatagpuan natin ang mga kasagutan: Yaong mga niyayakap at namumuhay sa kaharian ng biyaya ang magiging mga sakop ng kaharian ng kaluwalhatian. Sila ang mga nagtagumpay sa mga kaaway ng sanlibutan, ng laman, at ng isang napakasama.
“Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.” (Pahayag 21:7).
Ang mga ito ay nagkaroon ng personal na pakikipagkaisa kay Jesu-Kristo, ang Tagapagligtas, at ang Panginoon ng kanilang buhay. Sila ay binago ng Kanyang biyaya sa panahon ng kaligtasan.
Mahal na mga kapatid at kaibigan, tayo ay nabubuhay na sa mga huling sandali ng kasaysayan ng sanlibutang ito. Sa lalong madaling panahon, masasaksihan natin ang pagdating ng kaharian ng kaluwalhatian at magkakaroon ng pribilehiyong tamasahin ang walang hanggang pag-apaw ng kagalagakan nito. Kaya, tayo ay “kinakailangang gawin ang pinakamabuti sa ating kasalukuyang mga pagkakataon. Wala nang ibang panahon ng awa na ibibigay sa atin upang makapaghanda para sa langit. Ito na lamang ang ating tangi at huling pagkakataon upang bumuo ng mga pag-uugali na aangkop sa atin para sa magiging tahanan na inihanda ng Panginoon para sa lahat ng masunurin sa Kanyang kautusan.”8
Ang taimtim kong hiling ay manindigan tayo ng sama-sama bilang mga mananagumpay. Hindi natin maaaring isapanganib na mawala ang ating kaligtasan. Nawa ang Diyos ay tulungan at pagpalain tayo upang ikaw at ako ay maaaring makibahagi sa kaharian ng kaluwalhatian sa makalangit na paraiso. Amen!