ANG MENSAHE PARA SA MGA HULING ARAW
![](https://dl.sdarm.net/contents/publications/periodicals/rmrh/image/2024/rmrh2024_4_9_header.jpg)
Gaano karami ang nakakapakinig, sa mundong ito na puno ng kabulaanan
Ng ebanghelyong nagmula sa Diyos mula sa panahon ng kanilang kabataan?
Ito ay nakasulat sa Banal na Kasulatan na ngayon ay napakalinaw;
Ang mensaheng napakahalaga sa ngayon—ang pangkasalukuyang katotohanan!
-
Kapag nagtuturo sa malayo at sa napakalawak, sa ibabaw ng burol at o lambak,
Ang matamis na himig sa mga puso ay umaalingawngaw;
Nagigising ang pag-asa ng mga kaluluwang matagal sa kadiliman
At ang mensaheng ito na mula sa Panginoon ay nauunawaan!
-
Sa kaibuturan ng ating kaluluwa, ang panawagan ay dumarating sa atin,
Na Ngayon ang panahon na ang pagsisisi ay kinakailangan natin.
Upang ang pang-aakit na magkamali at kasalanan ay iwaksi natin
At magtiwala sa Tagapagligtas na may pagbiyayang ipinadala sa atin.
-
Sa pagtingin kay Kristo na namamagitan para sa atin,
Ang Isa kung kanino ang lahat dapat ay manabik na taimtim,
Sa dugong Kanyang sakripisyo ang kapangyarihan ay nagniningning:
Ang Batong buhay; na walang tanda ng pagbaling.
-
Malapit ng magwakas ang sanlibutang ito, kasama ang kalungkutang dulot nito;
Na malinaw na makikita ng lahat na may pagkakamali dito.
Matindi ang ating pananabik sa pananampalataya habang tayo ay nag-iisip
Ng pakikipagka-isa kay Hesus at sa makalangit na kaligayahang ninanais!
-
Ngayon sa gitna ng unos at gutom na laganap,
Mga sakit at digmaan na may gayong kalungkutan at hirap,
Kay Hesus sumuko, ang ating pag-asa ay dapat lumago—
Maging determinado sa pagkilos sa pamamagitan ng huling ulan ng Diyos.
-
Ang katotohanang ito ay hindi teorya; ito ay espiritu at buhay;
Sa kapangyarihan, ito ay mabunga sa mga pusong ito ay nakalagay.
Kapag ang lahat ay nasabi na at nagawa na, ang ating Tagapagligtas ay darating na—
At sa bawat isa Siya ay may tiyak na gantimpalang dala.
-
Habang ang katotohanang dapat pahalagahan ay pinagtatawanan at kinukutya;
Ang mensahe ay tinatanggihan ng manlilibak at manunuya,
Ngunit habang sila ay hindi nakabantay, ang pintuan ng awa ay pagsasarhan,
At si Hesus, ang Hari ay magbabalik sa Kanyang kaluwalhatian!
-
Kaya, ngayon na ang ating pagkakataon na pagsisishan ang ating mga kasalanan;
Ngayon na ang pagkakataon nating abutin ang nasa kabukiran—
Ang pag-aani sa mga kaluluwa ay hinog na
At isang gawain ng iilang matatatakan ay dapat magawa na.
-
Sa pagtingin kay Hesus, pananatili sa Kanya,
Tayo ay umaangat sa lahat ng kasamaan at kaguluhan.
Sa biyaya sa Kanyang kalakasan, tayo ay pumapasok sa Kanyang ubasan
Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang pangalan at sa pamumuhay ng Kanyang buhay!