Back to top

The Reformation Herald Online Edition

ANG MENSAHE PARA SA MGA HULING ARAW

LINGGO, DISYEMBRE 8, 2024
PAGKAHIKAYAT
ELIAS RIVERA — USA
PAGBABAGONG-ANYO

Ang kalikasan ay may magagandang paglalarawan na nagtuturo sa atin tungkol sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, gayundin ng Kanyang pagtubos na gawain sa ating mga puso. Ang pagkasunod-sunod ng buhay ng paru-paro ay binubuo ng apat na yugto, yun ay: itlog, uod (larva), (pupa), at ganap na anyo (adult).Ang proseso ay maikli, tumatagal ng halos isang buwan. Ang mga paru-paro ay nangingitlog sa ilalim ng mga dahon ng mga halaman kung saan ang kanilang mga uod ang magpapakain. Kapag napisa ang itlog, ang isang maliit na uod ay lumalabas mula sa bahay nito. Ang mga uod (caterpillar) naman ay napaka matakaw; kumakain sila ng marami at mabilis na lumalaki. Kapag ang uod ay umabot na sa ganap na gulang, ito ay nagiging isang pupa, na tinatawag ding chrysalis. Habang nasa loob ng chrysalis, ang uod ay dumadaan sa pagbabago na tinatawag na metamorphosis at pagkatapos ng ilang araw, mula sa pupa ay lumabas ang isang magandang paru-paro.

Ang uod ay dumadaan sa lubusang pagbabago. Siya ay nagiging isang ganap na bagong nilalang na may ganap na bago at natatanging likas. At ito ang layunin ng Diyos para sa ating espirituwal na buhay kay Kristo: “Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago” (2 Corinto 5:17). Ang plano ng Diyos ay baguhin ang ating buhay, muling ibalik ang Kanyang wangis sa atin, baguhin ang ating mga puso. Ipinahayag Niya, “Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.” (Ezekiel 36:26, 27).

Ang salitang "pagkahikayat" ibig sabihin ay magbago, maging iba, mabago ng lubusan tungo sa isang bagay na naiiba sa kung ano ito dati. Isang halimbawa ito ay matatagpuan sa Juan 16:20, “Ang iyong kalungkutan ay magiging kagalakan” o sa Pahayag 11:6, “. . . may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo.”

Kaya, kapag tayo ay nagsasalita tungkol sa pagkahikayat (o pagbabalik-loob), tayo ay nagpapahayag tungkol sa nagpapabagong gawain ng Diyos trabaho para sa tao at sa tao, ang gawain kung saan ang tao ay pinatatawad at nababago, ay isang dakilang gawain na nag-aaring ganap at nagpapabanal sa mananampalataya. Ito ay isang gawain kung saan ang lumang pagkatao ay ipinapako sa krus at inililibing at ang bagong pagkatao ay ipinanganak sa bagong buhay.

PAANO ANG PAGKAHIKAYAT (o Pagbabalik-loob) KUMIKILOS

Ang pagkahikayat ay gawain ng Diyos sa tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang pag-ibig at Kanyang Banal na Espiritu. May mga malaking pagbabagong-loob tulad ng kay Saulo, isang pagbabagong naging kapansin-pansin ng ang taong taga-Tarsus ay nagkaroon ng personal na pakikipagtagpo kay Kristo sa kanyang daan patungo sa Damascus. Ang buhay ni Saulo ay naapektuhan ng paghahayag ng kaluwalhatian ni Kristo. Ang pagtatagpong ito ay binago agad ang kanyang buhay sa punto na, sinaktan ng pagkabulag at napahandusay sa lupa, sinabi niya: “Panginoon, ano ang ibig mong aking gagawin?" (Gawa 9:6). Siya na patungo sa Damascus na may maitim na layunin laban sa iglesia ni Kristo, ay muling bumalik ang paningin pagkatapos ng paggugol ng tatlong araw ng pag-aayuno at pananalangin na sinundan ng pagbautismo. Pagkatapos ay agad siyang nagsimulang gumawa sa pagtatayo ng iglesia na noong mga araw pinag-uusig niya ng matindi. Si Saulo ngayon ay masigasig na ipinangangaral si Kristo ang sentro ngayon ng kanyang buhay at mensahe. “At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios” (Mga Gawa 9:20).

Ang pagkahikayat ni Saulo, na tinatawag din na Pablo (nangangahulugan ng “ ang isang maliit"), ay pagkilos ng biyaya ng Diyos at ng nagpapabagong pag-ibig ni Hesu-Kristo. Nagdulot ito sa mabangis na mang-uusig na mismo ang sarili ay usigin alang-alang kay Hesus, at ipahayag Ang kanyang mensahe na walang takot, hinaharap ang lahat ng uri ng kahirapan, maging ang kamatayan mismo. Mayroon ding iba pang mga uri ng pagkahikayat tulad ng sa kalagayan ni Nicodemo. Tumagal ito ng tatlong taon pagkatapos ng pakikipanayam kay Jesus (tingnan ang Juan kabanata 3) para maabot ni Nicodemo ang punto ng pagsasapubliko ng kanyang pananampalataya kay Hesus at isuko ang kanyang sarili ng lubusan sa ipinako sa krus na Tagapagligtas.

UTANG NATIN ANG LAHAT SA DIYOS

“Ang hangin ay naririnig sa gitna ng sanga ng mga puno, pumapagaspas sa mga dahon at bulaklak; ngunit ito ay hindi nakikita, at walang nakakaalam kung saan ito nanggagaling o kung saan ito pupunta. Ganon din sa gawain ng Banal na Espiritu sa puso. Walang mas mahusay na paraan upang maipaliwanag ito kundi sa mga pagkilos ng hangin. Ang isang tao ay maaaring hindi masabi ang eksaktong oras o lugar, o upang bakasin ang lahat ng mga pangyayari sa proseso ng pagkahikayat; subalit ito ay hindi nagpapatunay na siya ay hindi nahikayat. Sa pamamagitan ng isang ahensya na hindi nakikita gaya ng hangin, Si Kristo ay patuloy na kumikilos sa puso. Paunti-unti, marahil hindi namamalayan ng tumatanggap, ang mga pag-unawa ay nagagawa na umaakay upang mailapit ang kaluluwa kay Kristo. Ang mga ito ay maaaring matanggap sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa Kanya, sa pamamagitan ng pagbabasa ng Banal na Kasulatan, o sa pamamagitan ng pakikinig sa salita mula sa buhay na mangangaral. Pagdaka, habang ang Espiritu ay dumarating nang may mas tuwirang pagsusumamo, ang kaluluwa ay malugod na sumusuko mismo kay Hesus. Ito ay tinatawag ng marami na biglaang pagkahikayat; ngunit ito ay ang resulta ng mahabang pagsisikap ng Espiritu ng Diyos—isang mapagtiis, matagalang proseso.”1

HUWAG LABANAN

“Paano kung gayon, tayo maliligtas? . . . Ang liwanag na sumisikat mula sa krus ay nagpapakita ng pag-ibig ng Diyos. Ang kanyang pag-ibig ay dinadala tayo sa Kanyang Mismo. Kung hindi nilalabanan ang pag-akay na ito, tayo ay hahantong sa paanan ng krus sa pagsisisi para sa mga kasalanan na nagpako sa krus sa Tagapagligtas. Pagkatapos ay sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ang pananampalataya ay nagbubunga ng bagong buhay sa kaluluwa. Ang mga kaisipan at pagnanasa ay dinadala sa pagsunod sa kalooban ni Kristo. Ang puso, ang isipan, ay nililikha ng bago ayon sa wangis Niya na gumagawa sa atin upang masupil ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan Niya Mismo. Pagkatapos ang kautusan ng Dios ay isinusulat sa isipan at puso, at maaari nating sabihing kasama si Kristo, Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko’ (Awit 40:8).”2

PAGKAHIKAYAT SA PAMAMAGITAN NG BANAL NA ESPIRITU

"Bagaman ang hangin mismo ay hindi nakikita, ito ay gumagawa ng mga epekto na nakikita at naramdaman. Kaya ang gawain ng Banal na Espiritu sa kaluluwa ay naihahayag mismo sa bawat kilos niya na nakadarama ng makapagliligtas nitong kapangyarihan. Kapag ang Espiritu ng Diyos ay sinakop ang puso, binabago nito ang buhay. Ang mga masasamang kaisipan ay inaalis, ang masasamang gawa ay tinatalikuran; ang pag-ibig, pagpapakumbaba, at kapayapaan ang pumapalit sa galit, inggit, at alitan. Ang kagalakan ang pumapalit sa lugar ng kalungkutan, at sa mukha ay sumisinag ang liwanag ng langit. Walang sinuman ang nakakakita ng kamay na nagbubuhat ng pasanin, o namamasdan ang liwanag na bumababa mula sa mga looban sa itaas. Ang pagpapala ay dumarating kapag sa pamamagitan ng pananampalataya ang kaluluwa ay sumusuko mismo sa Diyos. Pagkatapos ang kapangyarihang iyon na walang mata ng tao ang nakakakita ay lumilikha ng bagong pagkatao ayon sa wangis ng Diyos.”3

TUNAY NA PAGSISISI

“Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon” (Mga Gawa 3:19).

Kung walang tunay na pagsisisi, hindi rin maaaring magkaroon ng tunay na pagbabalik-loob. Marami ang nadadaya dito, at madalas rin na ang kanilang buong karanasan ay nagpapatunay na isang pagkalinlang. Ito ang dahilan kung bakit napakarami ng kaanib sa iglesia ngunit hindi kailanman nakaugnay kay Kristo.”4

“Kayo'y mangagbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan” (Ezekiel 18:30).

“Kabilang sa pagsisisi ay ang pagkalungkot para sa kasalanan at pagtalikod dito. Hindi natin maitatakwil ang kasalanan hangga’t hindi natin nakikita ang kasamaan nito; malibang talikuran ito mula sa puso, walang magiging tunay pagbabago sa buhay.”5

Gayunpaman, upang maranasan ang ganitong uri ng pagsisisi, kinakailangan nating maunawaan kung paano ito gagawin. “Habang ang makasalanan ay tinatanggap ang kasalanan, siya rin ay naaakit ng pag-ibig at kabanalan ni Kristo; dahil hinihimok siya ni Hesus sa Kanyang sarili. Walang sinuman ang maaaring lumikha ng pagsisisi na napakahalaga para sa kaligtasan ng kaluluwa. Kung hindi niya kayang dalhin ang sarili sa pagsisisi mas lalong hindi niya kayang dalhin ang sarili sa pagbabagong-buhay Ang pagsisisi ay sumisibol sa puso sa pamamagitan ng pagtingin sa pag-ibig ni Kristo, na nagbigay ng Kanyang buhay upang iligtas ang makasalanan. Ang pag-ibig ng Diyos ang nagpapalambot ng napakatigas na mga puso.”6

MGA BUNGA NG PAGKAHIKAYAT

Ang gawain ng panunumbalik ay nagdadala ng mga nakakamanghang bunga: Isang bagong buhay, isang malinis at nabagong puso, isang matuwid na espiritu at iba pang mga bunga, ay maluwalhating mga katunayan ng pagkahikayat. “Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago” (2 Corinto 5:17).

• Ang babaeng Samaritana, sa pagkahikayat kay Hesus, ay isinuko niya ang kanyang buhay ng pangangalunya at nagtungo sa lungsod upang ipahayag si Jesu-Cristo bilang Tagapagligtas na Mesiyas. Juan 4:28, 29.

• Ang demonyo, na hubad noong siya ay pinakawalan, ay nakitang may pananamit at matino ang kanyang bait; ang kanyang kahubaran ay nawala pagkatapos ng pagkahikayat. Lucas 8:35.

• Si Pedro, ang walang pinag-aralang mangingisda, pagkatapos ng kanyang pagkahikayat ay naging isang matapat na pastol ng ebanghelyo, isang pantas na tao at tagapagbalita ng kaharian ng liwanag. Mateo 4:19.

• Si Zaqueo, ang maniningil ng buwis, na inakusahan ng pagiging lilo (traidor) at kaaway ng mga tao pagkatapos ng kanyang pagkahikayat, ay ibinigay ang kalahati ng kanyang ari-arian sa mahihirap at nagpasyang gawin ang pagsasauli sa kanyang mga nadaya. Lucas 19:8, 9.

• Si Maria, ay sinapian ni pitong demonyo dahil sa kanyang mahalay na pamumuhay, pagkatapos na siya ay mailigtas at sa pagbabalik-loob ay nagdala kay Hesus ng isang mahalagang kaloob upang maipahayag ang kanyang pag-ibig at pagpapasalamat. Marcos 14:3.

Ang pagkahikayat ay magdudulot sa napakagandang katangian ni Kristo na lumago sa ating mga buhay; magkakaroon ng mapaglingkod na espiritu, pagpapasakop sa kalooban ng Diyos, pagiging matapat, at banal na kagalakan. Lahat na marangal at magaganda ay sasagana sa buhay ng isang nanunumbalik sa Panginoon.

“Ang espiritu ni Cristo ay isang mapaglingkod na espiritu. Ang unang epekto ng nabagong puso ay ang madala rin ang iba sa Tagapagligtas.”7

Ang bawat tunay na disipulo ay ipinanganganak sa kaharian ng Diyos bilang isang misyonero. Siya na umiinom ng tubig na buhay ay nagiging bukal ng buhay. Ang tumatanggap ay nagiging tagabigay.”8

MALING PAGKAHIKAYAT

Laganap ang pag-aangkin ng relihiyon. Hindi lahat ng nag-aangkin ng pagiging relihiyoso ay talagang mga Kristiyano; marami ang tinatawag sa kanilang sarili na mga Kristiyano ay hindi sinusunod ang mga prinsipyo ng kautusan ng Diyos, sila ay nabubuhay na pinakakain ng lumang pagkatao na pinaluluguran ang laman. Sila ay nadaya ng kanilang sarili sa paniniwalang sila ay nahikayat subalit sa katunayan ay hindi. Marami ang nagpapahayag: “Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito.

Makalawa akong nagaayuno sa isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan.” (Lucas 18:11, 12).

Ang dahilan ng maling pagkahikayat ay hindi dahil sa kakulangan ng kaalaman o mga pagkakataon, kundi sa kakulangan ng ganap at lubusang pagpapasakop, sa pagkabigong buksan nang lubusan ang puso ng isang tao kay Hesus at hayaang ang nagpapabagong gawain ng Kanyang biyaya na gumawa sa buhay.

Ang isang pangunahing halimbawa ay ang kay Hudas Iscariote, na ang kasiraan ng pangalan ay talagang nalalaman.

“Si Judas ay hindi dumating sa punto ng lubusang pagsuko ng sarili kay Kristo. Hindi niya isinuko ang kanyang makamundong ambisyon o ang kanyang pag-ibig sa salapi. Nang tinanggap niya ang tungkulin ng isang ministro ni Kristo, hindi niya dinala ang kanyang sarili sa ilalim ng banal paghubog.”9

Kapag handa kang mahiwalay ng lubusan mula sa lahat ng iyong masasamang pamamaraan, ikaw ay magiging kaisa kay Kristo, at ang maging kaisa ni Kristo ay ang pumasok sa daan ng buhay at sa dako ng kapayapaan.

Kaya ngayong tayo ay nasa Linggo ng Panalangin, maging pagkakataon ito upang suriin ang ating mga puso at tingnan kung may anumang landas ng kasamaan tayong sinusunod—kung ang ating damdamin ay hati, kung mayroon tayong mga idolo na nkaluklok sa trono ng puso, at upang matiyak na mayroon tayong karanasan kung saan si Hesus ang Hari at tanging Hari na sumasakop sa trono ng ating mga puso. (Isaias 33:22.) “Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una" (Mga Panaghoy 5:21).

ANG PANAHON AY DUMATING NA

Panahon na para sa atin, tulad ni Jacob, upang alisin ang mga diosdiosan na naroon ating mga puso at ibaon sila magpakailanman (Genesis 35:2–4). Panahon na upang ipanganak muli sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ng kapangyarihan ng Kanyang espiritu (1 Pedro 1:23). Panahon na upang mapalaya ng kalayaan kung saan ginawa ni Kristo tayong malaya. Panahon na upang iwanan ang hating puso, at, sa pamamagitan ng mahimalang biyaya ng Diyos, ay mabago bilang mga lalaki, mga babae, at kabataang ayon sa Kanya mismong puso (Gawa 13:22). Panahon na upang sumagot ng oo kay Jesus. Kung tayo ay susuko kay Hesus ngayon, Siya gagawa ng himala na maaaring kulang sa inyong buhay. Ang Kanyang layunin ay matatag: “At aking bibigyan sila ng isang puso, at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila ng pusong laman; Upang sila'y magsilakad sa aking mga palatuntunan, at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa: at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios” (Ezekiel 11:19, 20).

TUNAY, HINDI PAIMBABAW NA PAGKAHIKAYAT

Ang pagkahikayat ay dapat na tunay, hindi mababaw. Ang loob ng puso ay dapat mabago, hindi lamang ang panlabas na buhay; ang kaibuturan ng pananampalataya ay dapat mahigitan ang kinaugalian o seremonyal. Sa panahon ng Tagapagligtas, ang mga Hudyo at mga pinuno ng relihiyon ay gumagawa ng malaking pagpapakita ng kabanalan, ngunit ipinahayag ni Jesus na ang kanilang buhay ay walang saysay at puno ng katampalasanan. Mateo 23:27, 28. Higit sa panlabas na mga pagbabago ang kinakailangan; ang mga ito ay may kanilang lugar, ngunit ang “espirituwal na puso”—iyon ay, ang kaisipan—ang dapat na mabago, at ito ang magdudulot ng bagong buhay.

Ang bayan ng Hudyo sa panahon ni Kristo ay umaasa sa mga hain at ritwal sa halip na sa Isa kung kanino ang mga ito itinuturo. At dahil parang ang mga iyon ay hindi sapat, umabot sila sa punto na palitan ang nawalang presensya ng Diyos ng napakaraming hinihiling ng imbensyon ng tao—kahit na sa napakalayong pagsukat ng kanilang kabanalan sa pamamagitan ng maraming mga seremonya, habang ang kanilang mga puso ay nanatiling hindi nagbabago, puno ng pagmamataas at pagpapaimbabaw.

Hindi ang panlabas na mga pagbabago o mga pagpapabuti ang kinakailangan, kundi ang kabuuan at lubusang pagbabago ng buhay. Ang balahibo ng Arctic fox ay kulay kaki (brown), ngunit sa panahon ng taglamigang balahibo nito ay nagiging kasing puti ng niyebe. Itosa gayon ang zorra ay parang ibang nilalang, ngunit ang totoo ang tanging bagayna nagbago ay ang kanyang balahibo, isang pagbabagona magbibigay dito ng pagkukubli sa kaaway (pagbabalatkayo)sa panahon ng taglamig. Bagamanang kanyang panlabas na anyo ay nabagopansamantala, ang kanyang likas ay nananatilingdati, siya pa rin ang isang matapang, sumusubaybay ng palihim,handang pumatay na zorra.

Ang bukal ng puso ay dapat maging malinis bago ang pagdaloy maging dalisay. Siya na nagsisikap maabot ang langit sa pamamagitan ng kanyang sariling mga gawa sa pagsunod sa kautusan ay nagsisikap ng imposible. Walang katiyakan para sa isang may legal na relihiyon lamang, isang anyo ng kabanalan. Ang buhay ng Kristiyano ay hindi isang kaunting pagbabago o pagsasaayos ng luma, kundi pagbabago ng likas. May pagkamatay sa sarili at kasalanan, at isang bagong buhay sa kabuuan. Ang pagbabagong ito ay maaaring mangyari lamang sa pamamagitan ng mabisang pagkilos ng Banal na Espiritu.”10

“ARAW-ARAW AKO AY NASA PANGANIB NG KAMATAYAN”

Ang ating paglalakad kasama ang Diyos ay dapat na araw-araw; bawat araw ay kinakailangan natin ang Kanyang nagpapabagong biyaya sa ating mga puso upang ang ating lumang makasalanang likas—“ang lumang pagkatao”— ay lubos na mapuksa. May pagmamasid na ginawa na habang ang lumang pagkatao ay inilibing sa tubig ng pagbautismo, ang abang tao din naman ay nagiging isang mahusay na manlalangoy. Kaya naman ang determinadong mga salita ni Pablo: “Araw-araw ako ay nasa panganib ng kamatayan” (1 Corinto 15:31).

“Kinakailangan ang patuloy na pagbabantay, araw-araw na pagkahikayat, upang ang ating mga sariling likas ng pagkatao ay magiging ganap na mapabanal sa Diyos. Lahat ng ating kakayahan ay dapat dalisayin mula sa karumihan ng kasalanan, at sanayin para sa paglilingkod.”11

“Ang pagpapakabanal ni Pablo ay patuloy na pakikibaka sa sarili. 'Araw-araw ako ay nasa panganib ng kamatayan,' sinabi niya. Bawat araw ang kanyang kalooban at kanyang mga kagustuhan ay sumasalungat sa tungkulin at sa kalooban ng Diyos. Subalit sa halip na sundin ang hilig, ginagawa niya ang kalooban ng Diyos, gaano man hindi nakalulugod at napakahirap sa kanyang likas. Kung nais nating magpatuloy sa hangganan ng dakilang pagtawag na kay Cristo Jesus, dapat nating ipakita na tayo ay naalisan ng laman ng lahat ng sarili, at tinutustusan ng gintong langis ng biyaya.”12

ANG LIHIM AY NAHAYAG

Si Daniel sa Babilonya ay inilarawan na isang taong walang kapintasan: “Nang magkagayo'y ang mga pangulo at ang mga satrapa ay nagsihanap ng maisusumbong laban kay Daniel, tungkol sa kaharian; nguni't hindi sila nangakasumpong ng anomang kadahilanan, ni kakulangan man, palibhasa'y tapat siya, walang anomang kamalian ni kakulangan nasumpungan sa kaniya” (Daniel 6:4).

Saan ang lihim ng pamumuhay ng gayong matapat na buhay? Si Haring Darius ay inihayag sa atin ang lihim ni Daniel; siya ay kinilala sa dalawang pagkakataon na ang lihim ni Daniel ay nasa kanyang patuloy pakikipag-kaisa sa Diyos. Si Daniel ay pinanatili ang pamumuhay ng may pananampalataya at araw-araw na pananalangin, nalulugod sa napakalapit na pakikipag-ugnayan sa Diyos araw-araw. Ang kinasihang patotoo ay nagsasabi: “Oh Daniel, na lingkod ng buhay na Dios, ang iyo bagang Dios na iyong pinaglilingkurang palagi ay makapagliligtas sa iyo sa mga leon?” “Nang magkagayo'y natuwang mainam ang hari, at ipinagutos na kanilang isampa si Daniel mula sa yungib. Sa gayo'y isinampa si Daniel mula sa yungib, at walang anomang sugat na nasumpungan sa kaniya, sapagka't siya'y tumiwala sa kaniyang Dios.” (Daniel 6:20, 23).

“Ang tunay na pagkahikayat ay naghahatid sa atin sa araw-araw sa pakikipagkaisa sa Diyos. May mga tuksong kakaharapin, at napakalakas na nakatagong damdamin sa kalooban na maglalayo sa atin mula sa Diyos tungo sa ating dating kalagayan ng pagiging malamig at napakasamang pagkamalilimutin sa Diyos.”13

“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa" (Juan 15:5).

PERSONAL NA PAGKAHIKAYAT

Ang bawat isa sa atin ay kinakailangang gawing tiyak ang ating sariling pagtatalaga, isang personal na pagkahikayat. Tayong lahat ay kinakailangang magtamo ng buhay na karanasan; si Kristo ay dapat iluklok sa puso, ang Kanyang Espiritu ang dapat magkontrol ng ating mga damdamin. Ang mga magulang ay nangangailangan ng tumutubos na biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng personal na karanasan kay Kristo, tulad ng mga bata. Ang bawat isa ay dapat ihugpong sa tunay na puno upang magbigay ng mga bunga kung paano ang ating Ama sa langit ay napararangalan. “Sa ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging aking mga alagad” (Juan 15:8).

“Ang Dios ay nakikitungo sa atin sa pamamagitan ng Kanyang probidensya. Mula sa walang-hanggan ay pinili Niya tayo upang maging masunurin mga anak. Ibinigay Niya ang Kanyang Anak upang mamatay para sa atin, upang tayo ay maging banal sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan, nilinis mula sa pagiging hamak ng sarili. Ngayon ay hinihiling Niya sa atin ang personal na gawain, ang personal na pagsuko ng sarili.”14

“Sa lungsod ng Diyos ay walang makakapasok na anumang bagay na magpaparumi. Ang lahat ng mga maninirahan doon ay dito pa ay nagiging dalisay na ang puso. Sa isa na natututo tungkol kay Jesus, ay makikita ang lumalagong hindi pagkagusto para sa walang ingat na ugali, masagwang pananalita, at magaspang na pag-iisip. Kapag Si Kristo ay nananahan sa puso, ay magkakaroon ng kalinisan at kadalisayan ng pag-iisip at pag-uugali.”15

KONGKLUSYON

Si Enoc ay lumakad na kasama ng Diyos 300 taon pagkatapos ipanganak ng kanyang anak na si Methuselah, at sa higit na 300 taon araw-araw ay inanyayahan ni Enoc ang Diyos na lumakad kasama niya, hanggang isang araw ang Diyos ay dumating at mahalagang sinabi sa kanya, “Enoch, Ako ay hiniling mo na lumakad na kasama mo buong 300 na taong ito, kaya ngayon Ako ay narito upang anyayahan ka na lumakad kasama ko," at dinala siya sa langit. “At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios.” (Genesis 5:24). Si Enoch ay hindi lang nanalangin kundi matapat ding tinupad ang kanyang tungkulin sa Diyos at sa kanyang kapwa tao; Si Enoc ay inibig kung ano ang iniibig ng Diyos at kinapopootan ang kinasusuklaman ng Diyos; siya ay namuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa buhay sa paraan ng pagsunod, na pinaluluguran ang Diyos sa lahat ng kaniyang ginagawa. “Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:” (Hebreo 11:5).

“Gayon ma'y ngayon, ang sabi ng Panginoon, magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan” (Joel 2:12). Magkaroon ng sapat na oras ngayon upang isaalang-alang ang inyong pamamaraan at tingnan kung tayo ay nasa tamang pakikipag-ugnayan kay Hesus.

• Nais mo bang isuko ang iyong puso kay Hesus ngayon upang magbago?

• At kayo na ibinigay na ang inyong sarili kay Hesus, nais mo bang muling magpanibago ng inyong pagpasakop kay Hesus upang ang inyong puso kailanman ay mas magiging maganda tulad ng kay Kristo?

• Nais mo bang manalangin ngayon din mismo upang ibigay ang inyong puso kay Hesus? Tayo ay manalangin ng sama-sama.

Mga Reperensya:
1 The Desire of Ages, p. 172.
2 Ibid., pp. 175, 176. [Idinagdag ang pagbibigay-diin.]
3 Ibid., p. 173. [Idinagdag ang pagbibigay-diin.]
4 The Spirit of Prophecy, vol. 4, p. 298. [Idinagdag ang pagbibigay-diin.]
5 Steps to Christ, p. 23.
6 The Review and Herald, Setyembre 3, 1901.
7 The Great Controversy, p. 70. [Idinagdag ang diin.]
8 The Desire of Ages, p. 195. [Idinagdag ang diin.]
9 Ibid., p. 717.
10 Ibid., p. 172. [Idinagdag ang diin.]
11 This Day With God, p. 307.
12 The Youth’s Instructor, Agosto 24, 1899.
13 This Day With God, p. 277.
14 The Youth’s Instructor, Agosto 24, 1899.
15 Thoughts from the Mount of Blessing, pp. 24, 25.