Mga Aral Mula sa Ebanghelyo Ayon kay Juan (Unang Bahagi)
<< >>
Sabbath, Enero 4, 2025Leksiyon 1
Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan SAULUHING TALATA: “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
Iminumungkahing Babasahin:
Patriarchs and Prophets, pp. 44–51, 111–116.
“Mula sa buong walang-hanggan si Kristo ay kaisa ng Ama, at nang kinuha Niya ng Kanyang sarili ang likas ng tao, Siya ay kaisa pa rin ng Diyos.”—Selected Messages, bk. 1, p. 228.
1. SI HESUS, ANG AMA AY IISA Linggo, Disyembre 29
a. Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol kay Jesus bago ang Kanyang pagkakatawang-tao? Juan 1:1, 2 .“Mula sa mga panahon ng walang-hanggan ang Panginoong Jesu-Cristo ay kaisa ng Ama; Siya ay ‘ang larawan ng Diyos,’ ang larawan ng Kanyang kadakilaan at kamahalan, ‘ang ningning ng Kanyang kaluwalhatian.’ Ito ay upang ipakita ang kaluwalhatiang ito sa Kanyang pagdating sa ating mundo. Sa mundong ito na pinadilim ng kasalanan ay naparito Siya upang ihayag ang liwanag ng pag-ibig ng Diyos—upang maging ‘Diyos na kasama natin.’ ”—The Desire of Ages, p. 19.“Si Kristo, ang Salita, ang bugtong na anak ng Diyos, ay kaisa ng walang hanggang Ama—iisa sa likas, sa katangian, sa layunin—ang tanging persona na maaaring makapasok sa lahat ng mga payo at layunin ng Diyos.”—Patriarchs and Prophets, p. 34.b. Paano si Jesus itinuring ng Ama at ng mga anghel? Awit 45:6; Isaias 9:6; Mga Hebreo 1:3, 6–8.“Ang mga anghel ay mga ministro ng Diyos, nagniningning sa liwanag na patuloy na nagmumula sa Kanyang presensya at mabilis na lumilipad upang isagawa ang Kanyang kalooban. Subali’t ang Anak, ang pinahiran ng Diyos, ang ‘ang tunay na larawan ng Kanyang pagka-Dios,’ ‘ang sinag ng Kanyang kaluwalhatian,’ ‘at umaalalay ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng salita ng Kanyang kapangyarihan,’ ang may kapangyarihan sa kanilang lahat.”—Ibid.
2. ANG PARAAN NG PAGLALANG Lunes, Disyembre 30
a. Sino ang lumikha ng lahat ng mga bagay? Juan 1:3, 10; Colosas 1:15–17; Mga Hebreo 1:2.“Si Kristo ang naglatag ng langit, at naglagay ng mga pundasyon ng lupa. Ang Kanyang kamay ang humahawak ng mga sanglibutan sa kalawakan, at nag-aayos ng mga bulaklak sa parang. ‘Ang Kaniyang kalakasan ang nagpapatibay ng mga bundok.’ ‘Ang dagat ay Kaniya, at Kaniyang ginawa.’ Awit 65:6; 95:5. Siya ang pumuno sa lupa ng kagandahan, at sa hangin ng awit. At sa lahat ng mga bagay sa lupa, at hangin, at langit, ay isinulat Niya ang mensahe ng pag-ibig ng Ama.”—The Desire of Ages, p. 20.b. Ilarawan ang paraan kung paano nilikha ang sanglibutan at ang Sandaigdigan. Awit 33:6, 9; 104:1–6.“Ang Diyos ay nagsalita, at ang Kanyang mga salita ay nilikha ang Kanyang mga gawa sa natural na mundo. Ang nilikha ng Diyos ay isang imbakan lamang ng mga pamamaraang inihanda Niya upang Kaniyang magamit kaagad sa paggawa ng Kaniyang kaluguran.”—The SDA Bible Commentary [E. G. White Comments], vol. 1, p. 1081.“Nang ang lupa ay lumabas mula sa kamay ng Maylalang nito, ito ay talagang napakaganda. Ang ibabaw nito ay ginawang iba’t iba na may mga bundok, burol, at kapatagan, na pinaghiwa-hiwalay ng mga marilag na ilog at magagandang lawa; ngunit ang mga burol at kabundukan ay hindi matarik at mabato, sagana sa nakakakilabot na dalisdis at nakakatakot na mga bangin, tulad ngayon; ang matutulis at sira-sirang gilid ng mabatong kaanyuan ng lupa ay ibinaon sa ilalim ng mabungang lupa, na kahit saan ay nagbibigay ng malagong paglaki ng mga halaman. Walang mga nakakapandiring matubig na mababang lupain o tigang na disyerto. Ang mga magagandang mababang punong kahoy at napaka-gagandang mga bulaklak ay bumabati sa mga mata sa bawat pagbaling. Ang mga kaitaasan ay nakokoronahan ng mga punong mas marilag kaysa sa alinmang nabubuhay ngayon. Ang hangin, na walang bahid ng mabahong singaw, ay dalisay at nakapagpapalusog. Ang buong tanawin ay dinaig ng kagandahan ng pinalamutiang mga hardin ng pinaka-ipinagmamalaking palasyo. Ang maka-langit na hukbo ng mga anghel ay minamasdan ang tanawin nang may nag-uumapaw na kagalakan, at lubos na nagagalak sa mga nakakamanghang mga gawa ng Diyos.”—+, p. 44.“Ang Bibliya ay hindi kinikilala ang mahabang kapanahunan kung saan ang mundo ay unti-unting gumanda mula sa ganap na kaguluhan. Sa bawat magkakasunod na araw ng paglalang, ang sagradong talaang ito ay binubuo ng gabi at umaga, tulad ng lahat ng iba pang mga araw na sumusunod. Sa pagtatapos ng bawat araw ay ibinibigay ang resulta ng gawa ng Maylalang.”—Ibid., p. 112.
3. ANG LIWANAG NG SANDAIGDIGAN Martes, Disyembre 31
a. Sino ang Gumawa ng lahat ng buhay at liwanag—at paano ito magiging kapakipakinabang sa atin? Juan 1:4–9; Gawa 17:28.“Si [Kristo] ang nagsasalita sa bawat isa na sa buong kapanahunan ay ipinahahayag ang salita ng Diyos sa tao. Ang lahat ng mga kahusayang makikita sa pinakadakila at pinakamarangal na mga kaluluwa sa mundo ay paglalarawan ng Kanyang katangian.”—Education, p. 73.“Si Kristo ang ‘Ilaw, na lumiliwanag sa bawat tao na pumaparito sa sanglibutan.’ Juan 1:9. Kung paanong sa pamamagitan ni Kristo ang bawat tao ay may buhay, gayundin sa pamamagitan Niya ang bawat kaluluwa ay tumatanggap ng ilang sinag ng banal na liwanag.”—Ibid., p. 29.“Ang kapangyarihan ng Diyos ay ginagamit pa rin sa pagtataguyod ng mga bagay na Kanyang nilikha. Ito ay hindi dahil sa mekanismo na sa sandaling iniayos sa pagkilos ay patuloy na kumikilos sa pamamagitan ng sarili nitong likas na enerhiya na ang pulso ay tumitibok, at ang hininga ay sumusunod sa paghinga. Ang bawat hininga, bawat pintig ng puso, ay isang katibayan ng pangangalaga Niya kung kanino tayo nabubuhay at kumikilos at nagtataglay ng ating pagkatao. Mula sa pinakamaliit na insekto hanggang sa tao, ang bawat buhay na nilalang ay umaasa araw-araw sa Kanyang probidensya. . . .“Ang napakalakas na kapangyarihan na kumikilos sa buong kalikasan at nagpapanatili sa lahat ng mga bagay ay hindi, gaya ng sinasabi ng ilang mga tao ang agham, na isa lamang prinsipyong nangingibabaw sa lahat, isang kumikilos na enerhiya. Ang Diyos ay isang espiritu; ngunit Siya ay isang personang nabubuhay, sapagkat ang tao ay ginawa ayon sa Kanyang larawan. Bilang isang personang nabubuhay, ang Diyos ay ipinahayag ang Kanyang sarili sa Kanyang Anak.”—Ibid., p. 131.b. Ano ang sinasabi ni Jesus tungkol sa Kanyang sarili? Juan 9:5; 8:12; 3:19; 12:46.“Sa mga salitang, ‘Ako ang ilaw ng sanglibutan,’ ipinahayag ni Jesus ang Kanyang sarili bilang Mesiyas. Ang matandang Simeon . . . ay nagsalita tungkol sa Kanya bilang ‘Isang ilaw upang ipahayag sa mga Gentil, At ang kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.’ Lucas 2:32. Sa mga salitang ito ay iniaangkop sa Kanya ang isang propesiyang pamilyar sa buong Israel. Sa pamamagitan ng propetang si Isaias, ang Banal na Espiritu ay nagpahayag, kaniyang sinasabi, ‘Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.' Isaiah 49:6, R.V. Ang propesiyang ito ay karaniwang nauunawaan ayon sa binanggit tungkol sa Mesiyas, at nang sabihin ni Jesus, ‘Ako ang ilaw ng sanlibutan,’ ang mga tao ay hindi maitangging kilalanin ang Kanyang pag-aangkin na Siya ang Ipinangako.”—The Desire of Ages, p. 465.
4. ANG DIYOS AY SUMASA ATIN Miyerkules, Enero 1
a. Ano ang Inihula ni Isaias tungkol sa pangalan ni Kristo? Isaias 7:14. Kailan ang hulang ito natupad? Mateo 1:22, 23.“Nang si Jesus ay dumating upang manahan kasama natin, alam natin na nalalaman ng Diyos ang ating mga pagsubok, at nakikiramay sa ating mga dalamhati. Ang bawat anak na lalaki at anak na babae ni Adan ay maaaring maunawaan na ang ating Maylalang ay kaibigan ng mga makasalanan. Sapagkat sa bawat doktrina ng biyaya, bawat pangako ng kagalakan, bawat gawa ng pag-ibig, bawat banal na pantawag-pansin na ipinakita sa buhay ng Tagapagligtas sa lupa, ay makikita natin na ang ‘Diyos ay sumasa atin.’ ”—The Desire of Ages, p. 24.b. Ano ang ginawa ni Jesus upang maabot tayo sa ating pagkalugmok na kalagayan? Juan 1:14; Filipos 2:5–8; Mga Hebreo 2:14–18.“Upang ating makilala ang Kanyang banal na katangian at buhay, si Kristo ay kinuha ang ating likas at nanahan sa atin. Ang pagka-Diyos ay nahayag sa sangkatauhan; ang hindi-nakikitang kaluwalhatian sa nakikitang anyo ng tao. Ang mga tao ay maaaring matutunan ang hindi nalalaman sa pamamagitan ng hayag; ang mga bagay sa langit ay nahayag sa pamamagitan ng makalupa; Ang Diyos ay nahayag sa wangis ng mga tao.”—Christ’s Object Lessons, p. 17.“Ang Anak ng Diyos ay sinasalakay sa bawat paghakbang ng mga kapangyarihan ng kadiliman. Pagkatapos ng Kanyang bautismo ay itinaboy Siya ng Espiritu sa ilang, at nagtiis ng panunukso sa loob ng apatnapung araw. . . . Kung hindi Siya nakikibahagi ng ating likas, hindi sana Siya tinukso gaya ng tao. Kung hindi posible para sa Kanya na sumuko sa tukso, hindi Siya maaaring maging katulong natin. Ito ay isang solemneng kaganapan na si Kristo ay dumating upang ipakipaglaban ang ating mga pagbabaka bilang tao, sa kapakanan ng tao. Ang panunukso sa Kanya at tagumpay ay nagsasabi sa atin na ang sangkatauhan ay dapat tularan ang Huwaran; ang tao ay dapat maging kabahagi ng banal na likas.”—The SDA Bible Commentary [E. G. White Comments], vol. 5, p. 1082.“Upang panatilihing ang Kanyang kaluwalhatian ay natatakpan bilang anak ng isang nahulog na lahi, ito ang pinakamatinding disiplina kung saan ang Prinsipe ng buhay ay maaaring magpasakop ng Kanyang sarili. Kaya sinukat Niya ang Kanyang lakas kay Satanas. Siya na pinalayas mula sa langit ay lubos na nakipaglaban para sa pagwawagi sa Isa na kung kanino sa mga hukuman sa itaas ay kanyang kinainggitan. O anong pakikipagbaka ito! Walang wika ang sapat upang ilarawan ito. Subali’t sa malapit na hinaharap ito ay mauunawaan ng mga nagtagumpay sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng salita ng kanilang patotoo.”—Ibid., pp. 1081, 1082.
5. ANG LAYUNIN NG PAGKAKATAWANG TAO Huwebes, Enero 2
a. Ano ang layunin ng pagparito ni Jesus para sa sangkatauhan? Juan 3:16, 17; 1:12; Lucas 19:10.“Si Kristo ay itinuring na dapat ay para sa atin, upang tayo ay ituring na nararapat para sa Kanya. Siya ay hinatulan dahil sa ating mga kasalanan, na kung saan Siya ay walang bahagi, upang tayo ay ariing-ganap sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran, na kung saan ay wala tayong bahagi. Siya ay nagdanas ng kamatayan na dapat ay sa atin, upang matanggap natin ang buhay na sa Kanya. ‘Sa Kanyang mga latay tayo ay nagsigaling.’ ”—The Desire of Ages, p. 25.b. Paano tayo maipapanumbalik sa dati sa pamamagitan ng sakripisyo ni Kristo? Galacia 4:5–7; Mga Hebreo 2:10.“Si Cristo ay gumawa ng isang buo at ganap na hain, isang haing sapat upang iligtas ang bawat anak na lalaki at babae ni Adan na dapat magpakita ng pagsisisi sa Dios sa pagsalangsang ng Kanyang kautusan, at magpakita ng pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo. . . . Si Kristo ang Kapitan ng ating kaligtasan, at sa pamamagitan ng Kanyang sariling mga pagtitiis at sakripisyo ay nagbigay Siya ng isang halimbawa sa lahat ng Kanyang mga tagasunod na ang pagbabantay at pananalangin, at matiyagang pagsisikap, ay kinakailangan sa kanilang bahagi kung nais nilang sila ay wastong kumakatawan sa pag-ibig na nananahan sa Kanyang sinapupunan para sa nahulog na lahi.”—Testimonies for the Church, vol. 2, p. 664.“Ang Diyos ay iniibig ang Kanyang masunuring mga anak. Siya ay may isang kahariang inihanda, hindi para sa hindi matapat na mga sakop, kundi para sa Kanyang mga anak na Kanyang sinubok at sinuri sa isang mundong nasira at nadungisan ng kasalanan. Bilang masunuring mga anak, mayroon tayong pribilehiyo ng pakikipag-ugnayan sa Diyos. ‘Kung mga anak,’ sabi Niya, ‘kung gayon ay mga tagapagmana nga’ ng isang walang kamatayang pamana. . . . Si Kristo at ang Kanyang bayan ay iisa.”—The SDA Bible Commentary [E. G. White Comments], vol. 6, p. 1077.
PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL Biyernes, Enero 3
1. Anong likas ang taglay ni Jesus mula sa walang-hanggan?2. Sino ang naglatag ng langit at naglagay ng mga pundasyon ng lupa?3. Kanino nagmumula ang lahat ng tunay na liwanag?4. Ano ang tawag kay Jesus sa Isaias 7:14?5. Ano ang naging kalagayan ni Jesus nang tanggapin ang ating likas bilang tao?