Back to top

Sabbath Bible Lessons

Mga Aral Mula sa Ebanghelyo Ayon kay Juan (Unang Bahagi)

 <<    >> 
  Sabbath, Enero 4, 2025

Handog sa Unang Sabbath

Ang Republica ng Paraguay ay isang landlocked (halos napapaligiran ng lupa, walang baybayin o daungan) na bansa sa South America, kung saan ito ay hangganan ng Argentina, Bolivia, at Brazil. Ang populasyon ay humigit-kumulang 6.1 milyong naninirahan, 96.1% sa kanila ay nagsasabing Cristiano (88.3% Catholicism at 7.8% iba pang mga pananampalatayang Kristiyano); 2.6% ang nag-aangking walang relihiyon, at ang natitira ay sa ibang mga relihiyon o hindi na tinukoy. Ang pambansang ekonomiya ay pangunahing nakabatay sa agrikultura—lalo na sa soybeans—at sa nakalipas na 50 taon, ang Paraguay ay naglinang din ng malawak na hydroelectric power industry.

Ang unang mga kaanib ng SDA Reform Movement ay dumating dito mula sa Hungary noong dekada ng 1940 at mas lumawak ang gawain noong dekada ng 1950 sa pamamagitan ng gawain ng colporteur at nang maglaon noong dekada ng 1970 sa pamamagitan ng gawain ng medical missionary. Tayo sa kasalukuyan, ay mayroong napakagandang grupo ng matatapat na kaanib sa mga pangunahing lungsod.

Sa loob ng maraming taon, tayo ay nagkaroon ng natural health center na nagpapatuloy sa kabiserang lungsod ng Asunción, na nagbibigay-daan sa atin na ibahagi ang ebanghelyo sa maraming kaluluwa at maituro ang paraan ng pamumuhay ng nalalabing bayan ng Diyos. Sa tulong ng Diyos at ng ating inter-disciplinary team ng mga propesyonal, umaasa kaming pasiglahin ang klinika—ngunit ngayon upang ito ay mangasiwa bilang outreach sa lungsod, na may karugtong sa kanayunan upang ganapin ang banal na utos na: “‘Lumabas sa mga lungsod. Itayo ang inyong mga sanitarium, inyong mga paaralan, at mga opisina na malayo sa mga sentro ng populasyon.’ ”—Selected Messages, bk. 2, p. 357.

Sa adhikaing ito, nakakuha kami ng isang kapirasong lupa sa isang magandang lugar na kanayunan sa departamento ng Paraguarí, mga 66 km. (41 milya) mula sa kabisera. Mayroon na tayong sanctuario at tirahan ng pastor sa pag-aari, ngunit ito ay simula pa lamang. Ang layunin ay magtatag ng isang multifunctional center na may maliit na health center, church school, chapel, at isang pasilidad para sa pagpapalago ng self-supporting health food enterprises.

Kami ay nagsusumamo sa kabutihang-loob ng ating mga kapatid sa buong daigdig na tulungan kaming maisakatuparan ang layuning ito. Ang inyong pakikipagtulungan ay magbibigay ng bagong pagpapasigla sa huling bahagi na kinakailangan upang makumpleto ang proyekto. Tayo ay nananalig sa kapangyarihan at kahanga-hangang biyaya ng Diyos at nakatitiyak na pagpapalain ng Panginoon ang mga pagsisikap ng ating komunidad sa buong mundo na bigyang kapangyarihan at palawakin ang pagbahagi ng ebanghelyo sa bahaging ito ng Kanyang ubasan.

Ang inyong mga kapatid na lalaki at babae mula sa Paraguayan Field

 <<    >>