Linggo
, Peb 2
1. PAGHIHIKAYAT NG PAGTATANONG
a. Anong tanong ni Nicodemus ang nagpapakita na lumalambot ang kanyang puso? Juan 3:9.
“Si Jesus ay talagang sinabi kay Nicodemus: Hindi pakikipagtalo ang makakatulong sa iyong kalagayan: hindi ang mga argumento ang magdadala ng liwanag sa kaluluwa. Dapat kang magkaroon ng bagong puso, o hindi mo makikilala ang kaharian ng langit. Hindi ang mas malaking katibayan ang magdadala sa iyo sa tamang kalagayan, kundi mga bagong layunin, mga bagong pagsimula ng pagkilos. Kinakailangang ninyong ipanganak na muli. Hanggang sa maganap ang pagbabagong ito, ginagawang bago ang lahat ng bagay, ang pinakamatibay na katibayan na maaaring iharap ay magiging walang silbi. Ang kinakailangan ay nasa inyong sariling puso; ang lahat ay dapat baguhin, o hindi mo makikita ang kaharian ng Diyos.
“Ito ay isang nakakahiyang pahayag kay Nicodemus. . . . Siya ay hindi espirituwal ang pag-iisip na sapat upang maunawaan ang kahulugan ng mga salita ni Kristo. Ngunit ang Tagapagligtas ay hindi nakipagtalo sa argumento. . . .
"Ang ilang mga sinag ng katotohanan ay tumatagos sa isipan ng pinuno. Ang mga salita ni Kristo ay pumuno sa kanya ng pagkamangha, at humantong sa pagtatanong, 'Paano mangyayari ang mga bagay na ito?' Si Jesus ay sumagot ng may katapatan, 'Ikaw ba ay isang guro ng Israel, at hindi mo nalalaman ang mga bagay na ito?', sa halip na makaramdam ng inis sa mga payak na salita ng katotohanan, at pagbigyan ang panunuya, siya ay dapat magkaroon ng mas mapagpakumbabang opinyon sa kanyang sarili, dahil sa kanyang espirituwal na kamangmangan. Gayunpaman ang mga salita ni Kristo ay binigkas nang may gayong kasolemnehan ng dignidad, at kapwa ang pagtingin at tono ay nagpahayag ng gayong taimtim na pag-ibig sa kanya, na hindi siya nasaktan nang naunawaan niya ang kanyang nakakahiyang kalagayan.”—Testimonies to Ministers, pp. 368, 369.
Lunes
, Peb 3
2. PAGBABAGO NG KARANIWANG PAG-UUGALI
a. Anong punto ang ipinagmamalaki ng mga Fariseo ang kanilang sarili? Lucas 18:9–12.
“Ang mga Judio ang unang tinawag sa ubasan ng Panginoon, at dahil dito sila ay naging mapagmataas at matuwid sa sarili. Ang kanilang mahabang taon ng paglilingkod ay itinuring nila na karapat-dapat silang tumanggap ng mas malaking gantimpala kaysa sa iba. Wala nang mas nagpapagalit sa kanila kaysa sa pagpapakilala na ang mga Gentil ay dapat tanggapin na may pantay na mga pribilehiyo sa kanilang mga sarili sa mga bagay ng Diyos.”—Christ’s Object Lessons, p. 400.
b. Paano inilarawan ni Jesus ang gawain ng Banal na Espiritu sa puso? Juan 3:8.
“Ang hangin ay naririnig sa gitna ng mga sanga ng mga puno, pinapagaspas ang mga dahon at bulaklak; gayon ma'y hindi nakikita, at walang nakakaalam kung saan ito nanggaling o kung saan ito pupunta. Gayon din sa gawain ng Banal na Espiritu sa puso. Hindi ito maaaring maipaliwanag pa kundi sa mga pagkilos ng hangin. Maaaring hindi masabi ng isang tao ang eksaktong oras o lugar, o matunton ang lahat ng mga pangyayari sa proseso ng pagkahikayat; ngunit ito ay hindi nagpapatunay na siya ay hindi nahikayat. Sa pamamagitan ng isang ahensyang hindi nakikita gaya ng hangin, si Kristo ay patuloy na kumikilos sa puso.”—The Desire of Ages, p. 172.
c. Paano ang banal na pagkilala isinasaayos sa puso? Isaias 30:21; Jeremias 42:3; Mateo 16:17.
“Unti-unti, marahil nang hindi namamalayan ng tumatanggap, ang pag-unawa ay nagagawa na umaakay upang mailapit ang kaluluwa kay Kristo. Ang mga ito ay maaaring matanggap sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa Kanya, sa pamamagitan ng pagbabasa ng Banal na Kasulatan, o sa pamamagitan ng pakikinig sa salita mula sa mga buhay na mangangaral. Pagdaka, habang ang Espiritu ay dumarating nang may mas tuwirang pagsusumamo, ang kaluluwa ay malugod na isinusuko ang sarili mismo kay Jesus. Ang marami ay tinatawag ito na biglaang pagkahikayat; ngunit ito ay resulta ng mahabang pagsusumamo ng Espiritu ng Diyos—isang mapagtiis, mahabang proseso.”—Ibid.
“Hayaan ang inyong mga puso na lumambot at masupil ng Espiritu ng Diyos. Hayaang matunaw ang mga kaluluwang nababalot ng yelo sa ilalim ng paggawa ng Banal na Espiritu.”—Letters and Manuscripts, vol. 12, Liham 53, 1897.
Martes
, Pebrero 4
3. KATIBAYAN NG BAGONG KAPANGANAKAN
a. Paano ang panloob na mga pagkilos ng Banal na Espiritu nahahayag sa panlabas? Galacia 5:22–25.
“Bagaman ang hangin mismo ay hindi nakikita, ito ay gumagawa ng mga epekto na nakikita at nararamdaman. Kaya ang gawain ng Banal na Espiritu sa kaluluwa ay naihahayag mismo ng sarili sa bawat kilos niya na nakadarama ng makapagliligtas nitong kapangyarihan. Kapag ang Espiritu ng Diyos ay sinakop ang puso, binabago nito ang buhay. Ang mga masasamang kaisipan ay inaalis, ang masasamang gawa ay tinalitakuran; ang pag-ibig, pagpapakumbaba, at kapayapaan ang pumapalit sa galit, inggit, at alitan. Ang kagalakan ang pumapalit sa lugar ng kalungkutan, at sa mukha ay sumisinag ang liwanag ng langit.”—The Desire of Ages, p. 173.
b. Kailan natatanggap ng isang tao ang pagpapala ng pagbabago? Roma 10:9, 10; 1 Juan 1:9.
“Walang sinuman ang nakakakita ng kamay na nagbubuhat ng pasanin, o nakakakita ng liwanag na bumababa mula sa mga looban sa itaas. Ang pagpapala ay dumarating kapag sa pamamagitan ng pananampalataya ang kaluluwa ay isinusuko ang sarili mismo sa Diyos. Pagkatapos ang kapangyarihang iyon na walang mata ng tao ang nakakakita ay lumilikha ng isang bagong pagkatao sa wangis ng Diyos.”—Ibid.
“Kung ang paghubog at pagsasaayos ng Banal na Espiritu ay nasa inyong puso araw-araw, kayo ay magkakaroon ng banal na pananaw upang maunawaan ang katangian ng kaharian ng Diyos. Si Nicodemus ay tinanggap ang mga aral ni Kristo at naging isang tunay na mananampalataya.”—Testimonies to Ministers, pp. 369, 370.
c. Paano inilalarawan ni Kristo ang prosesong ito? Mateo 13:33.
“Ang lebadura na nakatago sa harina ay kumikilos nang hindi nakikita na nagdadala sa buong masa sa ilalim ng proseso ng pagpapaalsa nito; gayon ang lebadura ng katotohanan ay kumikilos nang lihim, tahimik, tuluy-tuloy, upang baguhin ang kaluluwa. Ang mga likas na hilig ay pinalalambot at sinusupil. Ang mga bagong kaisipan, bagong damdamin, bagong motibo, ay ipinupunla. Isang bagong pamantayan ng pag-uugali ang binubuo—ang buhay ni Kristo. Ang isipan ay nababago; ang mga kakayahan ay napupukaw sa pagkilos sa mga bagong antas. Ang tao ay hindi pinagkalooban ng mga bagong kakayahan, kundi ang mga kakayahan na mayroon na sila ay pinababanal. Ang konsensya ay ginigising. Tayo ay pinagkalooban ng mga katangian ng pagkatao na nagpapangyari sa atin na gawin ang paglilingkod sa Diyos.”—Christ’s Object Lessons, pp. 98, 99.
Miyerkules
, Peb 5
4. ISANG PANGKARANIWANG PAGLALARAWAN
a. Paano inilarawan ni Jesus ang Kanyang pagkapako sa krus na malapit nang mangyari? Juan 3:14, 15.
“[Sinipi ang Juan 3:14, 15.] Dito ang lugar kung saan alam na alam ni Nocodemus. Ang simbolo ng itinaas na ahas ay ginawang malinaw sa kanya ang misyon ng Tagapagligtas. Nang ang bayan ng Israel ay namamatay mula sa kamandag ng mga mababangis na mga ahas, ang Diyos ay inutusan si Moises na gumawa ng isang ahas na tanso, at inilagay ito sa itaas sa gitna ng kapisanan. Pagkatapos ay ipinaabot ang salita sa buong kampo upang ang lahat na titingin sa ahas ay mabubuhay. Ang bayan ay alam na alam na ang ahas mismo ay walang kapangyarihang tumulong sa kanila. Ito ay simbolo ni Kristo. Kung paanong ang larawan na ginawa sa wangis ng pumapatay na mga ahas ay itinaas para sa kanilang pagpapagaling, gayundin ang Isa na ginawa ‘na naganyong lamang salarin’ ay magiging kanilang Manunubos. Roma 8:3. Karamihan sa mga Israelita ay itinuturing na ang paglilingkod sa paghahain mismo ay may kagalingan sa sarili upang sila ay mapalaya sa kasalanan. Ang Diyos ay nais na ituro sa kanila na wala itong halaga tulad ng ahas na tanso. Ito ay upang akayin ang kanilang mga kaisipan sa Tagapagligtas. Kahit na para sa pagpapagaling ng kanilang mga sugat o sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, wala silang magagawa para sa kanilang sarili kundi ipakita ang kanilang pananampalataya sa Kaloob ng Diyos. Dapat silang tumingin at mabubuhay.”—The Desire of Ages, pp. 174, 175.
b. Sa kabila ng probisyon, bakit ang ilan ay namatay? 1 Corinto 10:9; Hebreo 3:12.
“Karamihan sa mga Israelita ay walang nakitang tulong sa lunas na itinakda ng Langit. Ang mga patay at namamatay ay nasa paligid nila, at alam nila na, kung walang tulong ng Diyos, ang kanilang sariling kapalaran ay tiyak; ngunit patuloy silang nagdalamhati sa kanilang mga sugat, sa kanilang mga sakit na nararamdaman, sa kanilang tiyak na kamatayan, hanggang sa maubos ang kanilang lakas, at ang kanilang mga mata ay nanlilisik, kahit na sila ay mayroong agarang kagamutan.”—Patriarchs and Prophets, p. 432.
c. Kung nais nating maligtas, saan tayo dapat tumingin? Hebreo 6:19, 20.
“Ang nakamamatay na epekto ng kasalanan ay maaaring maalis lamang sa pamamagitan ng probisyon na ginawa ng Diyos. Ang mga Israelita ay nailigtas ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagtingin sa itinaas na ahas. Ang pagtinging iyon ay nagpapahiwatig ng pananampalataya. Sila ay nabuhay dahil sila ay nanampalataya sa salita ng Diyos, at nagtiwala sa mga pamamaraan na ibinigay para sa kanilang kagalingan. Kaya't ang makasalanan ay maaaring tumingin kay Kristo, at mabubuhay. Siya ay tumatanggap ng kapatawaran sa pamamagitan ng pananampalataya sa nagbabayad-salang hain. . . . Si Kristo ay may kapangyarihan at katangian sa Kanyang Sarili upang pagalingin ang nagsisising makasalanan.”—Ibid., p. 431.
Huwebes
, Pebrero 6
5. PANATILIHING ANG ATING MGA MATA AY NAKATITIG
a. Anong aral ang naunawaan ni Nicodemus nang maglaon na kinakailangan nating matutunan—at laging isasaisip? Efeso 2:8; Lucas 13:20, 21.
“Kadalasan ang tanong ay lumilitaw, Bakit, kung gayon, may napakaraming, nag-aangking nananampalataya sa salita ng Diyos, na sa kanila ay hindi nakikita ang pagbabago sa mga pananalita, sa espiritu, at sa pag-uugali? Bakit napakaraming hindi makatiis sa pagsalungat sa kanilang mga layunin at mga plano, na nagpapakita ng hindi banal na ugali, at ang mga pananalita ay mabagsik, mapagmataas, at malupit? Nakikita sa kanilang mga buhay ang parehong pag-ibig sa sarili, ang parehong makasariling kaluguran, ang parehong mainiting ulo at padalos-dalos na pananalita, na nakikita sa pamumuhay ng makasanlibutan. Nariyan ang parehong maramdaming pagmamataas, ang parehong pagpapasakop sa likas na hilig, ang parehong baluktot na pag-uugali, na para bang ang katotohanan ay lubos na hindi nila nalalaman. Ang dahilan ay hindi sila nahikayat. Hindi nila ipinasok ang lebadura ng katotohanan sa puso. Hindi ito nagkaroon ng pagkakataon na gawin ang gawain nito. Ang kanilang likas at nilinang na mga hilig sa kasamaan ay hindi naipasakop sa nagpapabagong kapangyarihan nito. Ang kanilang pamumuhay ay naghahayag ng kawalan ng biyaya ni Kristo, isang kawalan ng pananampalataya sa Kanyang kapangyarihan na baguhin ang pag-uugali.
“ ‘Ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ng Diyos.’ Roma 10:17. Ang Banal na Kasulatan ay ang dakilang ahensya sa pagbabago ng pag-uugali. Si Kristo ay nanalangin, ‘Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.’ Juan 17:17. Kung pag-aaralan at susundin, ang salita ng Diyos ay kikilos sa puso, na sinusupil ang bawat hindi banal na katangian. Ang Banal na Espiritu ay dumarating upang ipakilala ang kasalanan, at ang pananampalataya na umuusbong sa puso ay kumikilos sa pamamagitan ng pag-ibig kay Kristo, na iniaayon tayo sa katawan, sa kaluluwa, at sa Espiritu ayon sa Kanyang sariling wangis. Pagkatapos ang Dios ay maaari tayong magamit upang gawin ang Kanyang kalooban. Ang kapangyarihang ibinigay sa atin ay gumagawa mula sa kalooban hanggang sa panlabas, na umaakay sa atin na ipaalam sa iba ang katotohanang naipaabot sa atin.”—Christ’s Object Lessons, pp. 99, 100.
Biyernes
, Pebrero 7
PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL
1. Ano ang pangunahing katangian ng mga Pariseo noong panahon ni Kristo?
2. Ipaliwanag kung paano tayo muling nababago ayon sa wangis ni Kristo.
3. Paano ang pagbabago ng puso naipapakita?
4. Ipaliwanag ang simbolo ng itinaas na ahas.
5. Paano ang talinghaga ng lebadura ipinapahayag ang paglago sa biyaya ng Diyos?