Back to top

Sabbath Bible Lessons

Mga Aral Mula sa Ebanghelyo Ayon kay Juan (Unang Bahagi)

 <<    >> 
Leksiyon 13 Sabbath, Marso 29, 2025

Si Jesus ay Pinakain ang Maraming mga Tao

SAULUHING TALATA: “Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kailangang sila'y magsialis; bigyan ninyo sila ng makakain.” (Mateo 14:16).

“Madalas na tayo ay nag-aatubili, ayaw ibigay ang lahat ng mayroon tayo, natatakot na gumamit at gamitin para sa iba. Ngunit inutusan tayo ni Jesus, ‘Bigyan ninyo sila ng makakain.’ Ang Kanyang utos ay isang pangako; at sa likod nito ay ang parehong kapangyarihan na nagpakain sa maraming tao sa tabi ng dagat.”—The Desire of Ages, p. 369.

Iminumungkahing Babasahin:   Testimonies for the Church, vol. 6, pp. 341-348

Linggo , Marso 23

1. NAGUGUTOM NA MGA KALULUWA

a. Bukod sa mga alagad, sino pa ang sumama kay Jesus nang Siya ay tumawid sa dagat ng Galilea bago ang Paskuwa? Juan 6:1, 2.

“Si Kristo ay nagpapahinga sa isang nakatagong lugar kasama ang Kanyang mga alagad, subali’t ang pambihirang panahon ng mapayapang katahimikan na ito ay malapit nang masira. Ang mga alagad ay nag-akala na sila ay nagpahinga kung saan hindi sila magagambala; ngunit nang hindi matagpuan ng karamihan ang banal na Guro, nagtanong sila, ‘Nasaan Siya?’ Napansin ng ilan sa kanila ang direksyong pinuntahan ni Kristo at ng Kanyang mga alagad. Marami ang pumunta upang salubungin sila, habang ang iba ay sumunod sa pamamagitan ng kanilang mga bangka sa tubig. Ang Paskuwa ay malapit na, at, mula sa malayo at malapit, ang mga pangkat ng mga manlalakbay na patungo sa Jerusalem ay nagtipon-tipon upang makita si Jesus. Nadagdagan ang kanilang bilang, hanggang sa natipon ang limang libong mga lalaki bukod pa sa mga babae at mga bata. Bago pa si Kristo makarating sa baybayin, napakaraming tao ang naghihintay sa Kanya. Ngunit Siya ay dumaong nang hindi namamalayan ng mga ito, at gumugol ng kaunting panahon na hiwalay sa mga alagad.”—The Desire of Ages, p. 364.

b. Ilarawan ang espirituwal na kalagayan ng mga taong nagtitipon. Marcos 6:34.


Lunes , Marso 24

2. PANGANGALAGA SA ATING MGA PANGANGAILANGAN

a. Ano ang magiliw na pinansin ni Jesus na kinakailangan ng mga tao—at paano Niya ginamit ang pagkakataong ito upang subukin ang pananampalataya ng Kanyang alagad na si Felipe? Juan 6:3–6.

“Mula sa gilid ng burol [si Jesus] ay tumingin sa kumikilos na karamihan, at ang Kanyang puso ay naantig sa pagkahabag. Siya man ay nagambala, at naagawan ng Kanyang pagpapahinga, hindi Siya nayamot. Nakita Niya ang isang mas malaking pangangailangan na kumukuha ng Kanyang atensyon habang pinagmamasdan Niya ang mga taong dumarating at paparating pa. Siya ay ‘nahabag sa kanila, sapagkat sila ay gaya ng mga tupang walang pastol.’ Umalis sa Kanyang pahingahan, nakahanap Siya ng isang maginhawang lugar kung saan Siya ay makapaglilingkod sa kanila. Hindi sila nakatanggap ng tulong mula sa mga pari at mga pinuno; subali’t ang nakapagpapagaling na tubig ng buhay ay umaagos mula kay Kristo habang Siya ay nagtuturo sa karamihan ng daan ng kaligtasan. . . .

“Ang araw sa kanila ay tila langit sa lupa, at sila ay lubos na walang kamalay-malay kung gaano na katagal mula nang sila ay kumain ng kahit ano.

"Ang araw ay mahabang lumipas. Ang araw ay lumulubog na sa kanluran, ngunit ang mga tao ay nananatili. Si Jesus ay buong araw na nagpagal nang walang pagkain o pahinga. Siya ay namumutla dahil sa pagod at gutom, at ang mga alagad ay nakiusap sa Kanya na huminto sa Kanyang pagpapagal. Subali’t hindi Siya makaalis ng Kanyang sarili sa maraming tao na nagpupumilit sa Kanya. . . .

“Siya na nagturo sa mga tao ng paraan upang magkaroon ng kapayapaan at kaligayahan ay nag-iisip din sa kanilang mga temporal na pangangailangan tulad ng kanilang espirituwal na pangangailangan. Ang mga tao ay napagod at nanghihina. May mga ina na may mga sanggol sa kanilang mga bisig, at maliliit na bata na nakakapit sa kanilang mga laylayan. Marami ang nakatayo ng mahabang oras. . . .

“Marami ang nagmula sa malalayo, at walang kinain mula umaga. Sa mga kalapit na bayan at nayon ay maaari silang makabili ng pagkain. . . . Ngunit sinabi ni Jesus, 'Bigyan ninyo sila ng makakain,' at pagkatapos, lumingon kay Felipe, nagtanong, 'Saan tayo magsisibili ng tinapay, upang mangakakain ang mga ito?' Desire of Ages, pp. 364, 365.

b. Ano ang reaksyon ni Felipe? Juan 6:7.

“Si Felipe ay tumingin sa parang dagat ng mga ulo, at inisip kung gaano ka-imposibleng magbigay ng pagkain upang matugunan ang mga pangangailangan ng gayong karaming tao. Siya ay sumagot hindi magkakasiya sa kanila ang dalawang daang denariong tinapay upang hati-hatiin upang makakain ng kaunti ang bawa't isa.”—Ibid.


Martes , Marso 25

3. ANOMAN ANG MAYROON

a. Anong impormasyon ang ibinigay ni Andres kay Jesus—at ano ang iniutos ng Panginoon sa mga alagad na gawin? Juan 6:8–10.

“Si Jesus ay nagtanong kung gaano karaming pagkain ang makikita sa mga kasamahan. ‘May isang batang lalaki rito,’ sabi ni Andres, ‘na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda; datapuwa't gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan?’ Inutusan ni Jesus na ang mga ito ay dalhin sa Kanya. Pagkatapos ay inutusan Niya ang mga alagad na paupuin ang mga tao sa damuhan na may bilang na limampu o isang daan, upang mapanatili ang kaayusan, at upang masaksihan ng lahat kung ano ang Kanyang gagawin.” – The Desire of Ages, p. 365.

b. Ipaliwanag ang mga hakbang na ginawa ni Kristo sa pagpaparami ng pagkain—at anong mga aral ang matututunan natin dito. Mateo 14:19; Marcos 6:37–41; Juan 6:11.

“Si Jesus ay hindi sinikap na akitin ang mga tao sa Kanya sa pamamagitan ng pagbibigay-kasiyahan sa pagnanais ng karangyaan. Sa malaking karamihan na iyon, na pagod at gutom pagkatapos ng mahaba, kapana-panabik na araw, ang simpleng upa ay isang katiyakan kapwa ng Kanyang kapangyarihan at ng Kanyang magiliw na pangangalaga sa kanila sa mga karaniwang pangangailangan ng buhay. Ang Tagapagligtas ay hindi ipinangako sa Kanyang mga tagasunod ang mga karangyaan ng sanlibutan; ang kanilang kalagayan ay maaaring mahadlangan ng kahirapan; ngunit ang Kanyang salita ay ipinangako na ang kanilang pangangailangan ay matutustusan, at Kanyang ipinangako ang higit na mabuti kaysa sa makalupang kayamanan—ang nananatiling kaaliwan ng Kanyang sariling presensya.”—The Ministry of Healing, pp. 47, 48.

“Sa himalang ito, si Kristo ay tumanggap mula sa Ama; Ibinahagi Niya sa mga alagad, ang mga alagad sa mga tao, at ang mga tao sa isa't isa. Kaya lahat ng kaisa kay Kristo ay tatanggap mula sa Kanya ng tinapay ng buhay, at ipapamahagi ito sa iba. Ang Kanyang mga alagad ang itinalagang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ni Kristo at ng mga tao.”—Ibid., p. 49.

c. Anong aral sa tunay na paglilingkod dito tayo ay pinaaalalahanan? Isaias 61:6.

“Ang mga alagad ay dinala lahat ng mayroon sila kay Jesus; ngunit hindi Niya sila inanyayahan na kumain. Inutusan Niya silang pagsilbihan ang mga tao. Ang pagkain ay dumami sa Kanyang mga kamay, at ang mga kamay ng mga alagad, na umaabot kay Kristo, ay hindi naubusan. Ang kaunting nakahanda ay sapat para sa lahat. Nang mapakain na ang karamihan, ang mga alagad ay kumain kasama ni Jesus ng mahalagang pagkain na ibinibigay ng langit.”—Ibid.


Miyerkules , Mar 26

4. ANG KAGANDAHAN NG PAGBABAHAGI

a. Ano ang dapat nating matutunan mula sa mahalagang tagubiling ibinigay ni Jesus pagkatapos pakainin ang karamihan? Juan 6:12, 13.

“Nang matipon ang mga bakol na may pinagputol-putol na tinapay, ang mga tao ay naisip ang kanilang mga kaibigan sa bahay. Nais nilang makibahagi sila sa tinapay na pinagpala ni Kristo. Ang mga laman ng mga bakol ay ipinamahagi sa sabik na karamihan, at dinala sa palibot ng buong lupain.”—The Desire of Ages, p. 368.

“Si Jesus ay inutusan ang Kanyang mga alagad, ‘Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang.’ Juan 6:12. Ang mga salitang ito ay nangangahulugan ng higit pa sa paglalagay ng pagkain sa mga bakol. Ang aral ay may dalawang bahagi. Walang anomang dapat masayang. Hindi natin dapat hayaang makalampas ang mga temporal na kapakinabangan. Huwag nating pabayaan ang anumang bagay na makakatulong sa tao. Hayaang tipunin ang lahat ng bagay na makakatulong sa mga pangangailangan ng mga nagugutom sa mundo. Sa parehong pag-iingat ay dapat nating pahalagahan ang tinapay mula sa langit upang matugunan ang mga pangangailangan ng kaluluwa. Sa bawat salita ng Diyos tayo ay mabubuhay. Walang bagay na sinalita ng Diyos ang dapat masayang. Wala ni isang salita na may kinalaman sa ating walang hanggang kaligtasan ang dapat nating pabayaan. Walang kahit isang salita ang mahuhulog na walang saysay sa lupa.”—The Ministry of Healing, p. 48.

b. Kahit na mukhang mahirap o imposible, anong Kristianong katangian ang hinihiling na ating linangin? Isaias 58:6–8; 1 Pedro 4:9.

“Sa bawat hindi inaasahang pangyayari tayo ay dapat humingi ng tulong sa Kanya na may walang hanggang mapagkukunan sa Kanyang kapangyarihan. . . .

“Habang nakikita natin ang mga pangangailangan ng mga dukha, ng mga walang alam, mga naghihirap, gaano kadalas na ang ating mga puso ay nalulugmok. Tayo ay nagtatanong, ‘Ano ang pakinabang ng ating mahinang lakas at munting mga mapagkukunan upang matustusan ang matinding pangangailangang ito? Hindi ba tayo maghihintay sa isang taong may higit na kakayahan na manguna sa gawain, o sa ilang samahan na mangangasiwa nito?’ Sabi ni Kristo, ‘Bigyan ninyo sila ng makakain.’ Gumamit ng pamamaraan, panahon, kakayahan, na mayroon tayo. Dalhin kay Hesus ang inyong mga tinapay na sebada.

“Bagaman ang inyong mga mapagkukunan ay maaaring hindi sasapat upang pakainin ang libu-libo, maaaring sapat ito upang mapakain lamang ang isa. Sa kamay ni Kristo maaari nilang pakainin ang marami. Tulad ng mga alagad, ibigay kung ano ang mayroon tayo. Si Cristo ay pararamihin ang kaloob. Gagantimpalaan Niya ang matapat, ang simpleng pagtitiwala sa Kanya. Ang tila kakaunting panustos ay magpapatunay ng isang masaganang piging.”—Ibid., pp. 49, 50.


Huwebes , Mar 27

5. ANG ATING MAYLALANG AT TAGAPAGTAGUYOD

a. Anong kahanga-hangang katangian ng Diyos ang hindi natin dapat makalimutan? Awit 37:25, 26; Filipos 4:19.

“Ang biyaya ng Diyos sa maliit na bahagi ang gumagawa ditong sapat sa lahat. Ang kamay ng Diyos ay maaaring paramihin ito ng isang daang ulit. Mula sa Kanyang mga pinagkukunang-yaman Siya ay makapaglalatag ng mesa sa ilang. Sa pamamagitan ng paghipo ng Kanyang kamay ay maaari Niyang paramihin ang kakaunting pagkain at gawin itong sapat para sa lahat. Ang Kanyang kapangyarihan ang nagparami ng mga tinapay at trigo sa mga kamay ng mga anak ng mga propeta. . . .

“Nang inutusan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na bigyan ng makakain ang karamihan, sumagot sila, ‘Wala tayo kundi limang tinapay at dalawang isda; malibang kami'y magsiyaon at ibili ng pagkain ang lahat ng mga taong ito.’ Lucas 9:13. Ano iyon sa napakaraming tao?

“Ang aral ay para sa mga anak ng Diyos sa bawat kapanahunan. Kapag ang Panginoon ay nagbibigay ng gawain na dapat gawin, huwag huminto upang magtanong sa pagiging makatwiran ng utos o sa maaaring magiging resulta ng kanilang pagsisikap na sumunod. Ang panustos sa kanilang mga kamay ay tila magkukulang sa pangangailangang dapat mapunan; ngunit sa mga kamay ng Panginoon ito ay magpapatunay na higit pa sa sapat. . . .

“Ang lubusang pagkadama ng pakikipag-ugnayan ng Diyos sa mga binili Niya sa pamamagitan ng pagkaloob ng Kanyang Anak, ang mas malaking pananampalataya sa pasulong na pag-unlad ng Kanyang layunin sa lupa—ito ang malaking pangangailangan ng iglesia ngayon. Huwag hayaang sayangin ang panahon nang sinuman sa pagbubuntong-hininga sa kakapusan ng kanilang nakikitang mga mapagkukunan. Ang panlabas na anyo ay maaaring nakakapanghina ng loob, ngunit ang sigasig at pagtitiwala sa Diyos ay magpapaunlad ng mga mapagkukunan. Ang kaloob na dinadala sa Kanya na may pagpapasalamat at may pananalangin para sa Kanyang pagpapala, ay Kanyang pararamihin tulad ng Kanyang pagpaparami sa pagkaing ibinigay sa mga anak ng mga propeta at sa napagod na karamihan.”—Prophets and Kings, pp. 241-243.


Biyernes , Mar 28

PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL

1. Ilarawan ang pag-uugali ng bayan ng Dios sa pakikinig ng mga salita ni Kristo.

2. Paano ang Panginoon tinutustusan ang kanilang mga pisikal na pangangailangan?

3. Ano ang matututunan natin sa pamamaraan ni Kristo na mapanatili ang kaayusan ng karamihan?

4. Ano ang dapat kong alalahanin kailanman inaatasang, “Bigyan ninyo sila ng makakain”?

5. Banggitin ang mga pagkakataon kung kailan ang probidensya ng Diyos para sa iyo ay bukod-tanging naging kapansin-pansin.

 <<    >>