Back to top

Sabbath Bible Lessons

Mga Aral Mula sa Ebanghelyo Ayon kay Juan (Unang Bahagi)

 <<    >> 
Leksiyon 10 Sabbath, Marso 8, 2025

Si Hesus at ang Anak ng Mahal na Tao

SAULUHING TALATA: “Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.” (Efeso 3:20, 21).

“Hindi dahil nakikita o nararamdaman natin na pinakikinggan tayo ng Diyos ay dapat tayong sumampalataya. Dapat tayong magtiwala sa Kanyang mga pangako. Kapag lumalapit tayo sa Kanya nang may pananampalataya, ang bawat kahilingan ay pumapasok sa puso ng Diyos. Kapag humihingi tayo ng Kanyang pagpapala, dapat tayong sumampalataya na tatanggapin natin ito, at pasalamatan Siya na natanggap natin ito. Pagkatapos ay gawin natin ang ating mga tungkulin, na nakatitiyak na ang pagpapala ay maisasakatuparan kapag kinakailangan na natin ito.”—The Desire of Ages, p. 200.

Iminumungkahing Babasahin:   Testimonies for the Church, vol. 9, pp. 107, 108, 164–166, vol. 9, pp. . 

Linggo , Mar 2

1. PAGKUHA NG PANSIN

a. Matapos makasama ang mga Samaritano ng dalawang araw, saan si Jesus pumunta—at sino ang naakit sa balitang ito? Juan 4:43–46.

“Ang balita ng pagbabalik ni Kristo sa Cana ay kumalat sa buong Galilea, na nagdulot ng pag-asa sa mga naghihirap at nababagabag. Sa Capernaum ang balita ay kumuha ng atensyon ng isang Hudiong mahal na tao na isang pinuno sa paglilingkod sa hari.”—The Desire of Ages, p. 196.

b. Bakit ang pinuno pumunta upang makita si Jesus? Juan 4:47.

“Ang anak na lalaki ng pinuno ay naghihirap sa isang sakit na tila wala ng lunas. Ang mga manggagamot ay isinuko na siya upang hayaang mamatay; subali’t nang marinig ng ama ang tungkol kay Jesus, siya ay nagpasiyang humingi ng tulong sa Kanya.”—Ibid., p. 197.


Lunes , Marso 3

2. ISANG PAGPAPAHIWATIG NG PAG-AALINLANGAN

a. Ilarawan kung paano inihayag ni Kristo ang panloob na paghihirap ng puso ng mahal na tao na naghanap sa Kanya upang pagalingin ang kanyang anak sa Capernaum. Juan 4:48.

“Ang bata ay talagang mahina, at, nakakatakot, na maaaring hindi na maabutang buhay hanggang sa kanyang pagbabalik; ngunit nadama ng mahal na tao na dapat niyang ilahad nang personal ang kalagayan. Siya ay umaasa na ang mga panalangin ng isang ama ay maaaring pukawin ang pagkahabag ng Dakilang Manggagamot.

“Pagdating sa Cana, nakita niya na marami ang nakapalibot kay Jesus. Na may pusong nababalisa siya ay tumuloy sa harapan ng Tagapagligtas. Ang kanyang pananampalataya ay nanghina nang makita niya ang isang lalaking nakasuot ng simple, maalikabok at pagod sa paglalakbay. Siya ay nag-alinlangan na magagawa ng Taong ito ang kanyang ipinunta ng nais niyang hilingin sa Kanya; gayunpaman, nakahanap siya ng pagkakataon na makipag-usap kay Jesus, sinabi ang kanyang layunin, at nakiusap sa Tagapagligtas na samahan siya sa kanyang tahanan. Ngunit nalaman na ni Hesus ang kanyang kalungkutan. Bago ang pinuno umalis sa kanyang tahanan, nakita na ng Tagapagligtas ang kanyang dalamhati.

“Ngunit alam din Niya na ang ama, sa kanyang sariling isipan, ay gumawa ng mga kondisyon hinggil sa kanyang paniniwala kay Jesus. Maliban kung pagbigyan ang kanyang kahilingan, hindi niya Siya tatanggapin bilang Mesiyas. . . .

“Sa kabila ng lahat ng katibayan na si Jesus ang Kristo, ang humihiling ay determinadong gawin ang kondisyon ng kaniyang paniniwala sa Kanya sa pagbigay ng kaniyang sariling kahilingan.” — The Desire of Ages, pp. 197, 198.

b. Kapag tinutukso na maghanap ng mga tanda, ano ang dapat nating alalahanin? Mateo 12:38, 39.

“Si Cristo ay nasasaktan na ang Kanyang sariling bayan, na pinagkatiwalaan ng mga Sagradong Aral ng Dios, ay nabibigong pakinggan ang tinig ng Diyos na nagsasalita sa kanila sa Kanyang Anak.”—Ibid., p. 198.

“Ang bayan ng Dios ay humihingi ng tanda, gaya noong mga araw ni Kristo. Pagkatapos ay sinabi sa kanila ng Panginoon na walang tanda ang ibibigay sa kanila. Ang tanda na makikita ngayon at kailanman ay ang paggawa ng Banal na Espiritu sa isipan ng guro, upang gawing kahanga-hanga ang Salita hangga't maaari. Ang Salita ng Diyos ay hindi isang patay, walang siglang teorya, kundi espiritu at buhay. Si Satanas ay walang ibang nais kundi alisin ang mga isipan sa Salita, maghanap at umasa ng isang bagay sa wala sa Salita na mararamdaman nila.”—Selected Messages, bk. 2, p. 95.


Martes , Marso 4

3. MAGKAKASALUNGAT NA MGA PAG-UUGALI

a. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga Hudyo at mga Samaritano tungkol sa kanilang pananampalataya kay Jesus. Marcos 6:2–6; Juan 4:40–42.

“Gaano kasabik ang mga Pariseo na patunayan na si Kristo ay isang manlilinlang! Gaano nila binabantayan ang Kanyang bawat salita, na nagsisikap na ipahayag nang mali at ipaliwanag ng mali ang lahat ng Kanyang mga salita! Ang kapalaluan at maling palagay at pagnanasa ang nagsara sa bawat daan ng kaluluwa laban sa patotoo ng Anak ng Diyos. Kapag malinaw Niyang sinasaway ang kanilang kasamaan at ipinahahayag na ang kanilang mga gawa ay nagpapatunay na sila ay mga anak ni Satanas, sila ay nagagalit na tinatalikuran ang paratang, na nagsasabi, ‘hindi baga magaling ang aming pagkasabi na ikaw ay isang Samaritano, at mayroon kang demonio?' ”—Selected Messages, bk. 1, p. 70.

“Ang Tagapagligtas ay inihambing itong nagtatanong na walang pananampalataya sa simpleng pananampalataya ng mga Samaritano, na hindi humihingi ng himala o tanda. Ang Kanyang salita, ang walang hanggang katibayan ng Kanyang pagka-Diyos, ay may nakakakumbinsing kapangyarihan na umaabot sa kanilang mga puso.”—The Desire of Ages, p. 198.

“Bagaman si [Jesus] ay isang Hudyo, Siya ay malayang nakikisalamuha sa mga Samaritano, itinatakwil ang mga pang-Pariseong kaugalian ng mga Judio patungkol sa hinamak na bayang ito-. Siya ay natulog sa ilalim ng kanilang mga bubungan, kumain sa kanilang mga dulang, at nagturo sa kanilang mga lansangan.”—The Acts of the Apostles, p. 19.

b. Ilarawan ang karanasan ng marami na nagpapahayag ng pangkasalukuyang katotohanan sa nag-aangking bayan ng Diyos sa buong kapanahunan. Jeremias 20:8–11.

“Ang lahat ng mga argumento na ipinipilit laban kay Kristo ay itinatag sa kasinungalingan. Gayon din sa kalagayan ni Esteban, at ni Pablo. Ngunit ang pinakamahina at pinaka-hindi mapagkakatiwalaang mga pahayag na ginawa sa maling panig ay may impluwensya, dahil napakaraming mga puso ang hindi napabanal, na nagnanais na ang mga pahayag na iyon ay totoo. Ang mga iyon ay laging nananabik na iugnay sa anumang inaakalang mali o pagkakamali ng mga nagsasalita sa kanila ng hindi kasiya-siyang katotohanan.

“Hindi tayo dapat magtaka kapag ang mga masasamang haka-haka ay buong kasakimang kinukuha bilang walang alinlangang mga katotohanan ng mga taong may gana para sa kasinungalingan. Ang mga sumasalansang kay Kristo ay paulit-ulit na malilito at patatahimikin sa pamamagitan ng karunungan ng Kanyang mga salita; gayunpaman ay masigasig pa rin nilang pinakikinggan ang bawat bali-balita, at nakakakita ng ilang pagdadahilan upang Siya ay muling tanungin ng mga magkakasalungat na tanong.”—Selected Messages, bk. 1, pp. 70, 71.


Miyerkules , Marso 5

4. ISANG KAHILINGAN NG MAY KAPAKUMBABAAN

a. Nang ang pananampalataya ng mahal na tao ay nanghawakan kay Kristo, paano niya inulit ang kanyang kahilingan? Juan 4:49.

“Tulad ng isang pagkislap ng liwanag, ang mga salita ng Tagapagligtas sa mahal na tao ang nagbukas ng kanyang puso. Nakita niya na ang kanyang mga motibo sa paghahanap kay Jesus ay makasarili. Ang kanyang nag-aalinlangang pananampalataya ay ipinakita sa kanya sa tunay na katangian nito. Sa matinding pagkabalisa ay naunawaan niya na ang kanyang pagdududa ay maaaring makapinsala ng buhay ng kanyang anak. Alam niya na siya ay nasa presensya ng Isang nakakabasa ng mga iniisip, at kung kanino ang lahat ng bagay ay posible. . . . Ang kanyang pananampalataya ay nanghawakan kay Kristo gaya ng ginawa ni Jacob, nang, nakipagbuno sa Anghel, siya ay sumigaw, ‘Hindi kita bibitawan, hanggang hindi mo ako mabasbasan.’ Genesis 32:26.”—The Desire of Ages, p. 198.

b. Ano ang dapat nating matutunan sa ginawa ni Jesus sa halip na pumunta sa tahanan ng mahal na tao? Juan 4:50.

“Si Jesus ay may mas malaking kaloob na ipagkakaloob. Ninanais niya, na hindi lamang pagalingin ang bata, kundi gawin ang punong kawal at ang kanyang sambahayan na mga kabahagi sa mga pagpapala ng kaligtasan, at magpaningas ng liwanag sa Capernaum, na malapit nang maging bukid ng Kanyang sariling mga paggawa. Ngunit ang mahal na tao ay dapat maunawaan ang kanyang pangangailangan bago niya hangarin ang biyaya ni Kristo. Ang tagapangasiwang ito ay kumakatawan sa marami sa kanyang bansa. Sila ay interesado kay Jesus mula sa makasariling motibo. Sila ay umaasang makakatanggap ng ilang natatanging pakinabang sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, at ipinapangako nila ang kanilang pananampalataya sa pagkakaloob ng pansamantalang biyaya; ngunit sila ay walang nalalaman sa kanilang espirituwal na sakit, at hindi nila nakikita ang kanilang pangangailangan ng banal na biyaya. . . .

“Ang Tagapagligtas ay hindi maaaring lumayo sa kaluluwang kumakapit sa Kanya, na nagsusumamo ng matinding pangangailangan nito. ‘Yumaon ka ng iyong lakad,’ sabi Niya; ‘buhay ang anak mo.’ Ang mahal na tao ay umalis sa harapan ng Tagapagligtas na may kapayapaan at kagalakan na hindi pa niya naramdaman noon. Hindi lamang siya naniwala na ang kanyang anak ay maibabalik, kundi may malakas na pananalig siya ay nagtiwala kay Kristo bilang ang Manunubos.”—Ibid., pp. 198, 199.

“Lahat tayo ay naghahangad ng agaran at direktang mga sagot sa ating mga panalangin, at natutuksong panghinaan ng loob kapag ang sagot ay naaantala o dumating sa isang hindi-inaasahang anyo. Subali’t ang Diyos ay napakatalino at napakabuti upang sagutin ang ating mga panalangin palagi sa tamang oras at sa paraang nais natin. Siya ay gagawa ng higit pa at mas mabuti para sa atin kaysa sa matupad ang lahat ng ating mga naisin. . . . Ang mga karanasang ito na sumusubok sa pananampalataya ay para sa ating kapakinabangan.”—The Ministry of Healing, pp. 230, 231.


Huwebes , Marso 6

5. LUNAS AT KALIGTASAN

a. Sa anong paraan ni Jesus pinagaling ang anak ng mahal na tao? Juan 4:51–53. Anong kaganapan ang ipinaaalaala nito? Efeso 3:20, 21.

“Sa mismong sandali nang ang pananampalataya ng ama ay nanghawakan sa katiyakan, ‘Buhay ang anak mo,' ang banal na pag-ibig ay humipo sa naghihingalong anak.”—The Desire of Ages, p. 199.

“Sa oras ding iyon ang mga bantay sa tabi ng naghihingalong bata sa tahanan sa Capernaum ay nakakita ng biglaan at mahimalang pagbabago. Ang anino ng kamatayan ay inalis sa mukha ng naghihirap. Ang pamumula dahil sa lagnat ay napalitan ng banayad na pamumula ng bumabalik na kalusugan. Ang malabong mga mata ay lumiwanag ng may kaalaman, at ang kalakasan ay bumabalik sa mahina at payat na katawan. Walang mga palatandaan ng kanyang karamdaman ang nananatili sa bata. Ang kanyang nag-iinit na kalamnan ay naging malambot at mahalumigmig, at siya ay mahimbing na nakatulog. Iniwan siya ng lagnat sa katindihan ng init ng araw. Ang pamilya ay namangha, at napakalaki ng kagalakan.”—Ibid.

b. Paano si Jesus tumutugon sa sinumang humihingi ng tulong? Mateo 11:28–30.

“Ang Tagapagligtas ay hindi maaaring lumayo sa kaluluwang kumakapit sa Kanya, na nagsusumamo ng matinding pangangailangan nito.”—Ibid., p. 198.

“Nararamdaman mo ba na dahil ikaw ay isang makasalanan ay hindi ka makakaasa na makatanggap ng pagpapala mula sa Diyos? Tandaan na si Kristo ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan. Wala tayong maipagmamalaki sa Diyos; ang pagsusumamo na maaari nating ipakiusap ngayon at magpakailanman ay ang ating lubos na walang magawang kalagayan, na gumagawa ng isang pangangailangan ng Kanyang tumutubos na kapangyarihan. Sa pagtalikod sa lahat ng pagtitiwala sa sarili, maaari tayong tumingin sa krus ng Kalbaryo at sabihin:

“ ‘Sa aking kamay wala akong mahalagang madadala; Sa Iyong krus lamang ako ay umaasa.’ ”—The Ministry of Healing, p. 65.


Biyernes , Marso 7,

PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL

1. Bakit ang mga propeta sa pangkalahatan ay hindi tinatanggap sa sarili nilang mga bayan?

2. Anong mga salita ng mahal na tao ang nagpahayag ng kanyang kawalan ng pananampalataya?

3. Ano ang naging reaksiyon ni Kristo sa kawalan ng pananampalataya ng mga tao?

4. Sino ang nagpakita ng higit na pananampalataya kay Jesus—ang mga Judio o ang mga Gentil?

5. Ano ang ipinangako ni Jesus sa lahat ng tumatanggap sa Kanyang paanyaya?

 <<    >>