Linggo
, Ene 26
1. ISANG KILALANG TAO AY HINAHANAP SI JESUS
a. Sino si Nicodemo, at paano siya itinuturing sa paningin ng mga tao? Juan 3:1, 10 .
“Si Nicodemo ay may mataas na katungkulan ng pagtitiwala sa bansang Judio. Siya ay mataas ang pinag-aralan, at nagtataglay ng mga talento na hindi pangkaraniwan ang katangian, at siya ay isang respetadong kaanib ng pambansang konseho. . . . Bagama't mayaman, may pinag-aralan, at kinikilala, siya ay naakit sa pambihirang paraan ng mapagpakumbabang Nazareno.”—The Desire of Ages, p. 167.
“Siya ay isang mahigpit na Pariseo, at ipinagmamalaki ang kanyang sarili sa kanyang mabubuting gawa. Siya ay lubos na pinahahalagahan dahil sa kanyang kagandahang-loob at kanyang pagiging bukas-palad sa pagtaguyod ng paglilingkod sa templo, at nadama niyang siya ay nakatitiyak sa biyaya ng Diyos.”—Ibid., p. 171.
b. Anong oras pumunta si Nicodemo upang makipagkita kay Jesus? Juan 3:2 (unang bahagi).
“Sa pamamagitan ng maingat na pagtatanong ay nalaman ang lugar na pahingahan ng Tagapagligtas sa Bundok ng mga Olibo, siya ay naghintay hanggang sa ang lungsod ay mahimbing nang natutulog, at pagkatapos ay hinanap Siya.”—Ibid., p. 168.
Lunes
, Ene 27
2. ANG PERSONAL NA PAKIKIPAG-USAP
a. Ano ang nagpapakita ng mabuting pang-unawa ni Jesus sa pagtanggap sa Kanyang panauhin sa napakalalim na oras ng gabi? Awit 31:20, 21.
“Si [Nicodemo] ay lubos na ninais ang isang pakikipag-usap kay Jesus, ngunit umiwas sa paghahanap sa Kanya nang hayagan. Ito ay lubos na masyadong nakakahiya para sa isang pinuno ng mga Judio na tanggapin ng kanyang sarili ang pagsang-ayon sa isang guro na hindi pa gaanong kilala. At kung sakaling ang kanyang pagdalaw ay makarating sa kaalaman ng Sanhedrin, ito ay magdadala sa kanya ng kanilang panunuya at pagtuligsa. Kaya siya ay nagpasiya na sa isang lihim na pakikipag-usap, na idinadahilan ito na kung siya ay pupunta ng hayagan, ang iba ay maaaring sumunod sa kanyang halimbawa.”—The Desire of Ages, p. 168.
b. Ilarawan kung paano sinimulan ni Nicodemo ang kanyang pakikipag-usap kay Jesus. Juan 3:2.
“Sa presensiya ni Kristo, si Nicodemus ay nakadama ng kakaibang pagkamahiyain, na sinikap niyang itago sa ilalim ng hangin ng katahimikan at dignidad. 'Rabi,' ang sabi niya, 'alam namin na Ikaw ay isang guro na nagmula sa Diyos: sapagka't walang sinumang makagagawa ng mga himalang ito na Iyong ginagawa, maliban kung ang Diyos ay sumasakaniya.' Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng hindi pangkaraniwang kaloob ni Kristo bilang guro at ng Kanya ring nakakamanghang kapangyarihang gumawa ng mga himala, umaasa siyang mabigyang daan ang kanyang pakikipag-usap. Ang kanyang mga salita ay idinisenyo upang ipahayag at akitin ang pagtitiwala; ngunit talagang nagpahayag sila ng kawalan ng pananampalataya. Hindi niya kinilala na si Jesus ang Mesiyas, kundi isang guro lamang na ipinadala ng Diyos.”—Ibid.
c. Sa anong konsepto biglang pinamangha ni Kristo si Nicodemo? Juan 3:3.
“Sa halip na tanggapin ang papuring ito, itinuon ni Jesus ang Kanyang mga mata sa nagsasalita, na parang binabasa ang kanyang kaluluwa. Sa Kanyang walang hanggang karunungan ay nakita Niya sa Kanyang harapan ang isang naghahanap ng katotohanan. Alam Niya ang layunin ng pagdalaw na ito, at sa pagnanais na palalimin ang pananalig na nasa isipan ng Kanyang tagapakinig tinukoy Niya ng deretso sa punto, sinabi ng taimtim, ngunit may kabaitan, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios' Juan 3:3, margin.
“Si Nicodemo ay lumapit sa Panginoon na nag-iisip na makipag-usap sa Kanya, ngunit inihayag ni Jesus ang pundasyon ng mga prinsipyo ng katotohanan.”—Ibid., pp. 168–171.
Martes
, Enero 28
3. ANG BAGONG KAPANGANAKAN
a. Paano tumugon si Nicodemus sa sinabi ni Kristo na kinakailangan niya—at, tulad niya, bakit kinakailangan nating lahat ng karanasan ng bagong kapanganakan? Juan 3:4–8.
“Ang anyo ng bagong kapanganakan, na ginamit ni Jesus, ay hindi lubos na pamilyar kay Nicodemo. Ang mga nahikayat mula sa pagano tungo sa pananampalataya ng Israel ay kadalasang inihahambing sa mga batang kasisilang pa lamang. Samakatuwid, tiyak na naunawaan niya na ang mga salita ni Kristo ay hindi dapat tanggapin sa literal na kahulugan. Ngunit dahil sa bisa ng kanyang kapanganakan bilang isang Israelita ay itinuring niya na ang kanyang sarili na may isang tiyak na lugar sa kaharian ng Diyos. Pakiramdam niya ay hindi niya kinakailangan ng pagbabago. Kaya naman nagulat siya sa mga salita ng Tagapagligtas. Siya ay nayamot sa malapit na pag-aangkop sa kanyang sarili. Ang pagmamataas ng Pariseo ay nakikipagpunyagi laban sa matapat na hangarin ng paghahanap ng katotohanan. Siya ay namangha na si Kristo ay nakipag-usap sa kanya tulad ng Kanyang ginagawa, na hindi isinasaalang-alang ang kanyang katungkulan bilang tagapamahala sa Israel.
“Nagulat dahil nawala sa kanyang pagtitimpi, sinagot niya si Kristo sa mga salitang puno ng panunuya, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na?' Katulad ng marami kapag ang nakakasakit na katotohanan ay dinadala sa konsensya, siya ay nagpapakita ng katunayan na ang likas na tao ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos. Wala sa kanya ang pagtugon sa mga espirituwal na bagay; sapagka't ang mga bagay na espirituwal ay pang-espirituwal ang pagkilala.
“Subali’t ang Tagapagligtas ay hindi nakipagtalo sa argumento. Itinaas ang Kanyang kamay nang may solemne, tahimik na dignidad, idiniin Niya ang katotohanan nang may higit na katiyakan, Maliban na ang tao'y ipanganak sa tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makakapasok sa kaharian ng Dios.' ”—The Desire of Ages, p. 171.
b. Kailan at paano ang isang tao maipapanganak muli? Juan 1:12, 13.
“‘Gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak,’ upang ang tao ay makipagkasundo sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga merito ni Kristo ang tao ay maibabalik sa pakikipagkaisa sa kanyang Maylalang. Ang kanyang puso ay dapat na mabago sa pamamagitan ng banal na biyaya; siya ay dapat magkaroon ng bagong buhay mula sa itaas. Ang pagbabagong ito ay ang bagong kapanganakan, kung wala ito, sabi ni Jesus, ‘hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.’ ”—The Great Controversy, p. 467.
“Sa pamamagitan [ng] simpleng gawa ng may pananalig sa Diyos, ang Banal na Espiritu ay lumilikha ng bagong buhay sa inyong puso. Tayo ay katulad ng isang batang ipinanganak sa sambahayan ng Diyos, at iniibig Niya tayo gaya ng pag-ibig Niya sa Kanyang Anak.”—Steps to Christ, p. 52.
Miyerkules
, Enero 29
4. PAGLILINIS AT PAGBABAGONG-BUHAY
a. Ano ang sumisimbolo sa paglilinis at pagbabagong-buhay na dulot ng bagong kapanganakan? Marcos 16:16 (unang bahagi).
“Ang nakapagpapabagong kapangyarihan ng Diyos ang maaaring magpabago sa minana at nilinang na mga hilig; sapagkat ang relihiyon ni Hesus ay nagpaparangal. Ang ‘Ipanganak muli’ ibig sabihin ay isang pagbabago, isang bagong kapanganakan kay Kristo-Hesus.”—The Adventist Home, p. 206.
“Si Kristo ay ginawa ang bautismo bilang tanda ng pagpasok sa Kanyang espirituwal na kaharian. Ginawa niya itong positibong kondisyon kung saan ang lahat ay dapat sumunod kung nais kilalanin sa ilalim ng kapangyarihan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Bago makahanap ng tahanan ang tao sa iglesia, bago dumaan sa pintuan ng espirituwal na kaharian ng Diyos, dapat niyang tanggapin ang tatak ng banal na pangalan, ‘Ang Panginoon ay ating Katuwiran.’ Jeremias 23:6.
“Ang bautismo ay isang pinakataimtim na pagtalikod sa sanglibutan. Yaong mga nabautismuhan sa tatlong pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu, sa mismong pagpasok sa kanilang buhay Kristiyano ay ipinapahayag sa publiko na kanilang tinalikuran ang paglilingkod kay Satanas at nagiging mga kaanib ng maharlikang sambahayan, mga anak ng makalangit na Hari. Kanilang sinunod ang kautusan: ‘Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, . . . at huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi.' At sa kanila ay natupad ang pangako: 'At kayo’y aking tatanggapin, At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.' 2 Corinto 6:17, 18.” —Testimonies for the Church, vol. 6, p. 91.
b. Ano ang ipinahayag tungkol sa kasamaan ng ating likas bilang tao at ang plano ng Diyos na baguhin tayo? Juan 3:6; Jeremias 17:9; Efeso 5:26, 27.
“Imposible para sa atin, sa ating sarili, na makatakas mula sa hukay ng kasalanan kung saan tayo ay nakalublob. Ang ating mga puso ay masasama, at hindi natin ito mababago. . . . Ang edukasyon, kultura, pagsasagawa ng kalooban, pagsisikap ng tao, lahat ay may kani-kaniyang saklaw, ngunit dito sila ay walang kapangyarihan. Maaari silang gumawa ng panlabas na kawastuhan ng pag-uugali, ngunit hindi nila mababago ang puso; hindi nila malilinis ang mga bukal ng buhay. Kinakailangang mayroong kapangyarihang gumagawa mula sa loob, isang bagong buhay mula sa itaas, bago ang mga tao ay mabago mula sa kasalanan tungo sa kabanalan. Ang kapangyarihang iyon ay si Kristo. Ang Kanyang biyaya lamang ang makapagbibigay-sigla sa walang buhay na mga kakayahan ng kaluluwa, at makakapaghikayat nito sa Diyos, sa kabanalan.”—Steps to Christ, p. 18.
Huwebes
, Enero 30
5. BAGONG BUHAY AT BAGONG MGA PAGKILOS
a. Anong mensahe nang maglaon ang isinulat ng mga apostol tungkol sa pagbabago ng pinagtutuonan na nagmumula sa bagong kapanganakan? Galacia 2:20; 1 Juan 2:15–17.
“Ang nakapagpapabagong kapangyarihan ng Diyos ang maaaring magpabago sa minana at nilinang na mga hilig; sapagkat ang relihiyon ni Hesus ay nagpaparangal. Ang ‘Ipanganak muli’ ibig sabihin ay isang pagbabago, isang bagong kapanganakan kay Kristo-Hesus.”—The Adventist Home, p. 206.
“Si [Pablo] ay nakumbinsi na kung ang isipan ng mga tao ay mauunawaan ang nakakamanghang sakripisyong ginawa ng Kamahalan ng langit, ang lahat ng pagkamakasarili ay maaalis sa kanilang mga puso. Itinuturo niya muna ang isipan sa kalagayan na nasasaklaw ni Kristo sa langit, sa sinapupunan ng Kanyang Ama; inihahayag niya Siya pagkatapos na inalis ang Kanyang kaluwalhatian, kusang-loob na ipinapasakop ang Kanyang sarili sa lahat ng mababang kalagayan ng likas ng tao, inaako ang mga pananagutan ng isang alipin, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, at ang kamatayan na iyon ang pinaka-nakakamuhi at nakakarimarim, ang pinaka-nakakahiya, ang pinakamasakit—ang kamatayan sa krus. Maaari bang pagnilayan ng mga Kristiyano ang kahanga-hangang pagpapakita ng pag-ibig na ito ng Diyos sa tao na walang mga damdamin ng pag-ibig at pag-unawa sa katunayan na hindi tayo sa ating sarili? Ang gayong Guro ay hindi nararapat paglingkuran na nagmumula sa masamang loob, mapag-imbot, makasariling motibo.”—Testimonies for the Church, vol. 4, p. 458.
“Nais ko kayong paalalahanan gaya ng pakikipag-usap ni Kristo kay Nicodemus: ‘Kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli.’ Sa kanila na si Kristo ay namamahala sa kalooban ay hindi makadarama ng pagnanais na tularan ang pagtatanghal ng sanlibutan. Dadalhin nila saanman ang pamantayan ng krus, na laging nagpapatotoo sa mas matataas na layunin at mas marangal na mga tema kaysa kung saan ang mga makasanlibutan ay nahuhumaling. Ang ating pananamit, ang ating mga tahanan, ang ating pagkamamamayan, ay dapat magpatotoo sa ating pagtatalaga sa Diyos. Anong kapangyarihan ang tutulong sa mga napatunayang isinuko nila ang lahat para kay Kristo.”—Ibid., vol. 5, p. 189.
Biyernes
, Ene 31
PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL
1. Dahil sa kaniyang mabubuting gawa, paano ni Nicodemus tinitingnan ang kaniyang sarili?
2. Paano si Nicodemus kumilos sa presensya ni Kristo?
3. Ano ang ibig sabihin ng “ipanganak na muli”?
4. Paano nagaganap ang bagong kapanganakan?
5. Anong pagbabago sa pag-uugali ang dumarating bilang resulta ng bagong kapanganakan, at bakit?