Linggo
, Pebrero 9
1. ISANG SULIRANIN SA MGA DISIPULO
a. Anong tanong ang lumitaw sa mga alagad ni Juan at ng mga Judio? Juan 3:25.
“Ang mga alagad ni Juan ay tumingin nang may paninibugho sa lumalawak na katanyagan ni Jesus. Sila ay nakatayong handang punahin ang Kanyang gawain, at ito ay hindi nagtagal bago sila nakahanap ng pagkakataon. Isang tanong ang lumitaw sa pagitan nila at ng mga Hudyo kung ang bautismo ay nakatulong upang linisin ang kaluluwa mula sa kasalanan; sila ay nanindigan na ang bautismo ni Jesus ay talagang naiiba sa bautismo ni Juan. Hindi nagtagal sila ay nakipagtalo sa mga alagad ni Kristo tungkol sa uri ng mga salita na angkop gamitin sa pagbautismo, at sa huli ay tungkol sa karapatan ng huli na magbautismo sa lahat.”—The Desire of Ages, p. 178.
b. Paano ipinahayag ng mga alagad ni Juan ang kanilang pagka-inggit sa gawain ni Cristo—at anong marangal na sagot ang ibinigay niya? Juan 3:26, 27.
“Si Juan ay may likas na taglay ng mga pagkakamali at kahinaan na karaniwan sa sangkatauhan, ngunit ang paghipo ng banal na pag-ibig ang nagpabago sa kanya. Siya ay nanahan sa isang kapaligiran na hindi nahawahan ng pagkamakasarili at hangarin, at malayo sa masamang samyo ng paninibugho. Siya ay hindi nagpakita ng simpatya sa pagkayamot ng kanyang mga alagad, kundi ipinakita kung gaano niya kaliwanag na naunawaan ang kanyang kaugnayan sa Mesiyas, at kung gaano niya kasayang tinanggap ang Isa na ipinaghanda niya ng daan.”—Ibid., p. 179.
Lunes
, Pebrero 10
2. ANG MISYON NI JUAN
a. Paano ipinakita ni Juan na nauunawaan niya ang kanyang misyon? Juan 3:28, 29.
“Si Juan ay kinatawanan ang kanyang sarili bilang kaibigan na nagsilbing mensahero sa pagitan ng mga magkatipan, na naghahanda ng mga bagay para sa kasalan. Nang ang kasintahang lalaki ay tinanggap na ang kanyang kasintahang babae, ang misyon ng kaibigan ay natupad na. Siya ay nagalak sa kaligayahan ng mga pagsasamang kanyang tinulungan. Kaya si Juan ay tinawagan upang pangasiwaan ang mga tao tungo kay Jesus, at ito ay kanyang kagalakan na masaksihan ang tagumpay ng gawain ng Tagapagligtas.”—The Desire of Ages, p. 179.
b. Ilarawan ang gawain ni Juan—at nang sa atin. Juan 1:23, 29.
“Nakatingin nang may pananampalataya sa Manunubos, si Juan ay umabot sa sukdulan ng pagpapakasakit sa sarili. Hindi niya hinangad na akitin ang mga tao sa kanyang sarili, kundi iangat ang kanilang mga kaisipan nang mas mataas at mas mataas pa, hanggang sa sila ay makaabot sa Kordero ng Diyos. Siya mismo ay naging isang tinig lamang, isang sumisigaw sa ilang. Ngayon na may kagalakan ay tinanggap niya ang katahimikan at ang dilim, upang ang mga mata ng lahat ay mabaling sa Liwanag ng buhay.
“Yaong mga tapat sa kanilang pagkatawag bilang mga mensahero ng Diyos ay hindi maghahangad ng karangalan para sa kanilang sarili. Ang pag-ibig sa sarili ay dadaigin ng pag-ibig kay Kristo. Walang pakikipagpaligsahan ang makakasira sa mahalagang layunin ng ebanghelyo. Tatanggapin nila na ang kanilang gawain ay magpahayag, tulad ng ginawa ni Juan Bautista, ‘Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.’ Juan 1:29. Itataas nila si Jesus, at kasama Siya ang sangkatauhan ay itataas. ‘Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.” — Ibid., pp. 179, 180.
“Huwag ninyong hanapin ang inyong sariling kasiyahan at kaginhawahan, kundi sikapin ninyong malaman at gawin ang kalooban ng Diyos. Hayaang magtanong ang bawat isa, Hindi ko ba maituturo ang ilang kaluluwa sa Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan? Hindi ko ba kayang aliwin ang ilang nalulungkot? Hindi ba ako maaaring maging paraan ng pagliligtas ng ilang kaluluwa sa kaharian ng Diyos? Kinakailangan natin ang malalim na pagkilos ng Espiritu ng Diyos sa ating mga puso, na hindi lamang natin sinisiguro para sa ating sarili ang mapuputing damit, kundi upang maimpluwensyahan natin ang iba upang ang kanilang mga pangalan ay maipasok sa aklat ng buhay, na hindi kailanman mapapawi.”—Historical Sketches, p. 140.
Martes
, Pebrero 11
3. ANG KALOOB NG ESPIRITU
a. Paano ang karamihan sa mga tao tumugon sa mensahe ni Kristo? Juan 3:32.
“Ang mga disipulo ni Juan ay ipinahayag na ang lahat ng tao ay lumalapit kay Cristo; ngunit sa mas malinaw na pananaw, sinabi ni Juan, ‘Walang taong tumatanggap ng Kanyang patotoo;’ kaya kakaunti ang handang tanggapin Siya bilang Tagapagligtas mula sa kasalanan. Ngunit ‘siya na tumanggap ng Kanyang patotoo ay naglagay dito ng kanyang tatak, na ang Diyos ay totoo.’ Juan 3:33, R.V.” – The Desire of Ages, p. 181.
b. Kanino ipinagkaloob ang kaloob ng Banal na Espiritu? Juan 3:34.
“Tayo ay maaari lamang tanggapin ang liwanag ng langit kung handa tayong mawalan ng laman sa sarili. Hindi natin maaaring makilala ang katangian ng Diyos, o matatanggap si Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya, maliban kung papayag tayong dalhin sa pagkabihag ang bawat pag-iisip sa pagsunod kay Kristo. Sa lahat ng gumagawa nito ang Banal na Espiritu ay ibinibigay nang walang sukat. Kay Kristo ay ‘nananahan ang buong kapuspusan ng pagka-Diyos sa kahayagan ayon sa laman.’ Colosas 2:9, 10, R.V.”—Ibid.
c. Paano ang susi sa pagtanggap ng mas malaking sukat ng Banal na Espiritu higit pang ipinahayag sa Kasulatan? Juan 14:15–17; Gawa 5:32.
“Tayo ay hindi lamang dapat magsabing, ‘Nananampalataya ako,’ kundi isinasagawa ang katotohanan. Ito ay sa pamamagitan ng pag-alinsunod sa kalooban ng Diyos sa ating mga pananalita, sa ating pagkilos, sa ating pag-uugali, na pinatutunayan natin ang ating kaugnayan sa Kanya. Sa tuwing tatalikuran ng isang tao ang kasalanan, na siyang paglabag sa kautusan, ang kanyang buhay ay dadalhin sa pagsang-ayon sa kautusan, sa ganap na pagsunod. Ito ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang liwanag ng salita na maingat na pinag-aaralan, ang tinig ng konsensya, ang mga pagsisikap ng Espiritu, ay nagbubunga sa puso ng tunay na pag-ibig para kay Kristo, na ibinigay ang Kanyang sarili na buong hain upang tubusin ang buong pagkatao, katawan, kaluluwa, at espiritu. At ang pag-ibig ay ipinakikita sa pagsunod. Ang hanay ng pagkakaiba ay magiging malinaw at natatangi sa pagitan ng mga umiibig sa Diyos at tumutupad sa Kanyang kautusan, at sa mga hindi umiibig sa Kanya at nagwawalang-bahala sa Kanyang mga tuntunin.”—Testimonies for the Church, vol. 6, p. 92.
Miyerkules
, Pebrero 12
4. ANG KAHALAGAHAN NG BAUTISMO
a. Bakit napakahalagang maunawaan ang hakbang na ginagawa natin para kay Cristo kapag nagpasiya tayong magpabautismo? Juan 3:36.
“Hiwalay kay Kristo, ang bautismo, tulad ng ibang paglilingkod, ay isang walang kabuluhang anyo.”—The Desire of Ages, p. 181.
“Hindi na kinakailangan ng pagtatalo kung ang bautismo ni Kristo o ni Juan ay nakapaglilinis mula sa kasalanan. Ang biyaya ni Kristo ang nagbibigay buhay sa kaluluwa.”—Ibid.
“Sa pamamagitan lamang ni Kristo maaaring matamo ang walang-kamatayan. Sinabi ni Jesus: ‘Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay.’ Juan 3:36. Bawat tao ay maaaring magkaroon ng napakahalagang pagpapalang ito kung susundin niya ang mga kondisyon. Ang lahat ng ‘mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na walang hanggan:.’ Roma 2:7.”— The Great Controversy, p. 533.
“Ang bautismo ay isang pinakataimtim na pagtalikod sa sanlibutan. Yaong mga nabautismuhan sa tatlong pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu, sa mismong pagpasok ng kanilang buhay Kristiyano ay ipinapahayag sa publiko na kanilang tinalikuran ang paglilingkod kay Satanas at nagiging mga kaanib ng maharlikang sangbahayan, mga anak ng makalangit na Hari.”—Testimonies for the Church, vol. 6, p. 91.
b. Ipaliwanag ang nakagugulat na mga salita ni Juan Bautista na naghayag ng lalim ng pangako sa totoong-buhay na ipinahihiwatig ng bautismo? Lucas 3:7, 8.
“Si Juan ay inilagay ang palakol sa ugat ng punong kahoy. Sinaway niya ang kasalanan, na walang takot sa mga kahihinatnan, at inihanda ang daan para sa Kordero ng Diyos.
“Si Herodes ay naapektuhan habang siya ay nakikinig sa makapangyarihan at tuwirang patotoo ni Juan, at may matinding pagnanais na itinanong niya kung ano ang dapat niyang gawin upang maging kanyang alagad. Nalalaman ni Juan ang katotohanan na malapit na niyang pakasalan ang asawa ng kanyang kapatid, habang nabubuhay pa ang asawa nito, at matapat na sinabi kay Herodes na ito ay hindi matuwid.”—Early Writings, p. 154.
“Si Juan Bautista ay hinarap ang kasalanan nang may hayagang pagsaway sa mga taong may hamak na hanapbuhay at sa mga taong may mataas na antas. Ipinahayag niya ang katotohanan sa mga hari at mahal na tao, pakinggan man nila ito o tanggihan. Siya ay nagsasalita nang personal at tuwiran.”—Selected Messages, bk. 2, p. 149.
Huwebes
, Pebrero 13
5. ISANG MATALINONG PAMAMARAAN
a. Nang maunawaan na ang mga Pariseo ay nagsisikap na lumikha ng suliranin sa pagitan ni Juan at ng Niya mismo, ano ang ginawa ni Jesus? Juan 4:1–3.
“Alam ni Jesus na [ang mga Pariseo] ay magsisikap na lumikha ng pagkakabaha-bahagi sa pagitan ng Kanyang sariling mga alagad at ng kay Juan. Alam niya na ang bagyo ay nagtitipon na tatangayin ang isa sa mga pinakadakilang propetang ibinigay sa sanlibutan. Sa pagnanais na iwasan ang lahat ng pagkakataon ng hindi pagkakaunawaan o pagtatalo, tahimik Niyang itinigil ang Kanyang mga gawain, at umalis sa Galilea. Tayo rin, bagama't matapat sa katotohanan, ay dapat na subukang iwasan ang lahat ng maaaring humantong sa pagtatalo at maling pagka-unawa. Sapagkat sa tuwing bumabangon ang mga ito, nagreresulta ito sa pagkawala ng mga kaluluwa. Sa tuwing may mga pangyayaring nagaganap na nagbabantang magdulot ng pagkakabaha-bahagi, dapat nating tularan ang halimbawa ni Jesus at ni Juan Bautista.”—The Desire of Ages, p. 181.
b. Ano ang dapat nating matutunan mula sa pagkilos ni Juan upang pakalmahin ang suliranin? Juan 3:30.
“Tulad ng mga alagad ni Juan, marami ang nakadarama na ang tagumpay ng gawain ay nakasalalay sa unang manggagawa. Ang atensyon ay nakatuon sa tao sa halip na sa Dios, ang paninibugho ay pumapasok, at ang gawain ng Diyos ay napipinsala. Ang isa na sa gayon ay labis na pinararangalan ay natutuksong pahalagahan ang pagtitiwala sa sarili. Hindi niya nauunawaan ang kanyang pagtitiwala sa Diyos. Ang mga tao ay natuturuang umasa sa tao para sa patnubay, at sa gayon sila ay nahuhulog sa pagkakamali, at naaakay palayo sa Diyos.
“Ang gawain ng Diyos ay hindi upang taglayin ang paglalarawan at katangian ng tao. Paminsan-minsan ang Panginoon ay magdadala ng iba't ibang pamamaraan, na kung saan ang Kanyang layunin ay pinakamabuting maisasakatuparan. Mapalad sila na handang magpakumbaba, na nagsasabi kasama ni Juan Bautista, ‘Siya'y kinakailangang dumakila, nguni't ako'y kinakailangang bumaba.’ ”—Ibid., p. 182.
Biyernes
, Pebrero 14
PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL
1. Bakit ang mga alagad ni Juan ay naninibugho sa gawain ni Kristo?
2. Ano ang ipinahayag ni Juan sa kaniyang mga alagad?
3. Para sa anong layunin ang kaloob ng Banal na Espiritu ipinagkaloob?
4. Paano ang bautismo ginaganap ang tunay na layunin nito?
5. Ano ang ginawa ni Jesus at ni Juan nang maunawaan nila ang panganib ng isang suliranin sa pagitan ng kanilang mga alagad?