Linggo
, Enero 5
1. ANG PATOTOO NI JUAN BAUTISTA
a. Ano ang ipinahayag ni Juan Bautista tungkol kay Jesus? Juan 1:15–18.
b. Paano ipinakilala ni Juan ang kanyang sarili sa mga relihiosong pinuno? Juan 1:19–23. Anong hula ang kanyang tinupad—at paano tayo makakaugnay dito? Isaias 40:3–5.
“Sa bawat yugto ng kasaysayan ng mundong ito, ang Diyos ay may Kanyang mga kinatawan upang isulong ang Kanyang gawain, na dapat gawin sa Kanyang itinakdang paraan. Si Juan Bautista ay may natatanging gawain, kung para saan siya ipinanganak at kung saan siya itinalaga—ang gawain ng paghahanda ng daan ng Panginoon. . . .
“[Ang kaniyang ministeryo sa ilang] ay isang pinakakapansin-pansing, literal na katuparan ng hula.”— The Southern Watchman, Marso 21, 1905.
“Ang Panginoon ay ibinigay kay [ Juan Bautista] ang Kanyang mensahe. Pumunta ba siya sa mga saserdote at mga tagapamahala at nagtanong kung maaari niyang ipahayag ang mensaheng ito?—Hindi, inilayo siya ng Diyos sa kanila upang hindi siya maimpluwensiyahan ng kanilang espiritu at turo. Siya ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, [Sipi sa Isaias 40:3–5]. Ito ang mismong mensahe na dapat ibigay sa ating bayan; tayo ay nalalapit na sa katapusan ng panahon, at ang mensahe ay, Linisin ang daan ng Hari; tipunin ang mga bato; itaas ang pamantayan para sa bayan. Ang bayan ay dapat magising. Hindi na panahon ngayon para sumigaw ng kapayapaan at kaligtasan.”—Selected Messages, bk. 1, p. 410.
Lunes
, Enero 6
2. ANG MISYON NG PAGTITIIS
a. Nang lumapit si Jesus kay Juan upang magpabautismo, paano Siya ipinakilala ni Juan at nagpatotoo sa Kanyang misyon sa publiko? Juan 1:29, 34. Anong hula ang natupad nito? Isaias 53:4–7.
“Si Kristo ay ang manunubos ng tao sa pasimula pa ng sanglibutan at siya pa rin hanngang ngayon. Bago Niya binihisan ang Kanyang pagka-Diyos ng pagkatao at dumating sa ating mundo, ang mensahe ng ebanghelyo ay ibinigay na nina Adan, Seth, Enoc, Methuselah, at Noah. Si Abraham sa Canaan at si Lot sa Sodoma ay nagdala ng mensahe, at mula sa henerasyon hanggang sa sumusunod na henerasyon ay ipinahahayag ng mga matapat na mensahero ang Isang Darating. Ang mga palatuntunan ng ekonomiya ng mga Hudyo ay itinatag ni Kristo Mismo. Siya ang pundasyon ng kanilang sistema ng mga haing inihahandog, ang dakilang katuparan ng lahat ng kanilang pangrelihiyong paglilingkod. Ang dugong dumanak bilang hain ay nakaturo sa hain ng Kordero ng Diyos. Ang lahat ng simbolong handog ay natupad sa Kanya.”—Christ’s Object Lessons, p. 126.
b. Paano ipinakilala ni Juan si Jesus sa kanyang mga alagad? Juan 1:35, 36. Ano ang epekto ng kaniyang mga salita sa kanila—at ano ang sumunod na nangyari sa kaniyang sariling buhay? Juan 1:37.
“Nang sumunod na araw [pagkatapos ng bautismo ni Kristo], habang ang dalawang alagad ay nakatayo sa malapit, si Juan ay nakita muli si Jesus sa gitna ng mga tao. Muli ang mukha ng propeta ay naliwanagan ng kaluwalhatian mula sa Hindi Nakikita, habang siya ay sumisigaw, ‘Narito ang Kordero ng Diyos!’ Ang mga salita ay nagpanginig sa puso ng mga alagad. Hindi nila lubos na naiintindihan ang mga ito. Ano ang ibig sabihin ng pangalang ibinigay sa Kanya ni Juan—‘ang Kordero ng Diyos’? Si Juan mismo ay hindi ipinaliwanag ito. Iniwan si Juan, sila ay umalis upang hanapin si Jesus.”—The Desire of Ages, p. 138.
“Si Juan ay ibinalita sa kanyang mga alagad na si Jesus ang ipinangakong Mesiyas, ang Tagapagligtas ng sanglibutan. Habang nagtatapos ang kanyang gawain, tinuruan niya ang kanyang mga disipulo na tumingin kay Jesus, at sumunod sa Kanya bilang ang Dakilang Guro. Ang buhay ni Juan ay malungkot at mapagtanggi sa sarili. Siya ang nagpahayag ng unang pagdating ni Kristo, ngunit hindi pinahintulutang masaksihan ang Kanyang mga himala, at masiyahan sa kapangyarihang ipinakita Niya. Nang si Jesus ay kinailangan ng patunayan ang Kanyang sarili bilang isang guro, alam ni Juan na siya mismo ay dapat mamatay. Ang kanyang tinig ay bihirang marinig, maliban sa ilang. Ang kanyang buhay ay malungkot. Hindi siya kumapit sa pamilya ng kanyang ama, upang magsaya sa kanilang pagsasama, kundi iniwan sila upang matupad ang kanyang misyon.”—Early Writings, p. 154.
Martes
, Enero 7
3. ANG UNANG MGA ALAGAD NI HESUS
a. Sino ang ilan sa mga unang alagad ni Jesus? Mateo 4:18, 21. Anong interes kay Kristo ang ipinakita nila at gaano katagal ang kanilang unang pakikipagkita sa Kanya? Juan 1:38, 39.
“Isa sa dalawa [na sumunod kay Jesus] ay si Andres, na kapatid ni Simon; ang isa ay si Juan na ebanghelista. Sila ang mga unang disipulo ni Kristo. Pinakilos ng hindi mapaglabanang simbuyo ng damdamin, sila ay sumunod kay Jesus—sabik na makipag-usap sa Kanya, gayunpaman, namamangha at tahimik, nabighani dahil sa pag-iisip ng napakalaking kahalagahan na, ‘Ito ba ang Mesiyas?’
“Alam ni Jesus na ang mga alagad ay sumusunod sa Kanya. Sila ang mga unang bunga ng Kanyang ministeryo, at nagkaroon ng kagalakan sa puso ng banal na Guro nang tumugon ang mga kaluluwang ito sa Kanyang biyaya. Ngunit sa paglingon, Siya ay nagtanong lamang, ‘Ano ang inyong hinahanap?’ Maaari Niyang hayaan silang tumalikod ng malaya o magsalita ng kanilang ninanais.
"Sa isang layunin lamang sila ay may kamalayan. Isang presensya ang pumuno sa kanilang kaisipan. Sumigaw sila, ‘Rabbi, . . . saan Ka tumitira?’ Sa isang maikling panayam sa tabi ng daan ay hindi nila matanggap ang kanilang inaasahan. Ninais nilang mapag-isa kasama si Jesus, maupo sa Kanyang paanan, at makinig ng Kanyang mga salita. . . .
“Kung sina Juan at Andres ay nagtataglay ng hindi sumasampalatayang espiritu ng mga saserdote at mga pinuno, hindi sila masusumpungan bilang mga mag-aaral sa paanan ni Jesus. Lalapit sana sila sa Kanya bilang mga kritiko, upang husgahan ang Kanyang mga salita. Marami sa gayon ang nagsasara ng pinto sa pinakamahahalagang pagkakataon. Ngunit hindi ganoon ang ginawa ng mga unang alagad na ito. Sila ay tumugon sa panawagan ng Banal na Espiritu sa pangangaral ni Juan Bautista. Ngayon ay nakilala nila ang tinig ng makalangit na Guro. Para sa kanila ang mga salita ni Jesus ay puno ng bagong kaalaman at katotohanan at kagandahan. Ang banal na liwanag ay ibinuhos sa pagtuturo ng Lumang Tipan na Kasulatan. Ang maraming panig na mga tema ng katotohanan ay namumukod-tangi sa bagong liwanag.”—The Desire of Ages, pp. 138, 139.
b. Ano ang ginawa ng unang mga alagad pagkatapos na makilala si Jesus? Juan 1:41, 42 .
“Si Andres ay sinikap na ibahagi ang kagalakan na pumupuno sa kanyang puso. Hinahanap ang kanyang kapatid na si Simon, sumigaw siya, ‘Nasumpungan namin ang Mesiyas.’ Hindi na naghintay si Simon ng pangalawang panawagan. Narinig din niya ang pangangaral ni Juan Bautista, at nagmadali siya sa Tagapagligtas.”—Ibid., p. 139.
Miyerkules
, Enero 8
4. PAGBALI NG HINDI MATUWID NA PALAGAY
a. Ilarawan ang nangyari nang inanyayahan ni Jesus ang sumunod na alagad na susunod sa Kanya. Juan 1:43–45.
“Si Felipe ay sinunod ang utos, at kaagad din siyang naging manggagawa para kay Kristo. Tinawagan ni Felipe si Natanael.”—The Desire of Ages, p. 139.
b. Ano ang matututunan natin mula sa pamamaraan kung paano ni Kristo napagtagumpayan ang pag-aalinlangan ni Natanael? Juan 1:46–49.
“Habang si Natanael ay nakatingin kay Jesus, siya ay nalungkot. Ang tao bang ito, na nagtataglay ng mga tanda ng pagpapagal at kahirapan, ay maaaring maging Mesiyas? Ngunit hindi makapagpasiya si Natanael na tanggihan si Jesus, dahil ang mensahe ni Juan ay nagdulot ng pananalig sa kanyang puso.
“Sa oras nang tinawagan siya ni Felipe, si Natanael ay umalis tungo sa isang tahimik na kakahuyan upang pagnilayan ang pahayag ni Juan at ang mga propesiyang patungkol sa Mesiyas. Nanalangin siya na kung ang ipinahayag ni Juan ay ang tagapagligtas, ito ay maipaalam sa kanya, at ang Banal na Espiritu ay sumakanya na may katiyakan na dinalaw ng Diyos ang Kanyang bayan at nagtaas ng sungay ng kaligtasan para sa kanila. . . .
“ ‘Sumagot si Jesus at sinabi sa kanya, Bago ka tinawag ni Felipe, nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos, ay nakita kita.’
“Iyon ay sapat na. Ang banal na Espiritu na nagpatotoo kay Natanael sa kanyang mag-isang pananalangin sa ilalim ng puno ng igos ngayon ay nagsalita sa kanya sa mga salita ni Jesus. Bagama't may pag-aalinlangan, at halos sumuko sa maling palagay, si Natanael ay lumapit kay Kristo na may tapat na pagnanais para sa katotohanan, at ngayon ay natugunan ang kanyang hangarin. Ang kanyang pananampalataya ay humigit pa sa nagdala sa kanya kay Jesus. Sumagot siya at sinabi, ‘Rabi, Ikaw ang Anak ng Diyos; Ikaw ang Hari ng Israel.’
“Kung si Natanael ay nagtiwala sa mga rabbi para sa patnubay, hinding-hindi niya matatagpuan si Jesus. Ito ay sa pamamagitan ng pagtingin at pagpapasya para sa kanyang sarili na siya ay naging isang alagad. Kaya sa kalagayan ng marami ngayon na pinipigilan ng hindi matuwid na palagay mula sa mabuti. Ibang-iba ang magiging resulta kung sila ay ‘lalapit at titingnan’!
“Habang sila ay nagtitiwala sa patnubay ng kapamahalaan ng tao, walang makakarating sa nakapagliligtas na kaalaman sa katotohanan. Tulad ni Nathanael, kinakailangan nating pag-aralan ang salita ng Diyos para sa ating sarili, at manalangin upang maliwanagan ng Banal na Espiritu. Siya na nakakita kay Natanael sa ilalim ng puno ng igos ay makikita tayo sa lihim na lugar ng panalangin. Ang mga anghel mula sa sanglibutan ng liwanag ay malapit sa mga taong may kababaang-loob na naghahanap ng banal na patnubay.”—Ibid., pp. 139–141.
Huwebes
1/ 9
5. ANG NAKABUKAS NA LANGIT
a. Ano ang ipinangako ni Kristo kay Natanael—at bakit? Juan 1:50, 51.
“[Sinipi ang Juan 1:50, 51.] Dito sa katunayan ay sinabi ni Kristo, Sa pampang ng Jordan ang mga langit ay nabuksan, at ang Espiritu na tulad sa isang kalapati ay bumaba sa Akin. Ang kaganapang iyon ay isang tanda lamang na Ako ang Anak ng Diyos. Kung ikaw ay nananampalataya sa Akin ng gayon, ang iyong pananampalataya ay pasisiglahin. Makikita mo na ang langit ay nakabukas, at hindi kailanman sasarhan. Aking binuksan sila para sa iyo. Ang mga anghel ng Diyos ay umaakyat, nagdadala ng mga panalangin ng nangangailangan at nababagabag patungo sa Ama sa itaas, at bumababa, na nagdadala ng pagpapala at pag-asa, lakas ng loob, tulong, at buhay, sa mga anak ng tao.”—The Desire of Ages, pp. 142, 143.
b. Ano ang mangyayari kapag tinanggap natin si Kristo? Juan 4:14; Pahayag 22: 17.
“Kapag tinanggap ng isang tao ang katotohanan sa pag-ibig dito, ito ay kanyang ipakikita sa pagpapasakop ng kanyang pamamaraan at tono ng kanyang boses. Ipinaaalam niya ang kanyang narinig, nakita, at panghawakan sa salita ng buhay, upang ang iba ay magkaroon ng pakikisama sa kanya sa pamamagitan ng kaalaman kay Kristo. Ang Kanyang patotoo, mula sa mga labi na dinampian ng buhay na baga mula sa dambana, ay katotohanan sa pusong tumatanggap, at gumagawa ng pagpapabanal sa pag-uugali. . . .
“Ang Dios ay maaaring maabot ang Kanyang layunin ng pagliligtas sa mga makasalanan nang wala ang ating tulong; ngunit upang tayo ay lumago ang pag-uugali na tulad ng kay Kristo, dapat tayong makibahagi sa Kanyang gawain. Upang makapasok sa Kanyang kagalakan—ang kagalakan na makita ang mga kaluluwang tinubos ng Kanyang pagsakripisyo—kinakailangan nating makibahagi sa Kanyang mga gawain para sa kanilang katubusan.”—Ibid., p. 142.
Biyernes
, Enero 10
PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL
1. Bakit si Juan Bautista tinawagan na pumunta sa ilang?
2. Paano natin iaangkop ang pamumuhay ni Juan Bautista sa ating sarili?
3. Ano ang matututunan natin kina Juan at Andres nang makilala nila si Jesus?
4. Paano tayo mapapasigla ng maagang pagpapahayag ni Nathanael?
5. Ano ang nagpapakita kung ang aking pananampalataya kay Kristo ay tunay o hindi?