Back to top

Sabbath Bible Lessons

Mga Aral Mula sa Ebanghelyo Ayon kay Juan (Unang Bahagi)

 <<    >> 
Leksiyon 11 Sabbath, Marso 15, 2025

Si Jesus at ang Paralitiko sa Bethesda

SAULUHING TALATA: “Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa” (Juan 5:17).

“Ang gawain ni Kristo sa pagpapagaling sa maysakit ay ganap na naaayon sa kautusan. Pinararangalan nito ang Sabbath.”—The Desire of Ages, p. 207.

Iminumungkahing Babasahin:   Testimonies for the Church, vol. 1, pp. 560-567

Linggo , Marso 9

1. ANG NAKAPAGPAPAGALING NA MGA TUBIG

a. Para sa anong layunin ang maraming may kapansanan pumupunta sa Jerusalem? Juan 5:2, 3.

b. Anong paniniwala mayroon ang maraming mga tao tungkol sa tangke sa Bethesda? Juan 5:4.

“Sa ilang mga panahon, ang tubig ng tangkeng ito ay kinakalawkaw, at karaniwang pinaniniwalaan na ito ay resulta ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan, at sinuman ang unang lumusong sa tubig pagkatapos na kinalawkaw, ay gagaling sa anumang sakit na mayroon siya. Daan-daang mga nagtitiis ang dumadalaw sa lugar; subali’t napakarami ng tao kapag ang tubig ay nakakalawkaw na sila ay sumusugod, na natatapakan ang mga lalaki, babae, at mga bata, na mas mahina pa kaysa sa kanilang mga sarili. Marami ang hindi makalapit sa tangke. Marami sa mga nagtagumpay na maabot ito ay namamatay sa tabi nito. Ang mga silungan ay itinayo sa paligid ng lugar, upang ang mga maysakit ay maprotektahan mula sa init ng araw at sa ginaw ng gabi. May ilan na nagpapalipas ng gabi sa mga portiko nito, gumagapang sa gilid ng tangke araw-araw, sa walang kabuluhang pag-asa ng kaginhawahan.”—The Desire of Ages, p. 201.

c. Paano nagsimula ang pakikipag-ugnayan ni Jesus at sa isang lalake sa tangke? Juan 5:5–7.


Lunes , Marso 10

2. IBA'T IBANG URI NG PAGKAPARALISA

a. Anong imposibleng utos ang ipinagawa ni Jesus sa paralitiko na gawin—at ano ang mga resulta? Juan 5:8, 9 (unang bahagi).

“Hindi hinihiling ni Jesus sa nagdadanas na ito na manampalataya sa Kanya. Sinabi lang niya, ‘Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.’ Ngunit ang pananampalataya ay pinanghahawakan ng lalaki ang salitang iyon. Ang bawat ugat at kalamnan ay nanginginig sa bagong buhay, at ang maayos na pagkilos ay dumating sa kanyang baldadong mga paa. Walang alinlangan na isinaayos niya ang kanyang kalooban na sundin ang utos ni Kristo, at lahat ng kanyang kalamnan ay tumutugon sa kanyang kalooban. Tumindig sa kanyang mga paa, nakita niya ang kanyang sarili na isang masiglang tao.

“Si Jesus ay hindi nagbigay sa kanya ng katiyakan ng banal na tulong. Maaaring huminto ang lalaki sa pagdududa, at mawala ang kanyang nag-iisang pagkakataong gumaling. Subali’t naniwala siya sa salita ni Kristo, at sa pagsagawa nito ay tumanggap siya ng kalakasan.”—The Desire of Ages, pp. 202, 203.

b. Sa anong espirituwal na kalagayan matatagpuan ng mga taong hiwalay kay Kristo ang kanilang sarili? Isaias 1:5, 6; Roma 7:24.

“Sa pamamagitan ng kasalanan tayo ay nahiwalay sa buhay ng Diyos. Ang ating mga kaluluwa ay naparalisado. Sa ating sarili ay wala na tayong kakayahang mamuhay ng banal na pamumuhay tulad sa taong walang kakayahang lumakad. Marami ang nakakaunawa ng kanilang kawalan ng kakayahan, at naghahangad para sa espirituwal na buhay na magdadala sa kanila sa pakikipagkaisa sa Diyos; sila ay nagsisikap na walang kabuluhan upang matamo ito.”—Ibid., p. 203.

c. Ano lamang ang tanging lunas para sa ganitong kalagayan? Gawa 9:34.

“Ang Tagapagligtas ay yumuyuko sa pagbili ng Kanyang dugo, na nagsasabi nang may hindi maipaliwanag na awa at habag, ‘Ibig mo bagang gumaling?’ Inaanyayahan ka niyang tumindig nang may kagalingan ng katawan at kapayapaan. Huwag mong hintayin na maramdaman mong ikaw ay magaling na. Manampalataya ka sa Kanyang salita, at ito ay matutupad. Ilagay ang iyong kalooban sa panig ni Kristo. Kalooban na paglingkuran Siya, at sa pagkilos ayon sa Kanyang salita ay tatanggap ka ng kalakasan. Anuman ang masasamang gawain, ang pangunahing pagnanasa na dahil sa mahabang pagpapakabuyo ay nabigkisan kapwa ang kaluluwa at katawan, Si Cristo ay may kakayahan at nananabik na magligtas. Siya ay magbibigay ng buhay sa kaluluwang ‘patay sa mga pagsalangsang.’ Efeso 2:1. Palalayain niya ang bihag na hawak ng kahinaan at kasawian at mga tanikala ng kasalanan.”—Ibid.


Martes , Marso 11

3. LUMALAKAD SA PANIBAGONG BUHAY

a. Paano tayo tinutulungan ni Kristo na makapanagumpay? Efeso 2:1–6.

“Ang tao ay likas na hilig na sundin ang mga mungkahi ni Satanas, at siya ay hindi maaaring magtagumpay na labanan ang napaka-tinding kalaban maliban kung si Kristo, ang makapangyarihang Mananagumpay, ay nananahan sa kanya, ginagabayan ang kanyang mga hangarin, at binibigyan siya ng kalakasan. . . . Si Satanas ay higit na nalalaman kaysa ng bayan ng Diyos ang kapangyarihan na maaari nilang taglayin sa kanya kapag ang kanilang lakas ay na kay Kristo. Kapag sila ay mapagpakumbabang nagsusumamo sa makapangyarihang Mananagumpay para sa tulong, ang pinakamahina na mananampalataya sa katotohanan, na umaasa nang matatag kay Kristo, ay maaaring matagumpay na maitaboy si Satanas at ang lahat ng kanyang hukbo.”—Testimonies for the Church, vol. 1, p. 341.

“Tayo ay dapat matuto tungkol kay Kristo. Dapat nating malaman kung ano Siya sa Kanyang mga tinubos. Dapat nating maunawaan na sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya ay pribilehiyo natin na makabahagi ng kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masasamang pita. Pagkatapos tayo ay nalilinis mula sa lahat ng kasalanan, sa lahat ng mga depekto ng pag-uugali. Hindi natin dapat panatilihin ang isang masamang hilig. . . .

“Habang nakikibahagi tayo sa banal na likas, ang minana at nalilinang na mga hilig sa pagkakamali ay naaalis sa pag-uugali, at tayo ay ginagawang buhay na kapangyarihan para sa kabutihan. Laging natututo sa banal na Guro, araw-araw na nakikibahagi sa Kanyang likas, tayo ay nakikipagtulungan sa Diyos sa pagdaig sa mga tukso ni Satanas. Ang Dios ay gumagawa, at ang tao ay gumagawa, upang ang tao ay maging kaisa ni Kristo gaya ni Kristo na kaisa ng Diyos. Kung gayon tayo ay uupong kasama ni Kristo sa sangkalangitan. Ang isipan ay mamamalagi sa kapayapaan at katiyakan kay Jesus.”— The Review and Herald, Abril 24, 1900.

b. Ilarawan ang kapayapaang dulot ng kalakasang nagmumula kay Kristo. Roma 8:3–6.

“Ang bawat bata ay nabubuhay ayon sa buhay ng kanyang ama. Kung kayo ay mga anak ng Diyos, ipinanganak sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, kayo ay nabubuhay sa buhay ng Diyos. . . . [At] upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan.’ (2 Corinto 4:11). Ang buhay na iyon sa iyo ay magbubunga ng parehong pag-uugali at magpapakita ng parehong mga gawa na tulad ng ginawa ito sa Kanya. Sa gayon ikaw ay may pagkakaayon sa bawat tuntunin ng Kanyang kautusan; sapagkat ‘ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa.’ Awit 19:7, margin. Sa pamamagitan ng pag-ibig ‘ang katuwiran ng kautusan’ ay ‘matutupad sa atin, na hindi nagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.’ Roma 8:4.”—Thoughts From the Mount of Blessing, p. 78.


Miyerkules , Marso 12

4. ANG GALIT NG MGA PARISEO

a. Hindi pinapansin ang biyayang ipinagkaloob sa paralitiko, bakit ang mga Pariseo ay nagalit? Juan 5:9 (huling bahagi), 10.

“Habang [ang napagaling na paralitiko] ay nagmamadali sa kanyang paglakad nang may matatag, malayang paghakbang, na nagpupuri sa Diyos at nagagalak sa kanyang bagong natagpuang kalakasan, nakilala niya ang ilan sa mga Pariseo, at agad na sinabi sa kanila ang tungkol sa kanyang kagalingan. Siya ay nagulat sa malamig na pakikinig ng mga ito sa kanyang kwento.

“Sa pagtungo ng mga noo ay pinatigil nila siya, tinanong kung bakit niya binubuhat ang kanyang higaan sa araw ng Sabbath. Mahigpit nilang ipinaalaala sa kaniya na hindi matuwid ang buhatin ang mga pasanin sa araw ng Panginoon. Sa kanyang kagalakan ay nakalimutan ng lalaki na iyon ay Sabbath; gayon ma'y hindi siya nakadama ng paghatol sa pagsunod sa utos ng Isang may gayong kapangyarihan mula sa Diyos. Matapang siyang sumagot, ‘Ang nagpagaling sa akin, ang siya ring sa akin ay nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.’ Tinanong nila kung sino ang gumawa nito, ngunit hindi niya masabi. Alam na alam ng mga pinunong ito na Isa lamang ang nagpakita sa Kanyang sarili na kayang gawin ang himalang ito; ngunit sila ay nagnanais ng tuwirang patunay na iyon ay si Jesus, upang kanilang hatulan Siya na lumalabag sa Sabbath. Sa kanilang paghatol ay hindi lamang Niya nilabag ang kautusan sa pagpapagaling sa taong maysakit sa Sabbath, kundi gumawa ng kalapastanganan sa pag-utos sa kanya na buhatin ang kanyang higaan.”—The Desire of Ages, pp. 203, 204.

b. Ano ang ginawa ng mga Hudyo sa Sabbath? Mateo 23:4.

“Ang mga Hudyo ay Labis na binaluktot ang kautusan na ginawa nila itong pamatok ng pagkaalipin. Ang kanilang walang kabuluhang mga kahilingan ay naging kawikaan sa ibang mga bansa. Lalo na ang Sabbath ay nabakuran sa pamamagitan ng lahat ng pamamaraan ng walang kabuluhang mga paghihigpit. Ito ay hindi naging kaluguran sa kanila, ang pinabanal ng Panginoon, at pinarangal. Ang mga eskriba at Pariseo ay ginawa ang pangingilin nito bilang isang hindi matiis na pasanin. Ang isang Hudyo ay hindi pinahintulutang magsindi ng apoy o magsindi man lang ng kandila sa araw ng Sabbath. Dahil dito ang mga tao ay umaasa sa mga Gentil para sa maraming paglilingkod na ipinagbabawal ng kanilang mga tuntunin na gawin nila para sa kanilang sarili. Hindi nila naipapakita na kung ang mga gawaing ito ay napakasama, ang mga nag-uutos sa iba upang gawin ang mga ito ay may kasalanan na parang sila mismo ang gumawa ng gawain. Inisip nila na ang kaligtasan ay para sa mga Hudyo lamang, at ang kalagayan ng lahat ng iba pa, na wala nang pag-asa, ay hindi na mapapabuti pa. Subali’t ang Diyos ay walang ibinibigay na mga utos na hindi makakayang sundin ng lahat. Ang Kanyang mga kautusan ay hindi nagpapahitulot sa hindi-makatuwiran o makasariling mga paghihigpit.”—Ibid., p. 204.


Huwebes , Marso 13

5. ANG SABBATH AT ANG LAYUNIN NITO

a. Paano si Jesus nauugnay sa kautusan ng Diyos at sa Sabbath? Isaias 42:21.

“Si Jesus ay naparito upang ‘dakilain ang kautusan, at gawing marangal.’ Hindi niya babawasan ang kadakilaan nito, kundi itataas ito. . . . Siya ay naparito upang palayain ang Sabbath mula sa mga mabibigat na hinihiling na ginawa itong isang sumpa sa halip na isang pagpapala.”—The Desire of Ages, p. 206.

b. Ano ang dapat at hindi dapat gawin sa Sabbath? Exodo 20:8–11.

“Sa mga napipighati sa tangke [si Kristo] ay pinili ang may pinakamalubhang kalagayan kung kanino gagamitin ang Kanyang kapangyarihang magpagaling, at inutusan ang lalaki na buhatin ang kanyang higaan sa buong lungsod upang ipahayag ang dakilang gawain na ginawa sa kanya. Ito ay hahantong sa tanong kung ano ang matuwid na gawin sa Sabbath, at magbubukas ng daan para sa Kanya na patunayan ang mga paghihigpit ng mga Hudyo tungkol sa araw ng Panginoon, at ipahayag ang kanilang mga tradisyon na walang bisa.

“Si Jesus ay sinabi sa kanila na ang gawain ng pagpapaginhawa sa mga naghihirap ay naaayon sa kautusan ng Sabbath. Ito ay naaayon sa gawain ng mga anghel ng Diyos, na palaging bumababa at umaakyat sa pagitan ng langit at lupa upang maglingkod sa naghihirap na sangkatauhan. . . .

“At ang tao ay mayroon ding gawaing dapat gawin sa araw na ito. Ang mga kinakailangan sa buhay ay dapat asikasuhin, ang maysakit ay dapat pangalagaan, ang mga pangangailangan ng mahihirap ay dapat matustusan. Siya ay hindi aariing walang sala kung sino ang nagpapabaya sa pagpapaginhawa ng naghihirap sa Sabbath. Ang banal na araw ng kapahingahan ng Diyos ay ginawa para sa tao, at ang mga gawa ng may pagkahabag ay ganap na naaayon sa layunin nito. Ang Dios ay hindi ninanais na ang Kanyang mga nilalang ay maghirap ng isang oras sa sakit na maaaring maibsan sa Sabbath o kahit sa ibang araw.”—Ibid., pp. 206, 207.


Biyernes , Marso 14

PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL

1. Anong paniniwala ang laganap tungkol sa tangke sa Bethesda?

2. Anong naiibang kalagayan ang nakatawag ng pansin ni Kristo?

3. Paano ang ating espirituwal na pagkaparalisa mapapagaling?

4. Ano ang labis na ikinagalit ng mga Judio tungkol sa mahimalang pagpapagaling?

5. Anong mga gawain ang naaayon sa kautusan ng Sabbath?

 <<    >>