Back to top

Sabbath Bible Lessons

Mga Aral Mula sa Ebanghelyo Ayon kay Juan (Unang Bahagi)

 <<    >> 
Leksiyon 3 Sabbath, Enero 18, 2025

Ang Kasalan sa Cana

SAULUHING TALATA: “Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin.” (Juan 2:5, huling bahagi).

“Si Jesus ay sinimulan sa gawain ng repormasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng napakalapit na pagdamay sa sangkatauhan.”—The Desire of Ages, p. 150.

Iminumungkahing Babasahin:   The Desire of Ages, pp. 144-153
  Messages to Young people, pp. 403-418

Linggo , Enero 12

1. ANG SIMULA NG MINISTERYO NI CRISTO

a. Saan sinimulan ni Jesus ang Kanyang ministeryo sa lupa? Juan 2:1, 2.

“Si Jesus ay hindi sinimulan ang Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng ilang kahanga-hangang gawain sa harapan ng Sanhedrin sa Jerusalem. Sa isang pagtitipon ng sambahayan sa isang maliit na nayon ng Galilea ay inilabas ang Kanyang kapangyarihan upang magdagdag ng kagalakan sa isang piging ng kasalan. Sa gayon ipinakita Niya ang Kanyang pagdamay sa mga tao, at ang Kanyang pagnanais na maglingkod sa kanilang kaligayahan. Sa pagtukso sa ilang, Siya mismo ay uminom sa saro ng aba. Siya ay dumating upang ibigay sa mga tao ang saro ng pagpapala, sa pamamagitan ng Kanyang bendisyon na pabanalin ang mga relasyon ng buhay ng tao.”—The Desire of Ages, p. 144.

b. Ano ang nangyari bago pa natapos ang piging ng kasalan? Juan 2:3.

“Si [Maria] ay ninais na si [Jesus] ay patunayan sa mga panauhin na Siya talaga ang Pinarangalan ng Diyos. Siya ay umaasa na maaaring may pagkakataon para sa Kanya na gumawa ng himala sa harapan nila.

“Ito ay nakaugalian ng mga panahon para sa pagdiriwang ng kasal na magpatuloy ng ilang mga araw. Sa pagkakataong ito, bago matapos ang piging ay napag-alaman na kulang ang nakahandang alak. Ang pagkatuklas na ito ay nagdulot ng labis na kaguluhan at panghihinayang. Hindi pangkaraniwan ang pag-aalis ng alak sa mga okasyong may kasiyahan, at ang kawalan nito ay tila nagpapahiwatig ng kawalan ng mabuting pagtanggap.”—Ibid., pp. 145, 146.9


Lunes , Enero 13

2. SI KRISTO AT ANG KANYANG INA

a. Ano ang sinabi ng ina ni Kristo, at ano ang Kanyang sagot? Juan 2:3, 4.

“[Sinipi ang Juan 2:4.] Ang sagot na ito, na tila matalas sa atin, ay hindi nagpapahayag ng kalamigan o kawalan ng paggalang. Ang paraan ng pakikipag-usap ng Tagapagligtas sa Kanyang ina ay alinsunod sa kaugalian ng Silangan. Ito ay ginagamit sa mga taong nais ipakita ang paggalang. Ang bawat pagkilos sa buhay ni Kristo sa lupa ay naaayon sa utos na ibinigay Niya Mismo, ‘Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina.’ Exodo 20:12. Sa krus, sa Kanyang huling paggawa ng pagmamalasakit sa Kanyang ina, si Jesus ay muling nagpahayag sa kanya sa parehong pamamaraan, habang ipinagkakatiwala Niya siya sa pangangalaga ng Kanyang pinakamamahal na alagad. Kapwa sa piging ng kasal at sa krus, ang pag-ibig na ipinahayag sa tono at pagtingin at pamamaraan ay nagpapaliwanag ng Kanyang mga salita.”—The Desire of Ages, p. 146.

b. Ano ang sinabi ng ina ni Kristo sa mga lingkod—at paano ang mga salitang ito rin ay naaangkop sa atin sa ngayon? Juan 2:5.

“Ang mga tagasunod [ni Cristo] ay dapat na maging mas higit na kapangyarihan sa pagpapahayag ng katotohanan habang papalapit sila sa pagpapakasakdal ng pananampalataya at pag-ibig sa kanilang mga kapatid. Ang Diyos ay nagbigay ng banal na tulong para sa lahat ng mga hindi inaasahang pangyayari kung saan ang ating mga mapagkukunan ay hindi sapat. Ibinibigay Niya ang Banal na Espiritu upang makatulong sa bawat kagipitan, upang patatagin ang ating pag-asa at katiyakan, upang liwanagan ang ating mga kaisipan at dalisayin ang ating mga puso. Ang ibig niyang sabihin ay sapat na mga probisyon ang ipagkakaloob para sa pagsasakatuparan ng kanyang mga plano. Hinihiling ko sa iyo na humingi ng payo mula sa Diyos. Hanapin Siya nang buong puso, at ‘anomang sa inyo’y Kaniyang sabihin, ay inyong gawin.’ Juan 2:5.”—Testimonies for the Church, vol. 6, pp. 414, 415.

c. Ano ang sinabi ni Jesus sa alila sa kasalan na gawin? Juan 2:6–8.

“Sa tabi ng pintuan ay nakatayo ang anim na malalaking tapayang bato, at iniutos ni Jesus sa mga alila na punuin ito ng tubig. Nagawa ito. Pagkatapos, dahil sa ang alak ay kinakailangan para sa agarang paggamit, sinabi Niya, 'Kunin ninyo ngayon, at dalhin sa pangulo ng kapistahan.' Sa halip ng tubig kung ano ang pumuno sa mga tapayan, doon ay umapaw ang alak.”—The Desire of Ages, p. 148.


Martes , Ene 14

3. ANG ALAK NI CRISTO

a. Nang ihain ang alak, paano ang pangulo ng kapistahan nagbigay ng reaksyon? Juan 2:9, 10.

“Ni ang pangulo ng kapistahan o ang mga panauhin sa pangkalahatan ay hindi alam na ang nakahandang alak ay nagkulang. Nang matikman ang dinala ng mga alila, ang pinuno ay napansin na ito ay nakahihigit sa alinmang nainom niya noon, at talagang ibang-iba sa inihain sa pasimula ng kapistahan.”—The Desire of Ages, p. 148.

b. Anong uri ng alak ang ibinigay ni Kristo? Isaias 65:8.

“Ang alak na inilaan ni Kristo para sa kapistahan, at ang ibinigay Niya sa mga disipulo bilang simbolo ng Kanyang sariling dugo, ay ang purong katas ng ubas. Tinukoy ito ng propetang si Isaias nang magsalita siya tungkol sa bagong alak ‘sa kumpol,’ at nagsabi, ‘Huwag mong sirain; sapagkat iyan ay may pagpapala.’ Isaias 65:8 . . . .

“Ang alak na (unfermented) hindi pinaasim na Kanyang ibinigay para sa mga panauhin sa kasal ay nakakabuti sa katawan at nakakapagpasiglang inumin. Ang epekto nito ay upang maiayon ang panlasa sa isang nakapagpapalusog na gana sa pagkain.”—Ibid., p. 149.

c. Ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa pinaasim (fermented) na alak? Kawikaan 20:1; 23:29–35.

“Si Kristo ang nagbigay ng babala sa Israel sa Lumang Tipan, ‘Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo: at sinomang napaliligaw sa kanya ay hindi pantas.’ Kawikaan 20:1. At Siya mismo ay hindi nagbigay ng ganoong inumin. Si Satanas ay tinutukso ang mga tao sa pagpapakabuyo na magpapadilim sa pagpapasya at magpapamanhid sa espirituwal na mga pang-unawa, ngunit itinuro sa atin ni Kristo na dalhin ang mababang likas sa pagpapasakop. Ang kanyang buong buhay ay isang halimbawa ng pagtanggi sa sarili. Upang wasakin ang kapangyarihan ng panlasa, Siya ay nagtiis para sa ating kapakanan nang pinakamatinding pagsubok na maaaring pagtiisan ng sangkatauhan. Si Kristo ang nag-utos na si Juan Bautista ay hindi dapat uminom ng alak o matapang na inumin. Siya rin ang nag-utos ng katulad na pag-iwas ng asawa ni Manoah. At Siya ay nagpahayag ng sumpa sa taong maglalagay ng bote sa labi ng kanyang kapwa. Si Kristo ay hindi sinasalungat ang Kanyang sariling aral.”—Ibid.


Miyerkules , Ene 15

4. ANG HALIMBAWA NI CRISTO SA MGA PAKIKIPAG-KAPWANG PAGTITIPON

a. Anong mga layunin ang nakamit kapwa sa pamamagitan ng presensya ni Kristo at ng Kanyang himala sa kapistahan ng kasalan, maging para sa atin ngayon? Juan 2:11.

“Si Kristo ay nalalaman ang lahat ng mga bagay; Siya ay nakatingin mula noong mga kapanahunan hanggang sa ating panahon, at nakikita kung ano ang magiging kalagayan ng lipunan sa pagtatapos ng kasaysayan ng sanglibutan. Nakita niya ang mga libu-libong namamatay sa paggamit ng alak at matapang na inumin. Ang sanglibutan ay unti-unting darating sa parehong kalagayan tulad noong mga araw bago ang baha. Ngunit ang langit ay nagtaas ng hudyat ng panganib, upang ang mga tao ay makatanggap ng babala, at makipagtulungan sa Diyos para sa kanilang sariling pangangalaga. Siya ay nagbigay sa atin ng mga halimbawa ng lubusang pag-iwas, at nagbigay ng tagubilin na, kung susundin, ay magreresulta sa nilikha at pangangalaga ng kalusugan, ng kasanayan, at kahusayan ng ating mga anak.” — The Signs of the Times, Abril 16, 1896.

b. Ilarawan ang nakakapagpasiglang uri ng pag-uugali na ipinakita ni Kristo sa buong Kanyang ministeryo. Mateo 11:29.

“Si Jesus ay sinimulan ang gawain ng pagbabago sa pamamagitan ng malapit na pagdamay sa sangkatauhan. Habang Siya ay nagpapakita ng pinakadakilang paggalang sa kautusan ng Diyos, sinasaway Niya ang mapagkunwaring kabanalan ng mga Pariseo, at sinubukang palayain ang mga tao mula sa walang kabuluhang mga tuntunin na gumagapos sa kanila. Sinisikap niyang wasakin ang mga hadlang na naghihiwalay sa iba't ibang uri ng lipunan, upang mapagsama-sama ang mga tao bilang mga anak ng isang sangbahayan. Ang kanyang pagdalo sa kapistahan ng kasal ay nilayon upang maging isang hakbang tungo sa pagsasakatuparan nito.”—The Desire of Ages, p. 150.

“Si Jesus ay sinaway ang nagpapakabuyo sa sarili sa lahat ng anyo nito, ngunit Siya ay maibigin sa Kanyang kapwa sa kanyang likas. Tinanggap niya ang pagkamapagpatuloy sa lahat ng antas, pagdalaw sa mga tahanan ng mayayaman at mahihirap, ng mga may pinag-aralan at ng mga walang alam, at nagsisikap na itaas ang kanilang mga kaisipan mula sa mga punto ng karaniwang pamumuhay tungo sa mga bagay na espirituwal at walang hanggan. Hindi Siya nagbigay ng pahintulot sa pagwawalang-bahala, at walang anino ng makamundong kahalayan ang nakasira sa Kanyang pag-uugali; gayunpaman, Siya ay nakatagpo ng kasiyahan sa mga kaganapan ng hindi masamang kaligayahan, at sa pamamagitan ng Kanyang presensya ay pinahintulutan ang pakikipag-kapwang pagtitipon. Ang kasal ng mga Judio ay isang marangal na pagdiriwang, at ang kagalakan nito ay hindi nagpapagalit sa Anak ng tao. Sa pagdalo sa kapistahan na ito, pinarangalan ni Jesus ang kasal bilang isang banal na institusyon.”— Ibid., pp. 150, 151.


Huwebes , Enero 16

5. MABUTING PAKIKIPAG-KAPWANG PAKIKIPAG-UAGNAYAN

a. Ano ang dapat nating matutunan mula sa halimbawa ni Kristo na nagpakita ng Kanyang kaibahan kumpara sa mga relihiyosong pinuno noong Kanyang kapanahunan? Kawikaan 18:24 .

“Ang ministeryo ni Kristo ay lubos na naiiba sa mga matatandang Judio. Ang kanilang pagsasaalang-alang sa tradisyon at mahigpit na pagsunod sa mga seremonya ang sumira sa lahat ng tunay na kalayaan ng kaisipan o pagkilos. Sila ay nabuhay sa patuloy na pagkatakot na madungisan. Upang maiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ‘marumi,’ sila ay nanatiling malayo, hindi lamang sa mga Gentil, kundi sa karamihan ng kanilang sariling bayan, na hindi nagsisikap na makinabang sila o makuha ang kanilang pakikipag-kaibigan. Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasaalang-alang sa mga bagay na ito, pinaliit nila ang kanilang kaisipan at pinasikip ang nasasaklaw ng kanilang pamumuhay. Ang kanilang halimbawa ay naghikayat ng pagkamakasarili at hindi pagpaparaya sa lahat ng uri ng mga tao.”—The Desire of Ages, p. 150.

b. Ano ang dapat nating maging layunin sa lahat ng pakikipag-kapwang pakikipag-ugnayan? Kawikaan 11:30.

“Maaari nating maipakita ang isang libong maliliit na mga pagmamalasakit sa mga magiliw na pananalita at kaaya-ayang tingin, na muling maibabalik sa atin. Ang mga walang pag-iingat na mga Kristiyano ay nagpapakita sa pamamagitan ng kanilang pagpapabaya sa iba na sila ay hindi kaisa ni Kristo. Imposibleng maging kaisa ni Kristo ngunit hindi mabait sa iba at nakakalimutan ang kanilang mga karapatan.

“Tayong lahat ay dapat maging saksi para kay Jesus. Ang kakayahan sa pakikipag-kapwa, na pinabanal ng biyaya ni Kristo, ay dapat pagbutihin sa pag-akit ng mga kaluluwa sa Tagapagligtas. Hayaang makita ng sanlibutan na tayo ay hindi nahuhumaling sa ating pansariling kapakanan, kundi nais nating ibahagi sa iba ang ating mga pagpapala at mga pribilehiyo. Hayaan silang makita na ang ating relihiyon ay hindi tayo ginagawang walang malasakit o mahigpit. Hayaan ang lahat na nag-aangking natagpuan na si Kristo ay maglingkod gaya ng ginawa Niya para sa kapakinabangan ng mga tao. Hindi natin dapat ibigay sa sanglibutan ang maling impresyon na ang mga Kristiyano ay malungkutin, hindi masayahing mga tao.”—The Adventist Home, p. 428.


Biyernes , Enero 17

PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL

1. Ilarawan ang mga espirituwal na bunga na dala ng himala ni Kristo sa Cana.

2. Ilarawan ang ugnayan sa pagitan ni Kristo at ng Kanyang ina.

3. Bakit ang pangulo ng kapistahan ay nagpakita ng pagkamangha?

4. Anong uri ng alak ang angkop na sumisimbolo sa dugo ni Kristo?

5. Sa mga pakikipag-kapwang pagtitipon, ano ang dapat nating alalahanin mula sa halimbawa ni Jesus?

 <<    >>