Back to top

Sabbath Bible Lessons

Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan (IKALAWANG BAHAGI)

 <<    >> 
LEKSIYON 1 SABBATH, ABRIL 5, 2025

Si Hesus, ang Tinapay ng Buhay

SAULUHING TALATA: “Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng buhay: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw” (Juan 6:35).

“Tayo ay kumakain ng laman ni Kristo . . . kapag sa pamamagitan ng pananampalataya ay pinanghahawakan natin Siya bilang ating Tagapagligtas.”—The SDA Bible Commentary [E. G. White Comments], vol. 5, p. 1135.

Iminumungkahing Babasahin:   Thoughts from the Mount of Blessing, pp. 18–21

Linggo , Mar 30

1. MAPAGHANGAD NA SIGASIG

a. Pagkatapos ng himala ng mga tinapay, anong paniniwala ang nanaig sa maraming tao? Juan 6:14. Ano ang gustung-gusto nilang gawin? Juan 6:15 (unang bahagi).

“Sa buong araw ang paniniwala ay lumakas. Ang nagpaparangal na gawang iyon ay katiyakan na ang matagal nang inaasahang Tagapagligtas ay kasama nila. Ang pag-asa ng mga tao ay tumataas nang tumataas. Siya itong gagawa sa Judea na isang makalupang paraiso, isang lupaing umaagos ang gatas at pulot. Maaari Niyang tugunan ang bawat pagnanais. Maaari niyang sirain ang kapangyarihan ng kinasusuklamang mga Romano. Kaya Niyang iligtas ang Juda at Jerusalem. Kaya niyang pagalingin ang mga sundalong nasugatan sa pakikipaglaban. Kaya niyang tustusan ang buong hukbo ng pagkain. Maaari Niyang sakupin ang mga bansa, at ibigay sa Israel ang matagal nang hinahangad na kapangyarihan.

“Sa kanilang kasigasigan ang mga tao ay handa na kaagad na koronahan Siya bilang hari. Nakikita nila na hindi Siya nagsisikap na akitin ang atensyon o siguraduhin ang karangalan sa Kanyang sarili. Dito Siya ay totoong ibang-iba sa mga saserdote at mga pinuno, at sila ay nangangamba na hindi Niya kailanman ipipilit ang Kanyang karapatan sa trono ni David. Isinasaalang-alang nang sama-sama, sila ay sumang-ayon na kunin Siya sa pamamagitan ng sapilitan, at itanyag Siya na hari ng Israel. Ang mga alagad ay nakiisa sa karamihan sa pagpapahayag ng trono ni David na nararapat na mana ng kanilang Panginoon. Ang kapakumbabaan ni Kristo, sabi nila, ang dahilan upang tanggihan Niya ang gayong karangalan. Hayaang itaas ng mga tao ang kanilang Tagapagligtas. Hayaang ang mga palalong pari at mga pinuno ay mapilitang parangalan Siya na dumarating na nabibihisan ng kapamahalaan ng Diyos.”—The Desire of Ages, pp. 377, 378.


Lun , Mar 31

2. PAGPAPAKALMA SA MALING SIGASIG

a. Ano ang ginawa ni Jesus upang pigilan ang karamihan at ang mga alagad na isagawa ang kanilang mga plano na ilagay Siya sa isang makalupang trono? Juan 6:15.

“[Ang mga alagad at ang karamihan] ay masigasig na nagsaayos upang maisakatuparan ang kanilang layunin; ngunit nakikita ni Jesus kung ano ang nasa paanan, at nauunawaan, ang hindi nila magawa, kung ano ang magiging bunga ng gayong pagkilos. Kahit ngayon ay tinutugis ng mga saserdote at pinuno ang Kanyang buhay. Inakusahan nila Siya na inaakit ang mga tao palayo sa kanila. Ang karahasan at paghihimagsik ay kasunod ng pagsisikap na ilagay Siya sa trono, at ang gawain ng espirituwal na kaharian ay mahahadlangan. Nang walang pagkaantala, ang pagkilos ay dapat mapigilan. Tinawag ang Kanyang mga alagad, inutusan sila ni Jesus na sumakay sa bangka at bumalik kaagad sa Capernaum, iniwan Siya upang paalisin ang mga tao.

“Hindi pa kailanman nagkaroon ng utos mula kay Kristo na tila imposibleng matupad. Matagal nang umaasa ang mga alagad para sa isang tanyag na kilusan na maglalagay kay Jesus sa trono; hindi nila matiis ang pag-iisip na ang lahat ng sigasig na ito ay mauuwi sa wala. Ang maraming mga tao na nagtitipon upang ipagdiwang ang Paskuwa ay sabik na makita ang bagong propeta. Para sa Kanyang mga tagasunod ito ay tila ang ginintuang pagkakataon upang maitatag ang kanilang minamahal na Panginoon sa trono ng Israel. Sa liwanag ng bagong layuning ito ay mahirap para sa kanila na umalis nang sila lamang, at iwan si Jesus na mag-isa sa mapanglaw na dalampasigan. Sila ay tumutol laban sa pagpapasya; ngunit ngayon si Jesus ay nagsalita na may kapamahalaan na hindi Niya kailanman natanggap sa kanila. Alam nila na ang karagdagang pagsalungat sa kanilang bahagi ay magiging walang silbi, at tahimik na sila ay bumaling patungo sa dagat.”—The Desire of Ages, p. 378.

b. Ang araw pagkatapos ng himala, ano ang ginawa ng karamihan? Juan 6:22–25.

“Ang himala ng mga tinapay ay ipinamalita sa malayo at malapit, at kinaumagahan ay nagdagsaan ang mga tao sa Betsaida upang makita si Jesus. Sila ay dumating sa napakaraming bilang, mula sa ibang dako at ibayong dagat. Yaong mga iniwan Siya noong nagdaang gabi ay bumalik, umaasang makikita pa rin Siya doon; sapagka't wala ng bangka na masaskyan Niya tungo sa kabilang ibayo. Ngunit ang kanilang paghahanap ay walang bunga, at marami ang tumungo sa Capernaum, patuloy na hinahanap pa rin Siya.

“Samantala Siya ay nakarating sa Genesaret, pagkatapos na wala ng isang araw. Nang malaman na Siya ay nakarating na, ang mga tao ay 'nagtumulin sa buong lupaing yaon sa palibot, at nagsimulang dalhin sa Kanya ang mga maysakit na nasa kanilang higaan, saan man nila marinig na naroroon Siya.’ Marcos 6:55.” Ibid. pp. 383, 384


Mar , Abr 1

3. MAS MABUTING LAYUNIN, BANAL NA TULONG

a. Anong tuwiran ngunit maingat na mensahe ang ibinigay ni Jesus sa karamihan? Juan 6:26, 27.

“Si Jesus ay hindi pinagbigyan ang kanilang pagkamausisa. Malungkot Niyang sinabi, ‘Hinahanap ninyo Ako, hindi dahil sa nakita ninyo ang mga himala, kundi dahil kumain kayo ng mga tinapay, at nangabusog.’ Hindi nila Siya hinanap mula sa anumang nararapat na motibo; ngunit dahil sila ay pinakain ng mga tinapay, umaasa pa rin silang makatanggap ng temporal na kapakinabangan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng kanilang sarili sa Kanya. Ang Tagapagligtas ay nagsabi sa kanila, ‘Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan’ Huwag maghanap ng pang-materyal na kapakinabangan lamang. Huwag maging pangunahing pagsisikap na maglaan para sa buhay sa ngayon, kundi magsikap ng espirituwal na pagkain, maging yaong karunungan na mananatili hanggang sa buhay na walang hanggan.” – The Desire of Ages, p. 384.

b. Ano ang itinanong ng mga Judio kay Jesus tungkol sa mga gawa ng Diyos? Juan 6:28. Ipaliwanag ang tugon na ibinigay ng Panginoon. Juan 6:29.

“Sa sandaling ito ang interes ng mga nakikinig ay nagising. Sila ay sumigaw, ‘Ano ang kinakailangan naming gawin, upang aming magawa ang mga gawa ng Dios?’ Sila ay nagsisigawa ng marami at mabibigat na gawain upang patunayan ang kanilang sarili sa Diyos; at sila ay handang makarinig ng anumang bagong pagtalima kung saan sila ay makakakuha ng higit na kabutihan. Ang ibig sabihin ng kanilang tanong, Ano ang kinakailangang naming gawin upang kami ay maging karapat-dapat sa langit? Ano ang halagang kinakailangan naming bayaran upang matamo ang buhay na darating?

“ ‘Sumagot si Jesus at sa kanila’y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo.’ Ang halaga ng langit ay si Jesus. Ang daan patungo sa langit ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa ‘Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.’ Juan 1:29.”—Ibid., p. 385.

“Ang pagsisisi ay pagtalikod mula sa sarili patungo kay Kristo; at kapag tinanggap natin si Kristo upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay maaari Siyang mabuhay sa atin, ang mabubuting gawa ay mahahayag.”—Thoughts From the Mount of Blessing, p. 87.

“Nawa'y tulungan ng Panginoon ang Kanyang bayan na maunawaan na may solemneng gawaing dapat gawin. . . . Sa tahanan, sa iglesia, at sa sanlibutan ay dapat nilang gawin ang mga gawa ni Kristo. Sila ay hindi pinababayaang gumawa ng mag-isa. Ang mga anghel ang kanilang mga katulong. At si Kristo ay kanilang katulong.”—Testimonies for the Church, vol. 8, p. 18.


Miy , Abr 2

4. ANG TINAPAY NG LANGIT

a. Anong tanda ang nais ng mga Hudyo at anong makasaysayang katotohanan ang kanilang binanggit? Juan 6:30, 31. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa tinapay mula sa langit? Juan 6:32, 33.

“Ang mga Hudyo ay pinarangalan si Moises ang nagbigay ng manna, nagbibigay ng papuri sa kinasangkapan, at nawawala ang paningin sa Kanya na nagsakatuparan ng gawain. Ang kanilang mga ama ay nagbulung-bulungan laban kay Moises, at nag-alinlangan at tinatanggihan ang kanyang banal na misyon. Ngayon sa parehong espiritu ang mga anak ay tinanggihan ang Isa na nagdala ng mensahe ng Diyos sa kanilang sarili. ‘Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit.’ Ang nagbigay ng manna ay nakatayo sa gitna nila. Si Kristo Mismo ang nanguna sa mga Hebreo sa ilang, at araw-araw na nagpapakain sa kanila ng tinapay na mula sa langit. Ang pagkaing iyon ay isang uri ng tunay na tinapay mula sa langit. Ang Espiritung nagbibigay-buhay, na kumikilos mula sa walang hanggang kapuspusan ng Diyos, ay ang tunay na manna.”—The Desire of Ages, pp. 385, 386.

b. Dahil ang kanilang isipan ay nakatuon lamang sa pang-karaniwan, aktuwal na tinapay, anong kahilingan ang ginawa nila—at ano ang ipinaliwanag ng Panginoon? Juan 6:34–36.

“Ang anyo na ginamit ni Kristo ay alam na alam ng mga Hudyo. Sinabi ni Moises, sa pamamagitan ng kinasihan ng Banal na Espiritu, 'Hindi lamang sa tinapay mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.' Ang iyong mga salita ay nangasumpungan, at aking kinain; at ang iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso.’ Deuteronomio 8:3; Jeremias 15:16. Ang mga rabbi mismo ay may kasabihan, na ang pagkain ng tinapay, sa espirituwal na kahulugan nito, ay ang pag-aaral ng kautusan at ang pagsasagawa ng mabubuting gawain; at ito ay madalas na sinasabi na sa pagdating ng Mesiyas ang buong Israel ay pakakainin. Ang turo ng mga propeta ay ginawang malinaw ang malalim na espirituwal na aral sa himala ng mga tinapay. Ang aral na ito ay sinisikap ni Kristo na buksan sa Kanyang mga tagapakinig sa sinagoga. Kung nauunawaan nila ang mga Kasulatan, mauunawaan sana nila ang Kanyang mga salita nang sabihin Niya, ‘Ako ang tinapay ng buhay.’ Noong nakaraang araw lamang, ang napakaraming tao, nang nanghihina na at napagod, ay pinakain ng tinapay na Kanyang ibinigay. Kung paanong mula sa tinapay na iyon sila ay tumanggap ng pisikal na kalakasan at kaginhawahan, gayundin mula kay Kristo ay maaari silang tumanggap ng espirituwal na kalakasan tungo sa buhay na walang hanggan.”—Ibid., p. 386.


Hue , Abr 3

5. PAGKABUHAY NA MAG-ULI AT BUHAY NA WALANG HANGGAN

a. Anong dalawang magkaugnay na pangako ang ibinigay sa mga iniuugnay ang kanilang sarili kay Kristo—at paano ito nagdudulot ng pag-asa sa bawat makasalanan? Juan 6:37–40.

“Lahat ng tumatanggap sa Kanya nang may pananampalataya, sinabi [ni Jesus], ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Walang sinuman ang maaaring mapahamak.”—The Desire of Ages, p. 387.

“Huwag makinig sa mungkahi ng kaaway na lumayo kay Kristo hanggang sa mapabuti mo ang inyong sarili; hanggang sa ikaw ay maging karapat-dapat na upang lumapit sa Diyos. Kung maghihintay ka hanggang doon, hindi ka makakalapit. Kapag itinuturo ni Satanas ang inyong maruruming kasuotan, ulitin ang pangako ni Jesus, ‘Siya na lumalapit sa Akin sa anomang paraan ay hindi Ko itataboy.’ Juan 6:37. Sabihin sa kaaway na ang dugo ni Jesucristo ay naglilinis sa lahat ng kasalanan. Gawin ang panalangin ni David na sarili ninyo, Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.’ Awit 51:7.

“Bumangon at lumapit sa inyong Ama. Makikilala ka Niya kahit nasa malayo pa. Kung gagawa ka ng kahit isang hakbang patungo sa Kanya na nagsisisi, Siya ay magmamadaling yakapin ka sa Kanyang mga bisig ng walang hanggang pag-ibig. Ang Kanyang tainga ay nakabukas sa pagtangis ng nagsisising kaluluwa. Ang pinakaunang pag-abot sa puso ng Diyos ay nalalaman Niya. Walang panalanging ipinaaabot, gaano man nanghihina, walang luhang pumapatak, gaano man inililihim, walang taos-pusong pagnanais sa Diyos na tinataglay, kahit na nanglulupaypay, ngunit ang Espiritu ng Diyos ay lumalapit upang ganapin ito. Bago pa man ang panalangin bigkasin o ipahayag ang matinding pagnanais ng puso, ang biyaya mula kay Kristo ay ipinagkakaloob upang tugunan ang biyaya na kumikilos sa kaluluwa ng tao.”—Christ’s Object Lessons, pp. 205, 206.

b. Ano ang ibinulong-bulong ng mga hindi nananampalatayang Judyo at anong pangako ang inulit ni Jesus sa mga nananampalataya sa Kanya? Juan 6:41–51.


Biyernes , Abr 4

PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL

1. Pagkatapos ng himala ng mga tinapay, ano ang planong gawin ng mga tagasunod ni Kristo?

2. Ilarawan ang pangunahing interes ng maraming tao na sumusunod kay Jesus.

3. Ipaliwanag ang mga salita ni Jesus sa Juan 6:29.

4. Anong halimbawa ang ginamit ni Kristo upang ilarawan ang pinagmumulan ng espirituwal na buhay?

5. Paano ipinakita ng mga pinunong Judio ang kanilang maling palagay laban kay Kristo?

 <<    >>