Pagharap sa Espirituwal na Pagkabulag SAULUHING TALATA: “Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating” (Mateo 12:31, 32).
Iminumungkahing Babasahin:
Testimonies for the Church, vol. 2, pp. 489–497.
“Hindi ang Diyos ang bumubulag sa mga mata ng tao o nagpapatigas ng kanilang mga puso. Siya ay nagpapadala ng liwanag sa kanila upang itama ang kanilang mga pagkakamali, at upang akayin sila sa ligtas na mga landas; ito ay sa pamamagitan ng pagtanggi sa liwanag na ito na ang mga mata ay nabubulag at ang puso ay tumitigas.”—The Desire of Ages, p. 322.
1. MULING PAGTATANONG Linggo, Hun 1
a. Nang tawagin sa pangalawang pagkakataon ang kabataang lalaki na pinagaling ni Jesus ang paningin, ano ang sinubukan ng mga Pariseo na sapilitan sa kanyang ipagawa? Juan 9:24.“Nakita ng mga Pariseo na ipinapahayag nila ang gawaing ginawa ni Jesus. Hindi nila maitanggi ang himala. Ang taong bulag ay napuno ng kagalakan at pagpapasalamat; namasdan niya ang mga nakaka-manghang mga bagay ng kalikasan, at napuno ng kagalakan sa kagandahan ng lupa at kalangitan. Siya ay malayang isinalaysay ang kaniyang karanasan, at muli nila siyang sinubukang patahimikin, na sinasabi, ‘Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman naming makasalanan ang taong ito .’ Ibig sabihin, Huwag mo nang muling sabihin na ang Taong ito ang nagbigay sa iyo ng paningin; ang Diyos ang gumawa nito.”—The Desire of Ages, p. 473.b. Anong hindi mapapabulaanang argumento ang inilahad ng binata? Juan 9:25.
2. MULING PAGTATANONG (ipinagpatuloy) Lun, Hun 2
a. Ano ang muling itinanong ng mga Pariseo sa binata na ang paningin ay napagaling—at ano ang kanilang totoong layunin? Juan 9:26.“[Ang mga Pariseo] ay muling nagtanong, ‘Ano ang ginawa Niya sa iyo? paano ang pagkapadilat Niya sa iyong mga mata?’ Sa maraming mga salita ay sinubukan nilang lituhin siya, upang isipin niyang siya ay nilinlang. Si Satanas at ang kanyang masasamang anghel ay nasa panig ng mga Pariseo, at pinagsanib ang kanilang lakas at katusuhan sa pangangatwiran ng tao upang hadlangan ang impluwensya ni Kristo. Pinutol nila ang mga pananalig na lumalalim sa maraming isipan.”—The Desire of Ages, p. 473.b. Paano sila sinagot ng binata—at sino ang tumayo sa kaniyang tabi upang mapasigla siya? Juan 9:27.“Ang mga anghel ng Diyos ay nasa lupa din upang palakasin ang taong ang kanyang paningin ay pinagaling.“Ang mga Pariseo ay hindi nauunawaan na kinakailangan nilang makitungo sa iba maliban sa taong walang pinag-aralan na ipinanganak na bulag; hindi nila Siya nakilala kung kanino sila nakikipagtalo. Ang banal na liwanag ay suminag sa mga silid ng kaluluwa ng bulag. Habang sinisikap ng mga mapagpaimbabaw na ito na huwag siyang maniwala, ang Diyos ay tinulungan siya na ipakita, sa pamamagitan ng kalakasan at pagiging tuwiran ng kanyang mga tugon, na hindi siya dapat masilo.”—Ibid., pp. 473, 474.c. Paano tayo nakatitiyak sa parehong tulong na ito ngayon? Lucas 12:11, 12.“Ngayon, sa pamamagitan ng inyong mga Bibliya ay nais ninyong humarap sa Diyos, buksan ang mga ito sa harapan ng Diyos, at magsumamo sa Diyos. Nais ninyong pagbutihin ang inyong pang-unawa; nais ninyong malaman na alam mo ang tunay na mga prinsipyo ng katotohanan, at kapag nakaharap ka sa mga katunggali ay hindi mo na kinakailangang harapin sila sa sarili mong kalakasan. Ang anghel ng Diyos ay tatayo sa inyong tabi upang tulungan ka sa pagsagot sa bawat maaaring itanong sa iyo. Subali’t sa parehong panahon si Satanas ay titindig sa tabi ng inyong mga kalaban upang pukawin sila na magsalita ng mga bagay na mahirap para sa iyo na tiisin, upang ibunsod kang magsalita nang hindi nararapat; subali’t tiyakin na ang inyong pananalita ay maayos upang si Satanas ay hindi magagamit ang inyong mga sinasabi.”—The Review and Herald, Mayo 3, 1887.
3. LAKAS NG LOOB SA HARAPAN NG SINASADYANG PAGKABULAG Mar, Hun 3
a. Dahil hindi nagawang linlangin ang napagaling na binata, paano siya minamaliit ng mga Pariseo—at paano ang gayong kamangmangan ipinapakita sa buong kasaysayan? Juan 9:28, 29; 1 Corinto 1:18, 19, 26–28.“Para sa Kanyang iglesia sa bawat henerasyon ang Diyos ay may natatanging katotohanan at natatanging gawain. Ang katotohanang lingid sa mga matatalino at marunong sa sanlibutan ay inihahayag sa mga tulad ng bata at mapagpakumbaba. Ito ay nangangailangan ng pagsasakripisyo sa sarili. Ito ay may mga laban na dapat ipaglaban at mga tagumpay na dapat ipagwagi. Sa pasimula ay kakaunti ang mga tagapagtaguyod nito. Sa pamamagitan ng mga dakilang tao sa sanglibutan at ng iglesiang umaayon sa sanglibutan, sila ay sinasalungat at hinahamak. . . .“Ang mga mahusay na pinuno ng pangrelihiyong kaisipan sa henerasyong ito ay pinararangalan at nagtatayo ng mga monumento ng mga nagpunla ng binhi ng katotohanan sa nakararaang mga siglo. Hindi ba marami ang tumatalikod sa gawaing ito upang yurakan ang paglago na umuusbong sa parehong binhi ngayon? Ang matagal ng sigaw ay paulit-ulit, ‘Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises; tungkol sa taong ito [si Kristo sa sugo na Kanyang isinugo], hindi namin nalalaman kung Siya’y taga saan.’ Juan 9:29. Gaya noong mga unang panahon, ang mga espesyal na katotohanan para sa panahong ito ay matatagpuan, hindi sa mga kapamahalaan ng Iglesia (ecclesiastical authorities), kundi sa mga lalaki at babae na hindi masyadong marunong o masyadong matalino upang paniwalaan ang salita ng Diyos.”—Christ's Object Lessons, pp. 78, 79.b. Anong halimbawa ang matututunan natin mula sa matapat na patotoo ng binata, kasama ng iba pang matapat na mananampalataya kay Cristo? Juan 9:30–33; Mga Gawa 4:19, 20.“Sa buong kapakumbabaan, sa Espiritu ng biyaya, at sa pag-ibig ng Diyos, dapat nating ituro sa mga tao ang katotohanan na ang Panginoong Diyos ay ang Maylalang ng langit at lupa, at sa ikapitong araw ay ang Sabbath ng Panginoon.“Sa pangalan ng Panginoon ay dapat tayong sumulong, iwawagayway ang Kanyang sagisag, itinataguyod ang Kanyang salita. Kapag tayo ay inuutusan ng mga awtoridad na huwag gawin ang gawaing ito, kapag pinagbabawalan nila tayong ipahayag ang mga kautusan ng Diyos at ang pananampalataya kay Jesus, kung gayon kinakailangan nating sabihin ang tulad sa ng ginawa ng mga apostol: Kung katuwiran sa paningin ng Dios na makinig muna sa inyo kay sa Dios, inyong hatulan: Sapagka't hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig.’ Gawa 4:19, 20.”—Testimonies for the Church, vol. 6, p. 395.
4. MASAMANG PAG-UUGALI, MASAMANG PAGKILOS Miy, Hun 4
a. Dahil ayaw tanggapin ng galit na mga Pariseo ang katibayan, ano ang ginawa nila sa binatang nagpatotoo sa kanyang paggaling? Juan 9:34.“Ang tao ay nakaharap ang mga taong nagtatanong sa kanya sa kanilang sariling lupain. Ang kanyang pangangatwiran ay hindi masasagot. Ang mga Pariseo ay namangha, at sila ay tumahimik—hindi makapagsalita sa harap ng kanyang tuwiran at determinadong mga salita. Ilang saglit na namayani ang katahimikan. Pagkatapos ang mga nakasimangot na pari at mga rabbi ay tinipon sa palibot nila ang kanilang mga damit, na para bang natatakot silang mahawa mula sa pakikipag-ugnayan sa kanya; kanilang pinagpag ang alabok mula sa kanilang mga paa, at nagpukol ng mga pagtuligsa laban sa kanya—‘ Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan, at ikaw baga ang nagtuturo sa amin? At siya'y pinalayas nila.”—The Desire of Ages, p. 474.b. Sa kabilang panig, paano pinakitunguhan ni Jesus ang binata? Juan 9:35–38.“Ang tao ay ibinaba ang kanyang sarili sa paanan ng Tagapagligtas sa pagsamba. Hindi lamang ang kanyang karaniwang paningin ang napagaling, kundi ang mga mata ng kanyang pang-unawa ay nabuksan. Si Kristo ay nahayag sa kanyang kaluluwa, at tinanggap niya Siya bilang Sugo ng Diyos.”—The Desire of Ages, p. 475.c. Ipaliwanag ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng pagpapalayas sa mga mapanghamong rebelde kumpara sa mga bulag na matitigas ang ulo na tinatanggihan si Kristo na nagtitiwalag ng mga kaluluwang maibigin sa pagsunod sa Diyos. 1 Mga Hari 9:6–9; Mateo 12:31, 32; Awit 11:3.“[Sinabi ni Wycliffe,] walang sinuman ang maaaring tunay na matitiwalag maliban kung dinala muna niya sa kanyang sarili ang paghatol ng Diyos.”—The Great Controversy, p. 84.“Ang pagharap sa pagsalungat ay ang kalagayan ng lahat na ginagamit ng Diyos upang magpahayag ng mga katotohanang partikular na naangkop sa kanilang panahon. Mayroong pangkasalukuyang katotohanan sa panahon ni Luther—isang katotohanang sa panahong iyon na may natatanging kahalagahan; may pangkasalukuyang katotohanan para sa iglesia ngayon. . . . Yaong mga nagpapahayag ng katotohanan para sa panahong ito ay hindi dapat umasa na makakatanggap nang may mas higit na pagtanggap kaysa sa mga naunang repormador. Ang malaking tunggalian sa pagitan ng katotohanan at kamalian, sa pagitan ni Kristo at ni Satanas, ay lalong titindi hanggang sa pagtatapos ng kasaysayan ng sanglibutang ito.”—Ibid., pp. 143, 144. `
5. MAPALAD VS. HAHATULAN SA PAMAMAGITAN NG LIWANAG Hue, Hun 5
a. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa mga resulta ng Kanyang gawain? Juan 9:39.“Isang pangkat ng mga Pariseo ang nagsama-sama sa malapit, at ang paningin nila ay nagdala sa isipan ni Jesus ng kaibahan na laging nakikita sa epekto ng Kanyang mga salita at mga gawa. . . . Si Kristo ay naparito upang buksan ang mga bulag na mata, upang magbigay ng liwanag sa mga nakaupo sa kadiliman. Ipinahayag Niya ang Kanyang sarili bilang liwanag ng sanlibutan, at ang himalang nagaganap pa lamang ay pagpapatunay ng Kanyang misyon. Ang mga tao na makakakita sa Tagapagligtas sa Kanyang pagdating ay pagkalooban ng mas lubusang pagpapakita ng banal na presensya kaysa sa naranasan ng mundo noon. Ang kaalaman sa Diyos ay nahayag nang mas lubusan. Ngunit sa mismong paghahayag na ito, ang paghatol ay dumadaan sa mga tao. Ang kanilang pag-uugali ay susubukin, ang kanilang kahihinatnan ay matitiyak.”—The Desire of Ages, p. 475.b. Paano ang mga Pariseo tumugon sa mga salita ni Kristo? Juan 9:40. Habang kinakausap Niya sila, paano inilantad ni Jesus ang kanilang pagkakasala para sa kanilang sariling pagkabulag? Juan 9:41.“Ang pagpapakita ng banal na kapangyarihan na nagbigay sa taong bulag kapwa ng karaniwan at espirituwal na paningin ay nag-iwan sa mga Pariseo sa mas malalim na kadiliman. . . . Kung ginawa ng Diyos na imposible para sa inyo na makita ang katotohanan, ang inyong kamangmangan ay walang kaakibat na pagkakasala. ‘Datapuwa't ngayo'y sinasabi ninyo, Kami'y nangakakakita.’ Kayo ay Naniniwalang kayo ay nakakakita , at tinatanggihan ang mga paraan kung saan kayo lamang ang makakatanggap ng paningin. Sa lahat ng nakakaunawa ng kanilang pangangailangan, si Kristo ay dumating na may walang katapusang pagtulong. Subali’t ang mga Pariseo ay hindi nagpapahayag ng pangangailangan; tumanggi silang lumapit kay Kristo, at dahil dito sila ay naiwan sa pagkabulag—isang pagkabulag kung saan sila mismo ang nagkakasala. Sinabi ni Jesus, ‘Nananatili ang inyong kasalanan.’ ”—Ibid.
PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL Biyernes, Hun 6
1. Sa ano sinubukan ng mga Pariseo na kumbinsihin ang dating bulag na tao?2. Sino ang gumagamit sa mga hindi nananampalatayang Pariseo?3. Sino ang tumulong sa binata na magbigay ng matapang at nakakumbinsing mga sagot?4. Ano ang nangyari nang buong tapang, niyang ipinahayag si Kristo?5. Ipaliwanag kung ano talaga ang pinakamasamang anyo ng pagkabulag, at bakit.