Linggo
, Hun 8
1. ANG MAGNANAKAW AT ANG PASTOR
a. Paano ni Jesus ipinakilala ang pagkakaiba ng magnanakaw at ng pastor, at anong espirituwal na aral ang Kanyang inilalarawan? Juan 10:1, 2.
“Si Kristo ay iniaangkop ang mga propesiyang ito na [tumutukoy sa pang-espirituwal na misyon ng Mesiyas, na matatagpuan sa Isaias 40:9–11; Awit 23:1, at Ezekiel 34:23, 16, 25, 28] sa Kaniyang sarili, at ipinakita Niya ang kaibahan ng Kaniyang sariling katangian at ng mga pinuno sa Israel. Ang mga Pariseo ay itinaboy ang isa mula sa kawan, dahil siya ay nangahas na magpatotoo sa kapangyarihan ni Kristo. Inihiwalay nila ang isang kaluluwa na inaakay ng Tunay na Pastor sa Kanya Mismo. Dito ay ipinakita nila ang kanilang sarili na walang nalalaman sa gawaing ipinagkatiwala sa kanila, at hindi karapatdapat sa kanilang pagtitiwala bilang mga pastor ng kawan. Si Jesus ay inilagay sa harapan nila ang kaibahan sa pagitan nila at ng Mabuting Pastor, at itinuro Niya ang Kanyang sarili bilang ang tunay na tagapangalaga ng kawan ng Panginoon.”—The Desire of Ages, p. 477.
“Si Kristo ay iniibig tayo dahil tayo ay walang magagawa at walang kakayahan.”—Sermons and Talks, vol. 1, p. 248.
b. Anong ugnayan ang umiiral sa pagitan ng tupa at ng kanilang pastor? Juan 10:3, 4. Ano ang gagawin ng mga tupa sa harapan ng isang taga-ibang lupa? Juan 10:5.
Lun
, Hun 9
2. ANG PINTUAN NG KULUNGAN
a. Paano inihayag ni Jesus ang pagkakaiba Kanyang sarili sa mga Pariseo? Juan 10:7–10.
“Si Kristo ang pintuan sa kulungan ng Diyos. Sa pamamagitan ng pintong ito lahat ng Kanyang mga anak, mula pa noong unang panahon, ay natatagpuan ang pasukan. Kay Jesus, tulad ng ipinapakita sa mga simbolo, bilang anino sa mga simbolo, gaya ng ipinapakita sa pahayag ng mga propeta, na inihahayag sa mga aral na ibinigay sa Kanyang mga alagad, at sa mga himalang ginawa para sa mga anak ng mga tao, nakita nila 'ang Kordero ng Ang Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan' (Juan 1:29), at sa pamamagitan Niya sila ay dinala sa loob ng kawan ng Kanyang biyaya. Marami ang dumarating na nagpapahayag ng iba pang mga bagay para sa pananampalataya ng sanglibutan; ang mga seremonya at sistema ay binabalangkas kung saan ang mga tao ay makaka-asa na matatanggap ang pag-aaring ganap at kapayapaan sa Diyos, at sa gayon ay makakapasok sa Kanyang kawan. Ngunit ang tanging pintuan ay si Kristo, at lahat ng mga naghaharang ng anomang bagay upang pumalit kay Kristo, lahat ng nagtangkang pumasok sa kawan sa ibang pamamaraan, ay mga magnanakaw at tulisan.
“Ang mga Pariseo ay hindi pumasok sa pintuan. Sila ay umakyat sa kulungan sa ibang pamamaraan kaysa kay Kristo, at hindi nila ginagampanan ang gawain ng tunay na pastor. Ang mga saserdote at mga pinuno, ang mga eskriba at mga Fariseo, ay sinira ang buhay na pastulan, at dinumihan ang mga bukal ng tubig ng buhay. Matapat na inilalarawan ng mga salita ng kinasihan ang mga huwad na pastol na iyon: ‘Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; . . . kundi inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan.’ Ezekiel 34:4.”— The Desire of Ages, pp. 477, 478.
b. Paano ang tunay na pastor naiiba sa upahan? Juan 10:11–13.
“May pangangailangan, hindi lamang ng mga taong maaaring mangaral, kundi yaong mga may subok na kaalaman sa hiwaga ng kabanalan, at maaaring matugunan ang mga mahalagang pangangailangan ng bayan—yaong mga nakakaunawa ng kahalagahan ng kanilang katungkulan bilang mga lingkod ni Jesus, at masayang papasanin ang krus na itinuturo Niya sa kanila kung paano pasanin.
“Napakahalaga na ang isang pastor ay makisalamuha nang husto sa kanyang bayan, at sa gayon ay maging pamilyar sa iba't ibang bahagai ng likas ng tao. Dapat niyang pag-aralan ang mga gawain ng pag-iisip, upang maiangkop niya ang kanyang mga aral sa kaisipan ng kanyang mga tagapakinig. Sa gayon ay matututunan niya ang dakilang pag-ibig na iyon na taglay lamang ng mga nag-aaral ng mabuti sa likas at pangangailangan ng mga tao.”—Gospel Workers, p. 191.
Mar
, Hun 10
3. ANG SIMBOLO NG MABUTING PASTOR
a. Anong iba pang katangian ng mabuting pastor ang ipinakita ni Jesus? Juan 10:14, 15.
“Kung paanong nakikilala ng pastor sa lupa ang kanyang mga tupa, gayon din ang banal na Pastor nakikilala sa Kanyang kawan na nakakalat sa buong sanglibutan. ‘At kayong mga tupa ko, na mga tupa sa aking pastulan, ay mga tao, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.’ Sinabi ni Jesus, ‘Tinawag kita sa iyong pangalan; ikaw ay Akin.’ ‘Aking inanyuan ka sa mga palad ng Aking mga kamay.’ Ezekiel 34:31; Isaias 43:1; 49:16.
“Tayo ay nakikilala ni Jesus bawat isa, at nahahabag sa ating mga kahinaan. Nakikilala Niya tayong lahat sa pangalan. Alam Niya ang mismong tahanan na ating tinitirhan, ang pangalan ng bawat nakatira. Siya kung minsan ay nagbibigay ng mga tagubilin sa Kanyang mga tagapaglingkod na pumunta sa isang kalye sa isang partikular na lungsod, sa gayong bahay, upang mahanap ang isa sa Kanyang mga tupa.
“Ang bawat kaluluwa ay lubos na nakikilala ni Jesus na para bang sa kanya lamang namatay ang Tagapagligtas. Ang paghihirap ng bawat isa ay umaantig sa Kanyang puso. Ang pagtangis para sa tulong ay umaabot sa Kanyang pandinig. Siya ay naparito upang ilapit ang lahat ng tao sa Kanyang sarili. Inaanyayahan Niya sila, ‘Sumunod ka sa Akin,’ at ang Kanyang Espiritu ay kumikilos sa kanilang mga puso upang himukin sila na lumapit sa Kanya. Marami ang tumatangging akayin. Nakikilala ni Jesus kung sino sila. Nakikilala din Niya kung sino ang malugod na nakikinig sa Kanyang panawagan, at handang magpasakop sa pangangalaga ng Kanyang pastulan. Sinabi Niya, 'Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin.' 480.
b. Sa anong iba pang mga tupa nagpakita si Jesus ng pagmamalasakit? Juan 10:16.
“Si Jesus ay nag-aalala sa mga kaluluwa sa buong sanglibutan na naililigaw ng mga huwad na pastor. Ang mga ninanais Niyang tipunin gaya ng mga tupa ng Kanyang pastulan ay nangangalat kasama ng mga lobo, at sinabi Niya, ‘At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.’ Juan 10:16, R.V.”—Ibid., p. 483.
“Ang Diyos ay may mga mahahalagang hiyas sa lahat ng mga iglesia, at hindi para sa atin na gumawa ng malawakang pagtuligsa sa mga nag-aangking relihiyoso sa sanglibutan, kiundi sa pagpapakumbaba at pag-ibig, ipahayag sa lahat ang katotohanan na ayon kay Jesus. Hayaang makita ng mga tao ang kabanalan at dedikasyon, hayaang makita nila ang pagiging katulad ni Kristo sa pag-uugali, at sila ay maaakit sa katotohanan.”—The SDA Bible Commentary [E. G. White Comments], vol. 4, p. 1184.
Miy
, Hun 11
4. BANAL NA KAPANGYARIHAN
a. Anong banal na kapangyarihan ang ipinahayag ni Jesus na taglay Niya? Juan 10:17, 18.
“ ‘Kaya nga iniibig Ako ng Aking Ama, sapagka't ibinibigay Ko ang Aking buhay, upang ito ay aking kunin muli.’ Ibig sabihin, ang Aking Ama ay lubos na iniibig kayo, na lubos din Niyang iniibig Ako sa pagbibigay ng Aking buhay upang tubusin kayo. Sa pagiging inyong kahalili at tagapanagot, dahil sa pagsuko ng Aking buhay, sa pagkuha ng inyong mga pananagutan, nang inyong mga pagsalangsang, Ako ay iniibig ng Aking Ama.
“‘Ibinigay Ko ang Aking buhay, upang kunin Kong muli. Sinoma’y hindi nag-aalis nito sa Akin, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan Akong magbigay nito, at may kapangyarihan Akong kumuhang muli.’ Habang bilang kaanib ng pamilya ng tao Siya ay mortal, bilang Diyos Siya ang bukal ng buhay para sa sanglibutan. Maaari Niyang mapaglabanan ang mga pagsulong ng kamatayan, at tumangging magpasailalim sa kapangyarihan nito; ngunit kusang-loob Niyang ibinigay ang Kanyang buhay, upang maihatid Niya ang buhay at kawalang-kamatayan sa liwanag. Pinasan Niya ang kasalanan ng sanlibutan, tiniis ang sumpa nito, ibinigay ang Kanyang buhay bilang hain, upang ang mga tao ay hindi mamatay nang magpasawalang-hanggan. ‘Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan. . . . Nguni’t Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.’ Isaias 53:4–6.”—The Desire of Ages, pp. 483, 484.
b. Ano ang umaakay sa mga tao na sumunod kay Kristo? Juan 10:27; 1 Juan 4:10, 19.
“Hindi ang takot sa pagparusa, o ang pag-asa ng walang hanggang gantimpala, ang umaakay sa mga alagad ni Cristo na sumunod sa Kanya. Nakikita nila ang walang katumbas na pag-ibig ng Tagapagligtas, na inihayag sa kabuuan ng Kanyang paglalakbay sa lupa, mula sa sabsaban ng Bethlehem hanggang sa krus ng Kalbaryo, at ang pagtingin sa Kanya ang umaakit, pinalalambot at sinusupil nito ang kaluluwa. Ang pag-ibig ang gumising sa puso ng mga tumitingin. Dinirinig nila ang Kanyang tinig, at sila ay sumusunod sa Kanya.”—Ibid., p. 480.
“Isinasaalang-alang natin ang Kanyang buhay sa lupa, ang Kanyang pagtitiis para sa atin, ang Kanyang gawain sa langit bilang ating tagapagtanggol, at ang mga tahanan na Kanyang inihahanda para sa mga umiibig sa Kanya, at ang maaari lamang nating isigaw, O ang taas at lalim ng pag-ibig ni Kristo! ”—The Acts of the Apostles, p. 334.
Hue
, Hun 12
5. ANG KATIYAKAN NG KALIGTASAN
a. Anong katiyakan ang ibinibigay ni Jesus sa Kanyang mga tupa? Juan 10:28, 29.
“Bagaman ngayon Siya ay umakyat na sa presensya ng Diyos, at nakikibahagi sa trono ng sansinukob, si Jesus ay hindi nawala ang Kanyang mahabaging likas. Ngayon ang parehong magiliw, mapagdamay na puso ay bukas sa lahat ng mga paghihirap ng sangkatauhan. Ngayon ang kamay na napako ay iniaabot upang pagpalain ng lubos na sagana ang Kanyang bayan na nasa sanglibutan. ‘At kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.’ Ang kaluluwa na ibinigay ang kanyang sarili kay Kristo ay mas mahalaga sa Kanyang paningin kaysa sa buong sanglibutan. Ang Tagapagligtas ay ninais na danasin ang paghihirap sa Kalbaryo upang ang isa ay mailigtas sa Kanyang kaharian. Hinding-hindi Niya pababayaan ang isang tao kung kanino Siya namatay. Maliban kung pipiliin ng Kanyang mga tagasunod na iiwan Siya, hahawakan Niya sila nang mahigpit.”—The Desire of Ages, pp. 480–483.
b. Sa ano ang ating espirituwal na katiwasayan at katiyakan ng kaligtasan nakasalalay? Roma 8:31–39.
“Sa mga bulwagan sa itaas, si Kristo ay nagsusumamo para sa Kanyang iglesia—nagsusumamo para sa mga taong binayaran Niya ng pantubos na halaga ng Kanyang dugo. Ang mga siglo, mga kapanahunan, ay hindi kailanman makakabawas sa bisa ng Kanyang nagbabayad-salang hain. Kahit ang buhay o kamatayan, o taas o lalim, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na nasa kay Cristo-Jesus; hindi dahil hawak natin Siya nang mahigpit, kundi dahil tayo ay mahigpit Niyang nahahawakan. Kung ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa ating sariling pagsisikap, hindi tayo maliligtas; subali’t ito ay nakasalalay sa Isa na nasa likod ng lahat ng mga pangako. Ang ating pagkapit sa Kanya ay tila mahina, subali’t ang Kanyang pag-ibig ay yaong sa isang nakatatandang kapatid; hangga't pinananatili natin ang ating pakikipag-kaisa sa Kanya, walang sinuman ang makaaagaw sa atin sa Kanyang kamay.”—The Acts of the Apostles, pp. 552, 5
Biyernes
, Hun 13
PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pag-uugali sa pagitan ng isang pastor at isang magnanakaw.
2. Sa pamamagitan ng anong iba pang simbolo ipinakilala ni Jesus ang Kanyang sarili?
3. Paano ang mga tunay na pastor kumikilos sa kanilang mga tupa?
4. Bakit ang mga tupa ay sumusunod sa pastor at hindi sa isang taga-ibang lupa?
5. Ipaliwanag kung paano tayo makatitiyak ng kaligtasan.