Back to top

Sabbath Bible Lessons

Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan (IKALAWANG BAHAGI)

 <<    >> 
LEKSIYON 6 SABBATH, MAYO 10, 2025

Si Hesus, ang Ilaw ng Sanglibutan

SAULUHING TALATA: “Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan” (Juan 8:12).

“Kung paanong ang buwan at ang mga bituin ng ating solar system ay kumukuha ng liwanag sa araw, gayundin, hangga't ang kanilang aral ay totoo, ang mga dakilang matatalinong tao ay nagbibigay ng mga sinag ng Araw ng Katuwiran. Bawat sinag sa pag-iisip, bawat diklap sa kaisipan, ay mula sa Liwanag ng sanlibutan.”—Education, p. 14.

Iminumungkahing Babasahin:   Testimonies for the Church, vol. 1, pp. 405–409

Linggo , Mayo 4

1. PAG-ALALA SA PAGLALANG

a. Ano ang nilikha ng Diyos sa unang araw ng paglalang? Genesis 1:3–5.

“Sa malikhaing salita sa pasimula, ang liwanag ay sumikat mula sa kadiliman.”—The Desire of Ages, p. 464.

b. Sino ang naroroon sa paglikha ng sanlibutan—hindi bilang isang tagamasid lamang, kundi bilang talagang kasama? Genesis 1:1, 2; Juan 1:1, 2; Colosas 1:16.

“Nang pasimula, ang Diyos ay nahayag sa lahat ng mga gawa ng paglalang. Si Kristo ang naglatag ng langit, at naglagay ng mga pundasyon ng lupa. . . . Siya ang pumuno sa lupa ng kagandahan, at sa hangin ng himig. At sa lahat ng bagay sa lupa, at hangin, at langit, isinulat Niya ang mensahe ng pag-ibig ng Ama.”—Ibid., p. 20.

“Ang kamay na umalalay sa mga daigdig sa kalawakan, ang kamay na humahawak sa kanilang pagkakaayos at walang kapagurang gawain sa lahat ng bagay sa buong sansinukob ng Diyos, ay ang kamay na ipinako sa krus para sa atin.”—Education, p. 132.


Lun es, Mayo 5

2. LIWANAG SA ILANG

a. Paano ang mga anak ni Israel ginabayan sa ilang? Exodo 13:21, 22. Ipaliwanag ang presensyang nababalutan ng haliging ulap at ng haliging apoy? Exodo 13:21 (unang bahagi); 1 Mga Taga-Corinto 10:1–4.

“Sa pagpapahayag ng Diyos sa Kanyang bayan, ang liwanag ay naging simbolo ng Kanyang presensya. Sa malikhaing salita sa pasimula, ang liwanag ay sumikat mula sa kadiliman. Ang liwanag ay nababalutan ng haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi, na pinangungunahan ang napakalaking hukbo ng Israel.”—The Desire of Ages, p. 464.

b. Ano ang nakasulat tungkol sa presensiya ni Kristo sa Israel sa ilang—at anong proteksyon ang ipinangako ng Diyos sa Kanyang bayan? Awit 105:39; Isaias 4:5, 6.

“Sa isa sa pinakamaganda at nakaaaliw na mga talata ng propesiya ni Isaias, ang reperensya ay ginawa sa haliging ulap at apoy upang kumatawan sa pangangalaga ng Diyos sa Kanyang bayan sa huling matinding pakikibaka laban sa mga kapangyarihan ng kasamaan.” – Patriarchs and Prophets, p. 283.

c. Paano ipinahayag ni Kristo ang Kanyang sarili sa Sinai—at paano ang naging pagtugon ni Moises at ng bayan? Exodo 19:16–18; 20:18, 19; Mga Hebreo 12:21.

“‘Ang kaluwalhatian ng Panginoon ay katulad ng apoy na manunupok sa tuktok ng bundok’ sa paningin ng nagkakatipon na karamihan. . . . Lubos na nakakakilabot ang mga tanda ng presensya ni Jehova na ang hukbo ng Israel ay nanginginig sa takot, at nagpatirapa sa harapan ng Panginoon.”—Ibid., p. 304.

“Lubos na maluwalhati ang paghahayag ng presensya [ni Kristo] na hindi ito makayanan ng mortal na tao. Si Moises, na labis na kinalulugdan ng Diyos, ay bumulalas, ‘Ako’y totoong nasisindak at nanginginig. Subalit pinalakas siya ng Diyos upang makayanan ang napakarilag na kaluwalhatiang ito, at dalhin mula sa bundok ang paglalarawan nito sa kanyang mukha na ang bayan ay hindi makatingin dito nang matatag.” – Sons and Daughter of God, p. 225.


Mar , Mayo 6

3. LIWANAG SA TAHANAN NG DIYOS

a. Paano ipinahayag ni Kristo ang Kanyang presensya sa tabernakulo? Exodo 40:34, 35 .

“Na may pananabik na pagnanais ang karamihan sa Israel ay nagsisiksikan upang tingnan ang sagradong istraktura. Habang sila ay nagninilay sa tanawin na may paggalang at kasiyahan, ang haliging ulap ay lumutang sa ibabaw ng santuwario at, bumababa, binabalot ito. ‘At napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang tabernakulo.’ Nagkaroon ng paghahayag ng banal na kamahalan, at sa loob ng ilang sandali kahit si Moises ay hindi nakapasok. Sa taimtim na damdamin ang bayan ay nakita ang tanda na ang gawa ng kanilang mga kamay ay tinanggap. Walang malakas na pagpapahayag ng kagalakan. Isang taimtim na pagkatakot ang pumuno sa lahat. Subali’t ang kagalakan sa kanilang mga puso ay bumuhos sa mga luha ng kagalakan, at sila ay bumulong ng mahina, taimtim na mga salita ng pagpapasalamat na ang Diyos ay nagpakababa upang manatili sa kanila.”—Patriarchs and Prophets, pp. 349, 350.

“Sa itaas ng luklukan ng awa ay ang Shekinah, ang kapahayagan ng banal na Presensya; at mula sa pagitan ng mga kerubin, ipinaalam ng Diyos ang Kanyang kalooban. Ang mga banal na mensahe minsan ay ipinararating sa punong saserdote sa pamamagitan ng isang tinig mula sa ulap. Kung minsan ang isang liwanag ay makikita sa anghel sa kanan, upang magpahiwatig ng pagsang-ayon o pagtanggap, o ang isang anino o ulap ang makikita sa isa sa kaliwa upang ihayag ang hindi pagsang-ayon o pagtanggi.”—Ibid.

b. Ano ang nangyari nang maglaon, nang italaga ang templo? 2 Cronica 7:1.

“Isang kahanga-hangang santuwario ang ginawa, ayon sa huwaran na ipinakita kay Moises sa bundok, at pagkatapos ay ipinakita ng Panginoon kay David. Ang makalupang santuwario ay ginawang parang makalangit. Bilang karagdagan sa mga querubin sa ibabaw ng arka, gumawa si Solomon ng dalawa pang anghel na may mas malaking sukat, na nakatayo sa bawat dulo ng arka, na kumakatawan sa makalangit na mga anghel na laging nagbabantay sa kautusan ng Diyos. Napakahirap ilarawan ang kagandahan at karilagan ng tabernakulong ito. Doon, gaya ng sa tabernakulo, ang sagradong kaban ay dinadala sa solemne, napakagalang na pamamaraan, at iniayos sa lugar nito sa ilalim ng mga pakpak ng dalawang maringal na kerubin na nakatayo sa sahig.

“Ang sagradong koro ay nagkakaisa sa kanilang mga tinig, kasama ang lahat ng uri ng mga instrumentong pangmusika, sa papuri sa Diyos. At habang ang mga tinig na nagkakaayon, na may mga instrumento ng musika, ay umalingawngaw sa templo, at dinadala sa himpapawid sa Jerusalem, ang ulap ng kaluwalhatian ng Diyos ay sumasakop sa tahanan, gaya noong una na napupuno ang tabernakulo. At nangyari, kapag ang mga saserdote ay lumalabas sa banal na dako, ay napupuno ng ulap ang bahay ng Panginoon, na anopa't ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap, sapagka't ang kaluwalhatian ng Panginoon ang pumupuno sa bahay ng Panginoon'.”—Spiritual Gifts, vol. 4a, pp. 113, 114.


Miy erkules, Mayo 7

4. ANG LIWANAG NG EBANGHELYO

a. Anong mensahe ni Kristo sa Juan 8:12 ang nagbibigay sa atin ng napakalaking pag-asa?

“Hindi ang mga iskolar na theologians ang may pang-unawa sa katotohanang ito, at nakikibahagi sa pagpapahayag nito. Kung ang mga ito ay naging matapat na mga bantay, masigasig at may panalanging sinasaliksik ang mga Kasulatan, malalaman sana nila ang oras sa gabi; ang mga propesiya ay magbubukas sana sa kanila ng mga pangyayaring magaganap. Subali’t hindi nila pinaghahawakan ang posisyong ito, at ang mensahe ay ibinibigay ng mga taong mas mapagkumbaba. . . . Yaong mga tumatalikod sa liwanag na ibinigay ng Diyos, o nagpapabaya na saliksikin ito kapag ito ay abot-kamay nila, ay maiiwan sa kadiliman.” – The Great Controversy, p. 312.

“Ang Panginoon ay gumawa ng bawat probisyon upang magkaroon tayo ng mahalaga, sagana, at masayang karanasan. Si Juan ay nagsulat tungkol kay Kristo, na nagsasabi, ‘Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.’ Ang buhay ay nauugnay sa liwanag, at kung wala tayong liwanag mula sa Araw ng Katuwiran, tayo ay hindi magkakaroon ng buhay sa Kanya. Subali’t ang liwanag na ito ay ipinagkaloob para sa bawat kaluluwa, at kapag tayo ay humiwalay sa liwanag, ang kadiliman ay dumarating sa atin. Sinabi ni Jesus, ‘Ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay.’ Sa sanlibutang nasa paligid natin ay walang buhay kung walang liwanag. Kung ang araw ay aalisin ang kaniyang liwanag, ang lahat ng halaman, ang lahat ng buhay ng hayop, ay magkakaroon ng katapusan. Ito ay naglalarawan ng katotohanan na hindi tayo magkakaroon ng espirituwal na buhay maliban kung ilalagay natin ang ating sarili sa ilalim ng mga sinag ng Araw ng Katuwiran. Kung maglalagay tayo ng isang namumulaklak na halaman sa isang madilim na silid, ito ay malalanta at mamatay; at sa gayon tayo maaaring magkaroon ng espirituwal na buhay, at gayunpaman ay mawawala ito sa pamamagitan ng pamamalagi sa isang kapaligiran ng pagdududa at kalumbayan.” – Sons and Daughters of God, p. 281.

b. Anong katiyakan ang dumarating kapag tayo ay titingin kay Jesus? 2 Corinto 3:18.

“Kung paanong ang isang bulaklak ay bumabaling sa araw upang ang matingkad na sinag nito ay makatulong sa pagpapabuti ng kagandahan at simetriya nito, gayon din dapat ang mga tagasunod ni Kristo ay bumaling sa Araw ng Katuwiran, upang ang liwanag ng langit ay suminag sa kanila, upang pagbutihin ang kanilang mga pag-uugali, at bigyan sila ng malalim at nananatiling karanasan sa mga bagay ng Diyos. Ang mga biyayang lampas na sa ating kakayahang unawain na inihatid sa pamamagitan ni Kristo ay abot-kamay, kung ang atin lamang pagsisikap ay makikipagkaisa sa banal na biyaya.”—Ibid., p. 26.

“Sinuman ang may natatanging layunin na nagsisikap na gawin ang kalooban ng Diyos, na taimtim na nakikinig sa liwanag na ibinigay na, ay tatanggap ng higit pang liwanag; sa kaluluwang iyon ang ilang bituin ng may makalangit na ningning ay ipapadala upang gabayan siya sa lahat ng katotohanan.”—The Great Controversy, p. 312.


Hue , May 8

5. SUMISINAG SA ATING PUSO

a. Paano tayo mapapasigla ng nagbibigay-inspirasyong pagtukoy ni Pablo sa Liwanag ng sanglibutan? 2 Corinto 4:6.

“Hayaang ang maluwalhating mga konsepto ng Diyos ay sumakop sa inyong kaisipan. Hayaang ang inyong buhay ay mahabi sa pamamagitan ng mga hindi nakikitang pagkaka-ugnay sa buhay ni Jesus. Siya na nag-uutos sa liwanag na sumikat mula sa kadiliman ay handa rin na suminag sa inyong puso, upang magbigay ng liwanag ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Jesu-Cristo. Ang Banal na Espiritu ay dadalhin ang mga bagay ng Diyos at ipapakita ang mga ito sa inyo, na ihahatid ang mga ito bilang isang buhay na kapangyarihan sa masunuring puso. Aakayin ka ni Kristo sa hangganan ng Walang-hanggan. Maaari ninyong makita ang kaluwalhatian sa kabila ng tabing, at ihahayag sa mga tao ang kasapatan Niya na nabubuhay kailanman upang mamagitan para sa atin.”—Christ’s Object Lessons, p. 149.

“Ang paghahayag ng Kanyang sariling kaluwalhatian sa anyo ng sangkatauhan ay maglalapit ng langit sa mga tao na ang kagandahang nagpapalamuti sa looban ng templo ay makikita sa bawat kaluluwang pinananahanan ng Tagapagligtas. Ang mga tao ay mabibihag ng kaluwalhatian ng isang nananahang Kristo. At sa mga agos ng papuri at pagpapasalamat mula sa maraming mga kaluluwa na sa gayon naipagwagi sa Diyos, ang kaluwalhatian ay dadaloy pabalik sa dakilang Tagapagbigay.

“ ‘Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.’ Isaias 60:1. Sa mga lumalabas upang salubungin ang Kasintahang-Lalaki ay ibinigay ang mensaheng ito. Si Kristo ay darating na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. Siya ay darating na taglay ang Kanyang sariling kaluwalhatian at kasama ang kaluwalhatian ng Ama. Siya ay darating kasama ang lahat ng mga banal na anghel na kasama Niya. Habang ang buong sanlibutan ay nalulubog sa kadiliman, magkakaroon ng liwanag sa bawat tahanan ng mga banal. Makukuha nila ang unang liwanag ng Kanyang ikalawang pagpapakita. Ang walang dungis na liwanag ay sisinag mula sa Kanyang karilagan, at si Kristo na Manunubos ay hahangaan ng lahat ng naglilingkod sa Kanya. Habang ang masasama ay tatakas mula sa Kanyang harapan, ang mga tagasunod ni Kristo ay magagalak.”—Ibid., pp. 420, 421.


Biyernes , Mayo 9

PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL

1. Ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa Pagka-Diyos sa gawa ng paglalang?

2. Ilarawan kung paano ni Jesus ipinahayag ang Kanyang sarili sa Kanyang bayan sa ilang.

3. Paano ang liwanag ni Kristo sumisinag sa tabernakulo at sa templo?

4. Ilarawan kung paano ipinahayag ni Jesus ang Kanyang sarili sa pagtatalaga ng templo.

5. Paano ni Kristo ipinahahayag ang Kanyang sarili sa atin at sa pamamagitan natin?

 <<    >>