Back to top

Sabbath Bible Lessons

Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan (IKALAWANG BAHAGI)

 <<    >> 
  SABBATH, ABRIL 5, 2025

Handog sa Unang Sabbath

Para sa muling pagtatayo ng simbahan sa Prokhorovka, Russia

Ang Russia, ayon sa sukat, ay ang pinakamalaking bansa sa mundo, na sumasaklaw sa 6,612,073.2 milya kuwadrado (17,125,191 km2) na may populasyong 147,000,000. Ang mga tao mula sa higit sa 180 na nasyonalidad ay naninirahan sa malawak na teritoryong ito, at sa kanilang panahon, sila ay nag-aangkin ng iba’t-ibang paniniwala sa relihiyon. Ang pinakatanyag ay Russian Orthodox (41.1%), sinusundan ng iba pang mga pananampalatayang Kristiyano (6.3%), Islam (6.5%), Mga Neopagan at Tengrists (1.2%), Buddhism (1.2%), hindi nag-aangkin na mananampalataya (25.2%), Atheist (13%), na ang natitira ay hindi nag-aangkin ng anumang relihiyon.

Noong nagsimula ang SDARM, ang mensahe ng walang hanggang ebanghelyo ay sumulong dito sa ilalim ng napakahirap na kalagayan. Maraming mananampalataya ay kinailangang dumanas ng matinding pag-uusig—at ang ilang nagpatotoo para sa ipinako sa krus at nabuhay na mag-uling Tagapagligtas ay kapalit ang kanilang buhay.

Sa pagtatapos ng dekada ng 1990, isang manggagawa sa Bibliya kasama ang kaniyang asawa ang lumipat sa central region ng Russia para sa layunin ng pagsasagawa ng gawaing misyonero. Bilang resulta ng kanilang mga pagsisikap at panalangin, isang grupo ng mga mananampalataya ang nabuo. Ngunit wala silang lugar para sa mga pagpupulong at pagsamba. Sa wakas, noong 2006 nakakita sila ng isang maliit na bahay sa isang piraso ng lupa sa Prokhorovka, isang urban administrative center ng Prokhorovsky District ng Belgorod Oblast—isang agricultural area na nagtatanim ng mga butil, sugar beets, sunflower, at prutas sa kahabaan ng Psyol River sa timog-silangan ng lungsod ng Kursk, tahanan ng malawak na deposito ng mga bakal.

Malinaw nating nakita ang kamay ng Diyos na kumikilos nang mahimalang inalis Niya maraming hadlang at pinagpala ang pagbili ng bahay na ito. Ang gawain sa rehiyon na ito ay patuloy na lumalago, at hindi nagtagal bago ang bahay ay naging napakaliit upang umupo ang lahat ng mananamba ng Diyos. Ilang taon na ang nakalipas, kami ay nakatanggap ng permit mula sa mga awtoridad at nagsimulang magtayo ng bahay ng pagsamba. Ang mga kapatid ay nagbigay ng mga donasyon at nagsikap, ngunit upang tapusin ang proyektong ito kinakailangan namin ang saganang tulong ng mga tao sa buong mundo na nagmamahal sa Panginoon. Ang pagkayari ng proyektong ito ay magbibigay ng pagkakataon upang higit pang paunlarin ang gawain ng ebanghelyo sa mga karatig na rehiyon, bilang isang tanglaw ng liwanag sa pagpapalaganap ng huling mensahe ng kaligtasan. Nawa ang Panginoon ay pagpalain ang bawat isa na ang puso ay handang tumulong sa tagumpay ng pangkasalukuyang katotohanan sa rehiyong ito ng sanlibutan!

Ang inyong mga kapatid mula sa iglesia ng Prokhorovka at ng Russian Union

 <<    >>