Handog sa Unang Sabbath
Para sa World Missions
Ngayon, ang napapanahong mensahe ay umaalingawngaw:
“Ang espiritu ng pagiging-misyonero ay kinakailangang buhayin sa ating mga iglesia. Bawat mga kaanib ng Iglesia ay kinakailangang pag-aralan kung paano makakatulong sa pagsulong ng gawain ng Diyos, kapwa sa mga mission sa sariling bayan at sa ibang bansa. Bahagya lamang sa ikasanlibong bahagi ng gawain ang nagagawa na dapat gawin sa mga pang-misyonerong larangan. Ang Diyos ay nananawagan sa Kanyang mga manggagawa na magdagdag ng bagong lugar para sa Kanya. May mga masaganang bukid ng gawain ang naghihintay para sa matapat na manggagawa. At ang mga nangangasiwang anghel ay makikipagtulungan sa bawat kaanib ng iglesia na gagawa nang walang pag-iimbot para sa Panginoon.
“Ang iglesia ni Cristo sa lupa ay itinatag para sa mga pang-misyonerong layunin, at ninanais ng Panginoon na makita ang buong iglesia na gumagawa ng mga pamamaraan at mapagkukunan kung saan ang matataas at mababa, mayaman at mahirap, ay maaaring mapakinggan ang mensahe ng katotohanan. Hindi lahat ay tinawagan sa personal na paggawa sa mga banyagang lugar, ngunit lahat may magagawa sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin at ng kanilang mga kaloob upang matulungan ang ukol sa misyong gawain.
“Isang Amerikanong negosyante na masigasig na Kristiyano, sa pakikipag-usap sa isang kapwa mangagawa na nagsabi na siya mismo ang gumagawa para kay Kristo dalawampu't apat na oras ng buong araw. 'Sa lahat ng aking pakikipag-ugnayan sa hanap buhay,' sinabi niya, ‘Sinisikap kong ipakilala ang aking Panginoon. Kapag ako ay may pagkakataon, sinusubukan kong hikayatin ang iba sa Kanya. Buong araw ako ay gumagawa para kay Kristo. At sa gabi, habang ako ay natutulog, ako ay may isang tao na gumagawa para sa Kanya sa China.’
“Sa pagpapaliwanag ay idinagdag niya: ‘Sa aking kabataan ay nagpasiya akong maging misyonero sa mga pagano. Ngunit sa pagkamatay ng aking ama kinailangan kong kunin ang kanyang negosyo upang matustusan ang pamilya. Ngayon, sa halip na ako mismo ang gumagawa, sinusuportahan ko ang isang misyonero. Sa naturang bayan ng naturang probinsiya ng China, ang aking manggagawa ay naka-destino. At kaya, kahit na ako ay natutulog, sa pamamagitan ng aking kinatawan, ay gumagawa pa rin para kay Kristo.’ ”—Testimonies for the Church, vol. 6, p. 29, 30.
Ngayon higit kailanman ay ang panahon upang mamuhunan sa bangko ng Langit sa pamamagitan ng mga mission sa sanlibutan. Hindi ito magiging madali, at maaaring sa ibang pagkakataon ay huli na. Ang mga kaluluwa ay namamatay nang wala si Kristo at ang pang-kasalukuyang katotohanan, at ang Panginoon ay may ipinagkatiwala sa ating napakahalagang liwanag upang ipalaganap sa buong planeta.
Kami ay nagsusumamo na magbigay ng sagana, at nawa'y pagpalain kayo ng Panginoon at ang inyong kaloob. Salamat po!
Ang General Conference Sabbath School Department