Back to top

Sabbath Bible Lessons

Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan (IKALAWANG BAHAGI)

 <<    >> 
LEKSIYON 9 SABBATH, MAYO 31, 2025

Si Hesus at ang Taong Bulag

SAULUHING TALATA: “At sinabi ni Jesus, Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag” (Juan 9:39).

“Ang kasaysayan ni Job ay nagpapakita na ang paghihirap ay dulot ni Satanas, at pinahihintulutan ng Diyos para sa mga layunin ng awa.”—The Desire of Ages, p. 471.

Iminumungkahing Babasahin:   Testimonies for the Church, vol. 3, pp. 570–575

Linggo , Mayo 25

1. MALING PAG-UNAWA

a. Ano ang itinanong ng mga alagad kay Jesus nang makita nila ang lalaking ipinanganak na bulag? Juan 9:1, 2.

b. Anong maling ideya tungkol sa kahirapan ang pinanghahawakan kapuwa ng mga Judio at ng mga alagad, at paano si Satanas nakikinabang sa pamamagitan nito? Juan 9:34 (unang bahagi).

“Sa pangkalahatan ay pinaniniwalaan ng mga Hudyo na ang kasalanan ay pinarurusahan sa buhay na ito. Ang bawat kahirapan ay itinuturing na parusa sa ilang maling gawain, alinman sa nagdadanas mismo o ng kanyang mga magulang. Totoo na ang lahat ng paghihirap ay bunga ng paglabag sa kautusan ng Diyos, ngunit ang katotohanang ito ay nabaluktot. Si Satanas, ang may-akda ng kasalanan at ng lahat ng mga bunga nito, ay inaakay ang mga tao na tingnan ang sakit at kamatayan na nagmumula sa Diyos—bilang kaparusahan na hindi makatwiran na ibinibigay dahil sa kasalanan. Kung kaya't ang isa na nagdadanas ng matinding paghihirap o sakuna ay may karagdagang pasanin na itinuturing bilang isang lubos na makasalanan.

“Kaya ang daan ay inihanda para sa mga Hudyo na tanggihan si Jesus. Siya na ‘nagtiis ng ating mga kalumbayan, at ang ating mga kalungkutan’ ay tinitingnan ng mga Hudyo na ‘hinampas, sinaktan ng Diyos, at pinahihirapan;’ at itinatago nila ang kanilang mga mukha sa Kanya.” – The Desire of Ages, p. 471.


Lun , Mayo 26

2. PARA SA KALUWALHATIAN NG DIYOS

a. Anong sagot ni Jesus ang nagbigay-liwanag tungkol sa paghihirap at kasalanan? Juan 9:3–5.

“Ang paniniwala ng mga Hudyo tungkol sa kaugnayan ng kasalanan at paghihirap ay pinanghahawakan ng mga alagad ni Kristo. Habang itinutuwid ni Jesus ang kanilang pagkakamali, hindi Niya ipinaliwanag ang dahilan ng paghihirap ng tao, ngunit sinabi sa kanila kung ano ang magiging resulta. Dahil dito ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag. ‘Samantalang ako ay nasa sanglibutan,’ Sinabi Niya, ‘Ako ang ilaw ng sanlibutan.’ ”—The Desire of Ages, p. 471.

b. Ano ang ginawa ni Jesus hindi nagtagal pagkatapos noon, at paano ang taong bulang nakipagtulungan sa Kanya? Juan 9:6, 7.

“Pagkatapos na pinahiran niya ang mga mata ng taong bulag, sinugo niya siya upang maghugas sa tangke ng Siloe, at ang paningin ng tao ay nanumbalik. Kaya't sinagot ni Jesus ang tanong ng mga alagad sa praktikal na paraan, gaya ng karaniwan Niyang sinasagot ang mga tanong na ibinibigay sa Kanya dahil sa pagkamausisa. Ang mga alagad ay hindi tinawagan upang talakayin ang tanong kung sino ang nagkasala o hindi nagkasala, kundi upang maunawaan ang kapangyarihan at habag ng Diyos sa pagbibigay ng paningin sa bulag. Ito ay maliwanag na walang nakapagpapagaling na bisa sa putik, o sa tangke kung saan ang bulag ay pinapunta upang maghugas, kundi ang kapangyarihan ay na kay Kristo.”—Ibid.

c. Ilarawan ang iba't ibang reaksyon ng mga kapitbahay ng taong pinagaling—at isalaysay ang naganap na pag-uusap sa pagitan niya at ng kanyang mga kapitbahay. Juan 9:8–12.

“Ang mga kapitbahay ng binata, at ang mga nakakilala sa kanya noon sa kanyang pagkabulag, ay nagsabi, ‘Hindi baga ito ang nauupo at nagpapalimos?’ Sila ay tumingin sa kanya nang may pag-aalinlangan; sapagkat nang ang kanyang mga mata ay nadilat, ang kanyang mukha ay nagbago at lumiwanag, at siya ay napakitang tulad ng ibang tao. Mula sa isa't isa ay nagpatuloy ang pagtatanong. Sinabi ng mga iba, Siya nga: sinabi ng mga iba, Hindi, kundi nakakamukha niya’ Ngunit siya na tumanggap ng dakilang pagpapala ay nilutas ang tanong sa pagsasabing, ‘Ako nga.’ ”—Ibid., pp. 471, 472.


Mar , Mayo 27

3. ANG TANONG AY KUMALAT

a. Kanino dinala ng mga pinunong Judio ang taong ipinanganak na bulag—at bakit? Anong araw siya pinagaling? Juan 9:13, 14.

b. Ilarawan ang reaksyon ng mga Pariseo. Juan 9:15, 16.

“Ang mga Pariseo ay inaasahan na gawin si Jesus na nagkasala, at sa gayon ay hindi Siya ang Mesiyas. Hindi nila nalalaman na Siya ang gumawa ng Sabbath at nalalaman ang lahat ng tungkulin nito, na nagpagaling sa taong bulag. Sila ay nagpakita ng kahanga-hangang kasigasigan para sa pangingilin ng Sabbath, ngunit nagpaplano ng pagpatay sa mismong araw na iyon.”—The Desire of Ages, p. 472.

c. Sino ang tinawag ng mga Pariseo upang magpatotoo tungkol sa taong pinagaling? Juan 9:18, 19.

“[Ang mga Pariseo] ay tinawag ang kanyang mga magulang, at tinanong sila, na sinasabi, ‘Ito ba ang inyong anak, na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag?’

“Naroon ang tao mismo, na nagpapahayag na siya ay dating bulag, at ang kanyang paningin ay napagaling; ngunit ang mga Pariseo ay mas gugustuhin na tanggihan ang katibayan ng kanilang sariling mga pandama kaysa aminin na sila ay nagkamali. Napakalakas ng hindi matuwid na palagay, gayon din ng pagbaluktot ng katuwiran ng mga Pariseo.”—Ibid.

d. Paano tayo binabalaan laban sa malawak na naaabot ng kasamaan ng pagkakaroon ng isang palagay na opinyon? Kawikaan 18:13.

“Marami ang naglalagay ng sarili nilang pakahulugan ayon sa kanilang naririnig, na ginagawang ganap na naiiba ang kaisipan sa pinagsisikapang ipahayag ng tagapagsalita. Ang ilan, na nakikinig sa pamamagitan ng kanilang sariling mga hindi matuwid na palagay o opinyon, ay inuunawa ang bagay ayon sa kanilang naisin—na pinaka-angkop para makamit ang kanilang layunin.”—Testimonies for the Church, vol. 5, p. 695.


Miy , Mayo 28

4. HINARAP NG MAY PANANAKOT

a. Paano sinubukan ng mga Pariseo na takutin ang mga magulang ng taong ipinanganak na bulag—at paano sila tumugon? Juan 9:20, 21. Bakit sila sumagot na may pag-iwas? Juan 9:22, 23.

“Ang mga Pariseo ay may natitira pang isang pag-asa, at iyon ay ang takutin ang mga magulang ng lalaki. Nagkukunwaring may katapatan sila ay nagtanong, ‘Paano ngang nakakakita siya ngayon?’ Ang mga magulang ay natatakot na ikompromiso ang kanilang sarili; sapagkat ipinahayag na ang sinumang kumikilala kay Jesus bilang ang Kristo ay dapat na ‘paalisin sa sinagoga;’ ibig sabihin, dapat na pagbawalan sa sinagoga sa loob ng tatlumpung araw. Sa panahong ito, walang bata ang maaaring tuliin o patay na pananaghuyan sa tahanan ng nagkasala. Ang hatol ay itinuturing na isang malaking kasakunaan; at kung nabigo itong magbunga ng pagsisisi, mas mabigat na parusa ang susunod. Ang dakilang gawaing ginawa para sa kanilang anak ay nagdulot ng pananalig sa mga magulang, gayunpaman sila ay sumagot, ‘Nalalaman naming ito’y ang aming anak, at siya’y ipinanganak na bulag: Datapuwa't kung paanong siya'y nakakakita ngayon, ay hindi namin nalalaman; o kung sino ang nagpadilat ng kaniyang mga mata, ay hindi namin nalalaman: tanungin siya; siya'y may gulang na; siya'y magsasalita para sa sarili niya.’ Sa gayon ay inilipat nila ang lahat ng pananagutan mula sa kanilang sarili sa kanilang anak; sapagkat hindi sila naglakas-loob na ipahayag si Kristo.”—The Desire of Ages, pp. 472, 473.

b. Kapag ginigipit ng pananakot, ano ang dapat nating tandaan? Awit 118:6.

“Manindigan ng matatag, at huwag gagawa ng maling pagkilos upang maiwasang tawaging duwag. Huwag pahintulutan ang mga paghamak, walang pagbabanta, walang panunuya, na makapag-udyok sa inyo na labagin ang inyong budhi sa pinakamaliit na bagay.”—Fundamentals of Christian Education, p. 93.

“Ang tunay na katangiang Kristiyano ay dapat na kapansin-pansing may katatagan ng layunin, isang hindi matitinag na determinasyon, na hindi mahuhubog o mapapasuko ng lupa o impierno. Siya na hindi bulag sa pang-aakit ng mga makamundong karangalan, walang pakialam sa mga pagbabanta, at hindi natitinag ng mga pang-akit ay, lahat ng hindi inaasahan sa kanyang sarili, ay mapapabagsak ng mga pakana ni Satanas.”—Testimonies for the Church, vol. 4, pp. 543, 544.

“Tayo ay makakatanggap ng pinakamatinding pagsalungat mula sa mga Adventista na sumasalungat sa kautusan ng Diyos. Subali’t, tulad ng mga nagtayo ng mga kuta ng Jerusalem, tayo ay hindi dapat lumihis at mahadlangan sa ating gawain dahil sa mga ulat, ng mga mensaherong nagnanais ng talakayan o kontrobersya, o sa pamamagitan ng pananakot na pagbabanta, paglalathala ng mga kasinungalingan, o alinman sa mga pakana na maaaring udyok ni Satanas. .”—Ibid., vol. 3, p. 574


Hue , Mayo 29

5. ANG KASAYSAYAN AY NAUULIT

a. Ilarawan ang kaganapang haharapin ng bayang tumutupad sa kautusan ng Diyos—at kung paano tayo tutugon dito. Pahayag 12:17; Mga Gawa 4:18–20.

“Habang ang tunggalian ay umaabot sa mga bagong bukid at ang mga kaisipan ng mga tao ay tinatawagan sa hinamak na kautusan ng Diyos, si Satanas ay nababalisa. Ang kapangyarihang umaalalay sa mensahe ay magpapagalit lamang sa mga sumasalungat dito. Ang mga kaparian ay magsisikap na ilagay ang halos nakahihigit sa taong pagsisikap upang hadlangan ang liwanag upang hindi ito sumikat sa kanilang mga kawan. Sa lahat ng paraan sa kanilang kapangyarihan ay sisikapin nilang sugpuin ang pagtalakay sa mahahalagang puntong ito. Ang iglesia ay nagsusumamo sa malakas na bisig ng kapangyarihang sibil, at, sa gawaing ito, ang mga maka-papa at mga Protestante ay nagkakaisa. Habang ang paglikos para sa pagpapatupad ng Linggo ay nagiging mas agresibo at walang pag-aalinlangan, ang batas ay ipapataw laban sa mga tagasunod ng kautusan. Sila ay pagbabantaan ng mga multa at pagkakakulong, at ang ilan ay bibigyan ng may impluwensyang posisyon, at iba pang mga gantimpala at mga kalamangan, bilang mga panghihikayat upang talikuran ang kanilang pananampalataya. Subali’t ang kanilang matatag na sagot ay: ‘Ipakita mo sa amin mula sa salita ng Diyos ang aming kamalian’—ang parehong pagsamo na ginawa ni Luther sa ilalim ng katulad na mga kalagayan. Yaong mga nasasakdal sa harapan ng mga hukuman ay gumagawa ng matibay na pagpapatunay ng katotohanan, at ang ilan na makakarinig sa kanila ay maaakay na manindigan upang sundin ang lahat ng kautusan ng Diyos. Sa gayo'y ang Liwanag ay dadalhin sa harapan ng libu-libo na kung hindi man ay walang malalaman sa mga katotohanang ito.”—The Great Controversy, p. 607.

b. Sa pagharap sa pagtutol, ano ang dapat nating laging isasaisip? Juan 9:39; Mga Gawa 4:33; Mateo 10:28.

“[Ang mga apostol] ay hindi napipigilan o natatakot ng mga pagbabanta.”—The Acts of the Apostles, p. 48.


Biyernes , Mayo 30

PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL

1. Paano hinahatulan ng mga pinunong Judio ang maysakit at naghihirap?

2. Sino at ano ang tunay na nagpagaling sa bulag?

3. Bakit ang mga kapitbahay ng taong bulag ay naguguluhan?

4. Anong sitwasyon ang kinailangang harapin ng binata pagkatapos niyang gumaling?

5. Paano ako makakaiwas na mahulog sa patibong na sinapit ng kanyang mga magulang?

 <<    >>