Back to top

Sabbath Bible Lessons

Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan (IKALAWANG BAHAGI)

 <<    >> 
LEKSIYON 8 SABBATH, MAYO 24, 2025

Si Hesus at Si Abraham

SAULUHING TALATA: “Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa” (Juan 8:56).

“Si [Abraham] ay nag-alay ng pinakamataimtim na panalangin na bago ang kanyang kamatayan ay makita niya ang Mesiyas. At nakita niya si Kristo.”—The Desire of Ages, p. 468.

Mga Iminumungkahing Babasahin:   Christ’s Object Lessons, pp. 269–271, 330–332
  Early Writings, pp. 149–153

Linggo , Mayo 18

1. MGA ANAK NI ABRAHAM

a. Anong pag-aangkin ang patuloy na inuulit ng mga Pariseo? Juan 8:33, 39 (unang bahagi). Subali’t ano ang nagpapatunay ng gayong pagkaka-ugnay? Juan 8:39 (huling bahagi), 56; Roma 9:6–8.

“Ang mga Pariseo ay ipinahayag ang kanilang sarili na mga anak ni Abraham. Sinabi sa kanila ni Jesus na ang pag-aangkin na ito ay maitatatag lamang sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawa ni Abraham. Ang mga tunay na anak ni Abraham ay nabubuhay, gaya ng ginawa niya, isang buhay ng pagsunod sa Diyos. Hindi nila tatangkaing patayin ang Isa na nagpapahayag ng katotohanan na ibinigay sa Kanya mula sa Diyos. Sa pagbabalak ng masama laban kay Kristo, ang mga rabbi ay hindi gumagawa ng mga gawa ni Abraham. Ang pagiging mula sa lahi lamang ni Abraham ay walang halaga. Kung walang espirituwal na kaugnayan sa kanya, na makikita sa pagkakaroon ng parehong espiritu, at paggawa ng parehong mga gawain, sila ay hindi kanyang mga anak.

“Ang prinsipyong ito ay may katumbas na bigat sa isang punto na matagal nang gumugulo sa mundo ng Kristiyano—ang punto ng apostolikong pagkakasunod-sunod (apostolic succession). Ang mula sa angkan ni Abraham ay napapatunayan, hindi sa pamamagitan ng pangalan at angkan, kundi sa pagkakahawig ng katangian. Kaya ang apostolikong pagkakasunod sunod ay nakasalalay hindi sa paglilipat ng kapamahalaan ng Iglesia (ecclesiastical authority), kundi sa espirituwal na relasyon. Isang buhay na pinakikilos ng espiritu ng mga apostol, ang pananampalataya at aral ng katotohanan na kanilang itinuturo, ito ang tunay na katibayan ng apostolikong pagkakasunod-sunod. Ito ang bumubuo sa mga tao bilang mga kapalit ng mga unang guro ng ebanghelyo.”—The Desire of Ages, pp. 466, 467.


Lun es, May 19

2. HINDI ANG KUNG ANO ANG KANILANG IPINAGMAMALAKI

a. Bagaman ang mga Hudyo ay likas na mga lahi ni Abraham, nagiging kanino silang mga anak sa katunayan nang tinanggihan nila si Kristo? Juan 8:41–44.

“Si Jesus ay itinanggi na ang mga Hudyo ay mga anak ni Abraham. Sinabi niya, ‘Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama.’ Sa panunuya ay sumagot sila, ‘Hindi kami inianak sa pakikiapid; mayroon kaming isang Ama, ang Diyos.’ Ang mga salitang ito, bilang pagtukoy sa mga pangyayari sa Kanyang kapanganakan, ay nilayon bilang isang pag-insulto laban kay Kristo sa harapan ng mga nagsisimulang manampalataya sa Kanya. Hindi pinansin ni Jesus ang maling pahiwatig, ngunit sinabi, ‘Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin Ako: sapagka't Ako'y nagmula at nanggaling sa Dios."

Ang kanilang mga gawa ay nagpatotoo ng kanilang kaugnayan sa kanya na isang sinungaling at isang mamamatay-tao. ‘Kayo’y sa inyong amang diablo,’ sabi ni Jesus, ‘at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. . . . Dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan.’ Juan 8:44, 45 , R.V. Ang katunayan na ipinapahayag ni Jesus ang katotohanan, at iyon ay may katiyakan, ay ang dahilan kung bakit hindi Siya tinanggap ng mga pinunong Judio. Ang katotohanan ang nakakasakit sa mga taong matuwid sa sarili. Ang katotohanan ang nagbunyag ng maling pakahulugan ng kamalian; hinatulan nito ang kanilang aral at kinaugalian, at hindi ito tinatanggap. Mas gugustuhin pa nilang ipikit ang kanilang mga mata sa katotohanan kaysa magpakumbaba upang aminin na sila ay nagkamali. Hindi nila inibig ang katotohanan. Hindi nila ito ninais, kahit na ito ay katotohanan.”—The Desire of Ages, p. 467.

b. Ano ang gumagawa sa atin na maging mga anak ni Abraham—at paano ipinakita ng mga pinunong Judio na hindi sila tunay na mga anak ni Abraham? Galacia 3:6–9; Juan 8:40.

“ ‘Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama.’ Ang espiritu ng pagkaalipin ay nabuo sa pamamagitan ng pagsisikap na mamuhay alinsunod sa legal na relihiyon, sa pamamagitan ng pagsisikap na tuparin ang mga hinihingi ng kautusan sa ating sariling kalakasan. May pag-asa lamang para sa atin kapag tayo ay nasa ilalim ng tipan ni Abraham, na siyang tipan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Hesus. Ang ebanghelyo na ipinangaral kay Abraham, na kung saan siya ay nagkaroon ng pag-asa, ay ang parehong ebanghelyo na ipinangaral sa atin ngayon, kung saan tayo ay may pag-asa. Si Abraham ay tumingin kay Jesus, na siya ring May-akda at Tagapagtapos ng ating pananampalataya.”—The Youth’s Instructor, Setyembre 22, 1892.


Mar , Mayo 20

3. ANG MGA KATANGIAN NI CRISTO

a. Anong tanong ang hindi nasagot ng mga kaaway ni Jesus patungkol sa Kanyang walang dungis na katangian? Juan 8:46 (unang bahagi).

“Sa Kanyang buhay sa lupa, si Cristo ay nagkaroon ng sakdal na pag-uugali, Siya ay nagbigay ng ganap na pagsunod sa mga kautusan ng Kanyang Ama. Sa pagparito sa sanlibutan sa anyo ng tao, sa pagpapasakop sa kautusan, sa paghahayag sa mga tao na tiniis Niya ang kanilang karamdaman, ang kanilang kalungkutan, ang kanilang pagkakasala, Siya ay hindi naging makasalanan. Sa harapan ng mga Pariseo ay nasabi Niya, ‘Sino sa inyo ang makasusumbat sa Akin tungkol sa kasalanan?’ Wala ni isang bahid ng kasalanan ang nasumpungan sa Kanya. Siya ay nakatayo sa harapan ng sanlibutan ang walang dungis na Kordero ng Diyos.”—Sons and Daughters of God, p. 25.

“Si Jesus ay isinakabuhayan ang kautusan sa paningin ng langit, sa paningin ng mga hindi nahulog na sanlibutan, at sa paningin ng makasalanang mga tao. Sa harapan ng mga anghel, mga tao, at mga diablo, Siya ay nagpahayag, na walang tumututol, ng mga salita na kung mula sa alinmang mga labi ay magiging kalapastanganan: ‘ginagawa Kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod.’ ” — The Desire of Ages, pp. 467, 468.

b. Bukod sa sinabi ni Jesus bilang Anak ng tao, ano ang ipinahahayag ng Kasulatan tungkol sa katangian ni Kristo? Hebreo 4:15; 1 Pedro 1:18, 19.

“Ang pananampalataya ng mga tao kay Cristo bilang Mesiyas ay hindi nakabatay sa mga katibayan ng paningin, at sila ay nanampalataya sa Kanya hindi lamang dahil sa Kanyang personal na mga katangian, kundi dahil sa kagalingan ng katangian na matatagpuan sa Kanya, na hindi kailanman matatagpuan, ni hindi rin maaari, sa iba.”—The SDA Bible Commentary [E. G. White Comments], vol. 7, p. 904.

c. Paano tayo maaantig ng buhay ni Jesus? Filipos 2:6–8.

“Hindi ba't ang ating Halimbawa ay tumahak sa isang napakahirap, mapagtanggi sa sarili, mapagsakripisyo sa sarili, at mapagpakumbabang landas para sa ating kapakanan upang tayo ay mailigtas? Siya ay nagdanas ng mga paghihirap, nagtiis ng kahihiyan, at nagdanas dalamhati at paghihirap sa Kanyang gawain ng pagliligtas sa atin. At tayo ba ay tatangging sumunod kung saan pinangungunahan ng Hari ng kaluwalhatian ang daan? Tayo ba ay magrereklamo pa ng kahirapan at pagsubok sa gawain ng pagtagumpay para sa ating sariling kapakanan, kapag isinasaalang-alang natin ang mga paghihirap ng ating Manunubos?”—Testimonies for the Church, vol. 3, p. 371.


Miy , Mayo 21

4. ANG KATANGIAN NG MGA TAGASUNOD NI CRISTO

a. Ano ang layunin ng lahat ng tunay na tagasunod ni Kristo? 1 Pedro 1:13–16.

“Ang ating gawain ay ang pagsikapang matamo sa saklaw ng ating pagkilos ang kasakdalang natamo ni Kristo sa Kanyang buhay sa lupa sa bawat punto ng pag-uugali.”—That I May Know Him, p. 130.

b. Paano natin maaaring maabot ang layuning ito? Mga Hebreo 12:1–4; Galacia 5:6 (huling bahagi); Mga Taga Filipos 3:12–15; 4:13.

“Paano natin maaaring maabot ang kasakdalan na tinukoy ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo—ang ating Dakilang Guro? Matutugunan ba natin ang Kanyang kahilingan at makamit ang napakataas na pamantayan? Kaya natin, kung hindi, hindi tayo uutusan ni Kristo na gawin iyon. Siya ang ating katuwiran. Sa Kanyang pagiging tao Siya ay nauna sa atin at ginawa para sa atin ang kasakdalan ng pag-uugali. Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya sa Kanya na gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig at nagpapadalisay sa kaluluwa. Ang pagpapakasakdal ng pag-uugali ay nakabatay sa kung ano si Kristo sa atin. Kung tayo ay patuloy na umaasa sa mga merito ng ating Tagapagligtas, at lalakad sa Kanyang mga bakas, tayo ay magiging katulad Niya, dalisay at walang dungis.”—Ibid.

c. Paano tayo totoong magiging dalisay at walang kapintasan sa harapan ng Diyos? Roma 5:18–20; Mga Hebreo 10:14.

“Si Kristo ay walang pinapatawad kundi ang nagsisisi, ngunit kung sino ang Kanyang pinatatawad ay pinagsisisi muna Niya”—Selected Messages, bk. 1, pp. 393, 394.

“Ang makasalanan ay kinakailangang patuloy na tumingin sa Kalbaryo; at tulad sa simpleng pananampalataya ng isang maliit na bata, dapat siyang manatili sa mga merito ni Kristo, tinatanggap ang Kanyang katuwiran at nananampalataya sa Kanyang awa. . . .

“Anong uri ng pag-ibig ito—nakakamangha, hindi masayod na pag-ibig—na umakay kay Kristo na mamatay para sa atin nang tayo ay makasalanan pa! Anong kalugihan ito sa kaluluwa na nakakaunawa ng matibay na pag-aangkin ng kautusan, at hindi nauunawaan ang biyaya ni Kristo na lubhang sumasagana!”—Ibid., p. 384.


Hue , Mayo 22

5. ANG ATING PAG-UUGALI AY NAGIGING KATULAD NG KANIYA

a. Paano natin gagawing tiyak ang pagkatawag at pagkahirang sa atin? 2 Pedro 1:4–11; Pahayag 19:8.

“Ang Diyos ay hinihiling ngayon ang hinihingi Niya kay Adan, ganap na pagsunod, katuwirang walang kapintasan, walang pagkukulang sa Kanyang paningin. Ang Diyos ay tutulungan tayo na ibigay sa Kanya ang lahat ng hinihingi ng Kanyang kautusan. Hindi natin ito magagawa kung wala ang pananampalatayang iyon na naghahatid ng katuwiran ni Kristo sa pang-araw-araw na pagsasagawa.” Selected Messages, bk. 2, p. 381.

“Hangga't si Satanas ang naghahari, tayo ay may sarili na dapat supilin, nagpapahirap na mga kasalanan na dapat mapanagumpayan; habang nabubuhay, walang lugar para tumigil, walang puntong maaabot natin at masasabing, ganap ko nang natamo. Ang pagpapakabanal ay bunga ng habambuhay na pagsunod.”— The Acts of the Apostles, pp. 560, 561.

“Dapat nating maunawaan na sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya ay pribilehiyo natin na maging kabahagi ng kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita. Pagkatapos tayo ay nalilinis mula sa lahat ng kasalanan, lahat ng mga depekto ng pag-uugali. Hindi tayo dapat magpanatili ng isang napakasamang hilig. . . .

“Habang nakikibahagi tayo sa kabanalang mula sa Dios, ang minana at nililinang na mga hilig sa pagkakamali ay naaalis sa pag-uugali, at tayo ay ginagawang buhay na kapangyarihan para sa kabutihan. Patuloy na natututo sa banal na Guro, araw-araw na nakikibahagi sa Kanyang likas, tayo ay nakikipagtulungan sa Diyos sa pagdaig sa mga tukso ni Satanas. Ang Dios ay gumagawa, at ang tao gumagawa, upang ang tao ay maging kaisa ni Kristo gaya ni Kristo na kaisa ng Diyos. . . .

“Ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng kapangyarihang magtagumpay. Yaong mga nakikinig sa Kanyang tinig at sumusunod sa Kanyang mga utos ay may kakayahang bumuo ng matuwid na mga pag-uugali.”—The SDA Bible Commentary [E. G. White Comments], vol. 7, p. 943.


Biyernes , Mayo 23

PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL

1. Bakit ang mga Pariseo ay hindi maaangkin ang buhay na walang hanggan batay sa kanilang lahi ng dugo—ni sino man sa ngayon na nagtitiwala sa ninuno o DNA bilang katibayan ng kaligtasan?

2. Ipaliwanag ang mga katangian ng mga tunay na anak ni Abraham.

3. Tungkol sa Kanyang katangian, ano ang naipahayag ni Jesus?

4. Anong layunin ang itinakda sa harapan ng bawat Kristiyano?

5. Paano tayo masusumpungang sakdal at walang kapintasan sa harapan ng Diyos?

 <<    >>