Linggo
, Hun 22
1. SI JESUS SA BETANIA
a. Nang marinig na si Jesus ay pupunta sa Betania, ano ang ginawa ni Marta at anong pananalig ang ipinahayag niya? Juan 11:20–22.
“Kabilang sa mga nagdadalamhating kaibigan ay mga kamag-anak ng pamilya, ang ilan sa kanila ay may mataas na posisyon ng responsibilidad sa Jerusalem. Kabilang sa mga ito ang ilan sa pinakamapait na mga kaaway ni Kristo. Alam ni Kristo ang kanilang mga layunin, at kaya hindi Niya kaagad ipinakilala ang Kanyang sarili. Ang mensahe ay ibinigay kay Marta nang tahimik na hindi narinig ng iba sa silid. . . .
“Si Marta ay nagmadali upang salubungin si Jesus, ang kanyang puso ay nabalisa sa magkakasalungat na damdamin. Sa Kanyang masiglang mukha ay nabasa niya ang parehong giliw at pag-ibig na laging nariyan. Ang kanyang pagtitiwala sa Kanya ay hindi nasira, ngunit naiisip niya ang kanyang pinakamamahal na kapatid, na iniibig din ni Jesus. Sa kalungkutang bumabalot sa kanyang puso dahil hindi pa dumating si Kristo noon, subali’t may pag-asa na kahit ngayon ay gagawa Siya ng isang bagay upang aliwin sila, sinabi niya, 'Panginoon, kung narito ka, ang aking kapatid ay hindi sana namatay.' Paulit–ulit, sa gitna ng kaguluhang ginawa ng mga nagdadalamhati, inuulit ng magkapatid ang mga salitang ito.
“Na may makatao at banal na habag, si Jesus ay tumingin sa kanyang malungkot, nahahapis na mukha. Si Marta ay walang hilig na isalaysay ang nakaraan; ang lahat ay ipinahayag sa pamamagitan ng nakakahabag na mga salita, 'Panginoon, kung Ikaw sana ay narito, ang aking kapatid ay hindi namatay.' Subali’t sa pagtitig sa mukhang kalugod-lugod na iyon, idinagdag niya, 'Alam ko, na kahit ngayon, anuman ang hingin Mo sa Dios, ang Dios ay ibibigay ito sa Iyo.' ”—The Desire of Ages, pp. 529, 530.
Lun
, Hun 23
2. ANG SUKDULANG PANGAKO NG PAG-ASA
a. Ano ang tiniyak ni Jesus kay Marta? Juan 11:23. Ano ang naunawaan niya dito? Juan 11:24.
“Si Jesus ay pinasigla ang kanyang pananampalataya, na sinasabi, ‘Ang iyong kapatid ay muling babangon.’ Ang Kanyang sagot ay hindi nilayon upang magbigay ng pag-asa ng agarang pagbabago. Dinala niya ang mga iniisip ni Marta sa kabila ng kasalukuyang pagpapanumbalik ng kanyang kapatid, at itinakda ang mga ito sa muling pagkabuhay ng mga matuwid. Ginawa Niya ito upang makita niya sa muling pagkabuhay ni Lazaro ang isang pangako ng muling pagkabuhay ng lahat ng matuwid na patay, at isang katiyakan na ito ay magaganap sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Tagapagligtas.
“Si Marta ay sumagot, ‘Nalalaman ko na siya ay babangon muli sa muling pagkabuhay sa huling araw.’ ”—The Desire of Ages, p. 530.
b. Sa anong mga salita tinanggap ni Jesus ang pananalig ni Marta? Juan 11:25; 1 Juan 5:12.
“Sa paghahangad pa ring magbigay ng tunay na direksyon sa kanyang pananampalataya, ipinahayag ni Jesus, ‘Ako ang pagkabuhay na mag-uli, at ang buhay.’ Kay Kristo ay ang buhay, nagmula, hindi hiniram, hindi nagmula sa iba. ‘Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay.’ 1 Juan 5:12. Ang pagka-Diyos ni Kristo ay ang katiyakan ng mananampalataya ng buhay na walang hanggan.”—Ibid.
c. Anong pangako ang saligan ng ating pag-asa sa kabila ng libingan, at paano nauugnay ang pananalig ni Marta sa himala ni Kristo? Juan 5:26; 11:26, 27.
“Si Kristo dito ay hihintay ang panahon ng Kanyang ikalawang pagparito. Kung magkagayo'y ang mga matuwid na patay ay ibabangon na walang kasiraan, at ang mga matuwid na buhay ay malilipat sa langit nang hindi nakakakita ng kamatayan. Ang himala na gagawin ni Kristo, sa pagbangon kay Lazaro mula sa mga patay, ay kumakatawan sa muling pagkabuhay ng lahat ng matuwid na patay. Sa pamamagitan ng Kanyang salita at Kanyang mga gawa ay ipinahahayag Niya ang Kanyang sarili na May-akda ng muling pagkabuhay. Siya na Siya mismo na malapit nang mamatay sa krus ay nakatayo na hawak ang mga susi ng kamatayan, isang mananagumpay sa libingan, at ipapahayag ang Kanyang karapatan at kapangyarihan na magbigay ng buhay na walang hanggan.”—Ibid.
Mar
, Hun 24
3. SI HESUS AY TUMANGIS
a. Ilarawan ang mga kilos at pananalita ng nagdadalamhating si Maria. Juan 11:28–32.
b. Nang makita ni Jesus si Maria at ang ilang Judio na tumatangis, ano ang ginawa ni Jesus—at bakit? Juan 11:33–35.
“ ‘Nang makita nga ni Jesus na siya ay tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan.’ Nabasa Niya ang mga puso ng lahat ng nagkakatipon. Nakita Niya na sa marami, ang nangyayari na bilang isang pagpapakita ng kalungkutan ay pagkukunwari lamang. Alam niya na ang ilan sa karamihan, na ngayon ay nagpapakita ng mapagpa-imbabaw na kalungkutan, ay matagal nang nagpaplano ng kamatayan, hindi lamang sa makapangyarihang manggagawa ng himala, kundi ng isa na bubuhayin mula sa mga patay. Si Kristo ay maaaring hubarin mula sa kanila ang kanilang kasuotan ng nagkukunwaring kalungkutan. Ngunit pinigilan Niya ang Kanyang matuwid na pagkagalit. Ang mga salitang maaari Niyang bigkasin sa lahat ng katotohanan, ay hindi Niya binigkas, dahil sa mahal sa buhay na nakaluhod sa Kanyang paanan sa kalungkutan, na tunay na nananampalataya sa Kanya.
“ ‘Saan ninyo siya inilagay?’ Siya ay nagtanong, ‘Sinabi nila sa Kanya, Panginoon, halika at tingnan mo.’ Magkakasama silang nagtungo sa libingan. Ito ay isang malungkot na kaganapan. Si Lazaro ay lubos na iniibig, at ang kanyang mga kapatid na babae ay tumangis para sa kanya nang may nadudurog na puso, habang ang mga naging kaibigan niya ay nakikisama sa kanilang mga paguha sa mga naulilang kapatid na babae. Dahil sa paghihirap na ito ng tao, at sa katotohanang ang mga naghihirap na kaibigan ay maaaring magdalamhati sa patay habang ang Tagapagligtas ng sanglibutan ay nakatayo—'Si Jesus ay tumangis.' Bagaman Siya ay Anak ng Dios, nguni’t kinuha Niya ang likas ng tao sa Kanya at Siya ay naantig ng kalungkutan ng tao. Ang kanyang magiliw, maawaing puso ay laging maagap sa pagdamay sa pamamagitan ng pagtitiis. Siya ay tumatangis na kasama niyaong mga tumatangis, at nagagalak kasama niyaong nagagalak.”—The Desire of Ages, p. 533.
c. Paano ang sandaling ito sa buhay ni Jesus magiging halimbawa sa atin? Roma 12:15.
“Ang kahanga-hangang halimbawa ni Cristo, ang walang kapantay na pagkamahabagin kung saan Siya ay pumapasok sa damdamin ng iba, tumatangis kasama ng mga tumatangis, na nagagalak kasama ng mga nagalak, ay dapat magkaroon ng malalim na impluwensya sa pag-uugali ng lahat na sumusunod sa Kanya nang may katapatan. Sa pamamagitan ng magiliw na salita at kilos ay sisikapin nilang gawing maginhawa ang landas para sa napapagod na mga paa.”—The Ministry of Healing, pp. 157, 158.
Miy
, Hun 25
4. PAKIKIPAGTULUNGAN SA PAGITAN NG DIYOS AT SANGKATAUHAN
a. Anong utos ang ibinigay ni Jesus sa mga nakapaligid sa Kanya? Juan 11:39 (unang bahagi). Paano ang naging reaksiyon ni Marta at ano ang sinabi ni Jesus sa kanya? Juan 11:39 (huling bahagi).
“Kapag ang Panginoon ay gagawa ng isang gawain, si Satanas ay kumikilos sa isang tao upang tumutol. ‘Alisin ninyo ang bato,’ sabi ni Kristo. Hangga't maaari, ihanda ang daan para sa Aking gawain. Ngunit iginiit ng positibo at agresibong likas ni Marta ang sarili nito. Ayaw niyang makita ang naaagnas na katawan. Ang puso ng tao ay mabagal sa pag-unawa sa mga salita ni Kristo, at ang pananampalataya ni Marta ay hindi naunawaan ang tunay na kahulugan ng Kanyang pangako.
“Si Kristo ay sinaway si Marta, ngunit ang Kanyang mga salita ay binigkas nang may sukdulang kahinahunan. ‘Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios?’ Bakit ka mag-alinlangan tungkol sa Aking kapangyarihan? Bakit nangangatuwiran sa pagsalungat sa Aking mga kahilingan? Nasa iyo ang Aking salita. Kung ikaw ay mananampalataya, makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang mga likas na hadlang ay hindi maaaring makapigil sa gawain ng Isang Makapangyarihan sa lahat. Ang pag-aalinlangan at kawalan ng pananampalataya ay hindi pagpapakumbaba. Ang lubos na pananampalataya sa salita ni Kristo ang tunay na pagpapakumbaba, tunay na pagsuko ng sarili.
“‘Alisin ninyo ang bato.’ Maaaring utusan ni Cristo ang bato na umalis, at ito ay susunod sa Kanyang tinig. Maaari Niyang utusan ang mga anghel na malapit sa Kanyang tabi na gawin ito. Sa Kanyang pag-uutos, ang mga hindi nakikitang kamay ay maaaring alisin ang bato. Ngunit dapat itong alisin ng mga kamay ng tao. Sa gayon ipinapakita ni Kristo na ang sangkatauhan ay dapat makipagtulungan sa Dios. Kung ano man ang kayang gawin ng kapangyarihan ng tao ay hindi na kinakailangang gawin ng kapangyarihan ng Dios. Ang Diyos ay hindi binabalewala ang pagtulong sa tao. Pinalalakas Niya siya, nakikipagtulungan sa kanya habang ginagamit niya ang mga kapangyarihan at kakayahan na ibinigay sa kanya.”—The Desire of Ages, p. 535.
b. Anong mga salita ni Kristo ang marahang sumasaway sa ating kawalan ng pananampalataya ngayon? Juan 11:40.
“Marami ang walang buhay na pananampalataya. Ito ang dahilan kung bakit hindi nila nakikita ang higit na kapangyarihan ng Diyos. Ang kanilang kahinaan ay bunga ng kanilang kawalan ng pananampalataya. . . . Sila ay nagpaplano at nag-iisip, ngunit nagdarasal ng kakaunti, at kakaunti ang tunay na pagtitiwala sa Diyos. Iniisip nila na mayroon silang pananampalataya, ngunit ito ay panandaliang simbuyo lamang. Dahil hindi nila nauunawaan ang kanilang sariling pangangailangan, o ang pagnanais ng Diyos na magbigay, hindi sila nagtitiyaga sa pagpapahayag ng kanilang mga kahilingan sa harapan ng Panginoon.”—Christ’s Object Lessons, pp. 145, 146.
Hue
, Hun 26
5. SI JESUS AY BINUHAY SI LAZARO
a. Ano ang ipinanalangin ni Jesus sa tabi ng libingan? Juan 11:41, 42.
“Ang utos ay sinunod. Ang bato ay inalis. Ang lahat ay ginagawa nang hayagan at kusa. Ang lahat ay binibigyan ng pagkakataon na makitang walang panlilinlang na ginagawa. Naroon nakahiga ang katawan ni Lazaro sa mabatong libingan nito, malamig at tahimik sa pagkamatay. Ang mga pagtangis ng mga nagdadalamhati ay tumahimik. Namamangha at naghihintay, ang karamihan ay nakatayo sa paligid ng libingan, naghihintay na makita kung ano ang susunod. . . .
“Dito ay inaangkin ni Kristo ang Diyos bilang Kanyang Ama, at may buong katapangang ipinahayag na Siya ang Anak ng Diyos.”—The Desire of Ages, pp. 535, 536.
b. Sa anong mga salita muling binuhay ni Jesus si Lazaro? Juan 11:43. Ano kaagad ang nangyari? Juan 11:44.
“Ang tinig [ni Kristo], na malinaw at nauunawan, ay tumagos sa tainga ng patay. Habang Siya ay nagsasalita, ang pagka-Diyos ay suminag sa sangkatauhan. Sa Kanyang mukha, na nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos, ang mga tao ay nakikita ang katiyakan ng Kanyang kapangyarihan. Ang bawat mata ay nakatutok sa bukana ng yungib. Bawat tainga ay nakahilig upang mapakinggan ang pinaka-mahinang kaluskos. Ang lahat ay naghihintay na may matindi at malungkot na pagnanais para sa pagsubok sa pagka-Diyos ni Kristo, ang katibayan na magpapatunay sa Kanyang pag-aangkin na Anak ng Diyos, o mapapawi ang pag-asa magpakailanman.
“May pagkilos sa tahimik na libingan, at siya na namatay ay nakatayo na sa pintuan ng libingan. . . . Ang tao ay dapat gumawa para sa sangkatauhan. Si Lazaro ay pinalaya, at nakatayo sa harapan ng karamihan, hindi katulad ng isang nanghihina dahil sa sakit, na may mahina, nanginginig na mga binti, kundi gaya ng isang tao sa pinakamabuting buhay, at sa sigla ng isang napakagandang pagkalalaki. Ang kanyang mga mata ay kumikislap ng may katalinuhan at pag-ibig sa kanyang Tagapagligtas. Iniyukod ang kanyang sarili sa pagsamba sa paanan ni Jesus.”—Ibid., p. 536.
Biyernes
, Hun 27
PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL
1. Ilarawan ang pagtitiwala na taglay ng mga kapatid na babae ni Lazaro kay Jesus.
2. Ano ang ipinangako ni Jesus kay Marta, kay Maria, at sa lahat ng mananampalataya?
3. Bakit tumangis si Jesus?
4. Paano ang sangkatauhan nakipagtulungan sa Dios sa himalang ito?
5. Ilarawan ang mga pagkilos ni Lazaro sa pagtawag ni Jesus.