Linggo
, Abr 20
1. ANG INTERES NG MGA TAO KAY HESUS
a. Nang marinig at makitang si Jesus ay hayagang nangangaral, ano ang itinanong ng ilang Judio? Juan 7:25, 26.
“Marami sa mga tagapakinig ni Kristo na naninirahan sa Jerusalem, at hindi lingid sa kanila ang mga pakana ng mga pinuno laban sa Kanya, ay nadama ng kanilang sarili na naaakit sa Kanya ng isang hindi mapaglabanang kapangyarihan. Ang pananalig ay gumigiit sa kanila na Siya ang Anak ng Diyos.”—The Desire of Ages, p. 457.
b. Paano si Satanas kumilos sa mga pinuno upang magdulot ng pagdududa? Juan 7:27.
“Si Satanas ay handa nang magmungkahi ng pagdududa; at para dito ang daan ay inihanda na ng sarili nilang mga maling ideya tungkol sa Mesiyas at sa Kanyang pagdating. Karaniwang pinaniniwalaan na si Kristo ay ipanganganak sa Bethlehem, ngunit pagkaraan ng ilang panahon Siya ay mawawala at sa Kanyang ikalawang pagpapakita ay walang makakaalam kung saan Siya nanggaling. Hindi kakaunti ang naniniwala na ang Mesiyas ay walang likas na kaugnayan sa sangkatauhan. At dahil ang tanyag na konsepto ng kaluwalhatian ng Mesiyas ay hindi natugunan ni Jesus ng Nazareth, marami ang nakinig sa mungkahi, ‘Gayon man ay nakikilala namin ang taong ito kung taga saan siya: datapuwa't pagparito ng Cristo, sinoma'y walang makakaalam kung taga saan siya.' —Ibid.
Lun
, Abr 21
2. ANG MGA MASAMANG PLANO AY NAPIGILAN
a. Nang mabasa ang kaisipan ng Kanyang nag-aalinlangang mga tagapakinig, ano ang sinabi ni Jesus sa kanila? Juan 7:28.
“Habang sila ay nag-aalinlangan sa pagitan ng pagdududa at pananampalataya, itinaas ni Jesus ang kanilang mga iniisip at sinagot sila: ‘Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin ay tunay, na hindi ninyo nakikilala.' Ipinapahayag nila ang kaalaman kung ano dapat ang magiging pinagmulan ni Cristo, ngunit sila ay lubos na walang nalalaman tungkol dito. Kung sila ay namuhay ayon sa kalooban ng Diyos, nakilala sana nila ang Kanyang Anak nang Siya ay nahayag sa kanila.”—The Desire of Ages, p. 457.
b. Dahil kulang ang mga argumento upang pabulaanan si Jesus, sa paanong paraan ang mga pinunong Judio sinubukang patahimikin Siya? Juan 7:30 (unang bahagi). Sa katotohanan, bakit hindi nila Siya magawang hulihin? Juan 7:30 (huling bahagi).
“Ang mga nakikinig ay walang magawa kundi unawain ang mga salita ni Cristo. Maliwanag na ang mga ito ay pag-uulit ng pag-aangkin na Kanyang ginawa sa harapan ng Sanhedrin ng nagdaang mga buwan, nang Kanyang ipahayag ang Kanyang sarili na Anak ng Diyos. Habang ang mga pinuno ay sinubukang isagawa ang Kanyang kamatayan, kaya ngayon ay sinisikap nilang hulihin Siya; ngunit sila ay nahadlangan ng hindi-nakikitang kapangyarihan, na naglagay ng hangganan sa kanilang poot, na nagsasabi sa kanila, Hanggang diyan ka na lamang, at hindi na lalampas pa.”—Ibid.
c. Paano ipinahayag ng marami ang kanilang pananampalataya kay Jesus—at ano ang planong gawin ng mga pinuno kapag nakita nila ang simpatya ng mga tao sa Kanya? Juan 7:31, 32.
“Ang mga pinuno ng mga Pariseo, na nababalisa na nagmamatyag sa takbo ng mga pangyayari, ay nakakuha ng mga pagpapahayag ng simpatya sa karamihan. Nagmamadaling pumunta sa mga punong saserdote, inilatag nila ang kanilang mga plano na hulihin Siya. Isinaayos nila, na sa anomang paraan, na kunin Siya kapag Siya ay nag-iisa; sapagkat hindi sila nangahas na hulihin Siya sa harapan ng mga tao.”—Ibid., pp. 457, 458.
Mar
, Abr 22
3. ANG PAANYAYA
a. Sa huling araw ng kapistahan, anong magandang paglalarawan ang ginamit ni Jesus upang magbigay ng kaaliwan sa mga kaluluwang napapagod sa kasalanan? Juan 7:37, 38.
“Ang puso na tumatanggap ng salita ng Diyos ay hindi tulad ng isang lawa na natutuyo, hindi tulad ng sirang balon na nawawala ang kayamanan. Ito ay tulad ng batis ng bundok, na tinutustusan ng mga bukal na walang humpay, na ang malamig, makinang na tubig ay tumatalon sa mga bato, na nagpapaginhawa sa napapagod, nauuhaw, at nabibigatan. Ito ay tulad ng isang ilog na patuloy na umaagos at, habang ito ay nagpapatuloy, ay nagiging mas malalim at mas lumalawak, hanggang sa ang nagbibigay-buhay na tubig nito ay kumalat sa buong lupa. Ang batis na umaawit habang umaagos ay nag-iiwan ng kaloob nito ng mayayabong na luntiang halaman at pagiging mabunga. Ang mga damo sa mga pampang nito ay mas sariwang berde, ang mga punongkahoy ay mas malago ang mga dahon, ang mga bulaklak ay mas masagana. Kapag ang kalupaan ay hubad at nagkukulay brown sa ilalim ng nakapapasong init ng tag-araw, ay makikita ang hanay ng mga malalagong halaman sa tabi ng ilog na umaagos.
“Gayundin ang tunay na anak ng Diyos. Ang relihiyon ni Kristo ay nagpapakita mismo bilang isang nagbibigay-buhay, lumalaganap na prinsipyo, isang buhay, gumagawa, espirituwal na kalakasan. Kapag ang puso ay bukas sa makalangit na impluwensya ng katotohanan at pag-ibig, ang mga prinsipyong ito ay aagos muli tulad ng mga batis sa disyerto, na magiging sanhi ng pagiging mabunga kung saan sa kasalukuyan ay tigang at natutuyot.”—Prophets and Kings, pp. 233, 234.
“‘Kung ang sinoman ay nauuhaw’ sa mapayapang pag-asa, para sa pagpapalaya mula sa napakasamang mga hilig, si Kristo ay nagsasabi, ‘pumarito siya sa akin, at uminom.’ Juan 7:37.”—The Ministry of Healing, p. 179.
b. Paano ang paanyayang ito higit na mauunawaan? Juan 7:39.
“Si Kristo ay ipinahayag ang mga prinsipyo ng katotohanan sa ebanghelyo. Sa Kanyang aral ay maaari tayong uminom sa malinis na batis na umaagos mula sa trono ng Diyos.”—Testimonies for the Church, vol. 8, p. 309.
“Ang kinakailangan natin ay isang buhay na relihiyon. Isang tao na may malawak na pag-unawa sa tungkulin, na ang kaluluwa ay nakikipagkaisa sa Diyos at puno ng kasigasigan para kay Kristo, magsisikap ng isang mabisang impluwensya para sa kabutihan. Siya ay umiinom sa hindi mababa, malabo, maruming batis, kundi mula sa malinis, mataas na tubig sa ugat ng bukal; at makakapagbigay siya ng bagong espiritu at kapangyarihan sa iglesia. Habang ang kagipitan mula sa labas ay dumarami, nais ng Diyos na pasiglahin ang Kanyang iglesia sa pamamagitan ng sagrado, solemneng mga katotohanang na kanilang pinananampalatayanan. Ang Banal na Espiritu mula sa langit, na kumikilos kasama ang mga anak na lalaki at babae ng Diyos, ay malalampasan ang mga hadlang at mananatili sa mataas na lugar laban sa kaaway. Ang Diyos ay may mga dakilang tagumpay na nakalaan para sa Kanyang bayang umiibig sa katotohanan, tumutupad ng kautusan.”—Ibid., vol. 5, p. 581.
Miy
, Abr 23
4. MGA SALITANG WALANG KATULAD
a. Bilang resulta ng pagtukoy ni Kristo sa tubig ng buhay, ano ang napagpasiyahan ng marami—at bakit? Juan 7:40 (ihambing ang Deuteronomio 18:15).
b. Bagaman ang ilan ay napasigla ng pag-asa ng gayong inaasahan, ano ang naging tugon ng iba? Juan 7:41–44.
c. Anong utos ang natanggap ng mga opisyal mula sa kanilang mga pinuno? Juan 7:45. Bakit hindi nila magawang hulihin si Jesus? Juan 7:46.
“Sa huling araw ng kapistahan, ang mga opisyal na sinugo ng mga saserdote at mga pinuno upang hulihin si Jesus, ay bumalik nang wala Siya. Sila ay nagagalit na nagtanong, ‘Bakit hindi ninyo Siya dinala?’ Sumagot sila nang may taimtim na mukha, ‘Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon.’
“Matigas ng gayon ang kanilang mga puso, sila ay natunaw ng Kanyang mga salita. Habang Siya ay nagsasalita sa looban ng templo, sila ay nanatili nang malapit, upang makahuli ng isang bagay na maaaring maibalik laban sa Kanya. Ngunit habang sila ay nakikinig, ang layunin kung bakit sila ipinadala ay nakalimutan. Sila ay nakatayo habang ang mga tao ay pumapasok. Ipinahayag ni Kristo ang Kanyang sarili sa kanilang mga kaluluwa. Nakita nila ang hindi nakikita ng mga saserdote at mga pinuno—ang kaluwalhatian ng pagka-Diyos ay umapaw sa sangkatauhan.”—The Desire of Ages, p. 459.
“[Si Kristo] ay ginamit ang mga bagay ng kalikasan na pamilyar sa kanila, upang ilarawan ang banal na katotohanan. Ang lupa ng puso sa gayon ay inihanda upang tumanggap ng mabuting binhi. Ipinadama Niya sa Kanyang mga tagapakinig na ang Kanyang mga pagnanais ay nauugnay sa kanila, na ang Kanyang puso ay pumipintig sa pagdamay sa kanila sa kanilang mga kagalakan at dalamhati. Kasabay nito ay nakita nila sa Kanya ang pagpapakita ng kapangyarihan at kahusayan na lalong higit pa sa taglay ng kanilang pinaka-pinararangalan na mga rabbi. Ang mga aral ni Kristo ay kapansin-pansin ng pagiging simple, may dignidad, at kapangyarihan na hindi nila nalaman noon pa man, at ang kanilang hindi sinasadyang pagbubulalas ay: ‘Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon.’ Ang mga tao ay nakinig sa Kanya nang may kagalakan; ngunit ang mga saserdote at mga pinuno—sa kanilang mga sarili na nagsinungaling sa ipinagkatiwala sa kanila bilang mga tagapangalaga ng katotohanan—ay kinasusuklaman si Kristo dahil sa mismong biyayang ipinahayag, na umaakay sa mga tao palayo sa kanila upang sundin ang Liwanag ng buhay. Sa pamamagitan ng kanilang impluwensya ang bansang Judio, na nabigong makilala ang Kanyang banal na katangian, ay tinanggihan ang Manunubos.”—Testimonies for the Church, vol. 5, p. 747.
Hue
, Abr 24
5. ANG MATAPAT NA NAGHAHANAP NA NAGBAGO
a. Paano sinaway ng mga punong saserdote at mga Pariseo ang mga punong kawal? Juan 7:47–49.
b. Isalaysay ang sumunod na pakikipag-usap kay Nicodemus—na inihayag ang kanyang paglago mula noong gabing pakikipag-usap niya kay Cristo sa Juan kabanata 3. Juan 7:50–52.
“[Si Nicodemus] ay itinago ang katotohanan sa kanyang puso, at sa loob ng tatlong taon ay nagkaroon ng maliwanag na bunga. Ngunit habang si Nicodemus ay hindi hayagang kumikilala kay Kristo, sa pagpupulong ng Sanhedrin ay paulit-ulit niyang hinahadlangan ang mga pakana ng mga pari na ipahamak Siya.”—The Acts of the Apostles, p. 104.
“Ang aral na ibinigay ni Kristo kay Nicodemus [sa kanyang pagdalaw sa gabi sa Juan kabanata 3] ay hindi nawalan ng kabuluhan. Ang pananalig ay nananatili sa kanyang isipan, at sa kanyang puso ay tinanggap niya si Jesus. Mula sa kanyang pakikipag-usap sa Tagapagligtas, siya ay masigasig na nagsaliksik sa mga Kasulatan ng Lumang Tipan, at nakita niya ang katotohanan sa tunay na kahulugan ng ebanghelyo.
“Ang kanyang tanong ay matalino, at maaaring sang-ayunan ng mga namumuno sa pagpupulong kung hindi sila nalinlang ng kaaway. Subali’t napuno sila ng hindi matuwid na palagay kung kaya’t walang anumang argumentong pabor kay Jesus ng Nazareth, gaano man nakakakumbinsi, ang may anumang bigat sa kanila. Ang sagot na natanggap ni Nicodemo ay, ‘Ikaw baga’y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta.’
“Ang mga saserdote at mga pinuno ay nalinlang, gaya ng nais mangyari ni Satanas sa kanila, sa paniniwalang si Kristo ay nagmula sa Galilea. Ang ilan na nakaaalam na Siya ay isinilang sa Bethlehem, ay nanahimik, upang ang kasinungalingan ay hindi maagawan ng kapangyarihan nito.” — The SDA Bible Commentary [E. G. White Comments], vol. 5, p. 1136.
Biyernes
, Abr 25
PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL
1. Bakit naakit ni Jesus ang atensyon at respeto ng mga tao?
2. Paano ang mga pinunong Judio nagpumilit sa pagsisikap na pigilan si Jesus?
3. Anong pampublikong panawagan ang ginawa ni Jesus sa huling araw ng kapistahan?
4. Ipaliwanag ang malaking pagtatalo na naganap bilang resulta.
5. Isinasaalang-alang ang mga taong kilala ko, ano ang dapat kong alalahanin tungkol kay Nicodemus?