Linggo
, Abr 27
1. ISANG BITAG PARA KAY HESUS
a. Habang si Jesus ay nagtuturo sa templo, ano ang ginawa ng mga eskriba at mga Pariseo? Juan 8:2–3.
“ [Si Kristo] hindi nagtagal ay nagambala. Isang grupo ng mga Pariseo at mga eskriba ang lumapit sa Kanya, na kinaladkad kasama nila ang isang babaeng natatakot, na may malulupit, agresibong tinig ay inakusahan nilang nilabag ang ikapitong utos.”—The Desire of Ages, p. 460.
b. Nagpapakita ng matinding paggalang sa kautusan, anong tanong a ibinigay ng mga Pariseo kay Kristo—at ano ang kanilang tunay na layunin? Juan 8:4–6 (unang bahagi).
“Ang kanilang nagkukunwaring paggalang ay tinatakpan ang isang malalim na masamang balak para sa Kanyang kapahamakan. Sinamantala nila ang pagkakataong ito upang matiyak ang Kanyang paghatol, na iniisip na anuman ang Kanyang gagawing desisyon, ay makakahanap sila ng pagkakataon para akusahan Siya. Kung Kanyang ipapawalang-sala ang babae, maaaring isakdal Siya ng pagwawalang halaga sa batas ni Moises. Kung ipapahayag Niya na siya ay karapat-dapat sa kamatayan, maaari Siyang akusahan ng mga Romano na kumukuha ng kapamahalaan na tanging sa kanila lamang.”—Ibid., pp. 460, 461.
Lun
, Abr 28
2. ANG TUNAY NA LARAWAN AY INIHAYAG
a. Paano si Jesus tumugon sa kasinungalingan ng mga Pariseo? Juan 8:6 (huling bahagi).
“Si Jesus ay sandaling tumingin sa mga kaganapan—ang nanginginig na biktima sa kanyang kahihiyan, ang mga may matitigas na mukha na mga matataas na pinuno, ay wala kahit na awa ng tao. Ang Kanyang espiritung walang bahid sa kadalisayan ay nanghina mula sa kaganapan. Nalalaman Niya ng lubos kung ano ang layunin ng kasong ito na dinala sa Kanya. Nababasa Niya ang puso, at nalalaman Niya ang pagkatao at kasaysayan ng buhay ng bawat isa na nasa Kanyang presensya. Ang mga ito na mga tagapangalaga sana ng katarungan ay sila mismo ang umakay sa kanilang biktima sa kasalanan, upang sila ay makapaglagay ng isang bitag para kay Jesus. Hindi nagbibigay ng palatandaan na narinig Niya ang kanilang tanong, Siya ay yumuko, at itinuon ang Kanyang mga mata sa lupa, at nagsimulang magsulat sa lupa.” – The Desire of Ages, p. 461.
b. Paano ipinakita ni Jesus na ang mga nag-aakusa mismo ay hindi walang kasalanan—at ano ang kanilang ginawa kasunod? Juan 8:7–9.
“Ang mga nagsasakdal ay nasansala. Ngayon, ang kanilang kasuotan ng nagkukunwaring kabanalan ay nahapak mula sa kanila, sila ay nakatayong, napahiya at nahatulan, sa harapan ng Walang-hanggang Kadalisayan. Sila ay nanginig na baka ang nakatagong kasamaan ng kanilang mga buhay ay mabuksan sa karamihan; at isa-isa, na nakayuko ang mga ulo at malungkot ang mga mata, sila ay nagsialis, iniwan ang kanilang biktima kasama ang mahabaging Tagapagligtas.”—Ibid.
c. Sa pangkalahatan, ano ang dapat nating lahat matutunan mula sa mga salita ni Jesus sa mga nag-aakusa? Lucas 6:42.
“May mga taong ang kanilang pagnanais ay hindi pa napapanahon na baguhin ang mga bagay na sa kanilang tingin ay tila mali. Iniisip nila na dapat silang mapili para pumalit sa mga nakakagawa ng pagkakamali. Hindi nila pinahahalagahan ang ginagawa ng mga manggagawang ito habang ang iba ay nakatingin at bumabatikos. Sa pamamagitan ng kanilang mga pagkilos ay sinasabi nila: ‘Ako ay maaaring gumawa ng mga magagandang bagay. Kaya kong maisulong ang gawain ng matagumpay.’ Sa mga nag-iisip na alam na alam nila kung paano maiwasan ang mga pagkakamali, ako ay naatasang sabihin: ‘Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan.’ Mateo 7:1. Maaari ninyong maiwasan ang mga pagkakamali sa ilang mga punto, ngunit sa iba pang mga bagay ay may panganib kayong gumawa ng mga malubhang pagkakamali, na magiging napakahirap na lunasan at maaaring magdulot ng kaguluhan sa gawain. Ang mga pagkakamaling ito ay maaaring gumawa ng higit na pinsala kaysa sa ginagawa ng inyong mga kapatid.”—Testimonies for the Church, vol. 7, p. 279.
Mar
, Abr 29
3. ISANG HINDI INAASAHANG PAGKILOS
a. Ano ang itinanong ni Jesus sa babae pagkatapos na umalis ng mga nag-aakusa sa kanya—at paano ang Kanyang pamamaraan ng paghawak sa sitwasyon nakaapekto sa kanyang buhay? Juan 8:10, 11.
“Ang babae na nakatayo sa harapan ni Jesus, ay nanliliit sa pagkatakot. Sa Kanyang mga salitang, ‘Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya,’ ay dumating sa kanya bilang hatol ng kamatayan. Siya ay hindi nangahas na iangat ang kanyang mga mata sa mukha ng Tagapagligtas, ngunit tahimik na naghihintay sa kanyang kaparusahan. Sa pagkamangha nakita niya ang mga nagsasakdal sa kanya na umaalis na walang imik at nalilito; pagkatapos ang mga salitang iyon ng may pag-asa ay umabot sa kanyang tainga, ‘Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo'y huwag ka nang magkasala.' Ang kanyang puso ay lumambot, at, inilagay ang kanyang sarili sa paanan ni Jesus, siya ay tumangis sa kanyang lubos na nagpapasalamat na pag-ibig at ipinagtapat ang kanyang mga kasalanan na may matinding pagtangis.
“Ito ang simula ng isang bagong buhay para sa kanya, isang buhay na may kadalisayan at kapayapaan, na nakatuon sa Diyos. Sa paghango sa nahulog na kaluluwang ito, si Jesus ay gumawa ng isang mas dakilang himala kaysa sa pagpapagaling ng pinakamalubhang pangpisikal na karamdaman; Pinagaling niya ang pang-espirituwal na sakit na magiging sanhi ng walang hanggang kamatayan. Ang nagsisising babaeng ito ay naging isa sa Kanyang pinakamatatag na tagasunod. Na may pag-ibig na may pagtitis sa sarili at pagtatalaga ay ipinakita niya ang kanyang pagpapasasalamat sa Kanyang mapagpatawad na habag. Para sa nagkasalang babaeng ito, ang sanglibutan ay mayroon lamang paghamak at pangungutya, ngunit ang Isang Hindi nagkasala ay naawa sa kanyang kahinaan at inaabot sa kanya ang umaalalay na kamay. Habang tinutuligsa ng mga mapagpaimbabaw na mga Pariseo, sinabihan siya ni Jesus, ‘Humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo'y huwag ka nang magkasala’ ”—The Ministry of Healing, p. 89.
“Sa Kanyang ginawang pagpapatawad sa babaeng ito at paghikayat sa kanya na mamuhay ng mas mabuting buhay, ang katangian ni Jesus ay suminag sa kagandahan ng sakdal na katuwiran. Bagama't hindi Niya binalewala ang kasalanan, o pinagaan ang pagkadama ng pagkakasala, hindi Niya sinikap na maghatol, kundi magligtas. Ang sanglibutan para sa babaeng ito na nagkasala ay may tanging paghamak at pangungutya lamang; ngunit si Jesus ay nagpahayag ng mga salita ng kaaliwan at pag-asa.”—The Desire of Ages, p. 462.
b. Ilarawan ang epekto ng nagliligtas na biyaya ni Kristo. Lucas 7:37–40, 47, 48.
“Si Jesus ay nalalaman ang mga kalagayan ng bawat kaluluwa. Kung gaano kalaki ang kasalanan ng nagkasala, mas higit ang panganagilangan niya ang Tagapagligtas. Ang Kanyang puso ng may banal na pag-ibig at pagdamay ay nagagamit nang higit sa lahat para sa mga lubos na pinakawalang pag-asa na napupuluputan sa mga bitag ng kaaway. Sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo ay nilagdaan Niya ang mga papeles ng pagpapalaya ng sangkatauhan.”—The Ministry of Healing, pp. 89, 90
Miy
, Abr 30
4. KAALIWANG IKINALAT SA IBANG MGA BANSA
a. Ano ang dapat maging katangian ng ating pag-uugali, lalo na kung may kaugnayan sa iba—at paano lamang ito magiging posible? 2 Corinto 1:3–5.
“Ang mga pangyayari ay walang gaanong kinalaman sa mga karanasan ng kaluluwa. Ang espiritung tinataglay ang nagbibigay kulay sa lahat ng ating mga pagkilos. Ang taong may kapayapaan sa Diyos at sa kanyang kapwa ay hindi maaaring maging miserable. Ang inggit ay wala sa kanyang puso; ang masasamang akala ay hindi makakahanap ng puwang doon; ang poot ay hindi iiral. Ang pusong kaayon ng Diyos ay nalalampasan ang mga paghihirap at pagsubok sa buhay na ito.”—Testimonies for the Church, vol. 5, p. 488.
“Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ay natamo ni Jesus ang ministeryo ng kaaliwan. Sa lahat ng kadalamhatian ng sangkatauhan Siya ay nagdadalamhati; at ‘Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.’ Isaias 63:9; Hebreo 2:18. Sa ministeryong ito ang bawat kaluluwa na nakikilahok sa pakikisama sa Kanyang mga pagdurusa ay may pribilehiyong makibahagi.”—Thoughts From the Mount of Blessing, p. 13.
b. Ilarawan ang naiibang pag-asa at pribilehiyong mayroon tayo sa pagsunod sa mga bakas ni Kristo. 2 Corinto 1:6, 7.
“Kung hindi ninyo nadarama na karangalan ang maging kabahagi sa mga paghihirap ni Cristo; kung hindi ninyo nararamdaman ang pasanin ng kaluluwa para sa mga handa ng mamatay; kung hindi ninyo nais magsakripisyo upang makapag-ipon ng salapi para sa gawaing dapat magawa, walang puwang para sa inyo sa kaharian ng Diyos. Kinakailangan nating maging kabahagi ni Kristo sa Kanyang mga paghihirap at pagtanggi sa sarili sa bawat paghakbang.”—Testimonies for the Church, vol. 9, pp. 103, 104.
c. Ilarawan ang katangiang pinaka-kinakailangan sa mga mananampalataya ng mensahe ng tatlong anghel. 1 Corinto 13:13, 4–8.
“Ang mga katangiang pinaka-kinakailangan na dapat pahalagahan ng bayang tumutupad sa utos ng Diyos—ay pagtitiis at pagpapahinuhod, kapayapaan at pag-ibig. Kapag ang pag-ibig ay nagkukulang, ang hindi na maibabalik na kapinsalaan ay mangyayari.”—Ibid., vol. 6, p. 398.
Hue
, Mayo 1
5. MAGILIW NA PAGPAPANUMBALIK
a. Paano ang mga tunay na mananampalataya kumikilos kung ang isang Kristiyano ay nahuhulog sa kasalanan—na hindi katulad sa kung ano ang madalas na ginagawa ng mga may hindi matapat na pusong mananampalataya? Galacia 6:1–3; Roma 15:1–3.
“Tandaan na ang gawain ng pagpapanumbalik ay dapat na ating pasanin. Ang gawaing ito ay hindi dapat gawin sa isang mapagmataas, mapanghimasok, mapanlinlang na pamamaraan. Huwag ninyong sabihin, sa inyong pamamaraan, ‘Mayroon akong karapatan, at gagamitin ko ito,’ at sasabihin ang mga paratang sa nagkasala. Gawin ang pagpapanumbalik ‘sa espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.' Ang gawaing itinakda sa atin na dapat magawa para sa ating mga kapatid ay hindi ang itakwil sila, hindi sila itulak sa kawalan ng pag-asa o panghihina ng kalooban sa pagsasabing: 'Binigo mo ako, at hindi na kita matutulungan pa.' Siya na ipinapahayag ang kanyang sarili na puspos ng karunungan at kalakasan, at nagpapahirap sa isa na napipighati at nababagabag at nagnanais ng tulong, ay nagpapahayag ng espiritu ng Pariseo, at binabalot ang kanyang sarili ng kasuotan ng sariling-gawang dignidad. Sa kanyang espiritu ay nagpapasalamat siya sa Diyos na hindi siya tulad ng ibang mga tao, at inaakala na ang kanyang pamamaraan ay kapuri-puri at siya ay napakalakas upang matukso. Sapagka't ‘kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.’ Verse 3.”—Testimonies for the Church, vol. 6, pp. 398, 399.
“Hindi tagasunod ni Kristo ang, mga may umiiwas na tingin, tinatalikuran ang nagkakamali, na iniiwan silang hindi pinipigilan upang ituloy ang kanilang pabulusok na landas. Yaong mga nagpapatuloy sa pag-aakusa sa iba, at masigasig sa pagdadala sa kanila sa kawastuhan, ay kadalasan sa kanilang sariling buhay ay higit na nagkakasala kaysa sa kanila. Ang mga tao ay kinamumuhian ang nagkakasala, habang iniibig nila ang kasalanan. Si Kristo ay kinamumuhian ang kasalanan, ngunit iniibig ang nagkasala. Ito ang dapat espiritu ng lahat ng sumusunod sa Kanya. Ang Kristiyanong pag-ibig ay mabagal sa pagtuligsa, mabilis na kumikilala ng pagsisisi, handang magpatawad, magpalakas ng kalooban, upang itakda ang manlalakbay sa landas ng kabanalan, at ipanatili ang kanyang mga paa roon.” – The Desire of Ages, p. 462.
Biyernes
, Mayo 2
PERSONAL NA MGA KATANUNGAN SA PAGBABALIK-ARAL
1. Ipaliwanag ang bitag na inihanda ng mga eskriba at Pariseo para kay Jesus.
2. Paano ipinakita ng mapagpaimbabaw na mga Judio ang mapagkunwaring paggalang sa kautusan?
3. Ano ang napilitang aminin ng mga Judiong nag-aakusa tungkol sa kanilang sarili?
4. Ilarawan ang pag-asa na ipinagkaloob sa nagkasalang babae na pinagmalupitan.
5. Paano ako lalo pang magiging katulad ni Jesus kapag nakikitungo sa mga nagkakasalang kaluluwa?